You ad I Forever 20

You and I forever

Humantong sila sa isang subdivision na fully finished ang construction.

 

"Halika na sa loob," untag sa kanya ng lalaking katabi niya. Inalalayan siya nito sa braso palabas ng sasakyan.

 

Pumasok sila sa town house na hinintuan ng itim na kotse.

 

"Ano ba talaga ang gagawin ninyo sa akin?"

 

Hindi pa man sila ganap na nakakarating sa main door ay bumukas na iyon at lumabas ang isang babae. Ternong puti ang suot nito at nakangiting sumalubong sa kanya.

 

"Ikaw ba ang bride? Halika na sa loob at kanina pa naghihintay ang groom mo at ang judge."

 

"B-bride? Ako?" Inulit niya ang sinabi nito.

 

Napangiti ito at iginaya siya sa loob. Naiwan sa labas ang tatlong lalaking sumundo sa kanya.

 

"Sir, naririto na po ang bride n'yo." Pagkatapos nitong sabihin niyon ay pumasok ito sa isang silid.

 

Nakatalikod ang lalaking tinawag nitong "Sir" kaya hindi agad niya nakita ang mukha. Umarko ang kilay niya dahil pamilyar sa kanya ang bulto ng katawan nito.

 

"Simon?" hindi niya napigil na tawag dito.

 

Dahan-dahan itong pumihit paharap sa kanya. At ganoon na lamang ang pagkabog ng kanyang dibdib nang masilayan ang guwapong mukha nito.

 

Cleaned-cut ang buhok nito kaya kay linis tingnan. Naamoy pa niya ang mabangong cologne na gamit nito. Sa kanyang pagtataka, hindi niya nakapa sa kanyang puso ang galit na nadarama niya para dito. Bagkus ay wala siyang ibang gustong gawin kundi sugurin ito ng yakap at halik dahil hindi niya kayang itatwa sa sarili na mahal na mahal niya ito. She really missed him.

 

"I miss you, sweetheart," anang tinig nito. Bakas din sa  anyo nito ang pagnanais na yakapin siya ng mahigpit.

 

"I-ikaw si Prince?"

 

Tikom ang bibig na marahan itong tumango. "Patuloy ang komunikasyon namin ni Sofia at sa kanya ko lahat nakukuha ang impormasyon tungkol sa iyo sa loob ng pitong taon. Kaya nang dumating ka ay bumalik kami rito sa Maynila at nagtayo uli rito ng bagong negosyo," Napabuntong-hininga ito. "Natakot akong magpakilala sa iyo kaagad kaya nagpakilala ako sa iyo as 'Prince'. Alam lahat iyon ni Sofia"

 

Bigla siyang nanlumo sa nalaman. "So this is it. Isa rin pala itong panloloko."

 

Tumalikod siya at binalak na umalis. Subalit naging maagap ito upang pigilan siya sa gagawin.

 

"Don't leave me, Kimberly, please?" Nagsusumamo ang tinig nito.

 

Nang humarap siya rito ay isang sampal ang awtomatikong ipinalasap niya rito. Tigib na ng mga luha ang kanyang mata.

 

Napabaling ang mukha nito sa lakas ng sampal niya. Pero sa kabila niyon ay hindi nito iyon ininda.

 

"Nakahanda akong tanggapin ang lahat ng parusa mo, Kim, patawarin mo lang ako at muli ka lang bumalik sa akin. Huwag ka rin sanang magalit kay Sofia sa ginawa niyang paglilihim sa iyo na ako si Prince. Walang ibang hangad ang pinsan mo kundi ang lumigaya tayo pareho. Hanggang ngayon kasi ay nagi-guilty siya sa ginawa niyang pambubuko sa atin noong magtatanan dapat tayo."

 

"Hindi ako nagagalit kay Ate Sofia. Sa iyo ako galit," aniyang nagpalipat-lipat ang titig sa mga mata at mga labi nito. Hanggang sa kabigin niya ang mukha nito palapit sa kanya at sakupin ang mga labi nito.

 

Starved, she crushed his lips with her, groaning from the pleasure of simple an act.

 

Ang halik na inumpisahan ni Kim ay tila walang balak na tapusin ni Simon. Mahigpit siya nitong yakap-yakap ang halik na pinagsasaluhan nila ay lalo pang lumalim.

 

Kung hindi pa sila kinapos ng hangin ay hindi nila gugustuhing bumitaw sa isa't isa.

 

"I hate you," anas niya habang magkahinang  na lamang ang kanilang mga paningin. "I keep asking myself to stop dreaming of you. I even promised  I would never mention your name and to cry over you. But i really hate myself beacuse i really don't know how to stop loving you!"

 

"Hush..." panunuyo nito sa kanya. "Sweetheart, I'm so sorry sa lahat ng ginawa ko. Hindi ko gustong dumating ang panahon na mawala ang pagmamahal mo sa akin dahil ikamamatay ko iyon."

 

Malungkot siyang ngumiti at kumalas sa pagkakayakap nito. "Tanggaping nalang natin na hindi tayo para sa isa't isa."

 

"Hindi ko gagawin iyan. Kaya tayo naririto para magpakasal, para magpatali na ako sayo, Kim. Nakahanda na ang lahat para sa kasal natin."

 

Maang siyang napatingin dito. "Paano si Kaye? Ang mommy mo?"

 

"Bumalik na sa kanila si Kaye. Ang mommy naman, nagkausap na kami at tinanggap na niyang ikaw ang mahal ko."

 

"Pero, Simon......."

 

Napahinto si Kim sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto na pinasukan kanina ng babae. Lumabas doon ang nakasimangot  na si Sofia.

 

"Ano ba? Hindi pa ba sisimulan ang Kasal? Nagugutom na kaming mga nasa loob, ah" anang atribida niyang pinsan. Habang nakasungaw ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito ay kita niya sa anyo nito ang kasiyahan sa muling pagkakasundo nila ni Simon.

 

"Do you want to marry me?" baling niya kay Simon.

 

"I'd love to, sweetheart. i won't say 'no' because you're the only treasure of my heart."

 

Bago sila tuluyang pumasok sa loob ng silid na pagdarausan ng kasal ay tumunog ang kanyang phone. Binasa nilang pareho iyon at napangiti sa mensaheng ipinadala ng unknown texter.

 

Luv is nt about fnding d ryt prson. But creating d ryt rlationshp. Its not how much LUV u hav in d bginning, but how much LUV u buil til d end. WIL U B MY TXTM8?

 

 

 

-------------------------------------Thank You Po sa mga nagbabasa ng Story ko--------------------------------

 

 

new story soon.........................

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo