You and I forever 6

You and I forever

"iTS dffcult 2 fyn som1 lyk u. Its lyk lookn evry nyt at hndred stars in d sky 2 find d brytst 1. But u c, its ok. Findng u mkes d slpless nyts wrthwhyl."

Matutulog na lamang si Kim ay tumunog pa ang kanyang cellphone. Galing na naman ang message na iyon kay Prince. Kanina ay nakalimutan nanaman niya uli itong sagutin dahil halos hindi na sila maubusan ng mapagkuwentuhan ni Sofia.

"Hello! Tnx sa mga msgs mo. Pacnsha k na, ngaun lng me reply. Mdyo bc kc eh." reply ni Kim kay Prince.

"Thank God! I'm so happy coz u replied. Does 8 mean pyag k na mging txtm8 ko?"

"Yup. Yaw mo yata e?"

"Of curse nt,. 2wa nga me. Pro teka muna, no pla name mo?"

"Princess."

"Biro mo nman me, e. Pro ok lng kung ayw mo bgay ril name mo. Mhalaga, pyag k n maging fren ko. Yahoo."

Napangiti si Kim ng mabasa niya ang last text message ni Prince. Okay lang naman pala kay Prince kung hindi niya ibigay yong true name niya. Mas mahalaga rito ang makipagpalitan ng Text messages.

"How old r u, Prince?" naisipan itanong ni Kim.

"Twenty-six. La n tawad, ha. Un talga age ko. Kaw? Cguro nman d mo pgkakait ril age mo?."

"Twenty-four. Bk8 m ba me kulit? La k ba mkausap jan?"

"Sort of. Ive jst came frm Davao. La pa me gano fren d2 sa drmtory n tnu2luyan ko."

Huminga ng malalim si Kim at saka tumingin sa bintana. Share sila ni Sofia sa silid kung saan tanaw niya ang bintana ng dating silid ni Simon.

"Iyon pa rin kaya gamit niyang kuwarto?" tanong ni Kim sa sarili, habang nakatingin sa dating kuwarto ni Simon.

"Hey, bat d k n reply? Ayw mo bng katxt ang 1 promdi?"

Tumaas ang kilay ni Kim sa message ni Prince.

"Hey ka jan! Grbe u, ha? My tntanaw lang me sa labas kya d me kaagd sgot."

"Gnun ba? Cguro tanaw mo bf mo kung dumating na from work? Kapt bahay mo lng no?"

Napasimangot si Kim sa nabasang message ni Prince. "Tsismoso ka ah. Hw did u know dat? Ac2ualy, tngn lng me sa hauz ng ex-bf ko. He just came back from Cebu."

"Hula k lng un. Mis na mis mo n cguro sxa." mapangasar na message ni Prince.

"Hnd ah. I h8 him." asar na reply ni Kim.

"y?"

"Oooops, sori. D ko pede share s u."

"Sori dn ha. O cge, sleep k na, my princess."

"Aba't ang mokong. Ang bilis ariin ako." sigaw ng isip ni Kim.
Natawa si Kim ng muling niyang basahin ang salitang "My Princess."

Hindi pa man nakaka-reply si Kim ay may text message nanaman siyang natanggap mula kay Prince.

"I send u my pillow 4 u 2 rest, my blnket 2 shield u frm moskitos, & my bed 4 u 2 lay on com4tably. Cge, 2morw n lng. Sleep ka na nasa u na lahat."

Katatapos palang basahin ni Kim ang message ni Prince ay may natanggap nanaman siya mula rito.

"Ryt now, I'm suppos 2 txt d cutest,switst mst lovble, mst charming prson n d world. Alangan naman itxt ko sarili ko, so kaw nlng. Gud nyt."

"Sleep ka na Prince. Kulang lng u sa 2log kya ka gnyan. Gud nyt din."

Bago natulog si Kim ay muli niyang tinanaw ang silid ni Simon na nakabukas pa rin ang ilaw. Napatayo si Kim sa pagkakaupo niya sa kama ng mapansing may dalawang anino na nakatayo malapit sa bintana  ng silid ni Simon ,,, anino ng isang lalaki at isang babae.

"Si Simon ba yon?"

Hindi nakatiis si Kim at pasimpleng sumilip siya sa bintana.

"Bakit may kasama siyang babae sa Kuwarto?"

Kitang-kita niyang nag-kayakap ang dalawa at bigla na lamang nawala ang anino ng mga ito.

"How dare you, Simon? Bakit kailangang magtama uli ang landas natin? At bakit naman kailangan ko pang makita ang babaeng siya mong pinag-alayan ng  pangako mo sakin?"

Nagmamaktol na bumalik si Kim sa higaan.



Sa kuwarto ni Simon.....

"Bakit gising ka pa, Kaye?"

"Pasensiya ka na, Simon. Hindi kasi ako makatulog, eh." pumasok ito ng kuwarto at naupo sa gilid ng kama ni Simon.

Naiilang naman na umalis sa pagkakahiga sa kama si Simon. "Why? Masama ba pakiramdam mo?"

"Medyo. Ano ba ang ginagawa mo kanina?"

"Ah, ka-text ko lang si Rico."

"Bakit daw?" tumayo ito at lumapit kay Simon.

"Wala naman. Nagtatanong lang kung pwede raw siyang makituloy rito kapag lumuwas siya galing ng Cebu."

"I see." paglapit na paglapit ni Kaye kay Simon ay bigla siyang nahilo.

"Kaye...." alertong inalalayan ni Simon si Kaye sa pagkakatayo.

"Simon, nahihilo ako..." pagkatapos ay isinubsub ni Kaye ang ulo niya sa dibdib ni Simon. 

"Mahiga ka na muna. Uminom ka na ba ng gamot mo?"
 
Nag-aalala rin si Simon rito. Hindi lingid sa kanya ang pagkakaroon nito ng leukemia. Kung hindi maagapan ng chemotherapy ay maaari nito iyong ikamatay.

Naiiling na inalalayan ni Simon si Kaye na inihiga sa kama.

Kinakapatid ni Simon si Kaye. Anak ito ng matalik na kaibigan ng kanyang mommy. At hindi rin siya manhid para hindi mahalata na malaki ang pagkakagusto sa kanya ni Kaye.

Lalo ring hindi lingid sa kanya na boto ang kanyang mommy rito para maging girlfriend niya. Bagay na ayaw patulan ni Simon dahil wala siyang anumang nararamdaman kay Kaye maliban sa isang pagmamahal-kapatid.

Dahil kahit  pitong taon na ang nakalipas ay iisang babae pa rin ang nasa puso niya, walang iba kundi si Kim.

Nakangiti siyang lumapit sa bintana at tinanaw ang katapat na bintana ng silid ni Sofia. Alam niyang naroroon si Kim. 

"Good night, Kimberly!" bulong niya at saka lumabas ng silid. Ipinaubaya na lamang niya kay Kaye ang kanyang silid.


 


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo