You and I forever 3

You and I forever

After 7 years.

Pagkatapos ng mahabang panahon na pamamalagi ni Kim sa America ay muli siyang bumalik ng Pilipinas. Malungkot na tinatanaw ni Kim ang bahay ng mga Atkins. She wondered kung anong buhay mayroon siya sa piling ni Simon kung sinipot lang siya nito noong gabi na dapat ay magtatanan sila.
 

"Wala. Dahil wala naman talagang balak si Simon na siputin ka nang gabing iyon," sigaw ng isip ni Kim. "Do you still remember, Kim? Ang mommy niya mismo ang nagsabing wala talagang balak sumipot si Simon"

Muli niyang naalala na pagkatapos ng gabing iyon ay dinala siya ng kanyang Daddy niya sa Bataan. Tumira si Kim sa isang malayong kamag-anak nila roon habang inaayos nito ang papeles nila patungo sa America.

Ni hindi na sila nagkaroon ng panahon ni Simon na makapag-usap. Isang linggo matapos ang balak nilang pagtatanan ni Simon ay ibinalita  sa kanya ng Ate Sofia niya na nilisan na rin ng mga Atkins ang lumang bahay ng mga ito.

Masiyadong nasaktan si Kim sa ginawang pambabalewa  ni Simon sa nangyari. Umasa pa siya noon na kahit sana maikling sulat ay may ipapadala ito sa kanya. Subalit umasa lamang siya sa wala.

Siguro nga ay talagang pinaglaruan lang siya ni Simon, pinaasa sa isang huwad na pag-ibig. Na-istorbo ang pagbabalik-tanaw niya sa pagtunog ng kanyang cellphone.

"A gUd frEn pUts up w/ ur Worst mud, lafS at Ur c0rNiest Joke, suPports ur cRaziest ideA and Sees d best In u. Kya cRa aNg uLo mo,, fRens pa rin tayo."

Napangiti si Kim ng mabasa niya ang text message na iyon ni Sofia. Mabilis namang nag-reply si Kim rito.

"Baliw ka tlGa! Buti nmAn txt m0 ak0."

Wala pang isang minuto ay mabilis na nag-reply si Sofia.

"NaPilitan lang, cous. Lam k0 nAman bord ka n jan sa hAus, eh."

Napabuntong hininga si Kim. Muli siyang tumanaw sa labas ng bintana. Na-miss niya nang husto ang lugar na halos pitong taon din niyang hindi nakita.

"Bat d ka Na rePly? I bet rminisced ka jan. Rmmber m0 cgUr0 c papa Simon. hehehe!"

Napailing-iling si Kim habang nagre-reply. Nang dumating siya ay ibinili siya ng cellphone ng Tito Neil niya para daw kahit paano ay may mapaglibangan siya habang nasa bahay. Kaya naman bukod sa pag-aalaga sa kanyang Lola ay ang makipagtext sa mga pinsan at dating kakilala niya ang pinagkakaabalahan niya.

"Tgal na un cous. I rmmber d boy but i dnt rmmber d feeLings anym0r. Dpat na iTago sa old Baul ni Grandma." reply ni Kim sa kanyang pinsan.

Sofia: "Really? 2lak ng Bibig, kab0g ng Dibdib!
lokohin mo lelang mo!"

Kim: "Baliw!.. Tglan m0 na ko. Ha? Ala mngyayari sa ka22kso mo jan. Simon is gone.
Baka nga married na sya eh."

Sofia: "Uy, nteresado sya malaman status ni papa Simon. Anyway, musta pla c grandma?"

Kim: "She'S ok. Rest ngaun c grndma."

Pagakatapos i-send ni Kim ang message ay napasulyap siya sa pinto ng kuwarto ng kanyang Lola. Ang pagkakasakit nito ang dahilan kung bakit muli siyang bumalik sa Pilipinas.

Psychology ang natapos niyang kurso sa America. Pagkatapos niyang maka-graduate sa kolehiyo ay ipinagpatayo siya ng kanyang mga magulang ng isang maliit na clinic doon. Hindi pa man niya na-e-enjoy nang husto ang trabaho niya ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa Lola Ayling niya.

Nakiusap itong umuwi siya sa Pilipinas. Sila ni Sofia ang paborito nito sa mga apo nito. Anito, bago man lang daw ito malagutan ng hininga ay gusto siya nitong makapiling.

Naputol uli ang pagmumuni-muni niya ng marinig ang message alert tone ng kanyang cellphone. Napakunot-noo si Kim dahil bagong number ang pumasok sa maliit na screen.

"Hav u heard the news? My warrant of arrest dw ang lhat ng txters na SMART n CUTE! Pano b yan? San ako mgtatago?"

Napangiti si Kim at mabilis na nag-reply. Tiyak niyang si Sofia lang ang nangungulit na iyon dahil ito pa lang ang nakakaalam ng number niya.

"Pacnsxa k na d kita ma22lungan ngaun. And2 me, Nhuli na nila! Safe ka pa rn.... Inuuna kc nilang hulihin ung obvious ang pagkacute... hehe.!" reply ni Kim.

Ilang minuto rin ang ipinaghintay ni Kim bago nag-reply ito.

"D shortest word I know s "I" and d switest word i know is "MISS". D person I ca forget s "YOU". Dont pass dis 2 anyone bcoz its only 4 U."

Napangiti siya sa mensahe ng kanyang pinsan. Manang-mana talaga ito sa kanya sa pagiging malambing. And Kim really miss her cousin, too. Kaya nga sa kabila ng ginawa nitong pagsusumbong sa kanila ni Simon noon ay pinatawad din niya ito kaagad. Mabilis namang nag-reply si Kim.

"I mIss u 2. Uwi ka maaga, cous. Bitin ako sa kwentuhan natin lst nyt. Knino nga pla i2ng # n use mo? or bka ubos na lod mo kya nakktxt ka?" reply ni Kim.

Hindi naman nainip si Kim sa paghihintay ng reply nito sa ipinadala niyang message.

"Hi, I'm Prince! Will U be  my txtm8? pls..."

Natigilan si Kim. Kung gayon ay hindi si Sofia ang ka-text niya. Matagal siyang nag-isip. At bago pa siya makapagdesiyon na mag-reply dito ay muli siyang naka-recieve ng message mula kay Prince.

"Pag my hadlang sa ating frndshp, BUNDOK mn i2 aakyatn ko! DAGAT mn i2 lalanguyin ko! BAGYO man i2 susulungin ko! Sabi ko na eh, i2ng pgkkaibigan ntn ikamamatay ko!"

Napangiti si Kim. "Mukhang malilibang ako sa mokong na ito, ah."natatawang sabi ni Kim.  Ilang segundo pa lang ay muli itong nagpadala ng message.

"Wtsup, KETCHUP? Dnt get urslf dwn HASH  BRWN! helo and hi APPLE PIE! hows d weathr SALT and PEPPR? Hav a nys day CHCO SNDAE? O busog k na sa cnabi ko ha?"

Napasimangot si Kim. "Ang corny naman ng taong ito."
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo