You and I Forever 15

You and I forever

Inis na bumaba si Kim ng kotse nang bigla na lamang iyong huminto sa pag-andar. Ilang beses na niyang ini-start pero palagi lamang iyon namamatay.

 

Good thing dahil nagloko ang lumang kotse ng kanyang papa sa tapat na ng gate ng subdivision. Iyon ang ginamit niya nang magsimba at bumisita sa dati niyang mga kaibigan na nakabalitang dumating na siya galing America.

 

"Ma'am may problema po ba?" usisa ng Guard na lumapit sa kanya.

 

"Oo. Itong kotse ko,eh. Bigla na lang namatay."

 

Napakamot naman ang guard na naka-duty  sa gate ng subdivision nila ng gabing 'yon. "Pasensya na, Ma'am, gusto ko sana kayong tulungan pero wala naman po akong alam sa makina ng sasakyan, eh."

 

"Ganoon ba?" Tinitigan niya uli ang sasakyang tumirik. "Oh siya, pwede pakitulak mo na lang para maipasok ko lang sa loob ng gate? Pababalikan ko na lamang siya bukas ng umaga."

 

"Sandali lang po at tatawag ako ng makakatulong, Ma'am."

 

"Sige." Muli siyang sumakay sa kotse at doon na hinintay ang pagbalik ng guard.

 

Ilang minuto pa ay bumalik itong may kasamang dalawang lalaki na mukhang mga trabahador sa park na kasalukuyang nire-renovate.

 

"Salamat sa inyo," ani Kim nang maayos niyang nai-park ang kanyang kotse sa gilid ng kalsada. Binilinan na lamang niya ang guard  na tingnan-tingnan iyon.

 

Ilang kalye pa ang lalakarin niya patungo sa kanila. Mag-aalas-nuwebe na iyon ng gabi kaya mangilan-ngilan na lamang ang nakikita niyang tao sa labas.

 

Habang naglalakad ay pinanlalamigan siya, lalo na kapag napapadaan siya sa ilang bakanteng lote roon. Kahit pa maliwanag sa dinaraanan niya dahil sa malaking bombilya sa mga poste ng meralco ay kinikilabutanpa rin siya dahil wala man lang siyang makitang tao na naglalakad maliban sa kanya.

 

Kaya mo 'yan, Kim. Huwag kang duwag at mag-asal-bata na naniniwala sa multo. pampalakas-loob niyang wika sa isip. Hindi lang siya takot sa multo ngunit mas takot siyang baka may makasalubong siyang at bigla na lamang siyang hilahin sa madilim na lugar.

 

Silly you! Napaka-morbid mo mag-isip. Pinapagalitan na niya ang sarili sa mga naiisip.

 

Wala siyang ibang hangad kundi ang maka-uwi ng ligtas. Halos mapatalon siyang nang bigla na lamang may bumusina sa likuran niya. Nang lumingon siya ay nakita niya ang isang black na kotse na sumusunod sa kanya.

 

Simon! tili ng isip niya. Kulang na lang ay magtatalon siya sa kasiyahan dahil alam niyang sa lalaki ang sasakyang iyon. Huminto siya sa paglalakad nang huminto rin ito.

 

Bumaba roon si Simon. "Hi!" nag-aalangan nitong bati sa kanya. Marahil ay iniisip nitong  tatarayan siya uli ni Kim.

 

"Hello!" kaswal na tugon ni Kim.

 

"Nakita ko 'yong dating kotse ng papa mo sa gate. Sabi ng guard, gamit mo raw 'yon kanina!"

 

"Oo. Bigla na lamang namatay ang makina, eh. Kaya heto, naglalakad ako."

 

"Halika na. Sumabay ka na lang sa akin."

 

"Ha? Huwag na, malapit na naman ako sa bahay, eh" kunwa'y tumanggi siya kahit ang totoo ay gustung-gusto niyang sumakay sa kotse ni Simon.

 

"All right, ikaw ang bahala."

 

Napaawang ang mga labi niya sa hindi nito pamimilit sa kanya. Nagngingitngit ang kalooban na tumalikod na siya at sinimulan uling maglakad.

 

"Siyanga pala, may White Lady na nagpapakita riyan sa tapat ng punong-acacia. Ikumusta mo na lang ako kapag nagkita kayo, ah?"

 

Biglang napatakbo si Kim pabalik sa sasakyan ni Simon.

 

"Why?" ngingiti-ngiting tanong nito.

 

"Nagtanong ka pa! Tama ba namang takutin ako?"

 

Tumawa ito ng malakas. "Nagbibiro lang naman ako, eh. Sumabay ka na kasi sa akin."

 

Tinaasan niya ito ng Kilay. "Ito na nga, eh."

