MBC_4 : Misteryosong Wirdo.

Met by Chance~

''Lee Sungmin! Sagutan mo yung number six!'' isang boses ang gumulat sakin.Napakamot ako sa ulo.Tae hindi nga ako nakikinig tapos ako pa yung tinawag!

''Hindi ko p​o alam.'' sabay hilata ulit.Tinatamad din ako tumayo at alam ko na mapapahiya lamang ako.Edi wag na diba.

''Kailangan mong subukan.Kung hindi wala kang mararating sa buhay mo.'' iniangat ko ang ulo ko at tiningnan ng mabuti si Mrs.Dela Cruz.

Teacher namin siya sa Math.

''Ayoko nga po.'' pagpupumilit ko ngunit lumapit ito papunta sa kinaroroonan ko.Malas naman oh!

''Kung hindi mo susubukan papalabasin kita sa klase ko.'' malumanay ang pagkasabi niya ngunit alam kong pinipigilan lang niyang hindi magalit.

''Sabi nga nila.Di ko naman magagamit yan sa future eh!'' gigil na sagot ko.Pumaywang siya at napaaray ako ng pinitik niya ako sa noo.

''Kung ayaw mong sumunod.Tatawagin ko yung squad!''

''Maraming squad na nandito sa paaralang ito.''

''Tange! Ang tinutukoy ko yung sailor moon squad!'' nanlaki ang mata ko at napatayo.Tae hindi na ba mawawala ang kaba ko pag binabanggit yang squad na yan.

''...ayoko magkaluslos.'' 

Nakarinig na naman ako ng tawa sa paligid ko.Lagi na lang ba mangyayari to.Wala ba talagang kabuluhan buhay ko o yung sinabi ko yung tinatawanan nila.

''Hindi ka magkakaluslos.Malalaspag lang yang bayag mo.'' Alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga nanghahalay yung mga yun.Pero makapagsabi naman si Mrs.Dela Cruz ng bayag.

Lantaran.

Tumayo na lamang ako at sinagutan yung pinasasagutan niya.Kahit hula hula na lang.Tae naman kasi! Mababaliw ako sa dami ng steps bago mo makuha sagot.Magagamit ko ba lahat yan sa hinaharap.

''Buti naman at nakikinig ka.Tama ang sagot mo.'' rinig ko bago ko mailapat yung pwet ko sa upuan.

Hanu raw? Hinulaan ko lang yun eh.Habang kaharap ko kasi yung blackboard kanina.Wala talaga akong maisip na sagot.Nakakalula yung mga numbers at nalapat ang mata ko sa number na pinasasagutan niya sakin.Kaya ayun ginaya ko na lang! Pero hindi ko inaakala na magiging tama ang sa--

''Pero kahit naitama mo ang sagot mo.Dapat lagyan mo ng solution ha? Hindi straight to the answer agad.Wag atat, napalabas ka lang sa telebisyon eh.''

Hindi ko talaga alam kung kelan matatapos yang usapan na yan.Nakakasawa na sa tenga.Dapat mas pinagtutuunan nila yung mga namatay na tatlong lalaki hindi ako.Alam ko na kapansin-pansin yung mukha ko dun sa bidyo.Pero masisisi mo ba ako? Bihira ako makakita ng patay sa harapan ko.Correction.Mga patay.Kahit na mukha daw akong nakunan doon.Sino kaya ang unggoy na nagkalat ng katagang yun?! Dapat ibaon na nila yung usapan na yan.

Nagpapasalamat lang ako sa utak ko ng mga oras na iyon.Nakapag-imbento ako ng numero.

Na mga mamamatay taong nerds ang nakontak ko.

At buti hindi ako siningil.Kahit parang matigas akong poste na nakikipag-alitan dun sa payatot nilang lider.

''Di na kailangan yun.Sayang yung nawawaldas ng oras ng klase mo.''

''Hindi ka talaga marunong gumalang ano?''

''Marunong naman.Sa mga taong respetado.'' kitang kita ko kung paano ngumisi si ryeowook.Tae siya! Alam kong gusto niya rin kalabanin 'tong si Mrs.Dela Cruz eh.Matandang dalaga kasi na laging nagbubuga ng istorya ng buhay niya sa buong campus! 

''Hindi ba ako respetado?!''

''Hindi po kasi halata!''

Ang nahuling narinig ko na lamang bago ako mawalan ng malay.

Dahil ba sa batok na natanggap ko?

''Lumabas ka sa klase ko!'' isang matinis na boses na nakakabingi!

Dala ba 'to sa pagod o sa kaiisip kung paano mapapaalis ang papa ko sa tirahan namin.

--

''Gumawa ka na naman ng eksena.Lagi na lang Mr.Bad boy!'' sinamaan ko nang tingin si ryeowook.Kailangan pa bang ipaalala yung nangyari kanina? At nasan ba si hyukjae.Ay oo nga pala.Lumiban nga pala siya.

''Unli ka? Tae.Sawayin mo nga yang alalay mo diyan sa tabi mo.'' Gusto ko talaga dukutin yung mga mata ng wirdo na kasama ni ryeowook.Di ko kasi talaga matandaan pangalan niya eh.Ang sama sama ng tingin sakin.Di parin ba siya nakaka- move on sa pagbato ko sa kanya ng libro?!

Umiling si ryeowook.''Mabait siya.At hindi siya dayo.Di mo ba alam na lagi siyang ganyan.Talagang pagkatapos mo siyang batuhin ng libro.Nakikipagsalamuha na siya sa mga taong nasa paligid niya.Ilang taon na natin siyang kaklase pero hindi mo parin mabangggit ang pangalan niya.'' napatango na lamang ako.

Yang wirdo na yan kasi.Napansin ko na din yan dati.Lagi lang yang nakayuko na akala mo papatay.Laging may bilbil sa ilalim ng mga mata niya.Yes, Maitim na eyebags.Di ko alam kung may sarili siyang laboratory sa bahay nila o talagang adik lang magbasa.Hindi siya palasalita.Kumakain ng mag-isa..at oo dati ko parin nakikita kung paano nagnanakaw ng tingin ang kaibigan ko sa wirdong yan.Siguro nga kinuha na niya ang tsans na makipag-usap diyan sa wirdong yan pagkatapos magbago ang kilos niya..pero di ko alam kung bakit ang sama ng tingin niya sakin.

''Ang sama kasi ng tingin niya sakin.'' kitang kita kung paano nanlaki ang mata ng wirdong yun.Naramdaman ko na lang yung kamay ni ryeowook sa likod ko.''Mukha ka kasing tae.'' 

''Wala ka sa oras kung magbiro!'' pahiwatig ko at kinuha yung candy sa bulsa ko.

''Grabe ka talaga mabubusog ka ba diyan sa candy na hawak mo? Ano 'yan tsiklet to candy ang peg?'' Lahat na lang ba kailangang pansinin.

''Di ka na lang kumain.'' paalala ko at ngumiti siya.Hindi ako concern sa kanya.May limitasyon ang break namin yun lang.

Habang nilalandi ko yung dynamite na nasa bibig ko napatingin ako sa wirdong nasa kanan ni ryeowook.

Bigla na lang itong ngumiti at bumaba ang tingin ko sa hawak niyang libro.

''Tips to Kill Someone Secretly.'' Oo aaminin ko, parang natanggal yung utak ko nang nakita ko siyang ngumiti, dahil bihira nga..mas nangamba ako sa nakita ko kung ano yung binabasa niya.May gusto ba siyang patayin.Napalunok ako at dinayo ulit ang mata ko papunta sa mukha niya.Ang nakita ko na lamang..kung paano niya iniayos ang salamin niya at ngumisi sa'kin. 

Itutuloy...

--

Innocent Graffiti

Hanggang sa susunod na update!

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.