You and I forever 2

You and I forever

"SIMON!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Simon ng marinig ang tinig ng kanyang ina.

"San ka pupunta?" nagtatakang tanong ng Mommy niya.

"Mommy, bakit gising pa kayo?"

"Ikaw ang bakit gising pa? Alas-dose na ng hating gabi, ah. At mukhang may lakad ka yata"

Sabay pasok naman ng kanyang Daddy niya. "Where are you going , son?" tanong ng daddy niya.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin ni Simon sa kaniyang mga magulang. Bakit hindi man lang niya naramdaman na gising pa ang mga ito. Paano niya ba sasabihin na itatanan niya si Kim.

"M-may usapan ho kasi kami ng barkada. B-balak ho  naming magpunta sa Baguio"

"Nang hindi nagpapaalam sa amin?"

"Mom, alam ko naman kasi na hindi n'yo ako papayagan."

Nagalit ang kanyang daddy. "Diyan sa mga gimmick na iyan nadidisgrasiya ang ilang kabataan, eh. Umaalis nang hindi nagpapasabi sa kanilang mga magulang."

"Dad, I'm nineteen years old. I'm old enough now to decide for myself."

Galit ang Dad ni Simon. "Then, prove it to me. I-cancel  mo ang pag-alis mo ngayon. May importante tayong dapat pag-usapan."

Hindi nakaimik si Simon. Si Kim kaagad ang inaalala niya. Tiyak na maghihintay ito. "But, Dad..."

"All right, papayagan kitang umalis ngayon. But we need to talk first."

Gusto niya sana tumanggi ngunit napilitan siyang ibaba ang bag na dala at sumunod sa mga magulang niya sa sala.

Nilalamok na si Kim. Kulang na lang ay ilipad na siya ng mga lamok sa dami ng dumadapo sa kanyang balat. Kung ano-ano tuloy pumasok sa isip niya.

"Mahal ka ni Simon, Kim! Imposibleng magbago ang isip niya at hindi ka siputin ngayon." sigaw ng isip ni Kim. Kalahating oras na ring late si Simon.

"Malilintikan ka sa amin, Sofia! Sabihin mo sa amin kung saan eksakto ang tagpuan ng dalawang iyon.?"

Napaunat sa pagkakaupo si Sofia. Malinaw niyang naririnig ang tinig ng kanyang Tito William at , ang daddy ni Kim na kararating galing sa isang bussiness meeting.

"Dad, hindi ko nga ho alam, eh" sabay titig sa kanyang ama.

"Imposible! Alam mong magtatanan ang dalawa" sumbat ng daddy ni Kim.

"Ngayon ko lang ho nalaman iyon nang kumatok sa kuwarto ko si Kim kanina, Tito William."

Hindi alam ni Kim na paparating na ang kanyang Tito at ang kanyang Daddy.

"Anong kalokohan ito, Kim?"

"D-daddy,, T-tito?" napatingala si Kim.

"Halika nang umuwi." hinila si Kim papauwi. Kinaladkad nila pinauwi si Kim.

Guilty ang anyong makikita sa mukha ni Sofia. Hindi niya gustong isumbong ang mga ito, ngunit inisip niya lng ang tama.




"Simon, naiintindihan mo ba kami ng daddy mo? Bankrupt na ang negosyo natin. We've got to do something bago pa tayo mawalan." sabi na mommy ni Simon.

Marahan siyang napatango. Intinding-intindi nito kung ano ang sinabi ng kanyang Daddy, ngunit si Kim pa rin ang nasa isip niya.

"Kailangan na muna nating umuwi sa Cebu. Sa probinsiya, may hacienda tayong masasandalan. At kung susuwertehin, puwede pa tayong makaipon doon ng pampuhunan para makabangon."dagdag pa ng kaniya ina.

"Tutal, hindi ka pa naman nakakapag-enroll sa school kaya tamang-tama ang pag-alis natin sa susunod na buwan. Makakahabol ka pa sa isa sa mga university sa Cebu." sumbat naman ng kanyang Daddy.

Kung isasama naman ni Simon si Kim sa Cebu baka hindi niya makayanan ang buhay roon. Lumaking spoiled si Kim ng kanyang daddy. Isipin pa lang niya ang makinis at mapu-puti nitong balat na titira sa isang isolated place ay nakokonsiyensiya na si Simon.

"Are you listening, Simon?"

"Yes, dad." wala sa loob na sagot niya.

"Good. Now, it's your decision kung gusto mo pa ring umalis ngayon. I'm sorry, son. Alam kung mas gusto mong mamuhay rito sa lungsod. But we can't do that anymore. Kailangan nating bumangon."

"Naiintindihan kita Dad. May isang bagay lang akong gustong ipagtapat sa inyo ni Mommy."

"Ano iyon,?"
"Balak naming umalis ngayon ni Kim. I mean, gusto ko siyang ilayo sa papa niya dahil nalaman na ng mga ito ang relasyon namin."

"Simon!"

"I'm sorry, Mom. I have no choice now kundi ang kausapin siya at sabihing nagbago na ang isip ko. I have nothing to offer her."

"Simon, I can't believe you'll do such a thing. Napakabata  n'yo pa ni Kim. And had it ever occured to you kung anong klaseng tao ang papa ng babaeng iyon?"

"Dear, calm down." awat ng daddy ni Simon. "Puntahan mo siya, Simon. I know you can do it. Ipaunawa mo sa kanya na iba na ang takbo ng  buhay natin ngayon."

"Thanks Dad"

Palabas na sana si Simon ng pinto nang may sunud-sunod na nagdo-doorbell ng kung sino sa labas ng kanilang gate. Nang sumilip siya sa bintana ay kinabahan siya nang makita ang Tito ni Kim.
"Sinasabi ko na nga ba't malaking gulo ito."

Napatingin si Simon sa kanyang ina. Hindi niya namalayang nasa tabi niya na pala ito.

"Kami na ang lalabas, Simon. Go back to your room." utos ng kanyang mommy.

"No, Mom. Ako ang pakay ng Tito ni Kim."

"Hindi ako makakapayag na sigawan ka niya, Simon. Umakyat ka na sa kuwarto mo."

Umiling-iling si Simon. "Hindi n'yo ako pinalaki ng duwag at takot sa responsibilidad, Mom. Kung ano man ang gagawin sa akin ng Tito Neil ni Kim ay handa ko siyang haharapin."

Pagkalabas pa lamang ni Simon ng main door ay mabilis nang sumugod ang Tito Neil ni Kim sa kanya.

"Mag-usap nga tayo, magaling na lalaki."

"Bakit hindi ka muna pumasok sa loob kumpadre?" wika ng daddy ni Simon. Nakasunod ito sa kanya.

"Hindi na kailangan. Gusto ko lang ipaalam sa magaling n'yong anak na wala nang Kim na darating sa kanilang tagpuan. It's over, young man. Tapos na ang kalokohang ito."

"Magdahan-dahan ka ng pananalita Neil." pagbabanta ng mommy ni Simon.

"Mahal ko si Kim Mr. Chiu. At mas lalong hindi ko iniisip na isang kalokohan ang mahalin ang pamangkin n'yo."

Natatawang ngumiti si Tito Neil. "Itapon mo na lang ang pagmamahal na sinasabi mo, lalaki. Dahil ako na mismo ang tumatapos sa relasyon niyo ni Kim."

"Hindi mo na kailangang sabihin pa ang bagay na iyan. As you noticed, wala naman talagang balak ang anak ko na siputin ang pinakamamahal mong pamangkin."

Hindi inaasahan ni Simon ang sinabi nang kanyang mommy.

"Tama nga ako ng hinala. Niloloko mo lang ang pamangkin ko.  Ito ang tatandaan mo, ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit sa tapat lang ng bahay namin. I'm warning you!"

Bago pa maitama ni Simon ang maling sinabi ng kanyang ina ay umalis na ang Tito Neil ni Kim.

"Matulog ka na, Simon. Ituring mo na lang na isang masamang panaginip ang gabing ito."utos ng kanyang ina at umalis na ito.

Malungkot na napatingin si Simon sa maliking bahay ng mga Chiu. "Someday you'll understand me, Kim. Alam kong sa ngayon ay malabo nang magkita pa tayong muli. But whatever happens, babalikan kita para patunayan sa iyong mahal kita." pangako ni Simon habang nakatitig sa kuwarto ni Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo