You and I forever 8

You and I forever

Isang bisita ang hindi inaasahan ni Kim nang gabing iyon. Kamuntik na niyang maisara muli ang pinto nang mapagbuksan niya si Simon.

"Good evening, Kim!" halos umabot ang ngiti ni Simon sa magkabilang tainga.

Ngunit tinaasan niya ito ng kilay.

"Anong good sa evening? Ni isang bituin nga sa langit wala akong makita, eh. Mukhang may nagbabadyang isang malakas na ulan.

Ngumiti lang si Simon kahit na nakataas na ang mga kilay ni Kim. "Actually, sinungkit ko na kanina pa lahat ng bituin. At naging white roses ang mga iyon. Here, this is for you." sabay abot sa kanya ng mga bulaklak.

"Ang corny mo, Mr. Atkins."

"Sinamahan ko na rin ng chocolates. Matamis yaan." pagpapatawa pa ni Simon.

"Syempre,matamis ito. Wala naman kasing maalat na chocolates."

"Kim, sino ba 'yang kausap mo riyan?"tanong ni Tito Neil.

Napalingon si Kim sa hagdanan kung saan kasalukuyang pababa si Tito Neil.

"Magandang gabi po, Tito Neil," pagbati ni Simon.

Muling napaharap si Kim kay Simon.

"Aba, ikaw pala, Simon." Lumapit ito sa kanila. "Hija, bakit diyan kayo sa pintuan nag-uusap? Papasukin mo rito si Simon at nang makapagkuwentuhan kayo ng maayos."

Wala ng nagawa si Kim kundi ang papasukin si Kim.

"Pasok, ka" paanyanya ni Kim.

"Thank you, Kim." sabay killer smile..

"Maiiwan ko na po muna kayo. Magpapahanda lang ako kay Aling Bebeng ng maiinom." paalam ni Kim.

Papasok pa lamang si Kim sa kusina ng may nag-doorbell sa labas. "Ako na po ang magbubukas ng pinto." pinigilan niya ang Tito Neil niya na akmang tatayo upang pagbuksan ang nasa labas.

Biglang nag-akyatan ang dugo ni Kim sa kanyang ulo nang makita niya si Kaye. Nakangiti ito.

"Hello! Naririyan ba si Simon?"

"Yes," kaswal niyang tugon.

"You must be Kim? Puwede bang maki-join sa kuwentuhan n'yo ni Simon? Naiinip na kasi ako sa bahay. Wala ang parents niya roon at puro katulong lang ang kasama ko."

"Sure, pasok ka!" ibinukas ni Kim ang pintuan.

"Thank You!"

"Kaye, what are you doing here?" gulat na tanong ni Kim.

My goodness! Talaga bang nakatakdang masira ang lahat ng araw ko habang namamalagi rito sa Pilipinas? I hate you, Simon.

Inis siyang umalis sa sala at pumunta na ng kusina.

"Puwedeng makigamit ng CR?" tanong ni Simon.

Lahat ng inis ni Kim ay ibinuhos niya sa mga kasangkapan sa kusina. Dabog dito dabog doon ang ginawa niya. Kaya naman ikinagulat pa niya nang makita si Simon sa bungad ng pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kim.

"Makikigamit sana ako ng banyo." sagot ni Simon.

Inirapan ni Kim si Simon at muling hinarap ang pagtitimpla ng juice.

"Kumaliwa ka, tapos, sa pangalawang pintuan, doon ang comfort room," sabi ni Kim nang maramdaman niyang nakatitig sa kanya si Simon.

"Galit ka ba?" lumapit si Simon at tila sinasadyang idinikit ang braso niya sa mga braso ni Kim.

"Hindi" tugon niya sa mataas pa ring boses.

"Hindi? Pero bakit parang nakasigaw ka? Galit ka yata ,eh."

"Puwede ba, Simon, magbanyo ka na kung magbabanyo ka?"

"Actually, hindi naman talaga ako magsi-CR. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan."

"Saka na lang tayo mag-usap. Maiinip na naman si Kaye."

"Don't mind her. Hindi ko naman sinabing bumuntot siya sa akin, eh."

"Ano mo ba talaga ang babaeng iyon?"

"Kinakapatid."

Tumingin siya kay Simon at ngumiti ng parang hindi naniniwala. "Lokohin mo si Wonderwoman! Daig pa niya ang girlfriend kung makabantay sa iyo."

"Hindi ko po siya girlfriend. And I want you to know na walang ibang babaeng nagmamay-ari ng puso ko kundi ikaw lang."

Natigilan si Kim sa ginagawang paghahalo ng juice sa mataas na baso.

Come on, Kim! Stop dreaming! Minsan ka na niyang niloko, magpapaloko ka na naman ba uli?

Sukat doon ay inis niyang inalis ang kutsara sa baso at idinuro iyon kay Simon. "Hoy, Simon, I'm not seventeen years old anymore. Don't think na madali mo akong mapapaniwala uli sa matatamis mong salita."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Simon. For the first time, matapos ang pitong taon ay muli niyang nakita ang kaseryosohan sa mukha ni Kim. Halatang dinamdam nito ang sinabi niya.

"So all along, iniisip mo pala na sa loob ng pitong taon na pagkakahiwalay natin ay niloko lang kita?" seryosong tanong ni Simon.

"Hindi nga ba?" umarko ang isang kilay ni Kim. Pilit siyang hindi nagpapaapekto sa anyong ipinapakita ni Simon sa kanya.

Hinawakan ni Simon ang kamay ni Kim. "Look into my eyes, Kim," pakiusap ni Simon.

Hindi alam ni Kim kung bakit siya pumayag sa pakiusap ni Simon.

"Thank you," nakangiting sabi ni Simon. "Now, I want you to know na kahit kailan ay hindi kita niloko. Nang gabing iyon ay talagang darating ako sa usapan natin."

"How? You were thirty minutes late, Simon. Pero naghintay ako sa iyo noon hanggang sa mahuli na ako ni Daddy at Tito Neil sa park."

"Na-late ako dahil biglang nakiusap sa akin si Daddy. May importanteng bagay siyang sinabi sa akin nang gabing iyon. Isa pa, hinarang din ako ni Tito mo."

"I know. At sa kanya ko nalaman na wala ka naman talagang balak na siputin ako. At wala ka rin balak na itakas ako mula sa aking Daddy. Iyon ang malinaw na sinabi ng mommy mo nang gabing iyon."

Hinaplos ni Simon ang pisngi ni Kim. "Ikaw na rin ang nagsabing si Mommy ang nagsabi niyon. But I admit na nagbago nga ang isip kong itakas ka nang gabing iyon. Ang balak ko'y kausapin ka at ipaliwanag sa iyo kung bakit hindi na natin dapat ituloy ang pagtatanan."

Nasaktan si Kim sa ipinagtapat ni Simon. "Pero bakit? Dahil hindi mo naman talaga ako mahal?" tumulo na ang luha ni Kim.

"Of course not." sabay pahid sa mga luha ni Kim na tuloy-tuloy sa pagtulo. "I love you so much. Ayoko lang na ituloy pa natin ang pagtatanan because that night, I had nothing to offer you. Bumagsak na ang negosyo namin dito sa Maynila noon. Iyon din ang dahilan kung bakit kailangan naming bumalik sa Cebu."

Lumayo si Kim. "Kaya ba kahit ni maikling sulat ay wala kang ginawa para ipaliwanag ang mga sinasabi mo sa akin ngayon?" tuloy pa rin ang pag-tulo ng luha ni Kim.

"I did, Kim. Ibinigay ko iyon kay Sofia."

Bigla siyang napaharap kay Simon. "Kay Ate Sofia?"

Tumango lang si Simon at muling lumapit sa kanya. "Hindi ba niya ibinigay sa iyo?"

