You and I Forever 18

You and I forever

Maraming pares ng mata ang sumusunod sa kanila ni Simon habang magkaagapay silang pumapasok sa maluwang na bakuran ng mga ito kung saan ginaganap ang party.

 

"I'm so proud, sweetheart" bulong nito sa kanya. "Napakaganda ng mapapangasawa ko."

 

"Simon, ang mama mo," kinakabahan niyang wika nang magtagpo ang paningin nila ni Mrs. Atkins. Disgusto ang nababasa niya sa anyo nito habang nakamasid sa kanila."

 

"Relax, sweetie. Come on, ipapakilala kita sa mga bussiness associates ko." Tinungo nila ang grupo ng pawang may-edad nang kalalakihan. Sa hitsura ng mga ito ay hindi maitatanggi na hindi basta-basta ang mga bisita ni Simon.

 

Dahil sa suportang ibinigay sa kanya ni Simon ay unti-unting nawala ang kaba niya. Kahit pa nga  nang lumapit sila sa parents nito ay tanging si Mr. Atkins lang ang mainit na bumati sa kanya.

 

"Attention, please! I have an important announcement to make.." Inagaw ni Mrs. Atkins ang atensiyon ng mga dumalo sa umiinit na kasiyahan. Nagtagumpay itong makuha ang atensiyon ng lahat. Bawat isa ay tila nasasabik na marinig ang importanteng mensahe na bibigkasin nito.

 

"Tonight is a very special night for my son, Simon David. Napakabilis talaga ng panahon at ngayon ay twenty-seven years old na ang aking unico hijo."

 

"Simon...." kinakabahang sinabi ni Kim.

 

"Relax, Sweetheart," nakangiting sinabi ni Simon. Hinawakan nito ang kamay ni Kim.

 

Kasama nila sa bilog na mesa ang Tito Neil niya at ang tatlong pinsan niya. Si Lola Ayling ay mas pinili na lamang na manatili sa bahay dahil masama ang pakiramdam nito. Napilitan siyang ibalik ang atensiyon sa nagsasalitang si Mrs. Atkins.

 

"Simon, please come over here.." mayamaya ay tinawag ito ng mommy nito.

 

Lumapit naman ito na wari'y hindi rin mahulaan kung ano ang importanteng sasabihin ng ina..

 

"Well, ladies and gentlemen, I'd like everyone to know that my son, Simon and my goddaughther Kaye Garcia, are engaged to be married!"

 

"What? Mommy? Ano ito?" malakas na sambit ni Simon sa hindi inaasahang aksiyon ng ina...

 

Parang time bomb naman na sumabog sa harapan ni Kim ang sinabing iyon ni Mrs. Atkins. Bumilis ang ikot ng paligid niya, lalo na nang lumakas ang bulungan ng mga tao roon.

 

Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila. Kitang-kita ni Kim ang matagumpay na ngiti sa mga labi nina Mrs. Atkins at Kaye. Mabilis siyang napatayo at nagtatakbo palabas ng bakuran ng mga Atkins.

 

"Kim, wait!" sigaw ni Simon..

 

"Lubayan mo ang pamangkin ko, Simon. How dare you? Nagtiwala kami sayo!" Galit na hinarang ito ng Tito Neil niya.

 

Hindi na niya naintindihan pa ang mga sumunod na pagtatalo ng mga ito. Nang makarating siya sa kanyang kuwarto ay walang-ingat niyang inilagay sa malaking bag ang ilang damit niya at kinuha ang susi ng kotse ng kanyang Papa.

 

She wanted to get out of here. Kulang nalang ay ikamatay niya ang kahihiyan na idinulot ni Simon sa kanya...

 

Mabilis siyang lumulan sa sasakyan. Kahit anong pigil sa kanya ng Tito Neil ay hindi niya pinansin ito..

 

Ngunit humarang sa daraanan niya si Simon. Nagsusumamo ang anyo nito na kulang na lang ay lumuhod sa harapan niya. Subalit masiyado na siya nitong nasaktan para makinig pa sa mga paliwanag nito.

 

"Kim, mag-usap tayo. Walang katotohanan ang mga narinig mo."

 

"Umalis ka riyan. Sasagasan talaga kita. I swear it!" bulyaw ni Kim.

 

Nagkatingin sa kanila ang ibang bisita, nagsilabasan ang mga ito ng marinig nilang may nag-sisigawan hindi tumitigil ang mga ito sa pagbubulungan.

 

"No, hindi ako aalis dito.. Mag-uusap pa tayo." nanatili itong nakatayo sa tapat ng unahan ng sasakyan.

 

Sa halip na magpaapekto si Kim sa drama ni Simon ay isinulong pa rin niya ang sasakyan. Marahil ay naramdaman ni Simon na tototohanin ni Kim ang pagsasagasa sa kanya kaya umalis ito sa gitna ng daan.

 

"Wag kang paharang-harang sa daanan ko at hindi ako magda-dalawang isip sagasaan ka."  tumigil ito sa tapat ni Simon, at saka mabilis na pinaandar ang sasakyan paalis.

 

Nanatiling nakatayo si Simon kung saan siya iniwan ni Kim. "Kim, mahal na mahal kita.." tumulo na ang luha nito....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo