Ano ang Kuwentong Puso mo?

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

SAMAHAN NG MGA HIMLAY SA ACCENT NI WINTAUR

 

Ryujin: tot! ba’t ka naman nang-iiwan bigla?

 

Yuna: win sige na please 'wag ka nang magpaka babygirl oh

 

Chaeryeong: Ikaw lang talaga makakatulong sa amin Winnn TT

 

Ning: Winter Kim ngayon lang naman eh!

 

Goodness Gracious!

 

Kinikilabutan si Winter sa request ng mga kaibigan niya.

 

Ipagawa mo na lang kasi lahat sa kaniya ‘wag lang yung… on camera interview.

 

Ang laking introvert ni Winter Kim and she’s definitely not a fan of cameras. The fact that her generation’s source of entertainment and finance is the camera itself, doesn't give her reasons to care more.

 

And what would she say sa harap ng camera? Knowing na ang mga kaibigan niya ang kasama niya?

 

Sabi naman nila, kasama sila sa film. Parang commercial lang daw ng Jollibee ang vibe; uupo sila on a lone chair inside an empty studio with a white backdrop. Then, they’ll just start to converse on things na personal para sa kanila.

 

No! Isang malaking no no para kay Winter.

 

Kahit pa she has a soft spot towards her circle of friends, hindi niya pa rin kayang gawin ang request ng mga ‘to.

 

Heto siya ngayon, nakaupo lang sa bench at hinihintay si Chanyeol dahil may pupuntahan sila. Nakatitig pa rin siya sa messages ng mga kaibigan niya at medyo naguilty naman siya.

 

Should I go for it?

 

Timing naman nung nag-compose na siya ng reply ay may nag-notify na bagong message. Hindi naman sinasadya ni Winter na pindutin agad ang message pero huli na ang lahat, nabuksan niya na.

 

Kit:

[10:32am] Sorry hindi na masiyadong mainit ang breakfast ha :<

[10:32am] Sana na-enjoy mo pa rin.

[10:33am] I made the crochet on my own ^^

 

Winter is stuck between feeling euphoric and disoriented. She’s happy to receive such attention from the woman she admires but at the same time, the pang on her chest keeps on reminding her on what Karina did.

 

Hindi niya alam kung totoo na ba ang lahat ng ‘to or is this still one of her acts…

 

Pinatay na lang niya ang phone at hindi na nag-reply sa mga messages na natanggap.

 

Timing din sa pagtayo niya ang pagdating ni Chanyeol. “Bebe!”

 

She flashed a wide grin at hinintay na makarating sa kinatatayuan niya ang nakatatanda.

 

“Nakasalubong ko sina Ryujin sa hallway. Hiramin ka raw muna nila.”

 

“Don’t tell me you agreed?” May banta sa tono ni Winter. Litong tumango lang si Loey.

 

Hayyy. Tadhana na siguro ang gumagawa ng paraan para pumayag siya sa paghingi ng tulong ng mga nursing students niyang mga kaibigan.

 

-

 

“Kapag isa na sa atin ang nagsimula nang mag-shoot, dapat standby na yung iba sa kaniya-kaniyang posisyon ha. Ryujin hawakan mong maigi ang mga bond paper diyan sa ilalim para mabasa ni Winter ng mabuti. Tapos Ryeong, ikaw na ang naka-toka sa camera – ‘wag ka nang umalis diyan. Yuna, yung mic at ang ilaw i-monitor mo. Then, ako na mag-direct sa lahat.”

 

Amused na pinagmamasdan ni Winter ang mga kaibigan niya. Naaaliw siya sa pagiging seryoso ng mga ‘to. It feels like she’s witnessing the ‘nursing students’ within her friends.

 

Pero may narinig siya mula sa mga binanggit ni Ning na nagpasimangot sa kaniya.

 

“Why am I gonna go first?” Reklamo niya. She made it clear na hindi naman siya napilitan. Ginagawa niya ito ng bukal sa loob at dahil gusto niya talaga pero 'wag naman sana siyang paunahin magsalita...

 

“Ayaw mo bang mauna..?” Worried na tanong ni Ning. Inilibot niya rin agad ang tingin niya para mamili kung sino muna ang mauna.

 

Iwas na iwas yung tatlo sa mga tingin ni Ning. Si Ryujin, nagkunawring busy sa pag-ayos ng mga bond papers. Si Yuna tumalikod at inayos ang ilaw na nasa itaas na bahagi ng studio. Tapos si Ryeong, kinalikot ang camera na parang may sineset siya sa settings.

 

Ning considered their personalities at ang kanilang estado sa buhay ngayon, at ang pinaka qualified na mauna ay si Chaeryeong talaga. “Ryeong ikaw na mauna.”

 

Bumuntong hininga naman ang isa at hindi na nanlaban pa. Dumiretso na siya kaagad sa harap and took a seat at the middle.

 

“For what purpose is this again?” Tanong ni Winter habang nilalapitan na ang inabandonang camera. Fun fact lang about her, magaling siya sa photography and videography. She’s claiming na it’s just a hobby pero sa tingin ng iba, it’s already her unattended skills.

 

Kung kaya’t, madali lang sa kaniya ang pag-maniobra ng camera na nakapatong sa tripod ngayon. Inayos niya ang focus para malinaw ang itsura ni Chaeryeong at inadjust niya ng konti para sakto talaga ang frame ng video.

 

Kunot noo namang hinarap ni Ryujin si Winter. “Ulyanin ka na ba tot..? Para nga kasi ito sa cardio na lesson namin. Parang performance task siya before ang finals. Prof instructed na gumawa daw kami ng film na anything basta related sa heart… Ewan ko nga ba kung anong trip ni prof. Feeling ko nga ibebenta niya lang ‘tong mga film namin sa mga illegal na sites tapos pepera–“

 

“Hep! Ako nang magtatapos! Sa iba nanaman napupunta ‘yang mga pinagsasabi mo eh.” Pagputol ni Ning sa mga binibigkas ni Ryu.

 

“So ayun nga... Yung iba kasi naming mga kaklase parang napaka ‘science’ talaga ng ginagawa nila. Merong nag-lalaboratory, merong narration lang tapos may animated presentation ng parts of the heart… Kaya eto yung naisipan naming concept sa film. Medyo malayo siya sa nursing kasi parang naging multimedia na yung kinalabasan pero wala naman kasing mawawala if susubukan naming maghandog ng ibang konsepto. After all, connected pa rin naman ang puso sa experiences ng mga tao diba?”

 

“Grabe talaga ang Mhiema namin! Ning feeling ko talaga, kami ang pinagpalang mga nak mo.” Biglang pagsulpot ni Ryujin sa explanation ni Ning. Nakatanggap naman siya ng masamang tingin mula sa mhiema niya.

 

Sumingit din si Yuna sa usapan, bilang isa siyang ulirang Nursing student ay nagpaliwanag rin siya. “Wala ngang connect ang puso sa lovelife eh. Nasa brain kasi ang love at hindi sa puso – specifically located sa hypothalamus… Ewan ko ba kung bakit itinuloy pa rin namin ‘to… Siguro yung fun factor at creativity niya?”

 

Tumango ang ibang Nursing students – agreeing with the last statement of Yuna; that they went for this decision dahil sa fun factor and creativity.

 

Matanda naman na yung prof nila kaya madali itong ma-uto at masatisfy sa mga Gen Z na bagay.

 

“At ang dahilan kung bakit gusto naming sumali ka ay dahil sa ‘distinctiveness’ mula sa criteria. We wanted to reach out sa ibang tao, aside form us nursing students, and let them tell their stories comfortably.” Dagdag ni Chaeryeong na sumasakit na ang pwet sa tagal ng pagkakaupo sa pwesto.

 

Tumawa si Winter. “Yeah, surely you reached out…”

 

Ano pa ba kasi ang purpose ng ganiyang pakulo nila kung kaibigan rin pala nila ang special guest?

 

Hay nako!

 

Nonetheless, Winter loves the explanation behind their film. Na-amaze siya sa kayang gawin ng mga kaibigan kapag nagseseryoso ang mga ‘to.

 

“What’s the title of the segment?”

 

Proud namang ngumiti si Yuna at malakas na sinabi ang pamagat.

 

“Ano ang kuwentong puso mo?”

 

-

 

“Ready na ba? Ryeong ‘wag kang malikot! Okay, 3.. 2.. 1.. Action!”

 

Mabilis lang ang pag-instruct ni Ning kay Chaeryeong. Fast learner naman kasi ang isa at alam na niya kung ano ang gagawin. Isasalaysay lang naman niya ang bahagi ng buhay niya na pinakatumatak sa isip at puso niya. P’wede ito maging tungkol sa kaibigan, pamilya, o yung special someone niya.

 

Hindi na rin sila nag-rehearse dahil kani-kanilang kuwento naman ang sasabihin nila sa camera. All they have to do is reminisce those memories and speak from the heart.

 

Attentive namang nakinig si Winter sa instruction. Hindi siya maka-pili kung ano ang ikukuwento niya.

 

It’s either she’d tell stories about her mom or… Karina Yu.

 

Sinabihan naman siya ni Ning na p’wedeng i-conceal or ‘wag sabihin kung sino ang tinutukoy nila sa kuwento.

 

So, if Winter will choose her mom as her subject, she would definitely not tell any personal information about her. And if it’s Karina Yu, may part sa kaloob-looban niya na gustong ipagsigawan ang pagtangi niya sa dalaga. Iyon nga lang, iba na kasi ang sitwasyon ngayon.

 

Winter sighed at nag-focus na lang kay Chaeryeong na nagsisimula nang magsalita.

 

 

[00:00:13]   4K UHD                                        98%         Rec*

 

Lee Chaeryeong – Choi Julia        

BGM: Araw-Araw by Ben&Ben

 

 

“Hello, I’m Lee Chaeryeong. 1st year student from BS Nursing… Ang kuwentong puso ko ay pinamagatang ‘Araw-araw’…

 

Actually, hindi na ako nahirapan sa pag-isip ng p’wedeng title ng kwento ko. I had it in mind before pa naming maisagawa ang ganitong concept. Nasa kotse lang ako nun when this song from Ben&Ben played on the stereo – and my mind just instantly flashed images of her; ang aking araw-araw.

 

I am in a relationship at one-hundred percent in love sa aking high-school sweetheart na si Choi Julia from Political Science. Grabe, ang cheesy pakinggan pero ganun naman ang tawag dun diba?

 

Si Choi Julia…

 

She’s smart, fearless, and has the prettiest eye smile. She’s the brightest and loudest person na nakilala ko in my whole entire life.

 

She’s my actual opposite. But most certainly my source of inspiration. 

 

And ayun nga, we were both at the same grade and section nung grade 7. Transferee ako kaya medyo mahiyain at reserved pa ako nung mga panahong iyon.

 

Sobrang famous ng group of friends niya around the campus. Halos lahat ng estudyante kilala sila. Ang first impression ko pa nga sa kanila ay ‘intimidating’. ‘Yung tipong takot na takot kang lapitan sila.

 

Eventually, nung tumagal na, napagtanto kong nagkakaroon na pala ako ng crush sa kaniya. Kahit wala siyang ginawa kundi ang magtaray at maghanap ng gulo nung highschool, I instantly found myself falling for her.

 

At akala ko hanggang dun na lang ‘yun. That I won’t act on my feelings kasi crush lang naman. But then I decided 'what if bigyan ko siya ng gifts secretly?'

 

At ginawa ko talaga siya. I bought flowers, presents like stuffed toys, tapos minsan handmade gifts pa. Masaya na ako dun. I'm happy kapag napapangiti siya ng mga regalo ko.

 

Pero… my world just turned upside down when my brave girl just made the first move.

 

Opo, siya ang nag-first move!

 

Who would’ve thought? Na sa dinarami ng nagkakagusto sa kaniya, yung transferee na torpe pa ang pinili niya…

 

Hayyy. Bebu, salamat sa pag-first move ha. 'Di ko kaya eh. 

 

Also, gusto ko lang rin sabihin sa'yo rito na, you keep me going. I'm strong because you're strong and when I'm lost you keep me in place.

 

Sometimes when I'm in doubt, you would always motivate me to choose and follow what my heart desires, and along with every decision i make is your unending love and support.

 

I can't thank you enough for making me feel like I've done well even when I know that I'm still lacking.

 

You would be the first one who's proud even at my smallest achievements - making me realize that you would always be there; believing in what I'm capable of.

 

Choi Julia, if someone would ask me a list of my blessings, you would be the first one that I would mention.

 

No matter what happens, whatever may come, I would still love you the same.

 

Palagi mong tatandaan na handa akong piliin ka bawa’t oras at araw-araw. Mahal na mahal kita Choi Julia.”

 

ISO 200                                                                    [11:32am]

 

 

“And.. Cut! Ang galing mo Ryeong! For sure, maiiyak yung jowa mo rito.” Dramatic namang sinalubong ni Ryujin ang kakatapos lang magkwento niyang kaibigan.

 

"Mahal na mahal mo talaga ano?" Seryosong tanong ni Ning kay Cheryeong.

 

"Mahal na mahal." Siguradong sagot ng isa.

 

“At dahil ikaw Ryu ang sumalubong kay Ryeong, ikaw na rin yung susunod. Upo na doon.” Nagsitawanan lang silang lahat sa reaction ni Ryujin nang marinig niya ang sinabi ni Ning. Kagaya ni Chaeryeong, wala na rin itong nagawa at naupo na sa gitna.

 

Ang totoo kasi niyan, kanina pa nagre-rehearse si Ryujin sa gilid. Siyempre para ito sa Pao niyang mapanakit!

 

Ipangangalandakan niya talaga sa buong nursing kung gaano siya sinaktan, inapakan, at pinaglaruan ni Pao. Cheret lang! Ginusto niya naman pala iyon.

 

Pinanlalakihan niya pa ng mata si Winter na kinakalikot na ang camera. Sinasadya niya rin kasing maglikot para hindi pa muna siya makakapagsimula.

 

P’wedeng water break muna?

 

Eto na talaga?

 

Eto na talaga!

 

“Ryu, pangalawa ka palang sa umupo diyan pero maaabutan na tayo ng siyam-siyam!” Natakot siya sa sigaw ni Ning kaya tumino na ito at pilit na ngumiti.

 

Hinayaan na lang siya ni Ning sa kung anong itsura ang ipapakita niya.

 

Bahala siya sa buhay niya. Siya naman ang magsisisi kapag makikita niya na ‘yan sa malaking screen.

 

“3.. 2.. 1.. Action!”

 

 

[00:00:08]   4K UHD                                        92%         Rec*

 

Shin Ryujin – Hwang Yeji                                                                

BGM: Lucky by Jason Mraz ft. Colbie Caillat

 

 

“Uy! Andiyan ka pala, I’m listening to Sun and Moon by Anees. Baby, baby, you mah sun and – ay, masama na yung tingin ng mhiema namin.

 

Hola, bola-bola! Ako nga pala si Shin Ryujin na naligaw lang sa kulto ng Nursing. De, actually dream course ko talaga ‘to. Pangarap ko kasing tusukin ang mga kaaway ko ng karayom – aray! Ba’t kayo nambabato ng ballpen?!

 

Eto na nga, aayusin na nga!

 

Shin Ryujin nga pala ulit at ang title ng kuwentong puso ko ay; Malas.

 

Aray! Ano ba!? Saan kayo nakakuha ng bato?!

 

Okay, eto na talaga.

 

Ang title ng kuwentong puso ko ay; Lucky.

 

Kagaya ni Chaeryeong, based rin siya sa isang kanta pero yung akin hindi ko narinig sa stereo ng kotse. Napakinggan ko kasi ‘to sa radyo ng kapit-bahay namin nung nangunguha ako ng hilaw na manga sa puno nila…

 

Unang line pa lang, relate na relate na ako. Yung first meet kasi namin, parang hindi niya ako naririnig eh parang mauubos na nga yung laway ko kakatanong sa kaniya!

 

Ang pangalan niya nga pala ay Hwang Yeji. Mula rin siya sa Pol Sci at siya lang naman ang aking kambal-tuko – ang kara sa aking mia.

 

We met when we we’re still kids at walang salita ang makakatumbas sa kung gaano ako nagpapasalamat na nakilala ko siya nang ganun kaaga.

 

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko nung past life ko to deserve her. Pero pinapangako ko na iingatan ko ang pinakamagandang biyaya na binigay sa’kin ng langit; si Hwang Yeji.

 

Kaya ko rin napili ang Lucky dahil sa tuwing magkasama kami, everything feels unreal at parang panaginip lang lahat. Nalalaman ko lang na totoo pala ‘to kapag kinukurot niya ‘ko.

 

At masasabi ko ring, I’m lucky I’m in love with my bestfriend.

 

Thankyou, Pao. For when I have no one, you're just here beside me. When I'm down, you are there to lift my spirit up.

 

Feeling ko, walang direksyon ang buhay ko kung wala siya.

 

Siya ang nagsilbing patnubay at gabay ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
529 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
132 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
338 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