You and I Forever 19

You and I forever

Sa isang hotel nagpalipas ng gabi si Kim. Doon na rin niya balak tumigil hanggang sa maayos  niya ang papeles niya pabalik sa America.

 

Buo na ang kanyang desiyon na doon na lamang manatili at hindi na bumalik pa sa Pilipinas. Maiintindihan naman siya ni Lola Ayling kung bakit kailangan niyang umalis. Kung gusto talaga siya nitong makasama ay pwede  itong sumama sa kanya paalis.

 

Nang umalis siya ay walang tigil sa pag-ring ang phone niya. Salitan sa pagtawag sina Tito Neil at Sofia sa kanya subalit ni isa man sa mga tawag ng mga ito ay wala siyang sinagot.

 

Nagpadala lamang siya ng text message sa mga ito na okay lang siya at humihinga pa. That all she wanted was space for herself kaya hindi niya sinabi sa mga ito kung nasaan siya.

 

Rinding rindi na si Kim sa katutunog ng message alert tone ng kanyang phone kaya ipinasya niyang i-off ang kanyang phone.

 

Sa kanyang pag-iisa at sa katahimikan ng lugar na kinaroroonan niya ay hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.

 

 

Pangalawang araw pa lamang ni Kim sa Hotel pero lalo siyang nakaramdam ng kalungkutan. Wala siyang makausap kundi ang kanyang sarili. At kahit naroon ang kagustuhan na tawagan si Sofia ay pinigil niya ang sarili. Baka maging dahilan lamang iyon na matunton ni Simon ang kanyang kinaroroonan.

 

Nangislap ang mga mata niya nang maalala si Prince. Dali-dali niyang ini-on ang kanyang cellphone. Dalawang araw na rin iyong nakapatay upang hindi siya makontak ng kahit sino.

 

Can u meet me, prince? Please? anang mensahe na ipinadala niya rito.

 

Y? Sumthing Happend?

 

Yes. Pls dnt ask me. Just meet me.

 

Sure! where?

 

Saglit siyang nag-isip kung saang safe na lugar na puwede niyang i-meet ito. Sa lugar na malabong maligaw sinuman sa mga taong iniiwasan niya.

 

Ok. I'll be there. Just w8 4 me. Khit ano mangyari, drating me. reply ni Prince.

 

Ok. I'll w8 4 u. Pls wear green shirt para mkilala kta agad. N i wud wear pink.

 

Ok.

 

 

Kanina pa naghihintay si Kim sa loob ng open place na restaurant na iyon. Naiinip na siya sa paghihintay kay Prince kaya muli niyang tinawagan ang phone nito. Ngunit katulad kanina ay hindi nito iyon sinasagot.

 

Relax. Baka na-traffic lang, pagpapakalma niya sa sarili.

 

"Ikaw ba si Kim?" anang tinig na naririnig niya habang abala siya sa pagte-text.

 

Napatingala siya sa nagmamay-ari ng tinig. Naka-blue polo ito na naka-tuck-out sa suot na pantalon.

 

"Ikaw si Prince?" Napalunok siya. Inaasahan niyang hindi guwapo si Prince at mukha namang mabait. Subalit sa hitsura ng lalaking kaharap niya ngayon ay mukhang hindi ito gagawa ng mabuti.

 

"Hindi," tanggi nito.

 

"I see. Eh, sino ka?" muli siyang kinabahan.

 

"Bodyguard ni Sir Prince. Pinapasundo ka niya."

 

"Ha? Hindi ba puwedeng papuntahin mo na lang siya rito?" tumaas ang kilay niya. Bakit may bodyguard si Prince?

 

"Hindi. Kung hindi ka raw mapipilit na sumama ay baka madaan ka sa ganito." tumabi ito ng upo sa kanya at saka ipinakita ang baril na nakasuksok sa baywang nito. "Huwag kang gagawa ng eskandalo, Miss Kim. Walang masamang mangyayari sa iyo kung susunod ka nang maayos."

 

Sa nerbiyos ay pikit-mata siyang sumama rito. Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at iginaya patungo sa kotseng itim na puro tinted ang salamin.

 

"Saan n'yo ba ako dadalhin?"

 

"Huwag ka nang magtanong, Miss Kim. Utos lang ni Sir Prince na dalhin ka sa kanya."

 

Dear Lord! Bakit hindi man lang sumagi sa isip ko na pwedeng masamang tao si Prince? Ganoon na ba ako katanga? Bakit hindi ko naiisip na baka taktika lamang nito ang magpakita ng sweetness sa ka-text nito na mabibiktima nito sa isang modus-operandi? ang tanga mo Kimberly! piping paninisi niya sa sarili habang tahimik na nakalulan sa kotse.

 

Hindi pa rin siya hinihiwalayan ng lalaking sumundo sa kanya. Kanina nang sumakay siya sa loob ng sasakyan ay dalawang lalaki pa ang naabutan niyang nakapwesto sa front seats.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo