MBC_5 DETALYE~

Met by Chance~

Taas na buhok na may isang dosenang gel. 

Tatlong butones na tanggal.Masilaw ka sa dibdib ko! ☑

Sneakers ☑ 

Limang bubble gum. 

Lukot na uniform, para intense. ☑ 

Walang laman na bag.Konti lang. ☑

At makapal na eyeliner. ☑

Tapos na.Pupunta na ako sa school.

''Anak ba talaga kita?'' tanong ng mama ng ko pagkalabas ko sa kwarto namin.Nginuya ko yung extrang bubble gum na nakastock sa hilahan ng kabinet sa loob.

''Nagtaka ka pa?'' hudyat ko at inayos ang sakbit ng bag.Lalakad na sana ako palabas ng hinila niya yung uniporme ko.

''Wala kang galang kahit kailan! At ba't nagdadagdag ka pa ng eyeliner diyan sa mata mo.Mukha kang nakadroga!'' Hanu raw?

Hinarap ko si mama at umirap.''Mas maganda pa mag eye-liner kesa yung glitters na nakatago sa kabinet.'' simpleng sabi ko pero kinurot niya ako sa tagiliran! Peste ang sakit! 

''So kung walang eye-liner don! Balak mong maglagay ng glitters palibot sa mata mo? Paano kung mabulag ka?!'' 

''Wala akong sinasabi ma! Pero sinabi mo pa.Dapat yun na lang nilagay ko para hindi ko na makita si papa.Pero ayoko namang hindi ko kayo masilayan.'' alam ko na nagdadrama na ako ngayon pero dapat hindi na lang niya pinansin yung ayos ko? Sino ba may kasalanan bakit naging ganto ako?! Diba sa papa naman! 

Nag-iba yung ukit ng mukha niya.''Hanggang ngayon ba ayaw mo paring tanggapin ang katotohanan.Halos tatlong buwan na siyang nandito.At halos tatlong buwan na rin simula nung nagbago ka.'' Napayuko ako.Ayoko ng mahabang usapan.''Paano ko matatanggap ang mga bagay na hindi nagkakaroon ng kaliwanagan sa puso ko.Hindi naman sa ayaw kong tanggapin.Talagang magiging mahirap kung umasa ako...Sa lahat ng pagkakataon.Ma, hindi naman siya permanenteng nandito diba? May babalikan siya..at hindi tayo yun.Ayokong umasa sa isang bagay na maglalaho rin lamang sa huli.'' kitang kita ko kung paano tumulo ang luha ni mama.Tama naman ako diba? Niyakap ko siya at napansin kong nakatayo si papa ilang dipa mula sakin.Iniwasan ko siya at itinuon ang atensyon kay mama.

''Pero ma.Kung gusto mong maging masaya sa natitirang araw dito ni papa.Okay lang yun, wag niyo na lang akong pansinin dahil kaya ko ang sarili ko.'' bulong ko sa kanya at dumako ang tingin kay papa ngunit wala na siya roon.

---

''Aga-aga maga yang mata mo.'' Lahat na lang talaga napapansin.

''Wag ka nga hyukjae! Gumaya ka dun kay ryeowook may lovelife! Kagat lang yan ng ipis.''

''Ayoko nga! Ayoko maghanap ng wirdo no! Kagat ng ipis? Tae kase! Dapat maglinis ka rin ng bahay niyo! Hindi puro ka asa!''

''Ang sabi ko love life! Hindi naman kailangang maghanap ka rin ng wirdo! Kabobo mong nilalang! Oo nga! Ayaw mong maniwala!''

''Wala akong oras diyan.'' biglang bumaba tono niya.Hmm may problema kaya to? 

''Puro ka kasi jakol!'' sabi ko na lamang para mag-iba ang ihip ng sitwasyon.Napailing siya habang nakangiti.

''Sabi nga nila.Masarap daw.'' Tae! Kabastusan nito!

''Ulol!''

--

Lumipas ang mga oras at uwian na.Kinapa ko yung bulsa ko at aba may bente pa ako.Kaswerte kong nilalang.Mag-rent kaya ulit ako sa com shop? Pati ayoko pang umuwi.Titingnan ko rin yung site ng mga nerds.Wala lang gusto ko lang.

Naglakad ako papunta kila kuya bogs at aba hindi si kuya bogs ang nandito. 

''Bago ka dito?'' tanong ko ng iniabot ko yung bayad.

''Hindi.Pamangkin ako ni kuya bogs.'' sabi nung babae nakapuyod.Okay.Yun lang naman gusto kong tanungin eh.Dumiretso na ako sa sa bakante at sinumulang mag-aliw.Binuksan ko muna yung facebook ko at yung account ko sa site ng mga nerds.

''Bakit sabi nila..ang pangit ko daw.'' gandang pambungad nito ah.Itong si hyukjae talaga.

''Alam mo ba may sasabihin ako sayo.Ako may problema sa utak.Si ryeowook may problema sa puso.Ba't ikaw sa mukha?'' oo diniin ko pa talaga.Masarap badtiripin si hyukjae eh.

''Himala.Nag-online ka! Sugudin kita diyan eh.Pinamukha mo pa sakin.''

Napatawa ako sa kinauupuan ko at nilagay ko yung headphones sa tenga ko.

''Syempre.Mabubulok ang account ko no! Pero sabi nga nila.Kahit wala kang itsura.Sa huli may magmamahal din sa'yo.Kaya cheer up.''

''Ikaw ang mag-cheer up.Ayusin mo buhay mo sa pagitan niyo ng papa mo.''

''Kailangan imention pa yun?''

''Oo, kasi sinabihan mo akong panget :3.''

Napaka big deal na sa kanya yun? Di naman talaga siya panget talagang marami lang buhok sa katawan.Inilagay ko na lamang atensyon ko dun sa site ng mga nerds at tiningnan kung may mga latest post.Nakalimutan ko rin palang mag thank you sa kanila.

''Kailangan ko pong ipadispatya itong lalaki na ito.Kahit mahal ko siya.Wala akong pake.Dapat parehas kaming magkasama kahit patay na..'' at may nakalagay na imahe.Paano naman madadampot ng mga nerds yun sa pamamagitan lamang nang isang picture?! - lovely581 (posted 2 days ago.) sa mga old post ko muna sinimulan.

At hanu raw? Kailangan magkasama kahit patay na? Ibig sabihin? PATAY NA YUNG NAGPOST?! Nakaramdam akong ng takot.

''Pakibasa po yung about.'' -xwonwon456x 

Ang tapang ni boy!

''Alam ko po yung patakaran niyo dito.'' - lovely581 

Ba't di ko pa nababasa yun?

''Alam mo pala dapat sundin mo.'' - xwonwon456x

Nagbukas ako ng new tab para matingnan yung patakaran nila.

''Pero hindi ko na po kaya.'' - lovely581

''Wag kang makulit.Isusumbong kita sa lider namin.Buti hindi pa siya online.'' - xwonwon456x 

Ang lakas talaga ng loob nitong wonwon na ito.Binantaan ba naman ang multo?!

''Please..'' - lovely581 

''A Y A W . '' -xwonwon456x 

Tapos doon natapos yung convo.

May nabasa pa ako at dito ako natawa,Tae!

Posted 1 day ago.

''May gusto akong ipapatay!!!'' - donna6778

''Sino?'' - xhaefishx 

''Yung...sarili ko.'' - donna6778

Ay grabe! Chaka!

''Advice ko sayo.Bumili ka ng madidilaan diyan.Tapos manood ka ng unfriended.'' - xhaefishx

''Mamamatay ba ako diyan?'' - donna6778 

''Siguro kasi ako oo ^^.'' - xhaefishx

''Eh ba't nakakapag-type ka pa?'' - donna6778

''Paki mo :).'' - xhaefishx

''Gusto na kita.Ayoko na magpakamatay.Meet tayo!'' - xhaefishx

''Wag na.Mas gusto ko pa yung asong ulol na nasa labas namin kesa makasama kita.'' -xhaefishx

Basag yung girl!

