MBC_19: SUPERBUKBOK TO THE RESCUE.

Met by Chance~

Bakit ba sa dinami daming sasagot sa kabilang linya eto pang demonyo na 'to.

''Hello?'' inis na sagot ang narinig ko sa kabilang linya. Siguro inis na, napatameme kase ako at napaulet pa siya sa sabi ng hello. Huminga ako ng malalim. Hinde ko talagang magawang magsalita! Alam ko naman ang susunod na mangyayari, hihingi ako sa kanya ng tulong. Pero sino ba naman ang taong manghihingi sa kaaway niya ng tulong! Siguro ako ang una! Lee sungmin ano ka ba?! Kakasabi mo lang sa kanya kanina ng salamat tapos para kang tuod ngayon na di makapagsalita!

''Hmm.. Bukbok tulungan mo na naman ako.'' mahinhin na sabi ko puta di ako 'to.

Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. Taena jojombagan ko siya!

''Oh ang dakilang lee sungmin nangangailangan ng tulong. Sakin pa talaga.'' napairap ako sa inis. Gusto ko na lang siya diretchohin. Bahong baho na ko sa sarili ko at tingin ko natanggal na yung eye liner at kung ano ano pa sa mukha ko. Sayang ang effort ko leche putapete kase yung nagbuhos saken. Taena walang magawa. First day ko ngayon ah!

''Oo kailangan ko ang tulong mo mahal na prinsipe kaya please lang puntahan mo ko sa boy's bathroom. At pwede pakisabi kay heechul, mag usap kami mamaya.'' pagpepeke ko at alam kong ramdam iyon ni bukbok.

''Oo na po mahal kong vocalist. Pupuntahan kita diyan at pakikinggan ang nakakarindi mong boses.'' tang ina nito ah.

''Basta bilisan mo gago --''

Binabaan ako.. Puta binabaan ako! Ang kapal ng mukha niyang babaan ako!

Ilang minuto akong umupo sa bowl. Kulay brown na yung uniporme ko. Nakakainis lang ingat na ingat si inay sa pagplantsa nito kanina. Tapos magiging ganto lang. Sino ba kase ang putang gumawa nito. Magsisisi siya sa pagbangga saken. Una ko palang araw may gusto nang mawala ako dito. Grabe ah. Siya siguro yung naglagay ng welcome to hell. Well mali siya ng binangga magbabayad siya.

''Taena ang tagal naman ni bukbok.'' sambit ko habang pinipiga yung pantalon na suot ko. Basang basa mabigat lumakad nito.

''Miss mo na agad ako?'' ay andyan na ang leche.

''Sorry ka ah. Wag kang assuming diyan at pwede pabukas na lang nang pinto.'' sigaw ko mula sa loob pero wala akong naririnig na yapak papalapit sakin.

''Asang cubicle ka ba?'' leche pwede naman sundan na lang niya yung boses ko.

''Pakinggan mo ko ng mabuti.'' simpleng sabi ko at naghintay. At sa isang iglap may narinig akong mabibilis na yapak. Excited siya? Hinde naman ako nalulunod sa bowl.Ako pa talaga nagrereklamo mo eh ako na yung inip na inip dito.

''Ba't di ka makalabas?'' lecheng damuho 'to. Nagtanong pa.

''Siguro nastranded ako dito. May baha kasi diyan sa labas. Syempre may naglocked mula sa labas!'' tumawa lang siya ng malakas. Gago talaga.

Pagkatapos humupa ng baha i mean ng tawa niya. Narinig ko yung dahang dahang pagbukas mula sa labas.

Gulat na gulat si bukbok pagkakita saken. Hay nako.

''Ano nangyare sayo?''

''May gago kaseng nangtrip saken.'' sabi ko na lang at dahan dahan lumakad palayo. Dipa ba halata? Hinde ako isang kalabaw na magtatampisaw sa putikan at ilalocked sarili sa banyo.

''Teka lang.'' malapit ko na sanang lisanin ang lugar ng narinig ko yun. Ano na naman ba.

''Asan thank you ko.'' napailing ako. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng peke.

''Thank you ha.'' sabay talikod, napatulala lamang siya saken.

''Magtithank you na lang di pa sincere.'' pagmamaktol niya. Leche para siyang bata. Hinarap ko na lang siya at nag thank you ulet ngunit seryoso na. Buti nga may tumulong pa saken. Bago kong paaralan ang pinapasukan ko ngayon. At least may natawagan ako. Bakit ba sa lahat ng pagkakataon siya yung sumasagot. Lecheng coincidence.Tumalikod na ako nagmuni muni.

Napatigil ako sa pagmumuni muni nang narinig kong nagpipigil siya ng tawa. Nako na naman uh oh.

''Ano bang nakakatawa?'' ngunit nakatalikod parin ako. Taena pagod na ko humarap sa kanya.

''Yung mukha mo.'' sagot niya ngunit seryoso na.

''Pinagsasabi mo?'' takang tanong ko. Oo may putik pake niya.

''Wala.'' sabay dinaanan ako at lumakad palabas.

Aba nauna pa saken. Leche san nga pala ko maglilinis ng katawan. Ay nako bahala na. Pwede ba dito sa banyo. Kaso sana walang pumasok ngunit imposible yun. Mailocked na nga lang.

Dali dali kong hinubad lahat ng saplot ko at pinigaan. Oo lahat. Sinahod ko yun sa lababo dun at marahang nilinisan. Naasar talaga ko sa pesteng gumawa nito. Walang magawa sa buhay niya eh. Pagkatapos kong malinis itong lahat kinuha ko yung pantalon at nilinis yung balat kong may putik. At binanlawan ko ulit yun at sinuot. Malinis na ang saplot ko pero yung mukha ko diko na nilinis. May plano kase ako. Sa huling tingin sa salamin lumakad ako papuntang pintuan ng banyo.

Dali dali ko yung binuksan at p u t a.

Di ko mabuksan...

Kailangan ko na naman tawagan si bukbok... Ano nang katangahan ito. Nagawa ko namang isarado pero di ko kayang buksan leche!

Matapos ang ilang ring.

''Oh ano na naman?''

''Help..'' hiyang sagot ko.

''Hay nako asan ka?'' inis na sabi nito.

Nakakahiyang sabihin ano ba namang buhay 'to.

''Ban...ban..''

''Alien ka na ngayon?!''

''BANYO!'' sigaw ko at nainis sa sagot niya.

''TANGA!'' oo alam ko naman.

Dati pa!

--

Kyuhyun POV

Simula pa lang umaga nagulat na ko nang nakita ko siyang papasok sa gate. Ay hinde nga eh nung napadayo pa lang siya sa lugar namin naguluhan na ako. Bakit siya andito? At naisip ko na lang. Baka bagong lipat. Pero bakit? Yun ang di ko masagot. Syempre bakit ba di naman ako stalker katulad ni heechul.

Kasalukuyang naglalakad ako papunta sa banyo. Kasama ko sina heechul sa clinic eh. Hinihintay namin 'tong rakista na bumanyo. Bakit kase kailangan pang hintayin. Di naman siya bata para akayin pabalik sa classroom. Leche lang talaga si heechul. Sobrang maalaga sa rakista na yun.

Nagulatantang lang ako ng nakita kong may tumawag sa personal kong number. Konti lang nakakaalam nito dahil personal nga.Tas biglang may unknown number na sumulpot like ano 'to prank call.

''Hello.'' sagot ko ngunit hinga lamang ang naririnig ko.

Leche babaan ko 'to eh.

Ngunit sa pagtataka kung sino ang nasa kabilang linya naghello ulit ako ngunit inis na.

''Hmm.. Bukbok tulungan mo na naman ako.'' pagkarinig ko pa lang ng bukbok alam ko na kung sino 'to pero pano.

Di ko alam pero napatawa ko. Siya kailangan ng tulong ko? Di kapani paniwala after ng paulit ulit naming alitan exception na yung sa jeep.

''Oh ang dakilang lee sungmin nangangailangan ng tulong. Sakin pa talaga.'' sambit ko at alam kong nanggagalaiti na siya sa kabilang linya.

''Oo kailangan ko ang tulong mo mahal na prinsipe kaya please lang puntahan mo ko sa boy's bathroom. At pwede pakisabi kay heechul, mag usap kami mamaya.'' di talaga ko makapaniwala sa taong 'to. Kulang ng turnilyo sa kokote. Makaasta eh.

''Oo na po mahal kong vocalist. Pupuntahan kita diyan at pakikinggan ang nakakarindi mong boses.'' pagsakay ko dito.Heechul? Bat kailangan nila mag usap? Pake ko.

''Basta bilisan mo gago --'' di ko na siya pinatapos. Grabe kase yubg bibig niya. Kala mo nakalunok ng plaka.

Gusto ko lang malaman kung gaano kabigat ang problema niya at ako ang tinawagan.. Eh ang nakakapagtaka paano niya nalaman number ko. May kinalaman na naman kaya 'tong bakla kong pinsan!

--

Nakarating ako doon at sinuri ang paligid. Mukhang wala namang tao isang pintuan lang ang nakasara. Alam ko na.Magpapakaslow ako kagaya ng inaasta niya lagi.

''Taena tagal naman ni bukbok.'' napangisi ako.

''Miss mo na agad ako?'' pang aasar ko dito. Sarap niya kase asarin kala mo may lumalabas na usok sa tenga niya dahil sa pula ng mukha. Kaso ngayon di ko yun nakikita.

''Sorry ka ah. Wag kang assuming diyan at pwede pabukas na lang nang pinto.'' sagot niya ngunit di parin ako kumibo. Gusto ko pa siya pagtripan.

''Asang cubicle ka ba?'' tanong ko kahit obvious na. Ipaparamdam ko sa kanya once in a lifetime mas angat siya saken.

''Pakinggan mo ko ng mabuti.'' dali dali akong lumapit kung asan siya. Di ko na matiis maging tanga. Oo tanga.

''Bat di ka makalabas.'' yun ang tanong na hinde na pagpapakatanga. Talagang gusto ko malaman bakit siya andun. Wala naman sigurong taong magbubuhos sa kanya ng putik at ilalocked siya.

''Siguro nastranded ako dito. May baha kasi diyan sa labas. Syempre may naglocked mula sa labas!'' pilosopo talaga kahit kailan.

Bingo! Di ko alam bat natawa ako.

May nagkulong sa kanya dun ☑

Pagkatapos kong kumalma binuksan ko na ito at nagulat nang makita siyang balot sa putik.

May nagbuhos ng putik ☑

Nakakapagtaka. Sino naman kaya gagawa nun. Obvious naman na di ako. Kung gagawin ko man 'to next day pa siguro enjoyin niya muna first day niya then in the next day i'll make his life more miserable katulad ng mukha niyang may eye liner kala mo bagay.

''Ano nangyare sayo?'' lintek cho kyuhyun obvious na.

''May gago kaseng nangtrip saken.'' may halong inis niyang sagot. Aba sino ba namang hinde maiinis. Parang ginawa niyang swimming pool yung putikan.Kita ko siya kung paano lumakad palayo. Di ko alam ang sumanib sa akin at may binuga kong salita.

''Teka lang.'' tang ina cho kyuhyun isip.

''Asan thank you ko.'' oo ako na ang taong desperado sa thank you. Kita ko kung pano siya umiling at humarap saken.Nagpasalamat siya ngunit alam kong peke iyon.Tumalikod siya saken.

''Magtithank you na lang di pa sincere.'' maktol ko at humarap ulit siya saken. Nagpasalamat ulit siya ngunit seryoso iyon na nagpatawa saken. Yung mukha niya kase lalong namutla at kala mo napahiya.


''Ano bang nakakatawa?'' tanong nito.

''Yung mukha mo.'' ayoko na marinig ang sunod niyang sasabihin dahil alam kong hinde niya ko naintindihan.

"Pinagsasabi mo?'' diba?

Bigla akong may naramdaman na ibang prisensya sa paligid.Sino naman kaya ito.

''Wala'' sagot ko sa kanya at dumiretso palabas.

Tumingin tingin ako sa paligid. At may nakita akong tindig na lumiko papunta sa library. Hinabol ko agad ito. Ano naman kayang ginagawa ng taong 'to at nakikinig lamang sa usapan. Pwede naman siyang pumasok na lang kung magccr.

Nakarating ako malapit library.  nakita kong hingal na hingal ang nilalang.Obvious nang nang i-eavesdrop, tumakbo eh.

Pero kilala ko 'tong likod na 'to ah.

''Jongwoon?''

 

 

 

 

ITUTULOY...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.