You and I forever 16

You and I forever

Tanghali na ng magising si Kim kinabukasan, naligo siya kaagad at saka bumaba sa sala.

 

"Good morning, Kimberly." sabi ng isang lalaki sa likuran niya.

 

Si Simon....

 

"Anong ginagawa mo rito? at correction hindi na morning tanghali na." pagtataray ni Kim.

 

"Akala ko ba okay na tayo? Bakit ito ka nanaman,, nakataas nanaman ang kilay mo."

 

Lumapit si Kim, at saka hinalikan si Simon sa mga labi. "Joke lang, ito naman hindi pa maloko," sabay tawa.

 

"Kumain ka na?" tanong ni Simon.

 

"Ano sa tingin mo? kagigising ko nga lang," pamimilosopo ni Kim.

 

"Ito oh, may dala akong siomai," sabi ni Simon.

 

Ngumiti si Kim,.

 

"Bilisan mo kumain ah, may lakad tayo ngayon,"

 

"Opo,"

 

Tapos ng kumain si Kim, dumiretso siya kaagad sa kuwarto at nagbihis. Pagkabihis na pagkabihis ni Kim ay bumaba na siya, wala na si Simon sa loob ng bahay, "Siguro nasa sasakyan na yon, Manang pakisara nalang 'yong gate," sabi ni Kim sa kanilang kasambahay,.

 

"Opo,"sagot ng kasambahay.

 

Nasa labas na nga si Simon hinihintay siya. "Ready?" tanong ni Simon.

 

Tumango lang si Kim,

 

Pareho na silang lulan ng sasakyan ng magsalita si Kim. "Totoo ba'ng lahat ng iyon? 'Yong sa sulat."

 

Sa halip na sumagot si Simon ay pinaandar na nito ang sasakyan.

 

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Kim.

 

"Basta. Don't worry, sweetheart uuwi ka namang buhay eh, wag kang mag-alala,"

 

Napangiti si Kim.

 

Sa breakwater sa CCP sila humantong.

 

"Bakit mo ako dinala rito?" nagtatakang tanong ni Kim.

 

"Basta. Let's take a walk first." Niyaya siya nito. Inalalayan pa siya nitong makababa sa kotse.

 

Sumunod nalang si Kim sa pagiging dramatic ni Simon.

 

"Sweetheart, natatandaan mo pa ba ang lugar na ito?" mayamaya ay tanong nito. Yakap-yakap siya nito mula sa likuran habang nakaharap sila sa dagat at tinatanaw ang naglalakihang barko roon.

 

"O-oo. Kung hindi ako nagkakamali, dito kita sinagot noon seven years ago."

 

"At dito tayo madalas mapunta kapag nagde-date tayo." dagdag pa ni Simon.

 

Natawa si Kim. "Ibig sabihin, dakilang baduy tayo dahil dito lang tayo nagde-date."

 

"Of course not. Para sa akin memorable ang lugar na ito. Dahil dito ko nakamit ang matamis mong 'oo'."

 

"Teka, Mr. Atkins, dinala mo ba ako rito para mag reminisce lang? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Do you really love that much?"

 

Bumitiw  ito sa pagkakayakap sa kanya at pinihit siya nito paharap dito at saka hinawakan ang kanyang baba. "Are you going to allow me to spend the rest of my life showing you how much I mean that?"

 

Kinabahan si Kim sa sinabi ni Simon. "You're asking me to marry you?"

 

Bago uli sumagot ay may dinukot ito sa bulsa ng pantalon nito. Binuksan nito sa harapan niya ang isang velvet box.

 

"Will you marry me, Kim?"

 

Napasinghap si Kim. "Yes, Simon. I will marry you."

 

Mabilis naman nitong isinuot sa kanyang daliri ang naturang singsing, pagkatapos ay masuyo siya nitong hinalikan.

 

"Noong isang linggo ko pa balak na mag-propose sa iyo. Remember ng tawagin kitang soon-to-be Mrs. Simon David Atkins? I really mean it. Ang kaso nga'y nagalit ka sa akin kaya heto, sinasamantala ko na ang pagkakataon na muli tayong magkabalikan."

 

"I'm sorry, Simon. Maling-mali ako sa paghusga sa iyo," pag-amin nya rito.

 

"It doesn't matter now, sweetheart. Ang mahalaga ay simulan na natin ang planong pagpapakasal. Hindi na ako makapaghintay pa. Sa lalong madaling panahon ay aayusin ko na ang mga papeles na kakailanganin natin." Kinabig siya nito at masuyo siyang hinalikan sa mga labi.

 

"Dapat lang no."

 

 

Maghapong magkasama si Kim at Simon, kung saan-saan sila napadpad. Kaya ng makauwi sila ay pagod na pagod na si Kim.

 

Habang nakahiga ay pinagmamasdan ni Kim ang singsing na ibinigay sa kanya ni Simon. Hindi siya makapaniwalang inalok na siya nito ng kasal. Sa darating na Sabado ay kaarawan ni Simon kaya napagkasunduan nilang sa party nito ia-announce ang balak nilang pagpapakasal.

 

Sorpresa nilang dalawa iyon sa kanilang pamilya kaya wala siyang pinagsabihan kanino man kina Lola Ayling at Sofia tungkol doon.

 

Dali niyang inabot ang kanyang cellphone sa ilalim ng lamp shade na nakapatong sa side table ng kama. Ite-text niya si Prince para sabihin dito ang magandang balita. Tuloy ay iimbitahin na rin niya itong pumunta sa Sabado.

 

Gud evening! R u still up, Prince? text ni Kim.

 

Yup. How's ur day, My Princess? Dnt tell me d n nman u mka2log. Problem?

 

Natawa si Kim sa nabasa. Nasanay na kasi itong iniistorbo niya kapag problemado lang siya.

 

Ur ryt. D nga me mak2log but its bcoz m so happy. Ask m nman y?

 

Y? 2mama u sa Lotto? pagbibiro nito.

 

Ndi. Nyaya na aq ni Simon pakasal. We're engaged 2 b married na, Prince!

 

Dats gud news! Wen p kau nagkabalikan?

 

Knina lang din! Marami aqng n2klasan, Prince. 1 na roon ang ka22hanang  hindi q kyang mabuhay n ala si Simon sa tabi q. I love him.

 

'm happy 4 u, Kim. At least now, d k na mangangamba n bka nloloko ka lng nya.

 

Tnx 2 u dhil isa ka sa mga advisers q. Anyway, i'd lyk u 2 mit Simon. Go ka sa Saturday, ha?

 

Hinintay niya ang magiging tugon nito. Ngunit nakaraan na ang ilang minuto ay hindi pa rin ito nagre-reply.

 

Hey! Bat d na u reply? Sleep k n b?

 

Nakahinga siya ng maluwag nang magtextback naman ito.

 

Sori, bumaba lng me sandali 2 get cold water, My Princess. I'd luv to come on that special nyt kso very hectic ang sked ko. Out of town aq nun.

 

Nalungkot siya na hindi ito makakarating sa Sabado.

 

Its ok. I hope sa wedding nmin ay naroroon ka ha? plsss!!

 

No prob. Nform mo nlng me kung wen ha?

 

Tnx!! cge, u sleep na! tnx 4 txtin, Prince. Gud Nyt.

 

Ur welcum! Gud nyt My Princess...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo