You and I forever 9

You and I forever

Pagpasok pa lamang ni Sofia sa silid ay nakangiti na ito. Mukhang succesful ang pakikipag-date nito sa textmate nito.

"Hello, Kim! Hindi mo ba kukumustahin ang pakikipag-date ko?"

Pinagmasdan ni Kim ang masiglang pag-kilos nito mula pa kaninang dumating ito.

"Hoy! Para kang natuka ng ahas diyan." Pinuna nito ang pananahimik ni Kim. Lumapit si Sofia sa bintana at tumanaw sa silid ni Simon. "Wala naman si Simon sa kuwarto niya kaya walang dahilan para maumid ang dila mo riyan. May problema ba?" tanong ni Sofia.

"Wala naman. May itatanong lang ako sa iyon" sabi ni Kim.

Naupo si Sofia sa tabi niya na tila may naalala.

"Siyanga pala, ano iyong pag-uusapan natin at kailangan mo pa akong pagmadaliin na umuwi?"

Tumayo si Kim sa pagkakaupo. Gusto niyang makita ang magiging reaksiyon nito sa itatanong niya. "Bakit hindi mo yata binanggit sa akin na may ibinigay sa iyo noon si Simon na sulat para sa akin?"

"S-sulat?" napakagat labi ito.

"Yeah. Sulat nga, Ate Sofia. Nagkausap na kami ni Simon kanina. Nagpaliwanag siya sa akin tungkol sa totoong nangyari kung bakit hindi siya nakarating noon sa usapan namin."

Tumayo si Sofia at lumapit kay Kim. "Kim, hayaan mo akong makapagpaliwanag bago ka magalit."

"Hindi ako galit, Ate Sofia. Medyo sumama lang  ang loob ko sa nalaman ko. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol doon? At nasaan na ang sulat na iyon?"

Napakamot si Sofia sa ulo. "Kuwan kasi...."

"Ano?"

"Kim, nang ibigay kasi sa akin iyon ni Simon ay papasok ako sa school. Nagmamadali ako noon kaya iniwan ko na lang basta sa ibabaw nitong study table ko. At... nang umuwi ako at hinanap iyon ay hindi ko na nakita."

"Ibig sabihin nawala ang sulat ni Simon rito sa loob ng kuwarto mo?" nakataas ang kilay ni Kim.

"Ganoon na nga. Ang balak ko sana'y magpagawa na lang ulit ng sulat kay Simon pero nakaalis na pala sila pauwi sa Cebu."

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nag-iwan siya nang sulat?"

"Dahil nga nawala na iyon. Isa pa, sa tuwing maglo-long-distance call ka para kausapin ako ay katabi ko sina Daddy at Lola Ayling kaya hindi ko mabanggit-banggit sa iyo ang tungkol doon."

Napailing nalang si Kim.

"Hey, galit ka pa ba? Sorry talaga, Kim. Huwag mo sanang isipin na sinadya kong huwag sabihin sa iyo iyon. In fact, ganoon na lamang ang pagsisisi ko na nawala ko ang sulat dahil alam ko naman na ikatutuwa mong malaman na sinulatan ka niya. I know how much you Simon."

Tumingin siya rito at ngumiti. "Hindi ako galit. Isa pa, matagal na iyon. At nakapag-usap na rin kami ni Simon."

Lumiwanag ang mukha nito at kinilig sa naririnig. "Ibig sabihin ay okay na kayo ni Papa Simon?"

"Sort of," nahihiyang tugon ni Kim.

"Bongga! Di pareho na tayong may papa?"

"Kumusta nga pala ang date mo?" pag-iiba ni Kim sa usapan.

"Well, he's so handsome. Pero saka na ako magkukuwento sa iyo. Pupuntahan ko na muna si Lola Ayling dahil magtatampo iyon kapag hindi ako nakapag-goodnight kiss sa kanya." pakanta-kanta pa ito nang lumabas ng kanilang silid. Tamang-tamang paglabas ni Sofia ay saka naman tumunog ang cellphone niya.

I miss you, sweetheart!--- simon
anang mensahe na natanggap. Isi-nave niya ang number nito sa cellphone niya.

Ano gwa mo? hindi binigyang-pansin ang paglalambing ni Simon.

I'm bc staring at u! Ur so beautiful, sweetheart!

Bigla siyang napalingon sa direksiyon ng bintana nito. Naroon nga si Simon, nakangiti. Kumuway pa ito sa kanya.

BOLERO ka!

Bliv me, switheart. Pnkmganda k sa lahat ng girl s buong earth!

Hehe! Ngpapatawa ka! Wg mo n ko bola, 'no!

Ok, fyn! I love You. Cguro u'l bliv me na?

Hindi niya magawang mag-type sa keypad at tugunin ang pagtatapat ni Simon sa kanya. Kaya nag-forward na lang siya ng text joke dito.

Wen ur sad, i'm lonely. Wen ur hapi, i'm glad. Rmmber dat watever u feel, I feel twice. Kya kung feel mo cute k.... Ehem, Mas cute ako sau!

Nang muling lingunin ni Kim si Simon sa bintana ay wala na ito roon. Madilim na ang silid nito kaya hindi siya sigurado kung lumabas ito o natulog na.

Nag-ring ang cellphone ni Kim. Tumatawag si Simon, kaagad naman na sinagot ni Kim.

"I got it, sweetheart. Hindi pa rin lubos na bumabalik ang tiwala mo sa akin. But i understand you and i promise you that i'll prove my love for you."

"I'm sorry, Simon." pag-amin ni Kim. "But I do care for you."

"Yeah. Hindi kita pipilitin na ibalik kaagad ang dati mong damdamin para sa akin. Instead, I'll do everything to make you fall in love with me again."Huminga ng malalim si Simon. "Sige na, matulog ka na. Ayokong nagpupuyat ang mahal ko." dagdag pa nito.

"Thanks. Ikaw rin, matulog ka na. Good night!"

"Night! Mwah," pahabol pa ni Simon bago tuluyang mawala sa linya.

Niyakap ni Kim ang kanyang cellphone saka hinalik-halikan.

Hindi mapakali si Kim sa higaan. Kahit ano ang posisyon na gawin niya ay hindi siya dalawin ng antok. Lumabas siya ng terrace at baka magising si Sofia na hanggang sa pagtulog ay kinikilig pa rin.

Nang maalala ni Kim si Prince ay dali-dali siyang nag-text. Baka sakaling gising pa ito.

Hey. r u still up?

Hindi naman siya nabigo. Ilang segundo lang ay nag-reply ito.

Hi! Sori, My Princess, d me nkatxt s u mghapon. Bc kc me s wrk, eh. U? Bt gcng k p?

D me maka2log, eh.

Y?

My gmugulo kc s isip ko ngaun. & I nid sum1 2 talk 2.

Wat s it? 'm hir 2 listen.

Tnx! Ngkausap kmi ng ex-bf ko. He told me dat he still love me.

Wat 'bout u? Do u still love him?

Yes,I do. But 'm still afraid dat he'll hurt me again.

Habang ka-text si Prince ay gumagaan ang pakiramdam ni Kim. Nababawasan ang bigat sa dibdib niya dahil nailalabas niya iyon sa bago niyang kaibigan.

Love is so easy 2 feel, so hrd 2 explain; easy 2 get, so hrd 2 let go; easy 2 spell, so hrd 2 dfine; yet every1 still tkes d risk.

Nag-reply si Kim. Wat r u trying 2 imply? That I shud take d risk 4 loving him again?

Sinagot naman siya nito. Yes, f he's sncere nmn. Giv him anthr chnce & urself 2. Nevr deny urself d chance 2 luv & b luvd 4 its nt evryday dat luv cmes 2 paint d mst vbrant colors 4 ur heart 2 enjoy.

Lihim siyang humanga sa text ni Prince. Naisip niyang romantikong tao ito dahil alam nito ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Tnx 4 d wondrful advice. My Prince. I feel better now.

It's ok, My Princess. Ooops, it's ok p b 2 col u mine? Bka magal8 ang luv mo.

Napangiti si Kim. Yup. We're still frens, ano? D kta 4get kh8 p ngkabalikan n kami ni Simon.

Thank u, My Princess. Wla klimutan khit my mga luvd ones na tau ha?

Ok,, bye bye cge na sleep na ako.. Bye bye My Prince.

Ok  nyt nyt My Princess...

Thanks Again Prince..

Ur welcome my Princess.

 

Kinabukasan...

On earth, there s no heaven, bt there r pieces of it. & having u as my honey s a piece of heaven. LUV U, SWEETHEART! gandang umaga!

Nagising si Kim sa message tone ng kanyang cellphone. Napangiti siya matapos basahin ang sweet message ni Simon sa kanyang inbox.

U know wat.... ILOVEU very much! U knw y? Coz ur the best! U know How? Wid ur own smple ways ur makin' me fil special. U know wen? Snce d day we mit!

Lalabas na sana si Kim ng silid nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Kaagad niya iyong dinampot sa side table. At hindi siya nag-kamali ng hinala, si Simon ang tumatawag.

"Good Morning!" masiglang sabi ni Kim.

"Good Morning, sweetheart. Did you sleep well?" tanong ni Simon.

"Yup. How about you?" Bigla niyang naalala si Prince. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon na siya ng kapayapaan ng loob kagabi.

"Ang himbing ng tulog ko kagabi. Plus napanaginipan pa kita, di lalong gumanda ang gising ko."

"Bolero ka talaga!"

"Hayan ka nanaman, sweetheart. I really mean it. Anyway, huwag na natin pag-usapan pa 'yan. Tumawag ako para sabihin sa iyo na mami-miss kita."

Kumunot ang noo ni Kim. " Why? Saan ka pupunta?"

"Babalik na sa trabaho. Ngayon ang umpisa ng bagong project ng kompanya kaya kailangan mag-concentrate."

"I see,"

"Eat your meals on time, sweetheart, ha? Huwag mong pabayaan ang sarili mong magutom."

"Opo." kinikilig na sagot ni Kim.

"I Love You. Buksan mo naman ang bintana mo para makita kita bago man lang ako magtrabaho." utos ni Simon.

Natatawang sinunod naman ni Kim ang request ni Simon. Lalo siyang natawa nang makita si Simon na abala sa pagbubutones ng polo nito habang nakaipit sa pagitan ng balikat nito at tainga ang cellphone.

"I Love You, too. Mag-almusal ka rin muna bago ka umalis ha?" paglalambing ni Kim.

Ngumiti si Simon at kumindat sa kanya. "Ang sweet naman nang sweetheart ko. At ang ganda-ganda pa kahit hindi pa naghihilamos."

"Naku, Mr. Atkins, tigilan n'yo po ako. Ayusin mo na 'yang polo mo at nang makapag-almusal ka na." pangaral ni Kim.

"Masusunod po, Miss Chiu soon to be Mrs. Kimberly Sue Yap Chiu ATKINS." diniinan nito ang pagbigkas ng kanyang apilyedo.

"Okay. Ingat!...... I love you so much.."sabay flying kiss ni Kim sa kinaroroonan ni Simon.

"Ayun oh. I love you too.... Ingat ka rin ah.. "

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo