MBC_18 : FIRST DAY DISASTER?!

Met by Chance~

Sungmin Pov.

Hindi ko na kaya 'to lord please.Bukod sa pangtitrip sakin na welcome to hell ba yun.Ba't kailangan pang ipangalandakang hell 'tong eskwelahang ito.Pwede namang malaman ko later on.Para naman may excitement.Nakakatanga talaga yung gumawa nang bagay na yun.Hindi ko rin mawari kung yung leader slash bukbok na yun ang nagplanong pamumulaga sakin.Sino ba naman kase ako para maging updated siya sa buhay ko.Ang nakakasura lang, parehas pa kami ng paaralang pag-aaralan.Paano ako mabubuhay sa buong taon? O mabubuhay pa ba 'ko?!

Naglakad na ako papuntang principal office.Hindi ko kase alam anong section ko.Pagkatapos akong mapahiya sa baba kanina, tumakbo ako papuntang isang building at nagtanong tanong sa ibang estudyanteng nasa loob na.Sakto, at itong building na 'to located ang principal office.Pumikit ako ng bahagya at huminga ng malalim.Dapat kasi sinama ko si mama o kung sino man.Kinakabahan ako, ne beyen.Dahan-dahan akong kumatok at may narinig agad akong boses sa loob.

''Come in.'' babaeng boses.Babae ang principal nila! 

Linuwa ko ang katawan ko sa loob ng principal office at namangha sa nakita.Puro black ang mga bagay.Magiging close kami ng principal!

Nakayuko ito at halatang may ginagawa.Umubo ako nang mapapansin niya ulit ang aking prinsensya.Napatingala agad ito at napangiti ako ng pilit.

''Ikaw ba ang transfery?'' Hindi ba halata ma'am.Perstym niyo kong nakita.Pero syempre sa utak ko lang yun.Mapatalsik ako ng di oras.

Kitang kita ko kung paano niya tingnan ang mukha ko.Alam kong panghearthrob 'to pero di dapat 'tong tingnan ng matagal.Baka matunaw.

Sasagot na sana ako ng napasunghap siya pagkatapos titigan ang aking mukha.May nakakatawa ba? Tingin ko mas matanda siya sakin ng anim na taon.Tingin ko lang malay natin.Mukha kasi siyang dalaga.

''Opo ako po 'yon,'' hindi ko na lamang binigyan ng pansin ang naging reaksyon niya at dahan dahang yumuko.

''Good morning po.Gusto ko lang pong malaman kung anong sekyon ko po.'' umuulan nang po! First impression last sungmin!

''Ah ganun ba.Alam ko sa Dawn Section ka nakadestino.Sa third floor.'' sabay nginitian niya ako at bumalik sa ginagawa niya.Ganun lang yun kabilis? 

Yumuko lamang ako upang magbigay respeto. ''Salamat po.'' sabay dala ng paa ko sa pintuan.

Dali-dali ko itong binuksan at lalabas na sana ng ''Welcome lee sungmin.Sana maenjoy mo ang mga natitirang years mo sa paaralang ito.'' sambit nito pero nakatuon parin ang atensyon sa ginagawang bagay.Nginitian ko na lamang ang hangin sapagkat alam kong hindi niya ito makikita.Minsan lang ako ngumiti dapat pagtuunan nila ng atensyon! 

Bilis bilis na akong umakyat papuntang third floor.Sa laki ng school na 'to baka ang uniporme ko maging bagong hango mula sa batya! Dahil sa pawis na ilalabas ko sa natitirang yapak na kailangan kong akyatin!

Hay buhay! Mas maigi pa sa dati kong school.

 

***

Napatingin ang dalaga sa pintuang boluntaryang sumara sa kanyang harapan.Tinigilan niya ang kanyang ginagawa at napangiti.

''Interesting.Ang masaklap lang mapapagalitan siya sa unang araw niya.'' sa pag-iisip ng dalagang nakaupo dahil di niya mawari ang binatang kakadaan lamang.

Nakaeyeliner sa school? 

Sino naman kaya ang gagawa nun.

Isa yun sa pinagbabawal ng paaralang ito pero hindi niya magawang suwayin ang binata.

At hindi niya alam kung bakit.

Hindi talaga.

Isa pang bagay na bumubulabog sa kanyang isipin ay anong dahilan ng paglipat ng isa niyang pinsan sa eskwelahang kanyang pinamumunuan.

Biglaan pa ito.

''Ano naman kayang nasa utak ng jongwoon na yun.'' 

***

Halos magulantang si lee sungmin sa nakita.Hindi pala halos.Nagulantang talaga siya sa kanyang nakita.Mas abnormal pa 'tong school na 'to kumpara sa dati niyang pinapasukan.Sa sobrang pagkagulat niya napatayo na lamang siya sa nakatiwangwang na bukas na pinto.May nakalagay na 3-Dawn sa pintuan.Gustong gusto bumalik ni sungmin sa principal office at itanong kung ito ba talaga seksyon na ito ang titiisin niya buong taon.Sapagkat hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita.Mas pipiliin niya pang makipag-purge sa dati niyang mga kaklase.

Nagulat na lamang siya ng may bumatong bote ng yakult sa kanyang ulo.Ito ang nagpagising sa kanya na totoo nga ang nangyayari sa kapaligiran.

Mga nagkalat na basang papel at yung blackboard na puro kabastusan ang sulat.Mga upuang gulo-gulo.Mga babaeng naghaharutan at mga lalakeng may tinatarget na isang estudyante.Anong kagaguhang nangyayari dito?!

***

''Andito na pala ang pangalawang transfery.'' pangalawa.Nakakapagtaka may kasabay akong nagtransfer? Bahala na di ko na concern yun.Hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.Aakalain mo bang private 'to.Ang mga ineexpect ko sa isang pribadong lugar ay hindi ganito.Malayong-malayo.Pero ang mas nakakapagtaka may nadaanan akong ibang classroom.Maayos naman ito ba't dito parang binagyo. 

May isang estudyanteng lumapit sa akin.Kailangan ko magbigay respeto.Bago ako dito.Later na pagiging bad boy para surprise kahit halata naman sa mukha ko.

''Hello dre.'' malakas na loob kong sinagot, mukha siyang baboy ramo.Sino ba 'to?

''Hindi dre ang pangalan ko.Tanga.'' napanganga na lamang ako sa narinig.Tang ina buti nga tinawag ko pa siyang dre.Hindi baboy damong nakawala sa kuran peste!

Inirapan ko na lamang ito ngunit laking gulat ko nang pinigilan niya ako sa pagpasok sa classroom.

Nilibot ko ang mata habang hawak niya braso ko.Nakakainis naman puta.

Doon ko nakita ang mas hindi ko inaakala.Gusto ko na umuwe.

''Bitiwan mo nga ko!'' napalakas na sigaw ko at napatigil halos lahat ng estudyante sa sigaw na nagawa ko.

Nginitian ko sila ng pilit at basta bastang hinila ang braso ko pabalik mula dun sa maangas na baboy ramo.Para akong nasa isang fashion show kung maglakad ng diretso.May nakita akong bakanteng upuan.Napalunok ako pero kailangan ko ibalanse ang hitsura ko.Siya yung taong hindi ko inaakalang magiging kabatch ko sa paaralan at hindi ko rin aakaling magiging kaklase ko pa.Napakamalas ko nga naman talaga.Kelan ba ako lulubayan nang pesteng malas na 'to! Aba overstayed na siya.Sa iba naman siya nako po!

Nginisian ko lamang ang taong iyon.

Yung leader ng killerx! Ba't siya pa?! 

Uupo na sana ako sa bakanteng upuan na nakatabi sa kanya ng maramdaman kong hangin ang sumalo sakin sabay diretso sa sahig.

So ang transfery ang bagong target ganun?! Aba nakakabismod!

Tiningnan ko ang salarin.Alam kong etong bukbok na 'to gumawa nun eh.Sino pa ba! siya pinakamalapit saken.

''Hanggang dito ba naman di mo ko tatantanan!'' gigil na sambit ko at nakarinig ng mga bubuyog sa paligid.

Magkakilala sila nung lider ng nerd dito?!

The ?! Lider ng nerd 'to?! Halata naman pero di ko inaakalang naapi rin siya dito.

Eh sino yung nagpagawa ng welcome to hell sa labas? May koneksyon ba 'tong pakyung 'to!

''Bagay lang yan sayo.'' bulong neto sabay tingin sa bandang bintana! 

Hinarangan ko ang bisyon niya na nakatangin sa bintana at pinanliitan ko siya ng mata.

''Wag kang feeling chinito.Mukha kang natatae.'' oh my ! Kalma lee sungmin! First day mo ngayon ah! 

''Hindi ako nagpifeeling chinito! Senyas yun na nanggigil ako sayo!'' paliwanag ko at tinulak niya ako paligid at nanatiling nakatangin sa bintana.

''Whatever you say wanna-be-rockstar.Patnubay lang hindi ka ba napapagod magkaron ng konserto araw-araw.Mamatay ka niyan.Ay good idea nga naman.'' 

Pakshet.

''Ikaw lalaking may malaking salamin at may bitak bitak na mukha at bibig.Kung ayaw mong masaktan manahimik ka na lang okay?'' sabay iniayos ang upuang nawala sa pwetan ko kanina.Sa pagkasabi kong non napaharap siya sakin.Hindi ko mawari ba't hindi parin tumitigil ang mga estudyante sa eskandalong kanilang ginagawa.Kahit na may dumating na dayo.Ang i-snob lang ampeg.

''Baka nakakalimutan mo kung sino ako?'' inirapan ko na lamang siya.Wala akong pake sa susunod niyang gagawin.Atapang atao ako! 

''Hoy! Sagutin mo 'ko!'' sabay pwersang hinawakan ako sa braso para harapin siya.

''Tang ina mo.Hindi ako makakalimutin!'' sabay taboy ng kamay niya sa balikat ko.

''Kahit na! Pag kinakausap ka dapat sagutin mo!'' sambit nito.Ano siya special?

''Wala akong oras makipag-bangayan sayo ah.Nandito ako para mag-aral!'' alam kong napatangang rason iyon pero pake niya ba.

''Maniwala tanga.'' ngisi nito at napailing na lamang ako.

At buti naman hindi na ako kinulet pa.Epal lang.Kaumay.

Ilang minuto na ang lumipas at tinatamad na ako sa paligid.Napatingin na lamang ako sa pintuan.Kung sakaling may gurong magpapakita.For the first time in forever.Gusto kong may magpakitang guro para naman masuway 'tong mga animal na 'to.Nadinig ata ng panginoon ang hiling ko.Napangiti ako ng pasikreto yung hindi pilit o anuman.Yung feeling ko ang gaan gaan ng ng pakiramdam ko pero teka! Parang may demonyo akong nasesense.Agad-agad akong napatingin kay bukbok.Habang naririnig ko ang mga yapak na dahan dahang lumalakas.Hindi ko mapigilang di magtaka.Nakatulala lamang siyang nakatingin sakin.Nakanganga pa.Ano problema nito.Di ata nakainom ng gamot.

Hinayaan ko na lamang siya at iniba ang direksyon ng aking mata.

Napatingin muna ako sa paa ng mga nilalang.Yes 'mga'.

Apat na pares ng mga paa ang aking nakita.Tumingala na ako at tiningnan ko sila ng mabuti.

Ba't ganito?

Ba't ganito?!

Ang saklap lahat sila kilala ko!

Feeling ko gusto kong himatayin.Iisipin kong panaginip lang 'to.Panaginip lang hanggang sa nagdilim ang paningin ko.

Di maiwasan ng tenga kong di marinig ang batid ng isang boses na pamilyar sa akin kahit isang beses ko pa lamang siya nakikita noon.

''Kamatayan! Nagustuhan ni jongwoon ang pagpapasyal ko sa kanya!''

''Kyaaa!! Lee Sungmin! You're here! Long time no see.''

sigaw ng isang nilalang.

Kahit sa sarili ng nilalang alam niyang planong magtransfer dito si lee sungmin.Kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam.

Mas lalong mawiwirduhan sa kanya ang isa pang binata kung malaman man ito.

***

Asan ako? 

Napalinga linga ako sa paligid at napahawak sa ulo ko.Ba't lagi na lang ba akong hinihimatay.Sakit ko ba yun.Iniayos ako ang pagbuka ng talukap ng aking mga mata at shet.Gusto ko ulet himatayin.

Pwedeng maging walang malay na 'ko forever kung ganito ba naman makakasalungat ko buong taon.

Nakikilala ko silang lahat.

[Heechul] [Yung may maluwang na short-pagkakatantiya ko yung xhaefishx siya] [At yung isa pang nakamasikip na short xwonwon456x yung halos bakat na yung pagkalalaki niya] [At sino pa ba yung si bukbok] pero asan pa yung isa.Alam ko apat ang nakita ko sa pintuan.Hinding hindi ako pwede magkamali.Siya yung wirdong lalaking laging kasama ni ryeowook at yung binato ko dati ng libro.Ano kayang pumasok sa utak nito at lumipat.Iniwan ko na nga si ryeowook.Iniwan din niya.

Nakapaligid silang lahat sa higaan ko.Mga ilang minuto na ang lumilipas pero nakatingin lamang sila sa akin.Maliban kay bukbok na tingin ko bored sa mga nangyayari.

''Salamat sa pagdadala sakin dito.'' sambit ko kahit di ko alam kung sino ang nagdala.Nagulat na lamang ako nang napanguso si heechul kay bukbok.

Oh gets ko na.

''Salamat.'' sambit ko ulit na nakahagip ng atensyon ni bukbok.Nagtaka siguro bakit nagpasalamat ulit ako.Nagtama ang aming patingin at napataltak lamang siya.

''Nagkataon lamang na ako ang pinakamalapit sayo, pati magpabawas ka timbang.Feeling ko dalawang tao binuhat ko.'' hay nako yan na naman siya.

''Ang choosy pa nito.Kitang buhat mo ang mundo mo kanina.'' biglang sambit ni heechul at binatukan siya ni bukbok.Baliw talaga tong magpinsan na 'to.

''Ulol.'' tumahimik na lamang ako baka may gerang maganap.

Nakakailang dahil wala na naman nagsasalita.Aw ang bantog ko.Tinatawag na ko ng kalikasan.

''Ikaw, heechul gusto kita buhatin.Para naman mabuhat ko ang mundo ko.'' biglang sambit nung xwonwon456x.Mamaya nga tatanungin ko na mga pangalan nila.Yes mamaya.Naiihi na ko! May namumuo parang romansa sa kanila.

''Feeler.'' Yun na lamang ang nasabi at ni heechul at nagplano na akong magpaalam sapagkat hindi ko alam kung paano mapipigilan 'tong bantog ko.Napatawa lamang si xhaefishx habang si bukbok ganun paring ang ekspresyon.

''Jingle lang ako ah.'' sabay dahan dahang tumayo ng pinigil ako ni heechul saglit..

''Anong meron.'' 

''Hmm gusto ko lang ulit ibigay sayo yung calling card ko.Kung mapahamak ka man.Tawagan mo ako.Kung kailangan mo ng tulong ganun.Baka kasi nawala mo na yung binigay ko sayo dati.'' napatango lamang ako at siguro nga nawala ko na yun.Di ko naman kasi kakailanganin tulong niya.Pansin kong ansama ng tingin sakin nung won.Tang ina.

Dahan dahan na lamang ako umexit at nang mawala na ako sa paningin nila.Kumaripas ako ng takbo at luminga linga sa paligid.Ramdam kong may nakasunod sa akin.Pero hindi ko na lamang pinansin.Ihing-ihi na ako.

Pagkatapos ng ilang minutong palinga-linga.

Bingo! Dumiretso agad ako doon at sinara ang isang cubicle.Ang ganda.Ang sosyal.Tae wala ako time magtukoy ngayon.Binuksan ko ang zipper ko at pinakawalan ang kanina ko pang pinipigil.Matapos ang ilang minuto.Iniayos ko ang aking sarili at handa nang buksan ang cubicle.Ngunit pakshet! Ayaw mahila tang ina! Nagtatalon ako at biglang may nalaglag na card at cellphone sa bulsa ko.Ngayon ko lang naalala, na may cellphone palang pinilit sakin ang papa ko.Kinuha ko yun mula sa sahig pati yung card at ibinulsa.Lagot sakin kung sino mang nasa likod nitong pagkukulong sakin.Kaya pala feel ko may sumusunod sakin kanina.Lintik!

Tang ina nun ah! Tumuntong ako sa bowl at pilit na nagpapatingkayad sapagkat masyado akong maliit upang makita ang kabilang side.

''Putapete!'' Sigaw ko nang nakababa ako sa bowl at laking gulat ko nang may bumagsak na maruming tubig sakin.

''PUTANG INA! ANO 'TO PUTIK!'' pagpapadyak ko at nakarinig ng tawa.

Tang ina.Sino yun! Lagot sakin yun.Pero pano ko makakalabas dito.Di naman pwedeng sirain ko na lang yung pinto.Di maaari yun! Wala na ko pag asa makalabas dito.Kahit anong hilang gawin ko wa epek parin.

Di naman pwedeng sumigaw ako! Imposibleng si bukbok naman may gawa nun.Kakakita lang namin pati may putik na dala ang salarin!

Isip isip!

Di rin akong pwedeng sumigaw! 

! what to do! Amoy tae na 'ko!

Think! Think!

brain blast! 

Jimmy neutron ampeg!

Yung cellphone nga pala pati yung calling card ni heechul.

HEECHUL HULOG KA NANG LANGIT.

Pag pinagsama! Takas ako.Sana lang may sim na 'to saka load pak!

Tinry ko tawagin yung number.Matapos ng ilang ring.May sumagot.

''Hello?''

Demonyo sumagot =_=

Kingina ka Kim Heechul!!! 

Itutuloy...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.