You and I Forever 11 (Break up)

You and I forever

Inip na inip si Kim nang hapong iyon. Alas-singko pa lamang ngunit nasasabik na siyang makita si Simon. Binuksan na rin ni Kim ang cellphone kanyang cellphone sa pagbabaka-sakaling tumawag ito o mag-text sa kanya.

Subalit hindi siya nito kinulit pa. Dumungaw si Kim sa bintana ng silid. Inaasahan niyang sarado ang bintana sa kuwarto ni Simon dahil wala pa ito.

Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng nakabukas iyon at maliwanag sa loob. Daig pa niya ang nalindol sa kabiglaan nang makita niya si Simon.

Wala itong pantaas na damit at tila may pinagkakaabalahan. Ilang sandali pa ay nakita ng mga mata niya ang ginawa nitong pagbuhat sa isang katawan. Hindi siya puwedeng magkamali, si Kaye ang buhat-buhat nito. Buong ingat pa nitong inilapag ang babae sa ibabaw ng kama.

"How dare you, Simon!" Dali-dali siyang umalis sa tapat ng bintana dahil baka kung ano pa ang makita niya na susunod na gagawin ng mga ito.

Sa labis na sama ng loob niya ay naupo siya sa sahig. Kaya pala hindi siya nito naalalang i-text man lang dahil may iba itong pinagkakaabalahan.

Maling mali ang sinabi sa kanya ni Lola Ayling kanina. Kitang-kitang ng mga mata niya ang panlolokong ginagawa sa kanya ni Simon at Kaye.

"How dare you, Simon David Atkins II." mariin niyang sabi. Galit na galit siya sa kanyang nalaman. Galit na galit din siya sa kanyang sarili dahil kay dali niyang nagpaloko uli kay Simon.

 

 

-----------------------------------------------------

 

Nang mailapag ni Simon ang walang malay na katawan ni Kaye ay kaagad siyang lumabas ng kuwarto. Kanina, nang dumating sa bahay ay kaagad itong sumunod sa kanyang silid sa aktong hinuhubad niya ang kanyang polo. Dumaing ito ng panghihina ng katawan, pagkatapos ay bigla na lamang itong nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

"Manang, pakisabi po kay Mang Ambo na ihanda ang sasakyan. Dadalhin namin si Kaye sa ospital."

Mabilis namang bumaba ng hagdan ang katiwala nila upang sundin ang kanyang utos.

"Anak, ano'ng nangyari?" Humahangos na lumabas ang mommy niya mula sa master's bedroom nang marinig ang tinig niya.

"Mommy, hinimatay si Kaye. Mahina ang pulse rate niya kaya kailangan natin siyang dalhin sa ospital."

"Simon, in-start na ni Ambo ang sasakyan." wika ni Manang Bebang.

Muling bumalik sa kuwarto si Simon at basta na lamang humablot ng T-shirt sa closet. Nang makapagbihis ay muli niyang binuhat ang katawan ni Kaye na kulay-papel na ang mukha dahil sa pamumutla nito.

 

---------------------------------------------------------

 

"Good Evening!" Nakangiting mukha ni Simon ang napagbuksan ni Kim nang sumunod na gabi.

"Good Night!" tugon ni Kim, sabay muling kabig sa pinto pasara. Subalit iniharang ni Simon ang sarili sa pasarang pintuan.

"Hey, What's wrong, sweetheart? Galit ka ba?"

"Hindi, ah." sarkasto niyang sagot. "Gusto ko lang naman makapatay ng taong manloloko."

Natigilan si Simon. "Hey, what have i done to you para masuklam ka na halos gusto mo ako patayin?"

Lalong kumulo ang dugo ni Kim sa inis sa kainosentihan ng anyo nito. "I don't believe you, Mr. Atkins! You look so innocent as if wala ka ngang ginagawang kalokohan."

"Hey, that's an accusation, Miss Chiu! Pwede bang paki-explain sa akin kung ano ang kasalanan na nagawa ko sa iyo?"

"Oh, really now! Ako pa ngayon ang nag-aakusa. You know what? I have no time for people like you. MANLOLOKO!"

"Sweetheart, naman!" Nagsusumamo ang tinig nitong pilit na pinipigilan ang gagawin niyang pagsara sa pinto.

"Don't call me 'Sweetheart'. From now on, pinuputol ko na ang relasyon natin." naiiyak na sinabi ni Kim. "Break na tayo."

"Kim!"

Kitang kita niya ang mabilis na pagbabago ng emosyon sa mukha ni Simon. Nabigla ito sa kanyang sinabi kaya nalungkot ito.

Parang piniga rin ang puso ni Kim. Kung puso niya ang susundin, hindi iyon ang kanyang sasabihin. Subalit mas nanaig ang kanyang pride. Mas nanaig ang kagustuhan ng kanyang utak na ibangon ang dangal na muli nitong tinapakan.

"Good Bye, Simon!. Makakaalis ka na."

Nang talikuran niya ito ay hindi na niya binalak pang lumingon muli. Baka sa paglingon niya at makita ang nanlulumong anyo ni Simon ay baka hindi niya mapigilan ang sarili na takbuhin ito at yakapin.

Silly you! Huwag kang maging martir, Kim! Kitang-kita mo ang panloloko niya sa iyo kaya tama ang desisyon mong makipaghiwalay!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo