You and I forever 7

You and I forever

"Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon, Kim. Salamat sa pagpasyal mo sa akin dito sa park." Ginagap ni Lola Ayling ang palad niyang nakapatong sa handle ng wheelchair na sinasakyan nito.

"Lola, ipagpatuloy lang po ninyo ang pag-inom ng gamot. Malay niyo sa susunod na punta natin dito ay hindi na kayo naka-wheelchair."

"Hay, napakasuwerte ko talaga sa pagkakaroon ng apo na katulad mo. Maganda na mabait pa. Salamat, hija."

"At masuwerte rin po ako sa inyo, Lola, dahil nagmana ako sa inyo ng ganda." nakangiting sabi ni Kim.

Ngunit mabilis na naalis ang mga ngiti sa mga labi ni Kim ng makita niya si Simon. Worst, may babae itong kaagapay sa paglalakad patungo sa direksiyon nilang maglola.

Hindi siya  nito pansin dahil engrossed na engrossed si Simon sa pakikipag-usap sa babaeng animo ay may glue ang kamay sa higpit ng pagkakakapit sa braso ni Simon.

"Higit na makisig si Simon ngayon kaysa noon, Kim." komento ni Lola Ayling. Nakatingin rin pala ito sa dalawa.

Laking pasasalamat ni Kim dahil sa halip na huminto ay naupo ang mga ito sa bench na nadaanan. Hindi kumibo si Kim at pilit iniiwas ang tingin kay Simon. Subalit para naman may kung anong magnet ang humihila sa kanyang leeg upang tumingin sa kinaroroonan ni Simon.

Kahit hindi niya isatinig, sang-ayon si Kim sa komento ni Lola Ayling. Mas guwapo si Simon ngayon kaysa noon.

Mabibingi na si Kim sa lakas ng pagtambol ng kanyang puso at waring kinakapos siya ng paghinga habang pinagmamasdan niya ang guwapong mukha ni Simon.

"Apo, mas bagay kayo ni Simon kaysa sa babaeng kasama niya. At mas maganda ka sa kanya."

"Lola, naman!" napakamot siya sa sinabi nito. "Pabayaan na nga po natin sila. Naririto po tayo para sumagap ng sariwang hangin."

"Bakit hindi kayo mag-usap? Sa tingin ko 'yon ang ibig sabihin ng makauhaw tingin niya sayo ngayon."

"P-po?" napatingin si Kim sa kinaroroonan ni Simon. Ganoon na lamang ang pag-tibok ng kanyang puso nang magtama ang paningin nila.

"L-lola, medyo mainit na po sa balat ang sikat ng araw. Gusto niyo na po bang umuwi?" kinakabahang tanong ni Kim.

"Huwag mo akong intindihin, apo. Kausapin mo si Simon."

"Pero........" Biglang nangurong ang dila ni Kim ng makitang,, humahakbang na si Simon palapit sa kinaroroonan nilang dalawa ni Lola Ayling..

"Gosh! Ang walanghiya, mas guwapo sa malapitan!!!" sigaw ng puso't isipan ni Kim.

Parang nagkaroon ng World War III sa loob ng katawan Kim,, hindi niya maintindihan ang kabog ng kanyang puso,,, ang kanyang mga bituka ay tila umiikot-ikot,,, at ang kanyang utak na tila sasabog na habang pinapanood si Simon palapit sa kanila.

"Goodness! What am I going to do with this man? He's got a killer smile.!" sigaw uli ng puso't isipan niya ng makarating sa kanila si Simon.

"Good morning po, Lola Ayling" bati ni Simon. Yumukod pa ito at nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos, hijo."

Pagkatapos nitong magbigay-galang kay Lola Ayling ay humarap si Simon kay Kim. "Good Morning, Kim. Kumusta ka na?"

"Anong good sa morning,, eh ngayon palang sinisira mo na araw ko." mahinang sinabi ni Kim.

"Ano?" tanong ni Simon.

"Ah,wala. Mabuti naman ako."kaswal niyang tugon. "Ikaw? Kumusta ka?"

"Heto gaya pa rin ng dati. Natutuwa ako't nagkita tayo muli. Ang sabi ni Tito Neil mo ay kababalik mo lang din galing America."

Tumaas ang kilay ni Kim.
"Nagkausap kayo ni Tito?"

Ngumiti si Simon at tumango. "Yup. Nag-inuman kasi sila kagabi ni Daddy. Nagkita kami sa bahay at nagkuwentuhan sandali."

"Ganoon ba?"

Hindi talaga maintindihan ni Kim ang mga tao sa paligid niya. Kulang nalang ay ligawan ng mga ito si Simon para magkabalikan lang sila.

"Hijo, minsan naman ay pumasyal ka sa bahay nang makapagkuwentuhan tayo nang mahaba-haba." sabad ni Lola Ayling.

"Iyon nga rin po sana ang ipagpapaalam ko sa inyo.... kung puwede ko po sanang dalawin si Kim sa bahay. At pati na rin po kayo."

"Wala naman akong sakit, ah." birong sagot ni Lola Ayling.

May inis na naramdaman si Kim sa kanyang dibdib dahil tila bale-wala na rito ang nangyari sa kanila noon.

"Walang problema, Simon. Aasahan namin ang pag-dalaw mo." sagot ng Lola ni Kim.

"Sige po, Lola. Medyo kailangan ko na pong magpaalam sa inyo."

"Medyo nga." asar na sibad ni Kim. "Nakasimangot na 'yong kasama mo eh."

"Pasensiya na. Ganyan lang talaga si Kaye, medyo mainipin."

"Lola, magpapaalam na po ako."

"Sige, hijo. Aasahan kita sa bahay, ha?"

"Opo." Kay Kim naman siya tumingin. "Kim,aalis na ako."

"Sige," sabay tulak ni Kim sa wheelchair ni Lola Ayling.

Nang makalayo sila nang kaunti ay tinawag siya ni Simon.

"Kim...." sigaw ni Simon...

"Bakit?" tanong ni Kim.

"I just want to tell you na mas maganda ka ngayon, Bye."

"See? What did I tell you, apo? He's still in love with you."

"Si Lola talaga! May girlfriend na siya."

"Paano ka nakakasiguro? Hindi niya iyon iiwan sa isang tabi para lamang malapitan ka." dahilan ng Lola ni Kim.

"Lola, halina po tayong umuwi. Oras na po ng pag-inom nyo ng gamot."

Tumango lang si Lola Ayling..


Bago sila makaalis ay tumingin muli si Kim sa kinaroroonan ni Simon at tila may kumurot sa puso niya habang nakikita si Simon na may ibang kasamang babae.



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo