You and I forever 4

You and I forever

"Kumusta ang pamangkin ko?"

"Kanina pa ho kayo riyan?" tumayo si Kim at humalik sa pisngi ng Tito Neil niya.

Ngumiti ang Tito Neil ni Kim at sinulyapan ang cellphone na hawak niya.

"Well, kaaakyat ko pa lang nang maabutan kitang ngingiti-ngiti riyan sa cellphone mo. Mukhang diyan pa lang sa pakikipag-text ay nalilibang ka na, ha? Baka makalimutan mo nang bumalik uli sa America?"

"Hindi naman ho, Tito. Teka ho, bakit naman ho ang pagbabalik ko sa America ang pinag-uusapan natin? Ayaw n'yo na ho ba akong mag-stay pa rito nang matagal?"

"Of course not, hija. We missed you a lot. Alam kong masama ang loob mo sa akin nang umalis ka rito."

"Tito, aaminin ko na hindi ko maunawaan noon kung bakit ginawa niyo iyon. But then, habang nagma-mature ako, na-realize ko na dapat pala ako magpasalamat sa inyo ni Sofia."

"You're a very intelligent woman, Kim. I'm sorry kung hinadlangan ko noon ang pag-iibigan niyo ni Simon. Gusto ko lang naman kasi na matupad ni Kuya William ang mga pangarap niya sa iyo."

Napangiti bigla si Kim. Bigla niyang naisip ang mga magulang niya sa America at masasayang araw niya sa America kasama ang kanyang mga magulang.

"Siyanga pala, may sasabihin ako sa iyo. Hindi ko alam kung ikakatuwa mo ito o babale-walain"

"Ano ho iyon, Tito?"

"Nabalitaan ko na babalik na si Simon at ang pamilya niya riyan sa bahay nila."

Biglang kumabog ang dibdib ni Kim sa narinig. Nalito ang puso niya sa kaalamang muli ring magbabalik si Simon at muli silang magkikita nito.

"Kim?.."

Nakangiting nag-salita si Kim. "Tito Neil, matagal na hong  nakalipas ang nangyari sa amin ni Simon. Kung nakokonsiyensiya po kayo dahil sa ginawa niyo, huwag po, dahil napabuti ako ngayon."

"Ibig sabihin ba niyon ay bale-wala na lang sa iyo ang magkita kayong muli?"

"Ewan ko po. Pero ang totoo po, mas gugustuhin ko na lang na huwag kaming magkita pang muli."

"Kung hindi ako nagkakamali may sama ka pa rin ng loob kay Simon, Kim. Maaaring naririyan pa rin si Simon sa puso mo. At malalaman mo lamang iyon kapag nagkaharap kayong muli."

"Hindi naman siguro, Tito. Bahala na si Batman saakin."

"He's still single, Kim, and very successful man. Ang balita ko ay ang construction company na itinayo niya ang namamayagpag ngayon sa Cebu. We wanted you to be happy. Harapin mo siya just in case na muli siyang makipagkaibigan sa iyo. You might not even know what he really means for you."

Natawa nalang si Kim sa sinabi ng Tito Neil niya. Hindi na niya alam kung kaya niya pang magtiwala kay Simon.

"Excuse me, Tito Neil. Oras na pala ng pag-inom ni Lola ng gamot."

"O, sige, hija. Ako naman ay babalik na sa shop."

Mayroon itong furniture shop. At kasalukuyang ito at si Sofia ang nagma-manage niyon. Dalawa ang branch ng shop ng mga ito--- isa sa Sta. Cruz at isa naman sa Caloocan.




Nakangiti si Lola Ayling nang makita niya si Kim papasok ng pintuan.

"Hello, 'La!. Kumusta na po ang pakiramdam niyo?" Lumapit si Kim sa gilid ng kama at naupo roon.

"Mabuti-buti naman, hija. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako uli ng lakas magmula nang dumating ka rito."

"Paano naman ho kasi kayo gagaling, minsan raw ayaw niyo uminom ng gamot."

"Lintek na mga gamot 'yan! Kay papakla ng mga lasa at naglalakihan ang kapsula na inirereseta sa akin."

Hinaplos ni Kim ang buhok ng Lola Ayling niya. "Pero, Lola, doon naman ho kayo gagaling. Kaya nga,  ngayon ay oras na para painumin ko kayo ng gamot."

"Hija, gusto mo pa bang bumalik ng Amerika?"

Natigilan si Kim sa pagbubukas ng bote ng gamot. "Bakit niyo naman po naitanong 'yan?"

"Dito ka na lang, hija. Narito ang kaligayahan mo at wala sa ibang bansa tulad ng America."

"All right, Lola, let's make a deal. I'll stay here for good kung ipapangako mo sa akin na magpapalakas ka."

"Kim, napakatagal niyang naghintay sa iyo. At ngayong naririto ka na, panahon na para tuparin niya ang pangako niyang pag-ibig sa iyo."

"Sino po ba ang tinutukoy niyo?"

"Si Simon."

"Paano nyo po nalaman na babalik na sila riyan sa kabilang bahay?" nagtatakang tanong ni Kim.

"Babalik na si Simon dito?" walang alam na sinabi ng Lola Ayling ni Kim.

"Opo. Pero hindi po para balikan ako." pagliliwanag ni Kim.

"Huwag mong pangunahan ang tadhana, Kim. Hayaan mong dumapo ang isang pag-ibig sa dapat nitong kalagyan at huwag balakin na hadlangan dahil lubos na kaligayahan ang hatid nito."

Labis na nagtataka si Kim sa mga pinagsasabi  ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kung  noon ay tinutulan ng mga ito ang pag-iibigan nila ni Simon, ngayon naman, kulang na lang ay ipagtulakan siya ng mga ito kay Simon.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
leveret
#1
congratulations :>
mxntal
#2
Chapter 1: I love Kim Chiu! But I would prefer Xian Lim. They're a perfect couple! Congrats by the way! :)
luhans-vaqina #3
Congrats on the random feature :)
ysulay
#4
Congrats on the random feature :)
x__Tao
#5
Congrats on the random feature :)
NeonDreams
#6
Congrats on the random feature :)
ann1914
#7
Congrats~!
rabbit1631
#8
Chapter 20: Congratulations!
JICHIGO
#9
congrats yo