MBC_12:LIPAT

Met by Chance~

''Oh ba't parang binagsakan ka ng ten wheeler truck diyan?'' lumakad ako papunta sa sofa namin at humilata.Nakakabagot kasi si hyukjae.Ano bang umiikot sa ulo ng unggoy na yun.

''Ma hindi lang isang ten wheeler truck.'' napailing na lamang si mama.Seryoso ba talaga yung panget na yun.Sana naman hindi. 

Alam kong dapat hindi ako nagtutuon ng pansin dito ngunit, ayoko namang isipin yung pangyayari sa pagitan namin nung pro-killer na butas butas na yun.I mean, gigilitin daw niya ako.Kautut, kailangan bang pati pag iyak niya dapat walang makaalam.

Lahat ng lalaki umiiyak no.

Hay nako, napunta na sa kanya yung usapan.

Kabagot.

--

''Ma asan yung mga box?'' sabay tikim ng kalabasang niluluto ni mama.

Halatang nagtaka siya sa sinabi ko. ''Anong pinagsasabi mo anak?'' eh?

Niloloko lang ba ako ng unggoy na yun?!

''Yung juice na pampalaki ng pwet.'' banggit ko at napatigil si mama sa pagluluto.

''Anak.In-born ng malaki ang pwet mo.Wag mo nang sobrahan.'' hay si mama talaga.

Umakyat na lang ako pabalik sa kwarto.Kailangan kong kausapin si hyukjae pero wala naman akong cellphone at iba pang gadget.Kabagot naman.Tutulog na naman ako ganun? Edi baka mamaga yung mata ko dahil sa sobrang tulog.

Gumulong gulong ako sa kama at may narinig na boses sa gilid ko.

Hala! Kanina pa ba siya dito.

Ang ulupong kong tatay.Nakaharap sa bintana at halatang may kausap.

''Alam ko ang kailangan kong gawin.Kaya kahit konting araw bigyan mo pa ko.''

Pinagsasabi niya? Kaya ba siya bumalik samin.Well correction.Kaya ba nandito siya pansamantala ay gagamitin niya kaming pambayad sa pinagkakautangan niya?! Aba naman!

Nanatili lamang akong tahimik at nakinig pa.

''Makakapaghintay naman kayo diba? Please lang.Kukumbinsihin ko pa ang anak ko.'' pagmamakaawa niya at lumakad lakad.Ako ba tinutukoy niya? Putek may binabalak nga siya.

Kinagulat ko na lang na parang na-loud speaker yung telepono niya dahil sa sigaw na nanggaling sa kabilang linya.

Boses ng isang lalaki.

 ''Puro ka anak mo! Putang ina mong anak!'' sabay nakita kong nilayo ni papa yung cellphone sa tenga niya at tiningnan ang screen.On-call parin ito.

''Please lang....marcus.'' marcus? Ano yun kalaguyo niya?''

''Dapat bukas bumalik ka na sa bahay.Kung hindi.Papasabugin ko utak ng pamilya mo.Hahanapin kita'' napalunok ako sa narinig...mamamatay na kami bukas? Hindi naman ata pwede yun.

Tiningnan ko lamang ang likod ng ulupong kong tatay.

Lahat ba ng nauukol sa kanya may dawit na masamang sitwasyon.

''Pa.'' pati ako nagulat sa salitang lumabas sa aking bibig.

Tumingin agad siya sa aking direksyon.Halatang gulat.

Siguro dahil natanto niya na may iba pang tao sa kwarto at dahil sa kadahilanang tinawag ko siyang papa.

''Anak...''

''Ano ba ang magiging magandang solusyon para maibsan ang kamatayan namin bukas?''

''Sumama kayo sakin bukas.''

''Pag ba sumama kami sayo bukas..walang pasabugang mangyayari...pati magiging masaya parin si mama?'' 

Wala na ako sa sarili ko ngayon.

Bumaba muna ang pride ko..Dahil lamang sa aking pamilya.

''Oo, bukas na tayo lilipat.''

Napaaga ata sa totoong pinag-usapan.

Pero buhay ang pinag-uusapan dito..

Kaya wala akong karapatang tumanggi.

--

Pumasok ako sa internet cafe na lagi kong pinupuntahan.

Kailangan kong kausapin sina ryeowook at hyukjae.

Hindi na ata kami magkikita pang muli.Dali dali kong ini-open ang account ko at minessage si hyukjae.Wala kasing facebook si ryeowook eh.Kaya kay hyukjae ko na lang sinabi...kaso ang masama offline siya..nagjajakol na naman ata 'tong unggoy na 'to.

''Hyukjae napaaga ang paglipat namin.Bukas na bukas na kami lilipat at damay ang pag-aaral ko dun.Basta sa tamang panahon sasabihin ko sayo ang dahilan.Pakisabi na rin kay ryeowook.'' sabay log out.20 minutes lamang ang binayaran kong oras...di ko alam kung anong pumasok sakin pero gusto kong bisitahin yung site ng mga nerds..at sa huli binisita ko ito.

Ngunit nagulantang ako sa aking nakita.

Puro galit na post ang nandito..hindi galing sa ordinaryong tao.

Galing ito sa leader ng killerx..xkyux..si butas butas.

''Putang inang buhay 'to.''

''Di ka talaga nagbabago tanda ka.''

''Papatayin ko lahat ng humahara sa kasiyahan ng pinakamamahal ko.''

Nakakakaba naman yung pinagsasabi niya...isa kasi siyang pro-killer tapos ganun.

Nag-aalala lamang ako para sa mga taong humaharang sa kasiyahan ng pinakamamahal niya.

Parang may bumara sa puso ko.Anong ibig sabihin nito.

 

 

 

Feeling ko...may gustong pumatay sakin.

 

Mas kinabahan ako dahil..

 

 

 

Hindi lamang sakin..

 

--

 Napatingin ako sa bahay na nakatayo sa aking harapan.Nandito na kami sa aming lilipatan.Madaling araw pa lamang ay nag impake na kami.Ako lang naman ang ayaw sumama sa simula pa lang diba kaya madali kaming nakaalis agad.Buti na lamang at narinig ko yung usapan nila.

Pumasok na kami sa loob.Oo, napakalaki at napakaganda ng bahay..pero iba ang aura nito.Hindi ibig sabihin may multo ah.Iba lang talaga ang feeling ko.

Kitang kita ko kung paano kumislap ang mata nina mama at sungjin.Hindi ko sila mapipigilan..mahirap pigilan ang kasiyahan ng iba.Napayuko at dali-daling nilapag ang gamit at dumiretso sa labas.Ayokong makulong doon kasama sila..makakasira ako sapagkat hindi ko mapilit ang sarili kong ngumiti man lang.

Naglakad lakad ako at hinigop ang maaliwalas na hangin.

Isang village ang aming nilipatan.

Naglalakihan ang mga bahay dito.Hindi ko alam kung kelan ako masasanay sa gantong sitwasyon.

Siguro never yung mangyayari. 

Buti rin at buhay pa kami ngayon.

Di ko alam na dahil lang sa paglipat namin mapipigilan ang pagpatay.

May iba pa bang tinatagong sikreto ang ulupong kong ta--!

''Pakshet!'' napamura na lamang ako sa nakita.

Yung aso ni butas butas! Ba't andito yan. 

''QLANA!'' sigaw ko at bigla agad itong tumingin sakin at piting ini.Di nakakalimot ang aso! Kumaripas agad ako ng takbo at may nabangga akong matigas...matigas na dibdib.

''Naliligaw ka ata mr.lee.'' malalim na boses ang narinig ko.Maling desisyon talaga ang paglipat namin ng bahay...taga dito rin 'tong butas butas na 'to.Ang pinagtataka ko lang noong tiningnan ko siya iba ang dating niya.Hindi siya yung butas butas na lagi kong nakakaaway ng may pursigi talaga.Iba ang nababasa ko sa mata niya.

Kalungkutan at galit. 

 Pero sa huli ang tingin ko mas namumutawi ang kalungkutan sa mata niya.

''Hindi ako naliligaw.Bagong lipat kami dito.''

''Ah ganun ba.Nakita mo ba yang aso ko? Di parin malago yung balahibo.''

Kailangan pa bang ipaalala yun.Ang nakaraan ay nakaraan na. 

''Wag mo akong simulan, bukbok..'' di ko alam kung saan ko nakuha yung word na yun pero bagay sa kanya.

''Hayop ka kasi.'' iba talaga dating niya.Ang mas maganda lubayan niya ako.Makahayop siya ah! Lagot ka sa banat ko ngayon.

''Alam mo bang lagi kitang nakikita sa zoo.'' binigyan niya ako ng mapang asar na ngiti.

Masaya pa siya sa sinabi ko? Eh napakacommon na nang banat na yun.Dapat maoffend siya wahahaha.

''Alam ko.'' simpleng sabi niya.

Hanu raw?

''Pinagsasabi mo?''

''Dahil ako nag-aalaga sayo.Natural na yun.'' binaliktad niya.

'-' P U TA

''Sige na kailangan ko nang umalis.'' napatunganga lamang ako sa likuran niya.Ang galing niyang magbalikad ng sitwasyon.

''Ay nga pala.'' meron pa siyang nakakatangang sasabihin?

''Ikaw ang pinakatalented kong alaga.Nagse-selfie pa.'' sabay napatawa.May sira na siya sa utak.'''Napipe ka na ata.Sige alis na ako.Darating kasi ang magiting kong tatay.

Itutuloy...

Unti-unti ng nang nare-reveal kung saan ba talaga tungkol ang istoryang ito.Kaya salamat sa mga nagbabasa nito.Kahit isa ka na lang.Tatapusin ko 'tong story XD Ang ganda ng Piano Forest lab lab <3

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.