Pero doon na natapos yung convo nila.Buti meron pang isa 39 minutes ago.

''May nagtangka pong magnakaw sa bahay namin.'' - annie1109

''Hindi ito police station!'' - xkyux

''Alam ko.'' - annie1109

''Ba't di ka umalis.'' - xkyux

''Pwede po ba magpahuli lang hindi magpapatay.'' - annie1109

''Pwede pero dapat sinabi mo agad.Pati details.Ang oras namin ay hindi laging libre.Maghanap kayo ng chatmates niyo!''  - xkyux

Taray nitong lider.Siya yung nakablack na nakita ko diba? Ang galing ko talagang manhula.Kyu? Q? Barbeque?

''Ise-send ko pa sa inyo yung picture na nakuhanan ng cctv namin.Pakihuli naman po.Muntik na kasing mamatay yung mommy ko dahil inatake siya sa puso ng nakawala yung magnanakaw.Baka po kasi bumalik eh.'' - annie1109

''Ge.Alam ko na.''

Hanga na talaga ako sa mga nerds na ito! Paano nila nahuhuli yun? Gaano kaya kabilis? May team pa ba silang iba? Nagtataka talaga ako kaya napagpasiyahan kong magpost...ulit.

''Gaano po ba katagal natatapos yung mga mission niyo?.'' Pinindut ko ang enter at ang bilis sumagot.

''Wag kang magpost ng walang kabuluhan.Hindi ito ask.fm gago.'' - xkyux

Napakagat ako sa labi at buti may oras pa ako sa com shop.May oras pa ako para makipag-alitan!

''Hindi ikaw ang gusto kong sumagot!'' - leeleelul990

Yan talaga username ko.Binasta ko na lang eh.

''Wala akong pake.Ako gumawa ng site kaya may karapatan ako gago.'' - xkyux

Di ba niya titigilan magmura?!

''Baliw! Nasan ba si xhaefishx.Mas maganda siyang kausap!.'' - leeleelul990

''Kung alam mo lang.'' - xkyux

''Sagutin mo na lang ang tanong ko!'' - leeleelul990

''Oo na.Kung mabigat ang pinapagawa ng isang costumer.Mga one week.Normal na tao lang kami kaya kailangan din naming maghanap ng maghanap.Kung magaan naman.Mga one day kase may sarili rin kaming buhay.'' xkyux

''Ah ganon.Pero bakit kayo pumapatay.'' - leeleelul990

''Kase may bayad?'' - xkyux

''Ulul.'' - leeleelul990

''Ang lakas talaga ng loob mo.Pero never ka pang nagpapasalamat sa libre naming trabaho para sa'yo.''

.....

''Oo na! Thank you very muchie! Gusto mo may halik pa eh!.'' - leeleelul990

''Ang unfair! Nag-uusap nga kayo nang parang close kayo eh.'' - annie1109

Hahaha sumingit pa siya.Pero wala akong natanggap na comment reply galing doon sa lider.May nasabi ba akong masama? O baka sineryoso niya.

Nagulat na lamang ako ng may narinig akong tunog.May nag-chat?! May ganto rin dito?!

''Paumanhin.Hindi ako pumapatol sa kauri kong lalaki.'' - Cho Kyuhyun

''Sino ka?'' Sino tong lalaking to!

''Hulaan mo.''

''Wala akong oras.Nasa com shop ako.Kaya sabihin mo na lang.''

''A Y O K O.''

''BILIS NA!'' Ako na makulit.

''Kausap mo lang ako kanina.''

''HYUKJAE?! KELAN KA PA NAGKAROON NG PANGALANG CHO KYUHYUN?!''

''ANG SLOW MO KAHIT KAILAN!! GE NA WAG KA NA MAG-ONLINE!''

RED DAYS?!! ANG TAAS NG DUGO NITONG TAONG TO AH!

Itutuloy...

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.