You and I Forever 13

You and I forever

I wrote ur name in d sky, d wind blow it awy. I wrote ur name in d sand, but d sea wshd it awy. So I wrote ur name evrywer, aba kla nla KANDIDATO K!
 

"Corny talaga ng taong ito!" Mabilis na binura ni Kim sa inbox ang text joke na ipinadala ni Simon.
 

"Hindi pa rin ba kayo bati?"tukoy ni Sofia kay Simon habang abala ito sa pagma-manicure. Sabado iyon at kinatamaran nito ang pumasok sa shop.
 

"Bati? Eh, break na nga kami, ano." inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng magazine.
 

"Bakit kasi hindi mo bigyan ng chance na makapagpaliwanag yung tao? Malay mo, tama ka ng hinala na inaakit lang ito ni Kaye."
 

Alam na ni Sofia ang dahilan ng pakikipag-break niya kay Simon. Sa halip na sang-ayunan nito ang naging desisyon niya, katulad din ng sinabi ni Prince ang naging payo nito.
 

"Hindi biro ang ginawa nila sa akin, Ate Sofia. Kung patawarin ko siya kaagad, mauulit uli ang panunukso ni Kaye sa kanya, pagkatapos ay hindi na naman siya makakaiwas dito."
 

Napakibit ito ng balikat. "Kunsabagay, tama ka riyan. Pero, cous, ako kasi ang nahihirapan sa iyo, eh."
 

Lumipat ang tingin ni Kim kay Sofia. "Bakit naman?"
 

"Eh, kasi naman, kunwari ka pang lumipat ng ibang silid pero palagi naman kitang nahuhuling nasa kuwarto ko at pasimpleng sumisilip sa bintana."
 

"That's not true! Totoong pumupunta ako sa kuwarto mo pero para kumuha ng mga magazine na puwede kong basahin." dahilan ni Kim.
 

"Really? Mag-deny pa ang lola, eh huli ka na nga sa akto!"
 

"Huli sa akto? Criminal ba ako?. Baliw ka talaga!" Binato niya ito ng hawak na magazine. Useless na ang mag-deny dahil sa pagba-blush niya ay obvious namang may katotohanan ang panunukso nito.
 

"Shocks, my nail! Stop it na, Kim, you're ruining my nail polish!"
 

"Hmmp! Ikaw nga, kaya ka hindi pumasok ngayon ay para mag-beauty rest. Tiyak na magkikita kayo bukas ng sikyu mong boyfriend," pang-aasar ni Kim.
 

"Bruha ka! bawiin mong sinabi mo! Hindi security guard si James, ha"
 

"Eh, ano?"
 

"Pulis."
 

Napailing-iling si Kim. "Diyan ka na nga at magdidilig pa ako ng halaman sa hardin. Wish ko lang makilala na namin si James mo."
 

"Soon, my dear cousin."
 

Nalilibang na si Kim sa pagtatanggal ng mga patay na dahon sa rosas ng mga alaga ni Lola Ayling nang mapahinto siya. Pakiramdam niya ay may kasama siya sa hardin nang mga sandaling iyon.Lumingon siya sa kanyang likuran subalit wala namang tao. Iginala pa niya ang paningin sa maliit na hardin ngunit walang natagpuan ang kanyang mata.
 

Sa tagal ng pagkakayuko niya sa mga bulaklak na ginugupitan ay nangawit na ang likod niya at leeg kaya dumiretso siya ng tayo at nag-inat-inat.
 

Nang hindi sinasadyang mapatingin sa terrace ng bahay nina Simon. Biglang tumaas ang kilay niya nang makita niya ito roon. Ngumiti si Simon at kumuway.
 

"Hmp!" inis niyang tinanggal ang guwantes saka umalis sa kinatatayuan. Inirapan niya muna ito bago siya tumalikod. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan papasok sa main door ng kanilang bahay. Alam niyang pinapanood nito ang pagwo-walk out niya.
 

Sa kasamaang-palad, ay nadapa siya dahilan ng pagmamadali niya. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakahawak sa rail ng hagdan bago pa siya matuluy-tuloy sa ibaba. Ngunit nakaramdam siya ng kirot sa kanyang tuhod dahil nagasgas iyon.
 

Lumingon siya sa terrace nina Simon at nakita niyang naroon pa ito. Akala ni Kim ay pinagtatawanan na siya nito subalit nakabakas sa mukha ni Simon ang matinding pag-aalala sa nangyari.
 

"Kasalan mo ito!" bulong niya, sabay irap dito.
 

"O, bakit? Napaano ka?" tanong ni Sofia nang madatnan niya ito sa kanilang kuwarto.
 

"Buwisit! Pakiabot naman yung alcohol sa tabi mo, please?" pagmamakaawa ni Kim.
 

Nang iabot nito iyon sa kanya ay mabilis niyang itinaas sa mesita ang paa at saka binuhusan ang tuhod.
 

"Ano ang nangyari sa iyo?"
 

"Kasalan ito ng magaling na lalaki diyan sa tapat!" nanggigigil niyang sinabi habang iniinda ang hapdi ng sugat na nilinis niya.
 

"Bakit?"
 

Bago pa siya makasagot sa tanong ng pinsan ay tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at biuksan
ang inbox.
 

U will nver know hu ur frends reli r till u stumble & fall. Den u wil feel their hands on ur shoulder as dey ask u: "Ilang palaka ang nahuli mo?"
 

"Buwesit ka talaga, Simon!" gigil niyang sinabi sa cellphone na hawak. Kung ganoon lang kaliit si Simon ay malamang na kanina pa niya ito inihagis.
 

"Pabasa!" Bago pa siya makatanggi ay nahablot na ni Sofia ang cellphone. Tawa ito ng tawa habang binabasa ang message ni Simon.
 

"Nadapa ka pala." tatawa-tawa nitong sinabi sabay baba nito ng cellphone niya sa ibabaw ng mesita.
 

"O, Sige, mang-asar ka rin kung gusto mong itakwil kita." banta ni Kim.
 

"Ba't ko naman gagawin 'yon? Pero okay rin 'yang si Simon, sa halip na amuin ka'y inaasar ka pa."
 

"Sinabi mo pa."
 

Nang muling tumunog ang cellphone niya ay hindi na niya iyon pinansin pa.
 

"Ayaw mong basahin,ako nalang ang babasa." ani Sofia, sabay dampot sa phone. "Sweetheart, joke lang. Gusto lang naman me  patawanin you. Kasi palagi na lang you simangot 'pag kita mo ko. Nasaktan ka ba? I love you." ubod lakas na pagbabasa ni Sofia.
 

"Akin na nga 'yan!" Hinablot niya ang kanyang cellphone. Kumibut-kibot ang mga labi niya habang inuulit niyang basahin ang message na iyon.
 

"Ipokrita! Pinahihirapan mo lang ang sarili mo, Kim. Kausapin mo na si Simon." inililigpit na nito ang manicure set na nagamit. "Baka magsisi ka kapag nagising ka na lang isang araw na iba na ang mahal ni Simon."
 

Sa sinabi nito ay na-imagine niya bigla sina Simon at Kaye na masayang magkasama.
 

No, hindi ako papayag na mawala sa akin si, Simon, tulol ng puso at isipan ni Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo