MBC_17 : WELCOME TO HELL.

Met by Chance~

*****************************************************************************************************************************************

Binasa ko ulit lahat.Ang daming errors da pak.Pagpasensyahan niyo na tong fic.Galing mental nagsusulat.Okay start.

Tang ina lang yung minarathon kong fics.Mula hapon hanggang alas syete ng umaga.Binasa ko walang tulog peste.

(Walang may pake) Start daw ay.Gende kese meged.

Warning: May mga imemention na pangalan from the past chapters.Sana tanda niyo pa yung iba.Kase ako di na hahaha.

******************************************************************************************************************************************

Met by Chance :

Chapter 17 - WELCOME TO HELL.

Naglakad ako palayo galing sa huklubang kong tatay.Akalain mo yun.Mas naniwala sa iba kesa sa anak niya.Oo, aaminin ko na naman.Barumbado akong anak pero alam ko parin kung anong makakasama pa sa buhay namin ng mama ko.Mabigat na nga ang pinapasan niya noong wala pa si papa.Kakaririn ko pa rin ba magbasag at manira sa paaralan 'to.Pagiging bad boy lang ang kinarir ko.Yun kase ang magandang option para sa sarili ko para mapakita ko sa papa ko na ang dulot ng prinsensya niya katarantaduhan ko tu da max.

Alam ko namang ang hukluban naming principal may kasalanan pero can't blame him naman, estudyante parin ako dito ngayon baka hindi ako mapalipat niyan at edi malaking hassle.Nakarating ako sa gate ng eskwelahan at tiningnan kung nakasunod ang tatay ko pero laking gulat ko ng may nakita akong kasama niya.

Kakaklase ko yun ah.

Si Lee Sunkyu.

--

Napabuntong hininga na lamang ang lalaking nasa edad na kwarentay dos.Simula pa lang hindi na siya naging mabuting ama sa kanyang panganay.Ni wala siyang binigay na tiwala dito.Sising sisi siya sa mga nagawa noong nakaraan at ngayon may bago na naman siyang kasalanan rito.Hindi niya mapigilang hindi malungkot sa mga pangyayari.Kung may himala mang mangyayari.O kung totoo man ang himala.Doon na lamang siya aasa.

Aasang mapatawad ng kanyang anak.

Pero napakaimposibleng mangyari nun pero -- Napatigil ang matanda sa pag-iisip ng may mabunggo siyang estudyanteng babae.Tumingin tingin siya sa paligid at nakitang nakarating na si vincent.Ang kanyang panganay.Di mawawari ng matanda na mahilig siyang magpalayaw sa-- naputol na naman siya sa kanyang pagkawindang ng may narinig siya boses.

''Tito.Ano po ginagawa niyo dito.'' Tito? Pagtatanong niya sa kanyang isip at tiningnan ang babaeng kanyang nakabunggo.Nanlaki ang mata niya sa nakita.Hindi niya inaakalang makikita niya ang dalagang kanyang kaharap ngayon.Oo, kilala niya ang naturang babae at alarma siyang nag-aaral ang dalaga sa paaralang ito.Ngunit sa kanyang sitwasyon ngayon hindi ito ayon.

''Naligaw ata ang tito mo sunkyu.Sa tanda kong ito, dito pa ako napadpad.'' kasinungalingan...kailangan niya itong gawin kung hindi magiging mas komplikado ang lahat.Tumango lamang ang dalaga at ngumiting pilit.''Ganun po ba tito.Sige po mag-ingat po kayo sa susunod.'' mahinhing sabi ng dalaga at hinintay ang sasabihin ng matanda.Pero ramdam ng matanda na may nakatingin sa kanila mula sa kalayuan.

Binalikan niya ng tingin ang matatalas na nagmamadyak.

Lumakas at bumilis ang tibok ng puso niya at piniling iwasan iyon.

''Oo naman sunkyu, ikaw rin.Ipakamusta mo na lamang ako kay marcus sapagkat hindi na kami nagkikita.'' may bakas na pagtataka ang mata ng dalaga.Isa pang kasinungalingan, kahapon lamang ay nakita niya ang binata.Hindi na lamang niya pinansin ang pagtatakang nakabalot sa mata ng dalaga at mas piniling maunang umalis.

''Kain tayo minsan sunkyu ha.'' huling sambit nito at kumaway lamang ang dalaga.

Ang dalagang nakalaan para sa kanyang anak na si marcus..Oo, anak.

--

''Ang tagal mo naman ata.Anong meron sa pagitan niyo ng kaklase ko.'' tanong ko ng makalapit sakin ang magiting kong tatay. ''Wala.Nakabangga ko lamang yung babae at humingi ako ng paumanhin.'' piling ko hindi siya nagsasabi ng totoo.Pero wala naman akong pake.Si sunkyu lang naman yun eh.

Oo si sunkyu lang.

''Tara na at umuwi at sana maayos na ang paglipat mo ng eskwela.''

Napairap na lamang ako.

Lipat ma azz! No choice paden.

--

''So wala man lang thank you?'' isang binata ang pilit na pinipilit ang kanyang pinsan na magbigay sa kanya ng simpleng thank you.Simple lang hinihingi niya pero sadyang matibay ang kanyang ugok na pinsan.Tingin niya lang na kahit konting utang na loob sapagkat tinulungan niya ito kahapon.At about pa ito sa mahal na tao nang kanyang pinsan.Oo, mahal.Alam ng binata na maling mag-isip ng konklusyon na ganun.

Pero darating din ang araw na magiging totoo ang kanyang delusyon.

''Hindi naman ganun yun kahalaga.Nga pala, hinahanap ka ni horsy kanina.Punta daw kayo ng ocean park.'' halos marindi ang binata sa narinig.Yamot na yamot talaga siya sa kabayong yun.

''Sabihin mo na lang patay na ako.Nasagasaan ng malaking truck tas dead on arrival sa ospital.'' pagaalok niya ngunit ngumisi lamang ang isa pang binata.

''Di ako makapaniwala sayo heechul.Pwede rin kasi para ka nang patay.Lagi ka na lang wala sa bahay nina tita.Paati di ka narin dumadalo sa mga klase mo.Kaya hindi ka makaalis sa hayskul.'' seryosong sambit nito.

''Ano bang pakealam mo cho, eh sa gusto ko munang mag-enjoy.'' naalibadbaran na talaga si heechul sa pinagsasabi ng kanyang pinsan.

''Mas unahin mo ang pag-aaral.Pwede ka namang mag-enjoy later on.''

''Eh sa gusto ko yung ginagawa ko ngayon.Di mo ko mapipigilan dun.'' 

''Enjoy na istalk kaming dalawa nung wanna be rockstar na yun.'' sapul na sapul ang binata sa narinig.

''...''

''Tandaan mo.Walang mararating yang kakastalk mo na yan.Hindi kami magiging bromance of the year na pinag-iisip mo.Ulol ka na ba talaga? Alam mong wala akong tipo sa mga ganyan.'' 

''...'' pinili na lamang niyang di muna magsalita.

''Pati kahit maging certified na baling ruler ako.Hinding hindi siya ang papatusin ko.Kahit siya pa  ang nag-iisang lalaki sa mun--'' ''Ba't ba napakadefensive mo ha.Thank you lang hinihingi ko ah.'' pinigil niya agad ang sasabihin ng isa sapagkat nasasaktan siya sa kanyang mga naririnig.Hindi keri ng puso niya.

''Thank you sa pagbibigay ng address niya?'' 

''Di ba obvious?''

''Dapat nga iniwan ko na lang siya dun pero buti may puso pa ako.At isa pa natanto ko na ang salitang seryoso ay wala sa bokabolaryo ng pipitsuging taong yun.Bitaw ng bitaw ng words pero malalaman mo na lang parang half meant.Alam mo natawa pa ako dun kase akala ko may sasandalan ako nung time na yun pero wala.Tanga lang ako na pinakita ko na naman ang weak side ko sa kanya.Ba't sa kanya pa.''

''Pero nag kiss kayo diba?''

''That doesn't mean anything.Kaya wag mo pangaraping meron.'' 

--

Sungmin POV

''So nakausap niyo ba ng maayos yung principal?'' dumiretso agad ako sa espasyo naming sofa.Yes ang laki niya peste.Di ko alam kung san nakuha ni tanda yung pera niya siguro dun sa taong nagbabanta sa kanya.Shet, kalokohan.

''Okay naman ma.Mabilis bilis ata ang proseso ng paglipat ko sapagkat ang asawa mong hukluban naniwala sa pinagsasabing kasinungalingan ng principal at napasuhol pa siya ng di oras.Kaengotan nga naman.'' parinig ko dahil nasa di kalayuan lamang nakaupo si tanda.

Napayuko na lamang si mama at nilapitan si tanda.

Dapat nga ako ang mas kailangan ng prisensya mo ma.

Yang tanga mong asawa ang dapat mapagiwanan.

--

Lumipas ang isang linggo at papasok na ako sa bago kong school.

Ang pasok dito ay halos parehas lang ng oras sa dati kong paaralan.

Ang pinagkaiba lang talaga, pribadong school ito at maraming bayarin.Masaya rin ako at makakapag-aral na si sungjin.Nagstop kasi yun dahil hindi kami kayang pag-aralin ni mama.Kaya tulong na lang siya sa bahay.Tambak projects kaya mas pinili ni sungjin na wag muna.Masasayang lamang ang taon at pera dahil mababaon siya ng proyekto.Kung ako ngayong week na papasok.Si sungjin hindi pa.May aayusin pa sa kanya.

Kasalukuyang nag-aayos ako ng sarili ng bumulaga si sungjin sa pinto.

''Kuya please.Tigilan mo yang paglalagay mo ng eyeliner.Malay mo bawal yan sa school.Mapahamak ka pa.'' nginitian ko na lamang siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

''Hindi ka vocalist ng isang rock band o kaya naman member nito.Eskwelahan ang pupuntahan mo kuya!'' may konti pa akong pasensya yaan mo siya ngumanga.Sunod kong iniayos ang uniporme ko at binuksan ang mga butones na dapat nakakabit.

''Kuya di ka pupunta sa bar.'' nasa limit na ako da .

''Pwede ba sungjin manahimik ka! Sa sarili ko to ginagawa, so makakahinga ka na ng maluwag.'' sabay kuha ng bag ko.

''Nag-aalala lang ako sayo kuya.Alam mo naman na halos lahat ng nasa private school mga sosyalin tas yung iba mapanghusga.'' huminga ako ng malalim.''Wag ka mag-alala sa kuya.Kaya ko ang sarili ko saka hangga't nandito pa yang damuho nating tatay kakaririn ko ang pagiging ganto ng makita niya na panira siya sa buhay ko.'' sabay diretso palabas.Iniwan ko lamang siyang di makapagsalita at nakayuko.

Sorry kapatid.Pero kailangan kong gawin 'to.

Wala rin akong pakealam sa sinabi ni papa na may maghahatid sakin sa school.

Mga ilang minuto akong naglakbay papuntang school namin at poof! Andito na ako.Napansin ko agad ang mga mag-aaral na nagmamadali nang pumasok sa eskwelahan.Aba late na ba ako.Tiningnan ko na lamang silang magkandaugaga at naglakad ng mabagal.Dadalin ko ang pagkabadboy ko dito at walang makakapigil sakin.

Nagtataka lang ako, ang aga pa naman pero iba ang kinikilos nila.

Shet kakapal makeup.Mga clown ba 'to.

Naglakad ako hanggang sa napatingala ako.Ang ineexpect ko kasi pangalan ng school ang nakakurba doon sa taas na pacurve pero nagulat ako ng may nakatakip ditong puti at sa isang iglap nasa baba na yung cover na kaninang nasa itaas.

''WELCOME TO HELL.'' 

Ano bang trip 'to.Saktong mag-isa lang ako sa kinatatayuan ko ngayon so parang sa tingin ng iba para sakin yun.Pwede rin naman kase una.

Una, para akong mag-isang basang sisiw.Pero walang ulan.Basta mag isa lang ako alisin na yung basang sisiw.

Pangalawa, Transfer student ako.Pero nakabroadcast ba sa kanilang lahat yun?!

At pangatlo.

May lalaking nakangisi sakin sa mataas na building sa aking kaliwa.

Ang leader ng killerx.

xkyux.

Pakshet paano ako mabubuhay sa buong taon?!

Itutuloy...

Updated! Sarreh late.

Next chapter : FIRST DAY DISASTER?! 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.