MBC_22 : AHAS! [CAMPING P:1]

Met by Chance~

"Ano bang pila yan?" 

Natigil ang klase namin ng pinatawag kami sa gym. Hindi ba pwedeng magmeeting na lang ang mga teacher para di na kami pumunta dito. Ang principal namin ay nasa unahan at hawak hawak ang mic habang paikot ikot don.

"Hindi ba talaga kayo aayos ng pila? Parang hinampas na sawa yan ah!" ano daw?! Daming alam.

Madaming nagreak syempre pero umayos din ng pila.

"So wala kayong clue bakit ko kaya pinatawag dito diba?" 

"Yes po."

"Well, related ito sa magaganap na camping sa friday. Alam kong biglaan pero tingin ko, ito na ang time para isingit ko ang activity na 'to. Kailangan niyong maghanda ng panglimang araw na damit." panglimang araw? WTF.

"Hindi sa limang araw kayo dun, may gagawin tayong activities na may konek sa pagdudumi ng damit so ganun." pagpapatuloy nito at nagsihingahan ng maluwag ang mga estudyante sa loob.

"Also, don't ever bring gadgets." sabay bagsak nito ng mic sa sahig at hindi pinansin ang mga reklamong minu minuto ng lumalakas.

Nagwalk out ang principal at pinabalik na kami ng mga guro sa room.

Okay sakin yun, di naman ako masyadong gumagamit ng mga gadgets.

--

Mabilis lumipas ang mga araw at friday na pala. Maaga pa lang itatak ko na na worst day ever 'tong day na 'to. Bakit pa kase required dumalo dito dapat nagdahilan na lang ako na nagtatae ako or ano. Bakit di ko ba yun naisip ng mas maaga. Ako na hunghang, ako na.

"Oh anak, wala ka ba talagang nakalimutan?." tanong sakin ni mama habang si papa nilabas yung mga gamit ko.

"Wala na ma, wag kang masyadong oa. Ako tatanungin mo kung may nakalimutan ako eh ikaw naman naghanda ng gamit ko." mas excited pa siya saken pramis. Eh sa gusto ko na ngang maglaho bago pa maganap 'tong camping na 'to.

"Ikaw talaga bata ka. Sige mag-ingat ka, baka makagat ng ahas." pahabol pa nito ng naglakad ako paalis.

"Anak, mag-ingat ka." napapikit ako at napabilis ang lakad papuntang school. Bakit kailangan niya pang magsalita.

Nakarating ako ng school at mga bus ang mga nakahilera sa labas ng school. Totoo na ba talag 'to? Wala ng atrasan?

Tumingin tingin ako sa mga papel na nakasulat sa harap ng bus at nakita ko ang section ko sa bus number 3.

Naglakad na ako papunta sa loob at iniwan ang bagahe sa labas at inilagay naman ito ng driver sa compartment ata ng bus yun. Pag pasok ko sa loob ay wala pang halos na estudyante, hay 5:30 am pa lang pala.

Ano bang gagawin ko para magpalipas ng oras. Magplano kaya ako para hindi makapunta.

Kunware, biglang dadating yung teacher tas  biglang bubula yung bunganga ko tas mangingisay sa sahig. 

Tapos eto pa, bigla daw ako madadapa at sasalpok yung mukha ko sa bakal.

Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Ang pangit nung pangalawa, magugulo ang gwapo kong mukha.

Oh kaya naman, magpapanggap ako na may nakitang multo sa loob ng bus at matatakot ako syempre. Then then---

Biglang may pumasok sa loob, nakajacket ng itim na sobrang kapal at nakaheadset na may scarf pang nakapalupot sa leeg. Nakatokong lang siya at nakablack rubbershoes. Aba dadalo ba 'to ng patay. Well di ko makakaila parehas kaming all black. Letse ba't ang aga niya.

Ba't siya pa ang makakasama ko sa aga neto. 

"Well, good morning." ngisi nito at biglang upo sa tabi ko. Aber sa kapal nga naman ng mukha, sa dinami dami ng upuan ba't dito pa sa tabi ko.

"Madaming upuan dre, wag ka sumiksik sa tabi ko." pagtataboy ko dito at hindi niya lamang ako pinansin. 

"Hoy sumagot ka pag kinakausap ka." tiningnan niya ko ng walang ekspresyon at tinanggal yung headset niya. Paking shet 'to, ang lakas ng tugtog.

"Gusto ko dito, may magagawa ka?" sabay pikit ng mata at saksak ulit ng headset niya. Umaga pa lang, umiinit na ulo ko. Kailangan kong kumalma, para naman wala akong magawang ikasasama ko.

Kailangan kong pagtimpian 'tong nerd na 'to hanggang makarating kami sa campsite. Hinga lee sungmin, hinga.

"Wag kang huminga ng huminga, babaho yung hangin dito." 

Ano nga ulit yung salitang  timpi?!

---

"Time check everyone, it's now 6:30 at sa pagkakaalam ko 5 pm tayo makakarating sa campsite." Puno na ang bus at andito na lahat ng estudyante.Pero bakit 5 pa!

Kailangan kong tiising ng halos labing isang oras 'tong ulupong kong katabi.  

Marami kaming stop na nagawa dahil sa ihi ng ihi si heechul ano bang problema ng haliparot na yun. Mataas din dugo ko sa kanya ngayon, sabi ko kase tabi na lang kami. Pero taena, ayaw daw niya tas tili pa ng tili dahil katabi ko daw si kyuhyun. 

Di ko alam kung may sapak yun oh ano eh, sarap ibaon ng buhay. Iingay pa nila sa likod. Sarap itulak sa labas habang umaandar ang bus.

At buti naman etong cho kyuhyun na 'to ay hindi ko binadtrip ng bonggang bongga. Tulog lang siya pero pesteng 'to panay sandal sa balikat ko.

---

Nakarating kami sa lugar ng saktong umulan sa labas, kampi sakin ang weather! Dahil dito kailangan na naming umuwi wooo!!

"Siguro naman, may dala kayong payong diba. Well,  wag kayong mag-alala at hindi umuulan sa campsite natin, kailangan nating maglakad para matunton yon kaya tara na at kunin niyo na ang mga gamit niyo." sabi ng adviser namin at dali dali nang nagsibabaan ang mga kaklase ko.

Bakit ganto?!!

-- 

Maraming tent ang nakalatag doon at shete nakakahiya nagdala pa ko ng tent. Akala ko naman kase magdadala! Kaya pinalagay ko kay mama yun!

Pumasok na ako sa isang tent at nilagay ang gamit ko sa gilid. Wow ang laki ng loob niya at ang lamig. May mga unan din sa loob, sosyalin at kung ano ano pang pwede mong kailangan. Pero may isang akong nahagilap dun sa tabi ng tubigan. Sakto namang dumating si kyuhyun, anong ginagawa niya dito?!!

Sisigawan ko na sana siya nang nakita kong gumalaw yung nasa tabi ng tubigan. Kumikintab ang balat nito at ayoko nang sabihin pa! 

"MAY AHAS!!!!" sigaw ko at biglang nagtago sa likod ni kyuhyun.

"Hoy anong gagawin natin!" pero kalmado lang siya. Humarap siya sakin at hinawakan ako sa balikat. "Huwag kang gagalaw." sabi nito at nilapitan yung ahas. Nasa matinong pag-iisip ba 'to. Nagulat na lamang ako ng dinakma niya yung ahas at nilapit sakin. 

Napangiti siya ng sobrang laki habang iwinawasiwas yung ahas sa harapan ko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso, di ko alam kung dahil ba 'to sa ahas na alam kong taenang ihahagis niya sakin.

O sa kadahilanang, sobrang laki ng ngiti niya.

Ano bang nangyayari sayong puso ka. Parang gusto niyang lumabas.

"It's a ing toy." kala ko mapapalitan ng ngisi yung ngiti niya pero humalakhak pa siya at tang ina.

Mas lalong nagwala yung puso ko.

Itutuloy.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.