MBC_10 : BONDING NG PAMILYA.

Met by Chance~

Isang panibagong araw na naman.At ayaw ko talaga ng araw na ito.Kahapon badtrip ako tapos ngayon badtrip na naman ako.Kelan ba ako sasaya.Napagpasyahan kasi naming mag-mall ngayon,kasi nga daw aalis na ang papa ko sa bahay.Malapit na daw, kaya bonding.Ayoko nga sumama pero si nanay baka magalit.Pinagbihis pa ako ng magarbo.Talagang yung pinakatagong tago kong damit.De joke, pangalawa to sa pinakagusto kong damit.Aba aba pinakatatago ko yung isang yun, wag yun.Kung mahalaga talaga susuotin ko.Pero para sakin di naman mahalaga yung pagba-bonding namin.Oo na, ako na ang masamang anak pero maiintindihan niyo naman siguro pag nangyari rin sa inyo.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.Napakagat ako sa labi at hindi ko napansing may pumasok.

''Oy kuya!'' nanlaki ang mata ko.

''Ano?'' pero nakaharap parin ako sa salamin at para akong nakatangang naka-kagat labi parin.

''Ew kuya mandiri ka naman sa sarili mo, nakakagat labi ka pa, kala mo naman bagay.'' isa pa 'tong balugang to eh.

''Di ka gumaya.'' sabay tulak sa kanya palabas.

''Pati kuya , patanggal yang eyeliner at konting make up mo sa mukha.Sabi ni nanay magba-bonding eh ba't mukha kang bading?'' pinaypayan ko na lamang ang sarili gamit ang aking kamay.Kailangan kong kumalma, matagal na oras ang ginugol para matapos ang magic sa mukha ko.Pati bading? Pangalawang beses na akong napapagkamalang bading ah.Bulag ba 'tong kapatid ko? 

At buti nasa labas siya kundi nasuntok ko siya ng di oras.

''Wag mo akong kausapin.Pati hindi make up ang nasa mukha ko.'' sabay ayos ng t-shirt kong kulay black.May design siyang araw sa gitna.Ganto tipo ko eh.Walang basagan ng trip.Rinig na rinig ko ang panggagaya niya sa boses ko.Ay nako, kung hindi ko lang siya kapatid at kung hindi ko lang siya mahal.Napapatay ko na siya sa mga fashion terrorist na nerds.

Ngumiti ako sa salamin at umirap.Hindi talaga bagay.

--

Nakarating kami sa mall at nagduro agad ang kapatid ko.Kumain daw kami sa restaurant.Oo, gutom na rin ako pero dapat pagkatapos ng bonding na sinasabi nila.Magugutom rin agad kami.

''Wag kang matakaw, napapaghalatang patay gutom ka eh.'' bulong ko sa kanya ngunit irap lamang ang natanggap ko.Pinauna ko silang maglakad tatlo at nanatili ako sa likod.Tiningnan ko kung paano ngitian ni papa si sungjin.Wag na niyang gawin yan, kuhang kuha na niya ang loob ng magiting kong kapatid.Ang plastik talaga nitong hukluban na 'to.

Napatigil sila sa isang branch ng mga damit.Pumasok sila sa loob kaya wala akong magawa kung hindi pumasok na rin.Sana lang hindi ako pilitin ng hukluban na 'to.Ayokong tumanggap ng kahit anu mang galing sa kanya.

''Hon.'' napakagat ako sa loob ng pisngi ko.Oo, naniniwala naman ako sa poreber.Kaso sa kanila hindi.Sasaktan niya lang ang nanay ko.Sabi nga nila ba't mo pa papatusin kung sasaktan ka lang.Bakit ka pa kumakain kung tinatae mo rin naman.Walang pinagkaiba sa pag-ibig.Bakit ka pa aasa kung sa huli di rin kayo ang magkakatuluyan.Ano yun para hindi ka magsisisi.Mas gusto ko pa magsisisi kaysa masaktan.

''Dun muna kami sa panlalaki at pumili ka na lamang ng gusto mo ha?'' uh-oh.Ayokong mastuck kasama siya.

''Sige sige hon.'' anlande tae, di ko masikmura.

At pumunta na si mama at mga pambabae.Naiwan kaming tatlo doon.Nakalagay lamang ang dalawa kong kamay sa pantalon kong kupas.Ilang minuto wala paring kumikilos.Nakatingin lang silang dalawa sakin.Ano ko display dito.Aba, wag ka rare ang mga katulad ko.

Natanto ko na lang hinila ako ni sungjin at kita ko kung paano ngumiti ang hukluban kong tatay.

Napailing ako sa pagkadismaya.

Nakarating kami doon sa panlalaki.Tumunganga lamang ako habang pumipili sila ng damit.Napansin siguro ng hukluban ang pagiging tahimik ko at walang kibo.Bakit palagi naman ah? Umiling ako at pumunta sa kabilang corner.Pumili kaya ako ng madami para maubos ang pera niya.

Pwede rin, nagsimula na akong tumingin sa mga mamahaling damit doon.Ngunit binabalik ko lang rin agad, di bagay sakin.Gusto ko color black.Lagi namang black ang suot ko eh.Uniform lang talaga puti.Nakakasura ang kukulay ng damit dito.Luminga linga ako sa paligid at nagulat na lamang ako ng may sumulpot sa harapan ko.

Isa siyang staff.

''Sir, ano po ang hanap niyo?'' tanong niya.

''Black na damit.'' mabilis kong sabi at luminga linga sa paligid.

''Ano po yun, sir?'' napasingkit ang mata ko.Hindi ata ako narinig.

''Gusto ko away.'' sabay alis sa lugar na iyon.

Kelan ba sasaya buhay ko? Hindi naman sa naghahanap ako ng perpekto.Gusto ko lang bumalik ang buhay ko katulad ng dati.Noong bago pa sumulpot yang tatay ko.Matino pa ako at hindi ako astang bad boy.Sabi nga nila pwede na daw nila akong ibulsa.Kasya ako? 

Bumalik na lamang ako kung nasaan ang hukluban kong tatay at dakila kong kapatid.Nakaapat na damit na ang napili ng kapatid ko at ang katabi niya isa pa lang nakukuha.Tipid lang?

''Kuya ba't wala ka pang napipili? Nagugutom na ako kuya.Bilisan mo.'' inakbayan ko siya.''Ayoko ng mga damit dito, mas gusto ko sa divisoria.'' sabay tingin ng diretso sa katabi niya.Ang hukluban kong tatay.Napayuko siya.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa puso ko.

Napailing na lamang ko at hinila si sungjin papuntang counter.Habang ang nakasunod lamang ang isa sa taong gumawa samin.

Di pa siguro tapos si mama pumili.Babae nga naman.

--

''Tapos tay, nagpunta kami sa isang madilim na lugar at doon nagtakutan.'' tumawa lang naman yung kinukwentuhan niya at pati si mama nakisabay.Tinuloy ko na lamang ang pagkain ng spaghetti na ini-order ko.Ano bang nakakatawa doon? Matutuwa ka ba sa horror? May saltik lang ang tatawa dun.Naramdaman kong kinalabit ako ni mama.Napatingin ako sa kanya. ''Ikaw may gusto kang i-share?'' share? Kinamay ko yung fried chicken na nasa styro at nilagay sa lalagyan ni mama.Nagulat na lamang ako ng binalik niya ito.Magsasalita na sana ako ng. ''Ang ibig sabihin ko.May ishi-share ka ba na kwento?'' umiling ako at tinuloy ang pagkain.

Pero nakikinig parin ako sa mga pinag-uusapan nila. 

''Ay meron pala.'' napatingin sila sakin.

''Yung kaibigan kong mukhang unggoy chickboy.'' at kumain na lang ulit ako.Dapat pala hindi na lamang ako nagsalita.Mamaya korny pala yung joke ko.

Mahilig sa chixs at sa boy.Nasabi ko na lamang sa utak ko.Kasama ko nga pala ang tatay kong hukluban.Kailangan kong magpigil.Mga ilang minuto ang lumipas at nagsalita na ulit sila.Nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi iyon nagtagal ng may narinig akong sinabi ng tatay kong hukluban.

''Next week sana magimpake na kayo.Ayos na yung bahay doon sa sinasabi ko sayo hon.'' halos mapigil ang paghinga ko.

Dali-dali akong tumayo at nilisan ang lugar na iyon.Napunta ako sa isang bakanteng parte ng mall.Maraming tao nakapaligid sa akin.Iba-ibang direksyon nagkakalakad.Bakit ba lagi na lang sumasakit ang puso ko.Ayokong lumipat at hindi ako sasama sa kanya.

Nanatili akong nakatayo doon at hindi ko mabilang kung ilang segundo pero biglang may humila sakin (panira ng moment).Napatingin ako sa braso ,may dugo ito.Nanlaki ang mata ko pero nagpakaladkad ako sa nakamaskarang taong konting matangkad sakin.Napunta kami sa banyo ng babae.Babae ba 'tong nanghila sakin.Ipinasok niya ako sa isang cubicle.Anong gagawin ko.Bakit lagi na lang akong nasasangkot sa madugong sitwasyon? 

''Sino ka? Ba't mo ko hinila! '' sabay pilit na gustong tanggalin yung madugo niyang kanang kamay sa kaliwa kong braso.

Hindi siya makahinga ng maayos.Dahil siguro sa katatakbo.Pati paano magiging babae to.Hindi naman parehas sa babae yung hubog ng katawan niya.

''Palabasin mo ako dito.Isusumbong kita sa pulis pati ba't may dugo ka sa kamay?'' tanong ko.Napalunok ako ng sinandal niya ako sa padir.Hindi nga babae 'to.Paktay.Nagpumiglas ako sa pangko-corner niya ngunit sa pagtanggal niya ng kanyang maskara doon ako nakalimutang huminga.Bakit ba sa lahat ng pagkakataon laging nagsasalubong ang landas namin.

''Wag kang maingay.Kung hindi sariling dugo mo na ang babalot sa kamay ko.'' 

Akala ba niya kakabahan ako sa sinabi niya.

Tiningnan ko lang siya ng diretso at ngumiti ng patagilid.Hinanda ko ang sarili ko na sumigaw dahil alam kong may ginawa 'tong krimen.Kaya 'to ganto, pero bakit parang pumalpak siya ngayon.Mamaya na pala ako sisigaw, tatanungin ko muna kung anong dahilan.Chismoso mode.

''Palpak ata yang trabaho mo ngayon ha.'' parinig ko at tinitigan siya ng mabuti.Pawis na pawis ang kanyang mukha at mukha siyang ginahasa sa pagkagulo ng kanyang buhok.

Tiningnan niya lamang ako ng masama. ''May nakita lang akong tao na kinamumuhian ko kaya hindi ko masyadong nagawa yung trabaho ko ng maayos.''

Aba ang kapal nito.Ako ba yung tinutukoy niya.Hindi ako makapaniwala.

''Ako?'' tanong ko at talagang surang sura na ako.Kasi naman yung kamay nasa magkabilang gilid ng tenga ko.Babakat yung dugo dun sa pader baliw ba siya.

''Ang slow mo talaga.Ito na ang pangalawang beses na nasabihan kita.Habang ginagawa ko yung krimen na yun.Nakita ko yung tatay ko.'' 

So baka ayaw niyang makita siya ng tatay niyang gumagawa siya nang katarantaduhan.

Aasarin ko na sana siya ng may narinig akong boses galing sa labas.

''Halunghugin niyo bawat sulok.Baka makatakas yung mamamatay na tao na yun.Sa mall pa talaga niya naisipang gumawa ng krimen.Humanda siya.'' isang malakas na boses ang namutawi sa labas.Napangiti ako sa loob ko.Magandang pagkakataon 'to.Ang pagpi-personal siya sakin kahapon at lahat ng katarantaduhang ginawa niya sakin ay magkakaroon na nang kabayaran.

Tiningnan ko siya ng diretso at nakikipagtalo siya sa pagtingin.Wala akong pakialam sa warning mo ngayon.Ibinuwelo ko ang bibig ko.Binuka ko ito at wala naman sa utak ko na magbabago ang sitwasyon namin.

Ako pala ang walang takas.

Kusang napatikom ang bibig ko.

Hindi ko napansin na masyadong nakatuon ang atensyon ko sa mapait na sensasyong naramdaman.

Ang karma nga naman hindi mo alam kung kelan darating.

Parang premiere movies sa mga sinehan.

Kung hindi now showing.

Coming Soon.

Pero ba't sakin inaraw-araw ako.

Ganun na ba ako kasama.

Itutuloy...

Ano nga bang ginawa sa kanya ni bukbok? Abangan.Dahil special day ko yesterday.Nag-update ako.De joke lang.Gusto ko na talaga mag-update eh.Sige.Bye bye :) Salamat sa mga taong nagbabasa nito kahit hindi naman 'to ganun kaganda.

''MAGIC!'' >_< EXCITED NA AKO.

PATI SA SJCON3!! SOSYAL NAMAN KUNG SAAN GAGANAPIN!

ANG KINAIINIS KO LANG.SOLD OUT NA YUNG M&G! BaoHan huhuhu.

BGM : Just wanna - Ambet Ft.Eric Nam~ 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.