You and I forever 5

You and I forever

"Ate Kim, sa iyo ba ang cellphone na ito?" tanong sa kanya ng pinsan niyang si Hillary nang makasalubong niya ito sa hagdanan.

"Oh, yes. Naiwan ko kanina iyan sa mesita sa terrace,"

"And dami mo nang message, o" sabay abot ng cellphone kay Kim.

"Thank you, ah"

Nang makita ni Kim ang screen ng cellphone niya ay may pitong message siyang natanggap,,,, dalawa kay Sofia at lima naman kay Prince.

"I may not b ur  PEPSI, d choice of d nw gneration. I may not be your COKE, alwys d real thing. I may not b ur NIDO, wrld's #1. But i can be ur REXONA coz I won't let u down."

Natawa si Kim sa text joke na ipinadala ni Prince. Wala siguro talagang magawa sa buhay si Prince kaya desidido siyang maging textmate si Kim.

"God s so wise dat he nevr created frends w/ tags. Bcoz f he did, kwawa ka nman, pang-'BARGAIN' k lang eh! hehe."

Galing naman ang text message na iyon kay Sofia.

"Hi! Its me again, Prince. Ayw, m p rn ba me txtm8? Cge na pls.? Hrmless nman me, eh."

Kanina pa dumating ang message na iyon ni Prince. Iyon ang mga sandaling kausap niya si Lola Ayling. Marahil ay inisip nitong ayaw pa rin niyang makipag-textmate kaya sunud-sunod pa uli ang mga text jokes na ipinadala nito para lang maagaw  ang atensiyon niya.

Magre-reply na sana si Kim sa mensaheng ipinadala ni Prince saka naman dumating si Sofia.

"Hello, Kim!"

Hindi na tuloy niya nai-tuloy ang pagre-reply kay Prince.

"Kumusta ang maghapon mo rito?" tanong ni Sofia.

"Okay, naman"

"Natanggap mo ba yong huling message ko?" Ibinagsak nito ang katawan sa malambot na sofa at itinaas ang dalawang paa sa mesita. Bakas sa mukha nito ang pagod sa maghapong trabaho.

"Oo. Teka, may pinagbigyan ka ba ng number ko?"

"Wala, Why?"

"Eh, kasi may nag-text sa akin. Prince daw ang pangalan niya at gusto niya akong maging textmate."

Napangiti si Sofia ngunit hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. "Di pumayag ka sana. Sabihin mo, ikaw naman si Princess."

Napasimangot si Kim. "Okay lang ba yung makipagpalitan ako ng text message sa isang estranghero?"

Tinawanan ni Sofia si Kim. "Cousin, dito sa Pilipinas, hindi ka IN kung wala kang textmate." pagkasabi nun ay biglang tumunog ang cellphone ni Sofia. "See? pati ako may textmate."

Pinagmasdan ni Kim ang pagngiti ni Sofia habang binabasa ang message na natanggap niya.

"Ano nga pala yung pinag-uusapan natin?" mayamaya ay tanong ni Sofia kay Kim..

"Yung tungkol kay Prince."

"Ah! Why don't you try it? Para naman habang sinasamahan mo si Lola Ayling rito ay may ka-text ka."

"Yeah. Naisip ko nga rin yun. Pero siyempre, mamasyal din tayo sa labas paminsan-minsan, 'no."

"Of course! Paano naman tayo makakahanap ng papa kung pareho nating ibuburo ang beauty natin sa trabaho at dito sa loob ng bahay?"

"Baliw! Wala akong balak maghanap ng boyfriend dito."

Magsasalita sana si Sofia upang marahil ay kontrahin ang sinabi ni Kim ngunit muling tumunog ang cellphone nito.

Napasimangot si Kim dahil muli na namang naagaw ang atensyon ni Sofia.

"Ano ba, Ate Sofia? Baka gusto mong sabihin diyan sa ka-text mo na mamaya na siya mangulit dahil kakuwentuhan mo kamo ang pinsan mong pitong taon mo ring hindi nakita." nakasimangot na sabi ni Kim.

"Teka lang, cous. Importante lang ito."

"Hay naku, naku diyan ka na nga muna! Susunod ka na lamang sa terrace kapag tapos ka na riyan." Hindi na hinintay ni Kim ang sagot ni Sofia at umakyat na siya sa hagdan.




Bigla nalang nanigas ang buong katawan ni Kim nang makita niyang bukas ang lahat ng ilaw sa bahay ng mga Atkins.

Ilang gabi nang tinatanaw ni Kim ang bahay ng mga Atkins. Sa tuwina ay madilim doon at ni isang bombilya ay walang nakabukas dahil wala naman kasing tumatao roon. Kahit ang katiwala sa bahay na iyon ay hindi roon natutulog.

"Ibig sabihin, may tao na sa kabilang bahay?" kinakabahang sigaw ng isip niya.

Napataas ang kilay niya nang makita ang isang van at isang kotse na nakaparada sa labas ng bahay nila Simon. Maluwang ang pagkakabukas ng kanilang gate.

"Pakidiretso na lamang sa loob ang mga bagahe sa likod." narinig niyang sabi ng isang babae na sa tantiya niya ay nasa 50 ang edad.

Kumunot ang noo ni Kim ng muling sumilip sa labas. Maliwanag sa ibaba dahil sa ilaw ng poste ng meralco.

Sa wakas ay nakita niya ang mukha nito. Kaya pala pamilyar sa kanya ang boses ay si Mrs. Atkins pala ang nag-salita ang mommy ni Simon.

"Ibig sabihin ay naririto na si Simon?" mahinang tanong ni Kim sa sarili.

Nasagot ang katanungan ni Kim nang lumabas mula sa bahay ang isang matangkad na lalaki. Tumingin diretso si Simon kung nasaan si Kim.

Mabilis naman nagtago si Kim sa sobrang kaba niya.

"Oh, God! It's him! It's really him." kinakabahang sabi niya.

"Simon, ikaw na ang magpasok nitong bag ni Kaye sa kuwarto niya." utos ng mommy ni Simon.

Muling sumilip si Kim sa labas. Hindi na nakatingin si Simon sa kinaroroonan ni Kim, sa halip ay pumasok na ito sa loob ng bahay dala ang isang traveling bag..

"Sino si Kaye? Girlfriend niya or asawa niya? Pero akala ko ba'y single pa rin siya?" hindi matapos-tapos na tanung ni Kim sa kanyang sarili.

"Hey, bakit ka nagtatago diyan sa dilim?"


Gustong kurutin ni Kim si Sofia sa panggugulat nito sa kanya. "Ano ka ba Ate Sofia? Wish ko lang hindi ka kabute na basta na lang sumusulpot."

"Ganoon? At wish ko lang din, eh, sabihin mo sa akin kung bakit parang may pinagtataguan ka riyan."

"Huwag ka nga maingay." Pinandilatan niya ito ng mata. "Baka marinig tayo"

"Nino?"

"N'ong mga nasa ibaba." sabay itinuro ang bahay nila Simon na katapat lang ng kanilang bahay.

Sumilip sa baba si Sofia at nakita niya sa tapat ng bahay ng mga Atkins ang mommy ni Simon.

"Oh, gosh. You mean, dumating na si Simon?"

Napasimangot si Kim at umalis sa terrace.

Sumunod naman si Sofia sa kanya.

"Alam mo na palang babalik sila rito?"tanong ni Sofia.

"Y-yeah. N-nabanggit sa akin ng Daddy mo kahapon"

"Hindi ka ba natutuwa na magkikita kayo uli ni Simon?"

Napilitang ngumiti si Kim. "Para ano? Para ipaalala lang sa akin ang kahangalan ko noon?"

Sumunod ito kay Kim na pababa na ng hagdan. "Kim, kahit ba mag-sorry ba sa iyo si Simon ay hindi mo siya mapapatawad?"

"Ewan ko, Ate Sofia. Basta ang alam ko sa mga sandaling ito, ayaw ko muna siyang makaharap."

"Dahil ba siya pa rin ang mahal mo?" makulit na tanong nito.

"Huwag na nga siya pag-usapan natin. Bilisan mo nang bumaba at baka nakahain na ang mesa." pag-iiba ni Kim sa usapan.



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo