MBC_20: DILLEMA

Met by Chance~

Ryeowook POV.

Napakaganda ng araw ngayon, para akong naglalakad sa isang lugar na walang sasakyan at usok man. Ay oo nga pala, nasa kagubatan ako ngayon. Hindi ko man maisip bakit ako nandito ngayon, ang alam ko lang gusto ng sarili kong makaramdam ng kapayapaan.

Simula kase noong isang araw, parang nawalan na ako ng gana masyado. Sa sarili ko, alam kong hindi dapat ako nagaalburoto o nagdadrama pero sadyang hindi ko lang mapigilan ang nararamdaman ko.

Una, ang kaibigan kong nagtransfer sa ibang school at sumunod naman, si yesung.. bakit kailangan lumihis ng tadhana ng ganun ganun na lang.

Mamamatay kase ako pag si hyukjae lang nakasama ko. Kung si sungmin kase takas sa mental, mas malala yung unggoy na yun at alam kong madideads agad ako.

At yung isa naman, takas din. Takas naman sa puso ko. Hindi ko talaga inisip na magiging malapit yung loob ko sa kanya. Noong una, oo kaibigan kung kaibigan pero di ko halos naisip na noong tumagal na... di na kaibigan ang turing ko sa kanya. Maraming beses ko na sinabi sa sarili ko na mali ito pero mali bang magmahal.

Napatingala na lamang ako sa kalangitan, iniisip kung babalik ba siya o sadyang itataboy na lang niya ko kagaya noong huli naming engkwentro.

--- 

Naupo ako sa sofa ng naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa lamesang babasagin.

"Ba't nagbalak ka pang tumawag." sa isip isip ko ng nakita ko yung pangalan ni jongwoon sa screen.

Sinagot ko ito at rinig na rinig ko ang hininga niyang hingal na hingal? , sa kabilang linya.

"Buti nasagot mo na, sorry kung nababa ko kanina ha. Pwede mo nang kausapin ngayon ang kaibigan mo."

Minsan talaga di ko maintindihan kung paano tumatakbo ang utak niya. 

Lalo na yung mga libro niyang binabasa, di ko alam kung anong klaseng laro ang nilalaro niya at ramdam ko ang mga kasinungalingan sa likod nito.

"Nababaliw ka na." sabay baba ko ng telepono.

Ayokong masangkot sa mga pinaggagawa niya, dahil alam ko sa sarili ko na simula pa lang..... wala na siyang interes sakin gaya ng sinabi niya bago siya nagtransfer.

"Tapos na ang trabaho mo sa buhay ko, salamat sa pagpapagamit."

Oo masakit, pero mas masakit dahil kahit sinabi na niya yon... hulog na hulog na ako parin ako sa kanya at hindi ko alam kung paano ito mapipigilan.

---

Kyuhyun's POV.

"Jongwoon?" napatigil ito sa pagtawag ko at pilit inaayos ang estado ng paghinga niya.

"Bakit?" sagot lamang niya at tiningnan ako ng direcho.

"Nakikinig ka sa usapan namin? Kung naiihi ka dapat dumiretso ka na lang." sagot ko at umiling siya.

"Si sungmin kase, gusto siyang makausap ng kaibigan niyang si ryeowook." tumango ako at nakita ko kung paano niya kunin yung telepono niya sa bulsa niya sa likod. Pero may napansin akong kakaiba, pilit niya kaseng pinupunas yung kamay niya sa kanyang pants. Ano namang kayang problema niya.

"Buti nasagot mo na, sorry kung nababa ko kanina ha. Pwede mo nang kausapin ngayon ang kaibigan mo." napatigil ako sa sarili kong mundo ng nagsalita siya.

"Ganun ba, sige akin na yung cellphone ako na magbibigay kay sungmin." hindi ko alam pero parang nagulantang siya sa narinig.

"Ako na, hinahanap ka na rin ni heechul." may iba talaga sa kinikilos niya.

Pilit ko agad kinuha yung telepono sa kamay niya at noong nagtagumpay ako, napansin ko na may tuyong putik sa palad niya.

Sa isip isip ko, oo ayaw ko sa lakas ng loob ng rockstar na yun pero imbis na matuwa ako sa nagawa ng kapatid kong si jongwoon.

Kabaliktaran ang nangyari, ang natanto ko na lang hinigit ko siya sa kotse ko at inuwi sa bahay.

---

Nakarating kami sa bahay, at dali dali ko siyang tinulak sa sofa namin.

"Anong balak mong gawin kay sungmin?" tanong ko dito at walang masyadong ekspresyon ang mukha ko.

Tiningnan niya muna ako ng ilang segundo at sumagot.

"Bagong laruan lang naman, mahal kong kapatid." ngisi nito at napakamot ako ng bahagya.

"Alam kong hindi yun ang dahilan, sabihin mo ang totoo." 

Sumeryoso ang mukha nito at ngumiti, alam kong peke iyon hindi niya ko maloloko.

"Sabihin na nating sa isang laro may magaling na manlalaro pero sa huli hindi niya namamalayan mayroon pa diyan na mas marunong."

Hindi ko maisip kung ano ang pinararating niya!

"At ako yun, mahal kong kapatid..... magaling akong manlalaro pero ikaw...ikaw ang tatapos ng larong sinimulan ko." 

Lumakad ako papalayo, yang kapatid ko na yan kase hindi ko alam kung may sapak sa utak o wala. Ayaw naman magpadoctor.

"Ikaw ang mas magaling... hindi mo palang nalalaman." huling narinig ko nang maisara ko yung pintuan ng kwarto ko.

 

Itutuloy.

 

---

Ngayon lang ulit nakapag-update. I'll be updating this actively dahil malapit na naman bakasyon so magkakaron ako ng oras para magsulat.

Till next time.

Ciao.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.