You and I Forever 17

You and I forever

"What's wrong, Kaye? Masama ba ang pakiramdam mo?" puna ng mama ni Simon sa inaanak nang maabutan niya itong tahimik na nakaupo sa hardin.

 

Sa halip na sagutin siya ay yumakap ng mahigpit si Kaye.

 

"Hija, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang hinagod niya ang likod nito.

 

"Ninang, sana ngayon na ako mamatay. Mahina na ang katawan ko tapos lalo pa akong dinudurog ng puso ko." umiiyak na sabi nito.

 

"Kaye, wag ka nga magsalita ng ganyan. Sabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa'yo at nang matulungan kita."

 

Nag-angat ito ng paningin sa kanya. "Wala naman ho kayong magagawa,Ninang, eh. Ever since, si Kim na talaga ang mahal ni Simon."

 

Natigilan siya. "So si Simon pala ang dahilan ng ipinagkakaganyan mo?"

 

Marahan itong tumango. "I Love him, Ninang. Hindi ko naman inililihim iyon sa inyo, eh. At kahit kay Simon ay hayagan ko na iyong ipinapahiwatig sa kanya. Pero si Kim talaga ang mahal niya." muli itong humagulgol.

 

Natarantang niyakap niya ito. Nakaramdam siya ng kunting awa sa paborito nyang inaanak. "Hija, 'wag ka nang umiyak at makakasama pa 'yan sa katawan mo. Hayaan mo't kakausapin ko si Simon."

 

Mabilis itong umiling-iling. "Huwag na po. Huli na po ang lahat dahil ikakasal na sila ni Kim."

 

"Ano?!?.. Ulitin mo nga sinabi mo?"

 

"Totoo po iyon, Ninang. Narinig ko po si Simon na kausap niya sa phone si Kim. Kaya po pala gusto niyang magpa-party sa Sabado  ay dahil doon nila ia-announce ang pagpapakasal nila."

 

Napadako ang paningin niya sa bahay ng mga Chiu. Hindi siya makapaniwalang binabale-wala sila ng kanyang anak nang dahil  sa pag-ibig nito kay Kim.

 

Nagdesisyon na naman ito nang hindi man lang sila kinukonsulta. Paano kung maging mag-asawa na ang mga ito? Mapansin pa kaya sila ng kaisa-isang anak ngayong naririyan na si Kim?

 

"Hindi mangyayari iyon, Kaye. Ikaw ang gusto kong mapangasawa ng anak ko. Kaya bago pa nila magawa ang plano nila uunahan na natin sila."

 

"But how, Ninang?"

 

"Ako ang bahala. Ang mabuti pa ay tawagan na natin ang parents mo para madaliin nila ang kanilang business trip, nang sa gayon ay naririto na sila sa Sabado ng gabi."

 

Sumilay ang ngiti sa mapuputlang labi nito. "Salamat, Ninang."

 

"You're welcome, Hija. Halikana sa loob at nang makapagpahinga ka."

 

 

SABADO. Hindi lang sa bahay ng mga Atkins ang abala kundi pati na rin sa Bahay nina Kim.

 

"Bakit ba kasi  kailangan pang pati kami ay um-attend sa party ni Simon?" angal sa kanya ni Sofia. Kinansela nito ang pakikipag-date nito kay James dahil sa pakiusap niya.

 

"Basta. Bakit ka ba ganyan? Minsan lang ako hihingi ng favorsa iyo ay masama pa ang loob mo na pagbigyan ako."

 

"Eh, kung hindi ko kaya tapusin itong pag-aayos sa buhok mo, ha? Hindi naman masama ang loob ko. Curious lang ako sa pinaggagawa nyon dalawa."

 

Napangiti si Kim. Kahit gustong-gusto na niyang sabihin dito ang surprice nila ni Simon ay pinigil niya ang kanyang sarili. Tanging ang mga magulang niya sa America ang pinagsabihan niya ng tungkol doon. Nag-long-distance call siya sa mga ito para sabihin ang balak na pagpapakasal. Hindi naman tumutol ang mga ito at nangako pang uuwi sa Pilipinas sa susunod na buwan para tumulong sa preparasyon.

 

Tahimik na ipinagpatuloy ni Sofia ang pag-aayos sa kanya. Lalo siyang pumuti sa suot niyang black bestida. Sila ni Simon ang magkasamang bumili niyon na sadya para sa espesyal na okasyon na iyon.

 

"Hayan, natapos dinsa wakas." pahayag ni Sofia. May saya sa mukha nito habang tinititigan siya. "You know what? Parang alam ko na ang gimmick niyo ni Simon."

 

"Ano?" natatawang tanong niya.

 

"Secret! Ikaw nga, ayaw mong sabihin yung surprise n'yo, eh. Di ganoon din ako."

 

"Lukaret! Halika na ngang bumaba at nag-uumpisa na ang kasiyahan sa kabila."

 

"Talagang kailangan na nating bumaba. Kanina pa naghihintay si Simon sa ibaba."

 

Habang bumababa ng hagdan ay abut-abot ang kaba niya. Subalit dagli iyong napalis nang masuyo na siyang alalayan ni Simon palabas ng kanilang bahay.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo