You and I Forever 14

You and I forever

Kumatok muna si Kim ng marahan bago niya binuksan ang pintuan. Pagpasok niya sa silid ni Lola Ayling ay kaagad na nagsalubong ang paningin nila. 
 

"'La, ipinapatawag n'yo raw po ako?"
 

"Halika rito sa tabi ko, apo." Nakangiting pagkakasabi ni Lola Ayling.
 

Nang maayos na siyang nakaupo sa tabi nito ay mataman siya nitong tinitigan. Inabot pa nito ang palad niya at saka malalim na huminga.
 

"Apo, may ipapakita ako sa iyo. Dapat matagal ko na itong ipinadala sa iyo sa America pero tumutol ang papa mo dahil gusto niyang i-focus mo ang lahat ng oras mo sa pag-aaral."
 

"Ano po ba 'yon?" Sa anyo nito ay tila napakahalagang bagay ang ibibigay nito sa kanya. Hindi niya maiwasang isipin na baka pamamanahan siya nito ng isang antigong bagay na napakatagal nitong iningatan.
 

Sa halip na sagutin siya ay kinuha ni Lola Ayling ang isang maliit na kahon na noon lang niya napansing nakapatong sa side table ng kama.
 

Kilala ni Kim ang kahong 'yon. Sa naturang box nakalagay ang lahat ng sulat ng kanyang Lolo Mar rito simula pa noong  magkasintahan ang mga ito hanggang sa maging mag-asawa. Pinigil niyang mapangiti sa naisip.
 

Ang unang pumasok sa isip ni Kim ay ipapamana ba nito ang mga sulat na 'yon sa kanya?.
 

Isang pink na sobre ang inilabas nito mula roon. May bahagi na naninilaw, tanda na nalipasan na iyon ng ilang taon sa loob ng box na 'yon.
 

"La, what's wrong? Naalala n'yo po ba si Lolo?" hindi niya napigilang itanong.
 

Ngumiti ito at umiling. "Apo, para sa iyo ang sulat na ito."

 

"S-sa akin po?" ulit pa niya sa sinabi nito.

 

"Oo. Katulad ng sinabi ko sa iyo, matagal na dapat itong nasa kamay mo."

 

Nanginginig ang kamay na inabot niya ang pink na sobre. May hinala na siyang iyon ang nawawalang sulat ni Simon sa kanya pitong taon na ang nakalilipas.

 

"Nang umalis ka ng bahay na ito, patuloy si Simon sa pangungumusta sa iyo. Alam kung lihim silang nag-uusap ni Sofia kaya sinubaybayan ko ang bawat hakbang ng pinsan mo. Hanggang sa makita ko ang sulat na iyan sa silid niya. Kinuha ko ang sulat ni Simon para sa iyo at itinago nang hindi nalalaman ni Sofia." mahabang paliwanag ni Lola Ayling.

 

Ngunit hindi na niya iyon masiyadong nabigyang pansin dahil mas nakatutok ang atensyon niya sa pagbabasa sa sulat ni Simon.

 

Dearest Kim,

Huwag mong isipin na niloko kita. Hindi ko iyon magagawa sa babaeng pinakamamahal ko, ikamamatay ko 'yon kung sakaling kinamuhian mo ako. Nagtagumpay man ang mga tao sa paligid natin na paghiwalayin tayo, it doesn't mean that i gave up on you,,, that i don't love you anymore. That's the last thing I wanna do.



Kim, malayo man tayo sa isa't isa, gusto kong malaman mo na sa iy lang ang puso ko. At ang muling pagtatagpo ng landas  natin ang pinakamimithi kong mangyari. Sweetheart, please, promise me na ako lang din ang mamahalin mo. Na kahit kailan ay hindi mo ako ipagpapalit sa mapuputlang Amerikano riyan.

 

Natawa si Kim sa bahaging iyon ng sulat ni Simon. Kahit kailan talaga ay joker ito.

 

Hindi, Simon. Kahit minsan ay wala akong pinayagan na sinumang lalaki na makapasok dito sa puso ko. Tanging ikaw lang, piping sagot niya sa sulat nito.

 

If good-bye will be the last word I have to say before I die, I won't let it be spoken. I'd rather die than to say good-bye to someone that I don't want to give up even after death. I'll wait for you, My princess, even it will takes forever. I Love You!

 

"Lola, I Love him too!" hindi nakapagpigil na sabi ni Kim matapos niyang basahin ang sulat ni Simon. Napasinghot siya. Masyado siyang natangay sa mga sinabi ni Simon kaya hindi na niya namalayang umiiyak na siya.

 

Pinahid ni Lola Ayling ang mga luha niya. "It's not too late, Kim. Naririyan lang si Simon sa tapat natin."

 

"Pero, Lola..."

 

"Kim, apo ko, nakikita kong tapat sa iyo si Simon. At kung nagdududa ka man sa pagmamahal niya nang dahil kay Kaye, talk to him. That's the best way para maunawaan mo siya."

 

"La, thank you. Maraming salamat sa suporta n'yo."

 

Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Apo, I want you to be happy. At alam natin na si Simon lang ang kaligayahan mo."

 

"Pero, 'La, natatakot akong sabihin kay Papa ang tungkol kay sa amin ni Simon."

 

"Kim, wag mong alalahanin ang papa mo. Nasa hustong gulang ka na para sa bagay na iyan. Isa pa, hindi mo naman binigo ang pangarap niyang makapagtapos ka ng pag-aaral mo, hindi ba?"

 

Napatangu-tango siya. Natatandaan niyang sinabi ng kanyang papa na wala itong tututulan sa lalaking pipiliin niyang makasama habambuhay basta tapusin muna niya ang kanyang pag-aaral. Ang tanging hangad  daw nito ay ang kanyang kaligayahan.

 

"O, siya. Narinig kong may usapan kayo ni Sofia na pupuntahan mo siya sa shop. Lumakad ka na at nang hindi kayo gabihin sa daan."

 

"Salamat uli, 'La!" Bago tuluyang lumabas ng silid nito ay mahigpit niya itong niyakap at pinaghahalikan sa pisngi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo