You and I forever 1

You and I forever

Nanginginig ang kamay ni Kim na kinatok ang pinto ng silid ng pinsan niyang si Sofia.

Inaantok si Sofia ng buksan niya ang pinto. Tuluyang nawala ang antok ni Sofia nang makita si Kim. "Kim!"

"Huwag kang maingay!" Mabilis tinakpan ng mga palad ni Kim ang bibig ng Ate Sofia niya.

Pinapasok ni Sofia si Kim sa kanyang kuwarto.

"What is the meaning of this?" tanong ng Ate Sofia niya.

"M-magtatanan na kami ni Simon."

"What?!" 

Napatayo si Kim sa pagkakaupo sa kama. "Ate Sofia, ano ka ba naman? Ang ingay mo 'no."

Pinandilatan siya nito, sabay hinawakan ang braso ni Kim.

"Alam mo ba 'yang ginagawa mo?"

"O-oo naman"

"This is ridiculous, Kim! You're only seventeen. Ano naman pumasok sa kukote mo at pumayag kang makipagtanan kay Simon?"

Mas matanda ng limang taon si Sofia kay Kim. Lumapit si Kim sa bintana at sinilip ang puting bahay na katapat lamang ng bahay nila.

Bukas pa ang ilaw sa silid ni Simon. Ngunit wala siyang  makita ni anino ni Simon. Fifteen minutes pa bago ang takdang oras ng kanilang pagkikita.

"Bruha ka! Kausapin mo nga ako?" pangungulit ng pinsan niya. Mababa na ang tinig nito. Takot din itong may magising isa man sa kasambahay nila dahil alam nitong pati ito ay madadamay sa galit ng mga magulang nito.

"Ate Sofia, nahuli kami ni Simon kanina. May nakakita sa amin na magkayakap sa park."

"Sa park? As in dito lang sa park ng subdivision natin?"

Tumango lang si Kim.

"Sino?"

"Ang Daddy mo. At siguradong makararating ito kay Lola. At kapag nangyari iyon, tiyak na ipapadala niya ako kay Mama sa Amerika. Ayaw kong magkahiwalay kami ni Simon."

Isipin pa lang ni Kim na magkakahiwalay sila ni Simon ay naiiyak na si Kim. Paano pa kaya kung mangyari ang iniisip niya? Istrikto ang Papa William niya. Alam niyang ipapadala siya sa Amerika ang unang hakbang na gagawin nito para lang mailayo kay Simon.

Naaawa naman hinaplos ng Ate Sofia niya ang kanyang likod. 

"Kim, tiyak na gagawin iyon ni Tito William. Pero hindi ang pakikipagtanan kay Simon ang solusyon sa problema mo. Hindi isang laro ang gusto mong pasukin, my dear cousin."

Naguguluhang napatitig si Kim sa Ate Sofia niya. "Pero, Ate Sofia, wala nang ibang solusyon. Ayokong mahiwalay kay Simon. I Love him so much."

Natawa ito. "You could hardly tell that it's true love, Kim. Napakabata n'yo pa. Pareho pa kayong nag-aaral ni Simon."

"Hindi, Ate Sofia. Mahal talaga namin ang isa't isa. A-at isa pa, m-may negosyo naman ang mga magulang ni Simon. Puwede siyang mamasukan doon para mabuhay kami."

"Sa madaling sadali, aasa kayong pareho sa parents niya. Think about it, Kim. Kapag nag-asawa ka ng maaga, iiwanan mo na ang marangyang buhay. Hindi ka na makakapag-aral. Hindi ka na makakapamasyal at makakapamili ng damit kung kailan mo gusto dahil ang perang gagastusin mo ay mas kailangan mong ipunin para sa future ng magiging anak niyo ni Simon."

Hindi sanay si Kim na tinitipid ang pera. At hindi siya mapakali kapag sa loob ng isang buwan ay wala siyang nabibiling bagong damit. Ngunit mas hindi yata niya kaya ang hindi makita si Simon sa napakahabang panahon. Baka ikamatay ni Kim iyon kung sakaling nangyari.

Mabilis na napailing si Kim. "Desidido na kami, Ate Sofia. Hindi kami makakapayag na maghiwalay pa."

"Kim.." napatitig ang Ate Sofia niya sa kanya.

"I have to go, Ate Sofia. Good bye.." maluha- luha siya ng mapayakap kay Ate Sofia. "Matagal-tagal din siguro tayong hindi magkikita."

Malungkot na ngumiti si Ate Sofia. "Mag-iingat kang palagi. Huwag kang mag-atubiling tumawag sa'kin kapag kailangan mo ng tulong."

Tumango si Kim. "Sige na, Ate Sofia. Baka magising na sila. Bago pa dumating si Papa bukas mula sa business trip niya at masabi ng Daddy mo ang tungkol sa amin ni Simon. Ay uunahan ko na sila."

"G-good Luck, Kim."

Muling tumango si Kim at tinungo ang bintana ng silid nito. Kaya siya pumasok sa kuwarto ni Ate Sofia ay para doon lang siya makakalabas sa pamamagitan ng malaking puno malapit sa bintana nito.

May tree house doon na puwede niyang madaanan pababa sa malaking puno.


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo