MBC_1 : Unang tagpo~

Met by Chance~

''Oy babes'' isang malakas na tawag ang narinig ko.Nilingon ko kung saan man galing iyon.Anong babes?! Yung kaibigan kong si wookie pala!

''Gago! Hindi mo ako 'babes'.Kapangit ng budhi mo!'' sabi ko sa kanya at nilapitan niya lamang ako.

Kasalukuyang nasa loob kami ng classroom at sandali muna lumabas yung guro namin na ayaw ko.Lahat naman ayaw ko eh.Lagi kasi nila ako pinapalabas pag klase nila! Ano sila?! Paano ako makakapag-aral kung bawat subject nakaluhod ako sa labas.Hindi ko kasalanan na ganto ako! At ang pangyayari ngayon ay napalabas ako dahil may binato akong kaklase na nasa unahan.Pero wala eh.Nasa loob ulit ako.Wala pa naman yung guro namin,pati ang laki ng ulo! Di ko makita! Kung sasabihan ko siya na yumuko.Weirdo yung taong yun eh! Ang pinagtataka ko bakit hindi ako sinugod nung weirdo na yun.Siguro hindi pa naman malala yung ginawa ko.Libro lang naman yung binato ko eh.

''Kutob ko, gugugulin mo na naman ang buong araw mo sa guidance o kaya diyan sa labas.Well madalas ka diyan eh.'' sanay na ako.Ba't kailangan pa niyang sabihin.

''Alam ko na yang pinagsasabi mo.Unang subject pa lang ganito na agad nangyari! Kaibigan mo ako pero hindi mo ako tinutulungan!'' sagot ko at umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.Bali nasa likod ako kasi wala talagang nagkakamaling tumabi sakin.Si wookie lang.Takot daw sila sakin eh!

Ngumisi siya.''Ayoko nga.Ayoko madamay sa katarantaduhan mo.Edi maging dalawa pa maging perwisyo sa kwartong ito!'' Oo tunay siyang kaibigan! Eto kasing kaibigan ko sa sobrang killjoy gusto ko na siyang ibabad sa kumukulong tubig.I mean! Sobrang nagayuma siya ng teacher.Yun ba tawag dun.Kasi naman puro siya patnubay-patnubay! Ayaw niya magkamali o simpleng masigawan man lang! Paano siya mawiwili sa buhay niya.Kung puro siya rules! 

''Napakasama mo! Umalis ka nga diyan! Diba lagi kang sumusunod sa mga tagubilin.'' sabi ko sa kanya at pumalakpak.''Well..nasuway mo yung isa!'' asar ko sa kanya at hinampas niya ako sa likod.Ang sakit puta! Puro kasi buto yung kamay niya eh!

Tumayo na siya at pumunta sa upuan niya, bandang bintana.Nanatili na lamang ako sa upuan ko at hinintay kung susulpot pa yung guro namin sa filipino.Kaumay naman.Sana hindi na siya bumalik.Sana nadapa siya sa hagdan at nabagok at namatay, dahil walang tumulong sa kanya.Napatawa ako sa iniisip ko at hindi ko namalayang may pumasok.Napukaw lamang ang atensyon ko nung may narinig akong nagsalita sa unahan.

''O siya.Wala kayong klase ngayon sapagkat napagtripan na naman ng principal natin na pagpahingahin kayo.'' Kitang kita kung paano nagbago ang itsura ni ma'am.Gusto niya kasi lagi siya magturo! Pero wala akong paki, siya may gusto nun.

Napangiti ako, makakauwi ako ng maaga! Pero nasira ang kasiyahan na yun ng narinig ko ang pangalan ko.

''Lee sungmin.'' hudyat ng guro namin at tiningnan ako ng diretso.Hindi ba ako makakauwi? Nespruta naman oh!

Ngumisi ito na naging dahilan ng pagkainis ko.

''Dito ka lang sa loob ng kwartong ito hanggang uwian.'' ang sarap burahin sa mundo ng ngiti ng guro ko sa filipino.Kung nasa labas lang kami nailibing ko na siya.''Eh paano kung ayoko? May magagawa ka?'' pagpupumilit ko.Aba, gusto ko na rin umuwi no! ''Oo meron at dahil nagreklamo ka pa! Hanggang alas tres ka dito!''  Isang oras lang dinagdag base sa regular na uwian namin.Pero ayokong mapag-iwanan dito!

Nagsitawan ang mga kaklase ko.Grabe sila ah! Pagkasyahin ko silang lahat sa isang kabaong eh.Pati itong si wookie nakisabay pa! Wag silang mag-alala araw araw ko silang dadalawin.

''Eh ma'am hahanapin ako ng mga magulang ko! Ano nang gagawin kong dahilan?'' wari ko at napayukom ang kamao ko.Huminga lang ito ng malalim at binalingan ang ibang estudyante.''Ligpitin niyo na yang mga gamit niyo.At wag kayong magkakamali na mag-iwan ng gamit sa ilalim ng upuan niyo.Bilin sakin yan ng adviser niyo.'' Di ako pinansin?! 

''Rosalinda!'' biglang sigaw ko.Ayaw niya akong pansinin eh.

''Ikaw talaga Mr.lee.Napupuno na ako sayo!'' Halata nga na punong-puno na siya.Sasabog na sa galit eh.

''Eh ano ngang gagawin kong dahilan!'' inis kong sabi.Grabe na ha! 

Nagulat na lamang ako ng lumapit siya kung saan ako nakaupo.Uh-oh.

''Wag mo akong gawing tanga Mr.Lee kaya ako naging guro para turuan kayo hindi mabastos ng isang katulad mo na may ugaling pang tambay diyan sa labas.Paano ka gagawa ng dahilan? Wag mo akong lokohin! Kwento sakin ng adviser niyo.Hindi ka naman umuuwi pagkatapos ng klase eh.Halos ala sais ka na ng gabi nauwi! Kaya wag mo akong gawing hunghang!'' Haba ng speech! Talsik pa laway.Rosalinda wala ka nang asim.Wag mo akong paliguan ng laway mo!

''Ayoko! Sasabay ako sa kanila umuwi!'' pagmamatigas ko at napingot ako.At nagsitawanan na naman yung mga kaklase ko! Gusto ko na sila ilibing ng buhay! Dadalan ko pa sila ng imported na bulaklak.Kukunin ko sa puntod ng mga patay na mayayaman!

''Kung ayaw mong umuwi.'' napatigil ito sa pagsasalita.''Tatawagin ko ang sailor moon squad!'' Nanlaki ang mata ko at napaupo ng maayos.Binitawan na rin niya yung tenga ko!

SAILOR MOON SQUAD?!! 

HINDI PWEDE! 

Define sailor moon squad: 

Ang sailor moon squad ay isang grupo ng mga ulupong.Hindi pala mga grupo ng mga bakla na nangri sa mga estudyante na hindi sumusunod.Pero not totally na .Marami na silang nabiktima.Common sense lang.Marami din kasing mga bad boys kung tawagin ang school na ito.Halos isang tawag mo lang sa kanila.On the way na sila.May mga dala itong mga bag na punong-puno ng kagamitan sa .Oo totoo yung thingy pero hanggang ngayon wala pa silang nabibiktama na as in, nag sila.Kasi panakot lang nila ang mga gamit na iyon at ayaw din magkaroon ng sailor moon squad ng aids.

At take note.

Hindi sila mga chakang bakla.

May itsura ba kung tawagin.

At yun ang sailor moon squad kung tawagin.Muntik na nila akong biktimahin dati eh.Yung bang hinila nila ako sa isangng abandonadong classroom at may nakita ako sa loob na lalaking wasak wasak ang damit at may hikaw sa iba't-ibang parte ng mukha niya.At buti nasipa ko sa mukha yung leader at nagpuntahan lahat ng alipin niya para tingnan yung kalagayan niya.

At doon ako nagkaroon ng pagkakataon na makatakas.

Estudyante rin sila dito pero halos lahat ayaw dumikit sa kanila.

Maliban lang sa mga girls!

Anakan daw sila sabi nila.

Anong gusto nila salin lahi?!

''Oh gusto mo parin?!'' napatunganga ako.

''Ayoko....po.'' ngiting tagumpay ang natanggap ko.

Dahil sa sobrang pangit ng ekpersyon ko ngayon.

Kahit sinong pintor hindi ito mapipinta!

--
Lumipas ang anim na oras at nakahinga ako ng maluwag dahil mag a-alastres na.Aba'y buti naman.Ang sakit na rin kasi ng pwetan ko.Bilin kasi sakin ni rosalinda na maupo lamang daw ako at huwag lumabas sa kwarto kung hindi alam niyo na! Yung squad!

Lumakad na ako palabas at nakita kong nandoon sa labas si rosalinda.Hindi ko na lang siya pinansin at nagdesisyong lumakad palayo pero!

''Hep!Hep!'' suway niya sakin at nilingon ko siya.

''Hooray!'' napapadyak lamang siya.Sana nasira na lang heels niya nung pumadyak siya para aksidenteng napabaliko yung paa niya at maiba ng ayos yung ayos ng buto niya, hanggang mamilipit yung paa niya at bumagsak siya at pagtingin niya sa dalawang paa niya.Putol na paa niya.Malawak talaga imahinasyon ko eh.Tatawa na sana ako ng hinigit niya ako palapit sa kanya.Kras ako ni ma'am?!

''Rosalinda! Kras mo ko? Sorry rosalinda.Amoy patay ka na eh.'' Napairap lamang siya at napapikit. ''May ibibilin lamang ako sayo.'' Anong ibibilin niya? Na wag muna ako magkaroon ng kasintahan para sa kanya?!

''Ano yun rosalinda?'' 

''Dalhin mo magulang mo dito bukas na bukas.''

Nestea naman oh!

--

Kahit sobrang init at patingin tingin ka sa paligid.Kasalukuyang naghihintay ako ng jeep.Dahil puro bus lang yung dumadaan.Nasan na ang mga jeep nang pilipinas? Nahihiya kasi ako mag-bus napakalapit ko lang dapat pagbigyan ko yung iba na malayo ang ibabyahe.May puso rin naman ako.Pero paano ko sasabihin kina mama na sasaglit na naman sila bukas sa school.Para lang hindi ako mapatalsik sa school.Hindi na talaga magagamot ang pagiging bad boy ko! Taga mo yan sa sampung bato!

Maya maya pa ay may natanaw akong jeep.

Tumigil ito sa harapan ko buti at maluwag pero napaisip ako.May masama kasi akong kutob dahil nung unangtumigil ito sa harapan ko.Maluwag man sa paningin ko pero parang may mali.Nung tumingin ako sa bintana yung mata nung lalaking naka-black tshirt ay inoobserbahan ako.

Napatingin ako sa sarili ko.Simple lang ang ayos ko.Naka uniporme at alam kong haggard na ang mukha ko.Pero bakit ganon siya makatingin.Sapakin ko siya eh.
Bumusina yung jeep na nasa harapan ko na ikinagulat ko.

''Sasakay ka ba o tutunganga ka na lang?'' baling nito sakin.

Nakaramdam ako ng pagkainis at hiya.Dali-dali akong sumakay at umupo dun malapit sa babaan.Sa kanan.Pero ang pinagtataka ko di parin umaalis si manong.Ay oo nga pala.Maluwag pa.Nagsisakayan ang ibang nahakot nang nagtatawag sa labas.Pagkatapos ay medyo napuno na ito na kinakaba ko.
Hindi ko gusto yung nararamdaman ko dahil yung lalaking nakatingin sakin kanina.Hindi siya nag-iisa.Mga tatlo sila at nakikipag-usap yung lalaking iyon nang pabulong sa mga katropa niya.
Ito ang unang beses na kinabahan ako ng ganito sa jeep.Pakiramdam ko hindi ligtas dito sa inaapakan ko at inaapakan nang iba ko pang kasama sa jeep.

Kumuha ako ng anim na piso sa bulsa ko at nakisuyo sa babae sa tabi ko.Tumigil ang jeep at may tatlong bumaba.Sa susunod na kanto na ang baba ko pero parang tumigil ang oras ko nang yung tatlong lalaki ay naglabas ng kutsilyo at tinutok sa mga natitirang nakasakay sa jeep.Kasama ako.Napahinto ang jeep at alam kong kinakabahan na ang driver na paandarin ito dito.Sino ba namang hindi kakabahan.Parang sa kanya na nakasalalay buhay namin.Kung paandarin niya man yun patay siya dahil narinig kong binantaan siya nung lalaking nag-obserba sakin.

''Ilabas niyo mga cellphone niyo! Alahas! Pera! o kung ano mang pakikinabangan!Hindi ako nagbibiro!'' sigaw nang leader ata nila at mabilis na hinablot yung babae na nasa tabi ko.Gusto ko mang iligtas yung babae pero dadanak ang dugo at sigurado ako.Baka hindi lamang ako ang masaktan pag nakialam ako.Baka lahat kami.Ang masama pa may batang babae dito at kasama niya ang papa at mama niya sa pagtatantiya ko.

Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa ring kumikilos.Halatang inis na inis ang leader nila kaya mabilis ding kumilos ang mga tao sa loob at nilabas ang kanilang mga sariling gamit.

Kinuha ko yung 300 pesos ko at iniabot sa lalaking nasa harap ko at nakalahad ang kamay.

''Yan lang ba meron ka?''
''Diba halata yan lang binigay ko eh.'' matapang kong sagot.Dadambahan na sana niya ako ng sapak ngunit binigyan ko lamang siya ng mapang-asar na ngiti.
''Bwiset! Talaga? Eh mukhang mayaman ka eh! Tawagan mo nanay o kung sino mang pamilya mo!'' sigaw nito at hinagisan ako ng cellphone.Ang kapal niya mag-utos.Kung wala lang siyang armas eh.

Oo na.

Aaminin ko wala talaga akong cellphone.Parang nagbigay ako ng todo sa halagang 300 pesos pero may natitira pa akong pera.Nasa secret pocket nang bag ko.Buti na lamang at tanga itong mga magnanakaw na ito at hindi man lang nag-effort na halughugin ang bawat bag.

Masyadong hunghang!

''Kailangan pa ba yun?'' tanong ko rito.

''Diba halata? Pag di mo yun ginawa.Papatayin ko ang inosenteng babaeng ito.'' banta nito at nilalaro yung kutsilyo habang ang mga kasama niya ay kinukuha ang kagamitan.

Napalunok ako.Papatayin niya? Aba wag naman sana!

Hindi yun tama pero may problema ako.Hindi ko alam ang numero nang nanay ko.

''Eh pano kung hindi ko alam ang numero nang mga magulang at iba ko pang mga kapamilya.'' dahan dahan kong sabi sa leader.Gago siya ah.Sira na nga araw ko.Sinasagad niya pa pasensya ko.Mamaya magpaka-ninja ako at gilitan ko siya hanggang maghiwalay ulo at katawan niya.

Natapos na rin ang pagkuha nila nang mga gamit at umupo sila sa kaliwang line sa jeep.Maraming tao na ang nasa labas pero wala ata itong balak tumulong o magsumbong lamang sa mga pulis.Ano ba naman yan.

''Edi tanga!Mag imbento ka.Mukha ka kasing mayaman eh!Tapos wala naman pala kaming mapapala sa iyo.Swerte ka na lang pag mayaman ang sumagot at may puso.'' 

Anong gagawin ko! Mamamatay yung babae.

Deputa naman oh!

Makalipas ang limang minuto at ang dami nang nakapalibot sa jeep.Ayaw ba nilang tumulong man lang! Nakaimbento na ako ng number pero kinakabahan ako kung sino man itong sasagot.Sana naman ang matulungan niya kami.

''Sino to?'' rinig ko sa kabilang linya.

''Uhm.'' nalunok ko ata yung dila ko.

Paano na ang bad boy image ko.

Pero di naman niya ako nakikita diba?

''Kung hindi ka po sasagot.Gusto ko lang po na malaman niya.Patay na po may-ari ng numero  na ito.''

Nanlaki ang mata ko sa gulat.Grabe ang kamalasan ko ngayong araw!

Nag-imbento ulit ako at nakita kong nakatingin ng seryoso sakin yung leader.

''Sino to?'' isa siyang boses nang lalaki at halatang kagigising lamang nito.

At napatingin ako sa mga kidnappers at bakat na bakat ang ngiti nila abot tenga pa.

''...H-hmm pwede po bang tulungan niyo po kami.Na-kidnap po kami sa jeep na sinasakyan namin.'' napaka kapal ko.

''So problema ko pa yon?'' gago to ah.

Kung personal lang to.Jinombagan ko na siya!

''Hindi naman sa ganon.Hiling ko lang po.Tulungan niyo po kami'' pag-iiba ko ng boses ko.Ayokong mahalata niya na inis ako.

''Saang lugar ba yan? Kailangan ko ba magdadala ng pera?'' tanong nito.Ang tanga niya.Binili niya sinabi ko! Magdala lang siya ng pulis okay na.

'''Diba halata?'' napatakip ako sa labi ko.May masasaktan dahil sakin e.

''Pilisopo.'' sabi niya sa kabilang linya at may narinig akong pagbasak ng isang bagay.

May nabasag ata?

''Itext mo sakin yung lugar.Grabe naman istorbo.'' halatang inis siya.Ako din naman eh.

Napakagat na lamang ako sa labi ko at hindi namalayang nagdudugo na ito.
 
Tinext ko sa kanya yung lugar at aba daig pa ako nung magnanakawa may cellphone na may load pa! Saan ka pa? Pero pangit nga lang may-ari.

Mapagtripan nga.

Binato ko sa ulo niya yung cellphone at napaaray siya! Syempre! Tiningnan niya ako ng matalim at inirapan ko lang siya.

''Tapos na ba?'' Napailing ako sa pagka dismaya! Napaka B O B O niya.Kaya nga binato ko na sa kanya eh!

''Oo masyado kang tanga.'' sagot ko at tatayo na sana siya ng pigilan siya ng kasama niya.Paano ba yan? Kampi sakin mga haliparot mo.

Napansin ko lang talaga dumadami na ang tao sa labas.Pero wala parin tumutulong sa amin.Kagaguhan na ata ito eh.Ano kami nasa isang musical na ang mga hiyaw namin ibig sabihan sa kanila pagkanta?! Nespruta! Marimar! 

Lumipas ang sampung minuto ay ang kumpol na tao sa labas ay mistulang nahati sa dalawa.Napalunok ako ng nagluwa ito ng isang lalaki? 

Nakasalamin siya na pang nerd! at naka short na lampas tuhod.Pero sobrang luwag! Mahuhubuan na ata siya eh.Yung damit niya kulay rainbow at naka-gel yung buhok niya na kung saan saan nakalatag.Oo sa iba ibang direksyon nakahiga! Yung sapatos niya okay naman pero yung medyas niya, kay haba! Sinakop na yung paa niya hanggang tuhod.
Sino ang bakulaw na to?

At aba meron pang isang lumabas! 

Maskulado ang binata at may salamin din! Sinasakop na ba kami ng mga nerds?! Ang damit niya ay blue na may star sa gitna! Kung short nung isa kanina lampas tuhod siya hindi! Yung short niya kulay orange na maikli at masikip.

Ano bang nangyayari? Namalayan ko na lang na kinindatan ako nung maskuladong lalaki. The heck!

May isa pang dumating!At mukhang leader nila.

Siya na ata ang pinaka weirdong taong na nakita ko.

Naka-black shirt na may printed na strawberry at isang pantalon na sobrang fit.Hindi na siguro makahinga hita niya sa sobrang sikip.Nakasuot siya ng black shoes! Fashion Terrorist ang mga nerd na ito! Nakita ko na lang bumuka yung labi nung leader. ''Ilang dipa ang layo.Konting taas.Hakbang paatras.Then boom! Headshot!'' At nakita ko na lamang na may dala itong tatlong shotgun! Watdapak! Saan nanggaling yun! Lisensyado ba yun?! At isa isa niyang binigyan nang baril yung dalawa pa niyang kasama.''Kayo na bahala magsukat at dapat sa ulo ng target tatama ah?'' sigaw nito.Putapete!

Mga ugok! Dadanak ang dugo.Nangangatog na ako sa upuan ko.Hindi naman kasi porket maangas at bad boy ako kahindik hindik naman kasi ang armas nila at maniniwala ka ba na mga nerds ang may hawak nito?! Diba hindi!

Habang nagmumuni muni ako mag-isa may narinig na lamang ako tatlong sunod-sunod na putok.

Nespruta! Pulgoso!

--

Thank you sa nagco-comments~

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.