You and I Forever 12

You and I forever

Wasup, My Princess? Bat d na u txt? Miss na kta...!! paglalambing na message ni Prince.

Dahan-dahang pinahid ni Kim ang mga luhang bumasa sa kanyang pisngi. Kasalukuyan niyang nilulunod ang sarili sa malulungkot na awitin kasabay ng paglabas niya ng sama ng loob. Dinaig pa niya si Kathryn Bernardo sa pagbaha ng luha na napapanood nya sa naturang dramaserye ng naturang batang actress.

M not fyn, My Prince. huhu sad

Wat happend? Did sum1 hurt u? R u crying?

Silly me! D dpat ako umiiyak sa isang MANLOLOKO!

Nang gabing makipag-break siya kay Simon ay lumipat siya sa isa sa apat na silid sa bahay na iyon. Pinili niyang ang katabing kuwarto ni Lola Ayling.

R u telling me n nag-away kau ni Simon? But y?

Nloko nya ako. Bukod s kin, my iba pang girl s lyf nya. Worst, kta ng dalawang mata ko.

Bumangon si Kim sa pagkakahiga sa kama at naupo. She was very thankful dahil may Prince siyang nakakausap.

Pwede sana siyang mag-open up kay Sofia subalit masyadong makulay ang mundo nito dahil sa pagka-in love sa boyfriend nito para mapansin na problemado siya.

Loko un, ah. Damn him for making you cry. Pano mo nga pla nabuko pgiging palikero nya?

Khit umiiyak ay natawa siya sa text ni Prince. Kalalaking tao nito ay tsismoso. Gusto pa nitong sabihin niya ang panloloko ni Simon. Ngunit sinagot din naman niya ang tanong nitp.

I told u b4 n magktapat lng room nmin. I saw dem der 2geder. Nkahubad sha habang nlalapag nya ung girl sa ibabaw ng kama nya.

He did dat to u?

Kulit mo ha? Oo sabi. Kaya nga nkpag-break na ako s knya. D ko na w8 pa xplination nya. Wat 4?

My Princess, d me kampi ke Simon. But u hav 2 giv him a chance 2 xplain his side. Baka nman sumthing hapend kaya nasa room nya ung girl.

There's no nid 4 him 2 xplain. Prince ktang-kta ko nman kataksilan nya, sayang lng tym ko sa kanya.angry

My Princess,1 lng ma-advice ko sau. F u still luv hm, giv a hma chance again. Dnt say gudbye f u still wana stay wid him. Ok?

Sa message na iyon ni Prince ay bigla niyang naalala ang sinabi ni Lola Ayling. Kailangan pa nga ba lumakad muli ang pitong taon ng paghihiwalay bago niya ma-realize na kahit kailan ay hindi niya maiaalis sa si Simon?

Malungkot siyang nag-reply kay Prince. Marahil ay tama ang mga ito subalit kailangan din naman niyang isipin ang puso niyang nasaktan.

I rily don't know wat 2 do ryt now, Prince. Bgyan ko muna cguro tym self k na mag-isip.

N i'm hoping dat u came up with d ryt decision, My Princess. It's l8 na. U hav 2 rest now. Ppangit k pg palagi kang puyat. Mwah. Nyt!

Thanks! I'm so much thankful 2 hav u, My Prince and My Friend. Gud nyt and swit Dreams, Mwah!

 

--------------------------------------------

 

"Kim, wait."

Sa halip na tumigil ay lalo pang binilisan ni Kim ang paglalakad. Ngunit kahit pa yata tumakbo siya ay maaabutan din siya ni Simon.

"Puwede bang mag-usap tayo, Kim?" Humihingal ito nang maabutan siya. Hindi pa nakontento, hinawakan pa nito ang braso niya upang patigilin siya sa paglalakad.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Gigil niyang hiniklas ang kamay nitong nakawak sa kanyang braso.

"Marami." Iginiit naman ni Simon.

Umiling-iling si Kim. "We're just wasting our time, Simon. Malabo na yatang maniwala pa ako sa lahat ng sasabihin mo." Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Noon niya pinagsisihan kung bakit lumabas-labas pa siya para magpahangin sa park.

Sumabay naman ito sa kanya at desidido talagang makausap si Kim. "Damn, Kim!"

Tinapunan ni Kim si Simon ng matalim na tingin. Hindi niya gusto ang pagmumura nito.

"I'm sorry." Bumaba ang tono ng boses ni Simon. "Nahihirapan na kasi ako sa setwasyon natin."

"Wala na tayo, Simon." paalala ni Kim. "Kaya 'wag mo nang problemahin pa kung paano tayo uli magkakaayos."

"No! Hindi naman yata ako makakapayag na ganoon na lang. I love you so much. Kaya nahihirapan ako nang ganito dahil ni hindi ko naman alam kung bakit ka nagalit sa akin."

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, David?" ngayon lang uli ginamit ni Kim ang pangalan na iyon ni Simon. Ginagamit niya ito noon lalo na kung galit na galit siya. "Gumagawa ka ng milagro habang girlfriend mo ako. How dare you? At ginawa mo pa sa loob ng kuwarto mo na alam mong posibleng makita ko."

"Kim, utang na loob!"

Nagulat si Kim sa pagtaas muli ng boses ni Simon. "Is that the way you talk to me? Ang pagtaasan ako ng boses?"

"Hindi naman." Muli itong nilambingan ang tinig. "Ang ibig kung sabihin, bakit hindi mo ako diretsuhin kung ano ang dahilan ng galit mo? Dahil matay ko mang isipin, wala talaga akong maisip na dahilan."

"Hindi ko na problema iyon, Mr. Atkins. Will you let go of my arm? Hinihintay na ako ni Lola Ayling."

"Pero, Kim------"

"Pakakawalan mo ba ako o sisigaw ako na hina-harass mo ako?"

Nagkapagtitigan muna ito sa kanya. Noong una ay nagmamatigas ang paraan ng pagtitig nito subalit nang marahil ay mabasa sa anyo na hindi siya nagbibiro ay unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso ni Kim.

"All right, hindi kita pipiliting kausapin ako ngayon, sweetheart. But it doesn't mean that I'm giving up on you dahil hindi ako titigil hangga't hindi mo ako napapatawad,"

"Bahala ka." pagtataray ni Kim.

Nang talikuran niya ito ay pinigil niyang tumawa. Hindi niya binalak pang lumingon uli dahil baka makita lang niya ang malungkot nitong anyo ay bigla na namang lumambot ang puso niya. 



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo