MBC_21: GOOD NEWS AND BAD NEWS

Met by Chance~

Pilit kong tinatanggi sa sarili ko pero hindi ko kaya, totoo namang sa unang araw ko pa lang sa school na'to feeling ko unti unti nang nahuhulog sa impyerno ang lahat.

Kita mo yun? First day pa lang, paano pa kaya pag lumipas pa ang mga araw . Mamaya niyan matatagpuan ko na lang ang sarili ko sa kalsada, nagpasagasa hindi nasagasaan.

Wala naman akong magagawa kung hindi harapin 'to. Wala nang takbuhan kung baga. Pinasok ko, kailangan kong labasan.

--

"Oh anak, kamusta ang unang araw mo?" sinalubong ako ni mama habang bitbit yung kalabasa sa kamay niya. 

Napayuko na lang ako at dumiretso papuntang kwarto, ayoko nang sabihin pa. Hindi kase maganda kung sasabihin ko pa, ayaw ko na ngang alalahanin eh.

"Magluluto ako ng pakbet." pahabol ni mama nang maisara ko yung pinto.

Sa sinabi niyang yon hindi nagbago ang emosyon ko. Gusto ko ng bumalik sa dati kong school.

--

"Hoy gising!" boses ni sungjin ang umibabaw sa kwarto kong sobrang payapa. Natutulog yung tao eh!

"Ano ba?!" mahinang pasigaw na sabi ko habang napaindian seat sa higaan ko.

"Kakain na!"

"Eto na, eto na." tumayo ako at sinundan siya pababa.

Nang makarating kami doon kitang kita ko kung paano yakapin ng papa ko ang mama ko mula sa likod. Parang nawawalan tuloy ako ng ganang kumain. Kusina 'to hindi amusement park o kung ano mang lugar pwedeng pwede ka magpda.

"Ehem." pagpapansin ko at napatanggal ang galamay ng papa ko kay mama. Yan good, kuhang kuha mo na loob ni mama. Tas huli iiwan mo rin, wag ako.

"Oh vincent at sungjin, umupo na kayo at kumain." Alangan namang nakatayo? Mayroon namang upuan.

Dumiretso na lamang ako sa upuan at nagsimula na kaming kumain. Ramdam na ramdam ko ang tingin na binibigay sakin ng papa ko, lagi na lang ganto. Halos, araw araw pag kumakain kami, nakatingin siya saken.

Hindi siguro niya lubos maisip na sobrang gwapings ng anak niya kahit iniwan ng tatay mula nung bata pa siya.

"Tsk." taltak ko at narinig kong nalaglag yung kutsara na hawak ni papa, galing sa direksyon niya eh.

---

"So there's many things i wanted to explain to all of you right now. But there's no time to make it more detailed so, there's a good news and also a bad news."

Langya talaga, dudugo na ilong ko sa kakaengles ng adviser ko. Mas maiintindihan ko sana pinagsasabi niya kung nagtagalog siya. Medyo slow kase ako sa english pero kahit katiting may alam naman ako!

"The good news is we'll have a camping.." CAMPING?! Baka naman sa school lang 'to, makakahinga ako ng maluwag.

"At hindi ito sa school lang. Pupunta tayo sa kagubatan! Oh diba?! Ang ganda!" 

Kalahati sa kaklase ko ang nagsigawan sa narinig, paking tape! Kakatransfer ko lang meron agad ganto ganto?! 

Nakalimutan nga ata ni ma'am na may transfer eh, hindi man lang ako pinakilala sa unahan!

Hello! Second day ko na ho 'to! Hindi naman sa desperado! Hindi ba napapansin ni ma'am na may gwapo na siyang estudyante.

"At ang bad news ay pagkatapos ng camping, magkakaroon kayo ng pasok sa sabado at linggo." 

Para akong sinagasaan ng limampong truck, ayoko ngang pumasok tas madadagdagan pa yung mga araw na kailangan kong manatili sa impyernong 'to.

"Ma'am, may personal life din po kami!"

"Hindi ito maaari, busy ako sa weekends!"

"Bakit po kailangan naming pumasok?!"

Kung ano ano ang naririnig ko at napili ko na lang umubob, kahit naman bumungaga sila wala kaming magagawa para baguhin yun. Bakit nasasabi ko 'to? Wala lang, feel ko lang.

"Walang magrereklamo! Oras yun para sa kalikasan natin, magtatanim tayo at maglilinis sa campus!" 
pagpapatuloy nito at napatahimik ang klase ng hinampas niya ng patpat ang board sa kadahilanang 
 sobrang dami ang nagbubungisngisan.

"Final na 'yon! Sa friday ang camping at maghanda handa na kayo okay?" sabi nito at umupo.

May paraan kaya para magpalipat pa ng school? Ang pinakaayaw ko ay ang camping! Tas mangyayari pa, kapitin ako ng malas. Kailangan ko yung tanggapin.

"Lecheng buhay 'to." bulong ko.

"Buti alam mong leche ang buhay mo." Oo, alam na alam ko yung boses na yun. Halos, makalimutan ko na may demonyo nga pala akong kasama sa kwartong ito.

"Gusto mong piso, hanap ka ng kausap mo." gigil ko dito at ngumisi lamang siya.

"Hindi ako mahirap para alukin mo ng piso ha." pramis talaga, ang tanga niyang kausap.

"Kailangan mo na talaga magpatingin ng utak mo dre, wala nang natirang turnilyo." sambit ko pabalik at itinuon ang atensyon sa assignment na pinapagawa samin kahapon.Oo, ngayon lang ako gagawa, well next subject pa naman yun. May time pa ako.

"Kung sakin wala nang turnilyo, sayo wala na talagang laman." kung isa akong animated cartoon, umuusok na sana ang tenga ko.

Bakit ba lagi akong tinitira ng putang 'to.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo, wag mo kong kausapin." 

At ayan na naman ang ngisi niya.

Di pa mamatay.

-- 

Tingin ko naliligaw na ako sa laki ng school na 'to, wala man lang ba akong magiging kaibigan na matino. Ang loner ko dito, hindi ko man lang alam kung saan yung pasikot sikot. Dapat kase may nagtutour sakin eh. Ako na demanding pero kailangan meron talaga.

Nakarating ako sa canteen, dahil sa tulong na naman ng mga paa kong mahiwaga, yas sinundan ko yung mga kaklase kong magrirecess.

Tingin ko sa canteen dito, heaven.. Heaven kase talaga. Iba iba ang naamoy kong putahe. Gusto ko talagang lamunin lahat ng yon pero baka malate naman ako sa next class ko. Hindi ako sanay sa gantong sitwasyon at salamat talaga lord at eto na ang lagi kong tatambayan.

Naupo na ako sa bakanteng upuan at simulang kainin ang inorder kong sinigang at dalawang burger na may tatlong mangkok ng kanin. 

"Masyado silang ang gandang tingnan, hindi ko alam kung makakain ko pa sila." bulong ko sa hangin pero dali dali ring kinagatan yung burger.

Sharap!!

"Hello! Pwede sumabay?"
Andito na naman sila, sawa na nga ko sa mukha nila sa room tas sasabayan pa ko kumain.

"Madaming table diyan, wag niyo ko sabayan." sabay sunggab sa mga pagkain ko. Bakit ba pati dito.

"Ang harsh mo naman, sasabay lang dali na. Pati hindi na kami kasya don lahat. Dito sa place mo, marami pang space." sabi ni heechul at umupo sa harap ko.

"Pwede namang maghiwa-hiwalay kayo diba."

"Hindi pwedeng ganun, kailangan magkakasama kami. " pamimilit nito at nakita kong sunod sunod ng nagupuan yung mga kasama niyang ulupong. Pero yung isa, nakatayo pa. Tsk, si bukbok.

"May kasalanan ka pa saken, iba atang number ang naibigay mo saken ha!" 

Napayuko lang si heechul at biglang hinila yung pinsa niyang si kamatayan para umupo.

"Bakit ba kase kailangan pa nating samahan 'tong rockstar na 'to." kailangan sabihin niya yun sa harapan ko pa. Pwes, andito lang naman yung pinapahiwatig niya!

"Gusto mo din." biglang sabi nung donghae. Oo, nagpakilala na sila saken kahapon lahat. 

"Shut up." sabi lang ni kyuhyun, Oo, kyuhyun name niya. Ganda ganda ng name pero taena demonyo yung may ari.

Parang familiar sakin yung name pero no ayoko na magpakastress at isipin kung saan ko ba nakita or narinig yun.

"Shut up, shut up ka diyan. Naiihi ka na siguro sa kilig dahil sasabayan mo si sungmin kumain."
halakhak pa nito at nagpipigil ng tawa yung dalawa. Oo, wala si yesung dito eh. 

"Bakit niyo ba ko pinipilit sa rockstar na 'to?" sabay duro sakin. Aba aba.

Sabay sabay bumuka yung bibig nilang lahat.

"Bagay kasi kayo." 

Napafacepalm na lamang si kyuhyun at papadyan na umalis.

Kami bagay? Sa pagkakaalam ko may lawit ako at may lawit siya, syempre hindi kami bagay! 

In the first place, hindi ako bakla.

Siya pa talaga naglakas loob umalis, as if naman seseryosohin ko pinagsasabi ng mga kaibigan niya.

 

Itutuloy.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.