"Walang nakarating sa akin, Simon. At wala rin siyang sinasabi sa akin." natigil na siya sa pag-iyak.

Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang tawagan si Sofia kaya lang baka maka-isturbo lang siya sa date nito.

"Kim, please forgive me. Hayaan mong patunayan ko sa iyo na tunay ang pagmamahal ko. Hanggang ngayon ay mahal pa rin kita."

Hinawakan ni Simon ang dalawang kamay ni Kim. " Do you still love me, Kim?"

"I---" bago pa man niya masabi iyon ay hinalikan na siya ni Simon sa labi at wala na rin siyang nagawa kundi ang bumigay.

Hindi pa sana sila maghihiwalay ni Simon kung hindi pa sila nakarinig ng yabag palapit sa kinaroroonan nila.

"May tao...." sabi ni Kim na sa mga oras na iyon ay nakayakap pa rin si Simon sa kanya.

Sumimangot naman si Simon. "Istorbo naman,o."

Pinandilatan ni Kim si Simon at saka kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya. Kunwa'y inabala niya ang sarili sa pagtitimpla ng juice habang si Simon naman ay mabilis na umupo sa isa sa mga silya roon.

"Simon." tawag ni Tito Neil.

"Tito, bakit po?" tanong ni Simon.

"Pinapasundo ka na ni Kaye. Bakit daw ang tagal mo?"

Sumimangot si Kim sa narinig.

"Pasensya na po, Tito Neil. Medyo nalibang lang ako sa pakikipagkuwentuhan kay Kim."

"Ganoon ba? Labasin mo na kaya sa sala at ako na lang ang bahalang tumulong kay Kim sa paglabas ng merienda n'yo."

"Huwag na po kayong mag-abala." pinigilan ito ni Simon. "Uuwi na lang po kami ni Kaye. Baka kasi dumating na rin sina Mommy."

Hindi na niya tinutulan ang pagpapaalam nito. Ayaw rin naman kasi niyang makaharap si Kaye.

"Eh, teka, paano itong juice n'yo?" tanong ni Tito Neil.

"Uubusin ko po." Lumapit ito, kinuha ang isang mataas na baso at diretso nitong nilagok ang laman niyon.

Napanganga naman si Tito Neil niya habang pinapanood ang pag-ubos nito sa juice. "Bakit yata mukhang uhaw na uhaw ka, hijo?"

"Medyo mainit po kasi rito, eh." sabi nito saka pasimpleng kumindat kay Kim.

Yumuko nalang si Kim.

"Aalis na po ako. Salamat sa juice."

"Sige, Simon. Huwag kang mahihiyang bumalik uli rito, ha?"

"Opo. Kim aalis na ako."

"Sige," simpleng tugon ni Kim.

"Ite-text nalang kita mamaya." sabi ni Simon.

"Alam mo ang number ko?" napakunot-noong tanong ni Kim.

Umiling lang si Simon. "Tatawagan ko nalang si Sofia mamaya, tatanungin ko number mo sa kanya."

"Alam mo number ni Ate Bianca?"

"Yup, Nakita ko kasi siya kahapon, tinatanong ko 'yong number mo pero ayaw niyang ibigay kaya 'yong sa kanya nalang ang hiningi ko."

"I see. Sige"

"Good night!"

"Good night din."

Nang lumabas si Simon ay lumabas na rin si Tito Neil nang kusina upang ihatid ang mga ito hanggang sa gate.

Luv, a widely misundrstood mlfunction of d heart w/c weakens d brain, causes ur eyes 2 sprkle, cheeks 2 glow, blood prssure 2 rise.

Mabilis siyang nag-reply sa pinsa niyang si Sofia nang maalala ang sulat ni Simon.

Cous, uwi k n. We nid 2 talk.

Bout wat? reply naman nito.

Basta uwi k na.

Ilang saglit pa bago uli ito nag-reply.

K. Jan n ko aftr 1hr.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo