MBC_7 : ESKANDALO SA KAPIHAN

Met by Chance~

Naglakad ako ng mabilis at saktong may dumating na dyip sa harapan ko.Rinig na rinig ko yung boses ng mga kaibigan sa likuran.Nakakabingi na!

''Hoy Bumalik ka dito!''

''Bayad mo!'' 

Kung sila ako, hindi na ako babalik doon.Laki ng eskandalo na nagawa namin nung lider sa kapihan.Buti nga sinisingil lang ako ni hyukjae sa kapi na ini-order ko eh.Pati kung sisingilan man ako ni hyukjae dahil sa pinsala ,papagbayarin ko yung lider nilang butas butas ang mukha, mukha pa lang niya nakaka-badtrip na, isama mo pa yung ugali, nako sasabog ulo ko sa kakaisip.

Sa sobrang inis ko ngayon baka mabuhat ko yung dyip at mapatay yung nagmamaneho, talagang nakakainis lang.Masyado siyang puno sa sarili niya.Kapanget naman! Kadiri talaga! 

Sumakay na ako sa dulo ng dyip at wala pa namang pasahero maliban sa'kin.Nagpanggap akong bingi at di tiningnan yung dalawang sigaw ng sigaw di kalayuan sa dyip kung saan ako nakasakay.Wag muna ngayon.

Kumuha ako ng anim na piso sa bulsa at pumunta dako sa driver.Walang akong masuyuan eh, ako nga lang mag-isa dito.Pati wala akong balak magpapasok ng iba sa dyip, baka masapak ko yung sasakay, kahit elementary na estudyante.Oo, alam ko kung paano ako umasta, pero bad boy nga ako diba.Dinadamay ko buong mundo sa sama ng loob ko.Dumako na ako sa dulo ng dyip sa  kanan at humawak ng mabuti.Nagsimulang umandar ang dyip at huminto rin ito pagkadaan sa ilang tindahan sa kalye.Ano ba gusto niyang mangyari? Kase minsan nakakatyempo ako na kahit mag-isa ka lang aalis at aalis ang driver kahit may pasahero pa.Pero sana ganto rin 'to.

''Kuya! Hindi pa ba aalis.'' sigaw ko ngunit mahinahon.Lumingon si kuya at umiling.''Wala pang laman.'' lee sungmin.Kalma, hindi ikaw may-ari ng dyip.Wag kang oa.

''So sabaw ang tingin niyo sakin ngayon?'' natural na sa'kin maging ganto.Rinig na rinig ko kung paano magtaltak si kuya.''Bata, wag masyado atat ha? Hindi ikaw ang kikita, ako yun.'' napairap ako at napakamot sa ilong.Alam ko yung kailangan ipaalala pa. ''Buti may natitira pa akong baong pasensya.Kundi binalibag ko natong dyip niyong mas mahaba pa sa bus.Nakakaliko pa ba kayo.'' 

''Nako bata, pati sukat ng dyip ko.Kailangan mong pansinin.Pero maiba tayo, sabi mo may natitira ka pang pasensya.Penge naman oh.Kasi baka mamaya makaladkad kita sa labas.'' sarkastiko niyang sagot.

''Pilosopo.Sabi nga nila laging tama ang kostumer.''

''Ikaw nauna bata, hindi yun lagi ganon.Ang sama mo kasi eh, gusto ko lang kumita.'' sagot niya at sinimulang paandarin ang dyip.Kahit ako na lang yung pasahero.Napayuko ako.Mabilis kasi talaga akong madala ng emosyon ko.Parang buhok na nahahawi pag may humahampas na hangin.

Gusto ko talaga manapak ngayon, hindi naman kasi ako yung tao na dadamba agad, kasi mahilig akong manakot.Natural na iyon.Mali lang talaga naging tyempo nung lider kaya napataas niya ang dugo, daig pa ang babaeng meron.

''Sabi nga nila, wag mo hayaan ang sarili mo na mahulog.Mamaya kasi di ka naman aware, hindi niya pansin ang pag-ibig na iniaalay mo.Sa huli ang bagsak mo, sa malamig na sahig.Imulat mo ang mata mo dahil maling isipin na may nararamdaman ka, na may gusto siya sayo kahit wala naman.In short, wag assuming.Iiyak ka sa huli.'' malakas na boses ng nanggaling sa bawat speaker nang dyip.Tae, di ako makarelate.

Tae to si kuya, mahilig sa hugot.Lagi na lang yan ang natye-tyempohan kong topic.Wala naman masamang maging assuming.Ikaw lang naman nakakaalam nun diba.

''Kuya papatay naman yung radyo.Ang sakit sa dibdib ko.Masyadong masakit yung beat.'' reklamo ko ngunit hindi niya ako sinunod.Eto ang problema ng pagiging demanding e.Punong puno na ako.Bakit ba kasi ang baba ng pasensya ko.Nakakayamot, gusto kong makasalubong ng tae.Tapos ibabalot ko, then ibabato ko sa mukha nung lider nila.Siya naman kasi may kasalanan bakit ako nagkakaganto eh.Ang laki ng tiwala niya sa sarili niya.Akala mo isa sa hearthrob ng school.Anong akala niya F4 sila? Pwet niya! Almost Paradise ba kamo? Almost nightmare siguro! Ay hindi, nightmare talaga! Wala nang almost.Ge na sasabihin ko na yung nangyari.

Ganto kasi yon. 

--20 MINUTES AGO--

Pagkatapos sumigaw ni hyukjae.Parang gusto ko siyang gerahin kahit nakatayo ako sa pagma-may-ari niya.

''Ikaw alam mo.Nakakainis ka.Sarap mong itapon sa isang kahon na punong puno ng tae!'' galit na sambit ko at nagpumiglas sa hawak ng dalawa niyang kaibigan. ''Bitawan niyo nga ako.Nakawin ko yung mga short niyo eh.'' sabay nagtatalon.Kita ko kung paano sumenyas yung lider at bilis na nakawala ako sa hawak nung dalawa.Buti naman.Halos mababali na buto ko.Nasa likod ko kasi yung kamay ko, tapos ang higpit ng hawak nila, kala mo titigil dugo ko sa pagdaloy.

''Mr. Lee Sungmin.For your information.This is a coffee shop.Don't make a scene.'' sa sobrang kalma niya gusto ko siyang sapakin, pero kailangan kong pigilan sarili ko.Gusto kong punitin yung mapang-asar niyang ngiti!

''Wag mo akong ingles-inglesin! Hindi ako sanay diyan! Kahit mukha kang mayaman at sigurado ako sa private ka nag-aaral kasi hindi tatanggap ang public school sa kagayang tulad mo.Kasi bubulihin ka lang nila dahil sa malaki mong salamin.'' sarap niyang gawing lumpia kasama yung tae.

Lumapit ito sakin at halos lahat ng tao nakatingin na sa amin.Pero wapakels! Kung gusto nila gumawa rin sila ng eksena!

''So you want to talk about appearance.Sorry mr.lee but i'm better than you.'' sige tuloy pa niya yang walang katapusang ingles niya!

''Ayoko nga ng ingles! Sasabog utak ko!'' biglang sigaw ko at napangiti na naman siya.Yung mapang-asar ugh!

''Ge, tatagalugin ko.Kumpara sa itsura mo, mas lamang ako at mukhang respetado.Subukan mo magsalamin sa inyo ha.Mukha kang kinaladkad na adik.Ang kapal ng eyeliner mo, tapos namumuti pa yung labi mo.Yung kilay mo sabog tapos lagi pang nakakunot ang noo mo.Wag mo akong hintaying mapag-usapan natin yang pananamit mo, dahil di pa ako tapos sa mukha mo.'' tagos na tagos ang sinabi niya.Napatigil ako at napasandal yung sa table nila. 

''Wag mong pagdiinan.Kasi mas malala akong manglait.Tandaan mo yan.'' banta ko kahit wala na akong lakas ng loob.

''Tingnan lang natin.Kasi mukhang lantang gulay ka na sa sinabi ko.Tandaan mo , wag mo akong kakalabanin.'' parang mabubutas yung sahig sa tingin ko.Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya.Pero kailangan kong ipaglaban ang side ko.Tumayo ako ng tuwid at iniayos ang postura.

''Hindi naman ako isang mukhang basura na parang nilamutak at paulit-ulit na binato.Subukan mo rin tumingin sa salamin! Yung mukha mong butas butas na pwede nang tirhan ng tao.Tapos yang labi mo na bitak bitak, yang salamin mo na mas malaki pa siguro sa bayag mo.'' tuwang tuwa ako sa loob ko.Saktong sakto naman sinabi ko.

''Aba paano napunta sa bayag ang usapan natin ha?'' takang tanong nito ngunit nagulat na lamang ako ng bigla niyang dakmain yung gitna ko.Puta nahawakan niya!

''Aba mabigat bigat yang dala mo.'' asar na bigkas nito.Napasuntok ako sa table at napasabunot sa sarili.

''Tangna mo ba't mo hinawakan?''

''Sinigurado ko lang kung malaki yang iyo, makapanglait ka sa dala-dala ko eh.'' tae ba't ba ako naaalibadbaran sa topik na 'to! Ba't ba kasi binanggit ko pa.

''Ngunit, mas lamang parin pala ako.'' dagdag pa niya at dali-dali akong dumiretso dun sa table namin.Kinuha ko yung kape na hindi ko pa naiinom.Buti at mainit pa.Wala akong paki kahit matusta yang balat mo!

''Eto sayo!'' dapat pala hindi na ako nagsalita dahil naalarma ata siya at sa huli sa dibdib ko natapon yung mainit na kape.

''My bad.'' huling salitang narinig ko bago ko lisanin ang lugar na iyon.

Sana lang hindi na kami magkita ulit.Dahil talagang maiililibing ko siya ng buhay!

END OF THE FLASHBACK~

Itutuloy...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.