 

Umikot ito sa gawi niya at pinagbuksan siya nang car door.

 

"Thank you,"

 

"You're welcome, sweetheart," tatawa-tawa nitong sabi.

 

"O, bakit ayaw mo pang paandarin itong sasakyan mo?" nagtatakang tanong ni Kim kay Simon. Pareho na silang lulan ng sasakyan nito subalit tila wala yata itong balak na paandarin iyon.

 

"Galit ka pa ba sa akin?" sa halip ay tanong nito. Nang humarap ito sa kanya ay hindi lang tinig nito ang nagsusumamo kundi pati anyo nito.

 

"K-kausapin ba kita kung galit pa ako sa iyo?" nakayukong sabi niya.

 

"Talaga? Hindi ka na galit sa akin?"

 

Nagtaas siyang muli ng paningin dito. Sa pagkakataong iyon ay maliwanag na ang anyo na mukha nito. "Yup. Pero hindi ibig sabihin na pinapatawad na kita sa kasalan mo sa akin,"

 

"Parang ang labo yata n'on, sweetheart." kakamut-kamot ito sa ulo. "Eh, ano ba kasi ang kasalan ko sa iyo?"

 

"Nakita ko kayo ni Kaye sa kuwarto loob ng kuwarto mo, pagkatapos ay inilapag mo siya sa kama mo."

 

"Ah, iyon ba?" mamaya-maya ay sabi nito. "Sweetheart, walang ibang ibig sabihin iyon. Hinimatay sa loob ng kuwarto ko si Kaye. Wala nang iba pang ibig sabihin ang nakikita mo."

 

Nagdududang tinitigan niya ito.

 

Itinaas ni Simon ang kaliwang kamay. "Swear it to god, sweetheart. Hindi kita pinagtataksilan tulad ng akusa mo."

 

"Ganoon? May isa ka pang dapat na ipaliwanag sa akin."

 

Napakamot uli sa ulo si Simon. "Ano nanaman iyon? Andami ko yatang atraso sayo?"

 

"Talaga! Bakit kailangan mong ikuwento kay Kaye ang tungkol sa pagtatanan natin? Alam mo bang napahiya ako sa kanya nang sabihin niya sa akin ang tungkol doon? Pinapalabas niya na ako ang naghahabol sa iyo."

 

"Hindi nga ba?" natatawang biro nito.

 

Bigla niya itong kinurot sa tagiliran. "I'm serious, Simon!"

 

"Aray! Sasagutin ko na po ang tanong n'yo. Again, swear it to God, wala akong sinasabi sa kanya. Pero sigurado ako si Mommy ang nagkuwento sa kanya. They are very close, kasi nga, inaanak siya ng Mommy at anak pa ng matalik nitong kaibigan."

 

"Simon, aamini ko sa iyong, nagseselos ako sa kanya. Bakit ba kasi sa inyo siya nakatira?"

 

Hinawakan ni Simon ang kamay ni Kim at masuyong dinala iyon sa mga labi niya at hinalikan. "Kim, I Love You so much. Paano ko ba mapapanatag ang loob mo na walang ibang babae sa puso ko kundi ikaw lang?"

 

"Paalisin mo si Kaye sa bahay n'yo" prangkang sagot ni Kim.

 

Bumuntong hininga si Simon. "I can't do that. Inaalagaan siya ni Mommy dahil may sakit siya."

 

"May sakit? Anong sakit? At saka bakit ang mommy mo ang mag-aalaga sa kanya."

 

Ikinuwento ni Simon lahat. Na nasa abroad ang mga magulang ni Kaye at ang mommy niya ang nagprisintang mag-alaga kay Kaye. Sinabi rin ni Simon ang tungkol sa sakit ni Kaye na Leukemia.

"Sorry!" kaagad na sabi ni Kim matapos marinig lahat.

 

"It's okay. Pero, sweetheart gusto kong pag-usapan ang tungkol sa atin."

 

"Simon, nabasa ko na ang sulat mo sa akin na ibinigay mo kay Ate Sofia noon. Si Lola Ayling pala ang nagtago."

 

"Talaga?"

 

"Totoo ba lahat ng nakasulat doon?"

 

"Tomorrow,,, magkita tayo... Pag-usapan natin lahat. Ihahatid na kita sa inyo at baka naga-alala na ang Lola mo at si Tito Neil,,"

 

"Pero,----"

 

"Ssshhh!!! bukas na lang." sabay halik sa kamay ni Kim.

 

Pinaandar na ni Simon ang sasakyan at inihatid na si Kim sa bahay nila. Tulad ng inaasahan naga-alala na nga ang Tito at ang Lola ni Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo