You and I forever 10

You and I forever

Maganda na sana ang umaga ni Kim subalit hindi niya maiwasang sumimangot nang makita si Kaye. Sa kasamaang-palad, nakasabay niya ito sa pagdya-jogging sa loob ng subdivision.

Ang balak niya ay lumiko sa Maligaya Street ngunit dahil makakasabay niya ito sa kalyeng iyon ay dumiretso siya ng direksiyon.

"Good Morning, Kim!"

"Good Morning din," simple niyang tugon sa masigla nitong pagbati sa kanya.

Sa kanyang pagkadismaya, sinabayan siya nito sa pagdya-jogging.

"I'm happy for you and Simon, Kim."

Nakakunot ang noo na tinapunan niya ito ng tingin.

"Ooops, sorry kung hindi mo ine-expect na sasabihin sa akin ni Simon ang tungkol sa pagkakanalikan ninyon muli."

Tipid niya itong nginitian. "It's okay, Kaye."

"You know what? Sa Cebu pa lang ay kilala na kita. Simon talked about you often."

"Really? What did he tell you about me?" na-curious niyang tanong.

"Marami. And I agree with him.......you're beautiful."

"Iyon ang sabi niya?"

"Yes. Ikinuwento rin niya yung tungkol sa pagtatanan n'yo sana."

Natigilan siya. Pati ba naman iyon ay ikinuwento pa ni Simon rito?

"He told me he was afraid that for seven long years you might had been angry with him because of that incident. Biglaan naman daw kasi ang pagyaya mong magtanan kayo kaya hindi niya masiyadong napaghandaan, kaya hayun nahuli ka ng Tito Neil mo."

Bigla siyang humarap kay Kaye. Walang preno ang bibig nito sa pagsasalita. Ramdam ni Kim ang pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo. "Sinabi sa iyo ni Simon na ako ang nagyayang makipagtanan sa kanya?"

"Hmm... Medyo." kunwari ay nag-aalangan pa itong tumango.

Ngunit duda siyang gusto lamang siya nitong inisin. Bakit ba hindi niya kaagad nahulaan na ang magandang pag-uumpisa nito ng pakikipag-usap sa kanya ay isa lamang patibong upang ungkatin ang tungkol sa nakaraan nila ni Simon.

Humihingal na napahinto si Kim sa mabagal na pagtakbo. Aminado siya na ang pagtatanan nilang iyon ni Simon ay idea niya. Ngunit pinagsisihan niya ang resultang iyon ng pagiging immature niya. Ang ikinaiinis pa niya, si Kaye pa ang nagpaalala sa kanya ng tungkol doon. Hindi niya matanggap ang bagay na iyon.

"Hey, galit ka ba sa mga sinabi ko? Sorry, ha? Kay Simon ko lang naman kasi nalaman ang mga iyon, eh."

Tikom pa rin ang bibig ni Kim.

"Anyway, hindi rin kita masisi kung bakit hanggang ngayon ay love mo pa rin ang kinakapatid ko. Marami ang nagpapantasya sa kanya, 'coz he's definitely a handsome guy."

Naniningkit ang mga matang iniiwas niya ang paningin dito. Dahil kung hindi  niya kokontrolin ang sarili ay baka kanina niya pa ito naupakan. "Yeah, I know that. And I think, isa ka na roon." pagtataray ni Kim.

"Ooops, my dear, kung iniisip mong may pagnanasa ako kay Simon, you're deeply wrong, He's not my cup of tea."

"Oh, really now?" isang sarkastong ngiti ang pinakawalan ni Kim. "Well, I must going. I have no time for this, Kaye. Do whatever you want, say whatever you wanna  say, but I'm not affected. After all, Simon is mine now and forever."

May ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Kim nang talikuran niya si Kaye. Kitang-kita niyang nawalan ito ng sasabihin at pati ang mga labi nitong dati nang maputla ay lalong nawalan ng kulay.

Kahit nakaganti siya rito ay hindi pa rin nawawala ang inis ni Kim. This time kay Simon siya naiinis. Bakit kailangan nitong sabihin kay Kaye ang mga bagay na iyon. Tuloy, nagagamit iyon ng babae para inisin siya.

Nang magtanghali ay nakatanggap si Kim ng message mula kay Simon na may kasamang graphics na babae at lalaki habang naghahalikan.

Usod ka d2 ng konti.... Mwahhh! La nkkta. Ano? Mya uli ha? Ready ka.

Lelang mo! Hindi siya nag-reply rito ngunit i-s-inave niya iyon sa kanyang inbox. Mayamaya ay nakatanggap uli siya ng message galing dito.

1 message received, HELLO. 1 message received, I MISS U. 1 more message received, TAKE CARE. 1 last message received, LOVE KA NG SENDER.....

"Kim, sino ba 'yang text nang text sa iyo?" nakangiting tanong sa kanya ni Lola Ayling. Kasalukuyan niyang minamasahe ang paa nito habang nagkukuwentuhan sila sa terrace.

"Wala po."

"Wala? Eh, bakit halos mabiyak ang lupa dahil diyan sa mukha mo? Nag-away ba kayo ni Simon?"

Napatingala si Kim. Alam na ba nito na nagkabalikan na sila ni Simon?

"Wala po talaga, 'La."

"Bueno, kung sakaling magkaproblema uli kayo ni Simon, pag-usapan n'yo ito at huwag n'yong hayaan pang pitong taon uli ang masayang sa inyong pagmamahalan."

Nang mag-ring ang kanyang cellphone ay napapitlag siya.

"Si Simon ang tumatawag, hindi ba?"

"Hindi po. Textmate ko lang po itong nangungulit," pagkakaila ni Kim. Mabilis na niyang pinatay ang kanyang cellphone.

Napailing-iling si Lola Ayling. Nabasa siguro nito sa anyo ni Kim na nagsisinungaling siya rito. "May problema nga kayo ni Simon."

Iyon lang ang sinabi nito ay napayuko na siya. Hindi sanay si Kim na mag-sinungaling sa kanyang Lola. "Kasi naman po siya, eh."

"Ano ba'ng nangyari?"

"Naiinis po kasi ako kay Kaye."

"Naiinis o pinagseselosan mo ang labanos na iyon?"

Napangiti si Kim sa sinabi ng Lola niya na Labanos. "Pareho po. Bakit ba naman kasi diyan pa nakatira ang labanos na 'yan eh?" parang batang pagsusumbong ni Kim.

Ipinatong ni Lola Ayling ang palad nito sa kanyang balikat. "Kim, apo ko, ngayon ka pa ba mai-insecure kay Kaye ngayong magkasama na kayo uli ni Simon? Sa loob ng pitong taon na magkahiwalay kayo ni Simon at kasama niya si Kaye ay ikaw lang ang babaeng minahal niya."

"Tama nga naman si Lola, cous'."

Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig. Si Sofia.

"Kanina ka pa ba riyan?" tanong niya rito.

"Hindi naman gaano. Pero narinig ko ang pagsisintir mo sa babaeng maputla riyan sa tapat." Nang lumapit ito sa kanila ay nagmano ito kay Lola Ayling. "Para sa inyo." anito sabay abot sa isang plastik ng prutas na dala nito.

"Naku, ipagbalat n'yo na nga lang ako ng orange."

"Lola mamaya na kaya? Kumain na muna kayo ng tanghalian bago kayo mag-orange baka kasi sikmurain kayo."

Magrereklamo pa sana ito sa suhestiyon niya nang magsalita si Sofia.

"Lola, makinig kayo sa nurse n'yo. Sige kayo, babalik na 'yan sa America kapag hindi kayo sumunod."

"O, siya, siya! Kayo na ang masusunod, dalhin n'yo na ako sa komedor."










 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo