Chapter 9 - Confession

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Confession: defined as a voluntary admission, declaration or acknowledgement (made orally or in writing) by one who has committed a felony or a misdemeanor stating that they committed the crime/offense or participated in its commission.

 

 

Mag-iisang lingo na simula nung medyo chaotic na date namin ni Aussie. Medyo lang naman kasi nakakain pa kami ng maayos despite our intense conversations. Hindi ko naman idedeny that she’s someone na mahirap talagang kalabanin when it comes to pagpapakitang gilas. Bida-bida rin kasi siya eh!

 

Ngayon na rin ang aming volunteer service under sa napili naming outreach programs. Lahat siguro kami sa council ay nag agree na sumama kasi everyone is aware na we need more people in this kind of program.

 

It was supposed to be under sa Red Cross but medyo may misunderstanding lang about sa schedules on our end. Dapat pala at the end of the month pa pero heto na kami, second week pa lang ready na. So, our adviser suggested na ipapatake-over na lang namin yun sa 4th year at maghahanap na lang kami ng other programs.

 

It’s a hassle na mag-cancel pa kasi considering na may mga kasama kaming medyo strict ang parents and on this day lang pinayagan. Thankfully, hindi naman mahirap mag-contact sa heads ng mga programs around here.

 

We chose to associate with the Philippine branch of Food for the hungry, located at Dasmariñas St, Binondo, Manila. All we need to do there is to provide nutrition and education programs to lift a certain community out of poverty. Mga aspiring or retired teachers, mga senior highs and kaming college ang makaka-apply to volunteer sa program na ‘to.

 

I’ve never done this sa buong duration ng school girl self ko. Nung highschool kasi fieldtrips and competitions pa lang yung madalas kong nasasalihan. According naman kay kuya Chan, we would tutor the kids doon after ng school nila.

 

We had a brief run through kung ano ang gagawin namin nung mga nakaraang araw kaya medyo ready naman na ako. May halong tuwa at kaba lang na nararamdaman.

 

We already sent an excuse letter sa teachers namin na ngayong araw kami magtatravel. Sabi kasi ni Ate Dahyun the day before the outreach kami aalis para makatulong kami sa pag-prepare, kaye heto kami this Friday morning; mukhang mga turista na naka upo malapit sa gate.

 

Medyo malamig at madilim ang kalangitan ngayong araw which is making us worry kasi baka umulan pa. At dahil nga isa akong girl scout, naka sweater and baggy pants na ako.

 

Na-iimagine ko na ang mga ngiti ng mga bata na matutulungan namin. I’m not even worried that I’m going to skip classes dahil mag-early travel kami. Lamang na nga siguro ang excitement at galak dahil first time ko 'to.

 

Hindi ko naman ‘to ginagawa for extra points or additionals sa grades, I’m doing this dahil this is what my heart wants.

 

Noon, sinasama ako ni Dad tuwing may voluntary services ang company nila. Sumasali pa nga ako sa mga palaro at sayaw na itinuturo ng volunteers. Maybe, that explains my outgoing and adventurous personality.

 

“Rep, hindi halatang excited ka. Hindi mapakali mga paa mo eh.” Banggit ni Yuqi. Almost all of the 1st years ay naka puwesto na at ready nang umalis. We’re just waiting for the vehicle na susundo sa amin.

 

I scoffed playfully at her at tumawa lang naman siya.

 

Nakikita ko na si Ate Dahyun pababa ng hagdan. Siya na kasi ang personally nag-bigay ng excuse letter namin. Malakas daw kasi siya sa mga prof, hindi siya matatanggihan.

 

Papalapit na siya sa kung saan kami naka-upo. Kunot ang noo niya at busy siyang tumadtad ng text sa phone.

 

Anyare?

 

“Guys, I think we have a problem.” She took her bag at parang may hinahanap siya rito.

 

Hindi naman ako mapakali at lumapit na kay Ate Dahyun. “What happened, ate?” I placed my hand sa likod niya para mag-relax siya ng konti.

 

“Yung isang service natin na stranded sa Cavite. Technically, he took a short cut kasi medyo traffic sa main road. Turns out, yung short cut na yun ay closed dahil inaayos ang daanan. So, kailangan niya pang umikot ulit para makabalik. That could take him long, baka wala na tayong time niyan magprepare at pahinga.”

 

Dalawa ang service namin for today. Isang van at isa suv. I suppose yung suv yung na stranded sa cavite. Kasya naman kami ata sa van?

 

“Ate Dubu, I think we could fit naman sa van.” I said, pacifying her panicking state.

 

“Yes, we could but that doesn’t include our things.” She scratched her head out of frustrations.

 

Isa-isa kong inikot ang mga mata ko para i-calculate kung paano mapagkasiya ang lahat sa isang service. Nandito ang mga 4th year seniors namin na batchmates ni Ate Dahyun, ang 3rd year na in charge sa games later, 2nd years na mag-hahandle sa pagkain, at kaming 1st year na tutulong sa tutoring.

 

Umalis muna ako sa tabi ni Ate Dahyun para kausapin ang mga batchmates ko. Luckily, they’re already together sa isang bench sa gilid ng gate. Siguro nagsama-sama sila dahil nahihiya pa sila sa mga ate at kuya namin.

 

I checked if kumpleto na kami pero parang may kulang na hindi mahagilap ng mga mata ko.

 

Anong kulang?

 

Andito na yung dalawang rep from Psych at yung taga-ibang course. Siyempre, from Pol Sci, represented by yours truly at ni Aussie.

 

Si Aussie!

 

Siya yung wala pa. Kaya pala medyo tahimik yung umaga ko at walang tension kasi hindi pa siya nakakarating… pero ilang minuto na lang at aalis na kami. Ang sabi niya naman pupunta siya.

 

After kasi ng date namin, palagi na siyang nagmamadaling umuwi. She’s edgy nga tuwing may classes kami. Tapos kapag nag-memessage ako, ilang oras pa bago siya maka-reply. Hindi naman sa worried ako pero ano bang nangyari don?

 

And hindi ko nga macoconsider na date ‘yon kasi it was really rushed and wala sa plano. Wala ngang romantic eme eme na nangyari. Siguro dinner lang ‘yon?

 

But she answered personal questions at medyo nakilala ko naman siya nung gabing ‘yon. So, date nga? Okay, date na nga!

 

Hindi ko naman namalayan na she hasn’t arrived yet kasi medyo occupied ang isip ko sa mangyayari mamaya. Should I text her? Baka kasi hindi nanaman mag respond after ng ilang oras kagaya ng ginagawa niya lately. Hindi sa hinahanap ko siya ha.

 

Pero, ayoko kasing pinaghihintay ako!

 

Yung outreach naman pinag-uusapan dito so walang masama kapag magmemessage ako.

 

Me:

Asan ka? [7:26]

 

Tunog demanding at medyo cold ata pero deserve niya ‘yan pagkatapos akong i semi-ghost. Hmp! Mag-aaya ng date, pagkatapos aaktong parang wala lang.

 

“Rep, kamusta?” tanong agad ni Heejin nung makalapit na ako.

 

“Wala pa namang changes or updates. Hintay na lang tayo sa desisyon nina Ate Dahyun.”

 

Kung minamalas ka nga naman. Una, ang muntikan nang pag-cancel ng outreach; buti na lang at tinanggap kami ng Food for the Hungry. Pangalawa, etong delay sa transpo namin.

 

“Rina, have you seen Winter?” Nandito na pala si Kuya Chan sa gilid ko. He looks uneasy dahil isa rin siya sa mga in charge sa pag-contact ng Transpo namin.

 

Bakit niya hinahanap si Aussie? “Hindi pa po ata nakakarating kuya eh.” Sagot ko. Tumango lang siya at umalis na rin sa kinatatayuan niya.

 

Hindi talaga siguro pupunta si Aussie kasi never pang na-late yun. Tapos, she would inform me through text kapag hindi siya makakapunta. Ganun siya ka-open sa akin recently. ‘Yun nga lang, matagal magreply!

 

Nag-scroll na lang muna ako habang naghihintay sa mga seniors namin sa final decision. Napunta ulit ang kamay ko sa pag-click ng school page; yung hindi official. Dito kasi yung mga pasharawt at confessions ng mga students. Mostly, first years and second years lang naman kasi medyo matured na ang mga nakakataas.

 

Hindi na siguro uso ang landi kapag busy ka na sa last years of college ‘no? Kaming mga 1st years kasi medyo na-stuck pa sa highschool lovey dovey namin kaya hindi pa tumatanda ang isip. Maybe we’ll just let our maturity grow along with the time.

 

“Huy labas kayo mga sishieee! Si Winter ampogi!!”

“teh benz ba ‘yung dala niyang kotse?”

“SANAOL VACANT NGAYON HUHU GUSTO KO SIYA MAKITA”

“Bakit parang nang-aakit ‘yung outfit niya today? Charot everyday naman pala siyang nang-aakit!”

 

Ano pa nga bang bago. Siyempre si Aussie nanaman yung pinag-uusapan nila rito.

 

Teka… Nasa labas siya?

 

Woah for the first time, Winter Kim is late.

 

If hindi lang talaga na stranded yung suv sa cavite, siguro naka-alis na kami at naiwan na siya nang tuluyan.

 

Hindi aware ang ibang members ng council na nasa labas na ang late na si Winter Kim. Mahina akong humagikgik. Aasarin ko ‘yon mamaya kapag nagkataon na magka-alone time kami. Shala, alone time?!

 

Umalis muna ako sa kinakuupuan ko at nagpaalam muna sa council na lalabas ako saglit. Dinala ko ang pouch ko na mayroong self-defense kit in case na mapasabak ulit ako sa giyera na kagagawan ni Aussie.

 

“Ms. Yu, bawal po tayong lumabas during class hours.” Ani ni manong guard. Gustong-gusto ko siyang irapan kasi parang hindi niya alam ang trabaho niya. Hindi ba siya aware na iba-iba ang sched ng mga estudyante rito?

 

“Kuya, I’m a member of the student council under the College of Law and we’ll travel today. Hindi mo po ba na-receive ang memo that our sundo we’ll be here soon?” I know. I sound arrogant. Pero kasi hindi ako nakapag-almusal dahil sa sobrang pagmamadali tapos gaganiyanin niya ako.

 

Sasabihan din akong bawal lumabas during class hours?! Pinapahiwatig niya bang nag-cutting ako? I am offended.

 

“Iyon nga ho ma’am, hindi ko po kayo mapapayagang lumabas kasi wala pa naman ho ang inyong sundo.” He said while gripping his baton.

 

Patience is a virtue ika nga nila pero wala akong pake kung virtue ‘yon dahil wala naman ako ‘non! Wala akong choice but to tell him a white lie.

 

“Kuya, ako yung na-assign ng president namin na maghintay sa bago naming sundo. Na stranded kasi yung suv sa Cavite tapos yung van papunta na.” Mga ilang minuto pa siyang nag-isip bago sumuko. As if naman may gagawin akong masama sa labas.

 

“Sige ho Ms. Yu. Inform niyo lang ho ako kapag kailangang pumasok ng service niyo para po mapagbuksan kayo.”

 

I celebrated internally at lumabas na while saying my formal thanks.

 

Hindi pa ako nakakalayo sa gate ng univ ay nakikita ko nanaman ang not so normal na ganap sa buhay ni Aussie. Mga shs at ibang 1st year students na palaging present sa grand entrance ni Aussie.

 

Chineck ko ulit kung saang banda siya pinagkakaguluhan habang bumibilis na ang hakbang ko sa paglalakad. I don’t like it when I see that scared face of hers. Parang hindi kasi ako sanay, hindi siya ang Aussie na kilala ko.

 

But to my surprise, parang chill lang siya today at nginingitian rin ang mga bumabanat sa kaniya. So, that’s why she can’t spare a minute for me dahil busy siyang i-entertain ang mga admirers niya. Okay lang, di ako affected.

 

I now have a full view on her nung umalis ang babaeng humaharang sa kaniya.

 

Wow.

 

Nakasandal siya ngayon sa white Benz SL550 na 2022 ata na model. Naka all black din siya, from head-to-toe pero mayroon namang touch of white sa outift niya. Balot na balot si ate mo parang takot makagat ng lamok. [11/21/21 Winter’s Airport outfit]

 

Tama nga ako…

 

Mukha siyang pakgirl.

 

Nasa harap na ako ngayon ng sasakyan niya at naka-cross arms na. Amused akong tumitingin sa kung paano niya i-handle ang mga nagkaka-crush sa kaniya.

 

Humahalakhak pa siya nung naaninagan ng mga mata niya ang kagandahan ko. Laking gulat ko naman nung wala siyang ginawa kahit nakita na niya ako.

 

So, ganon na lang? Wala na talaga?

 

Nainis ako kasi kahit explanation or goodbye message wala man lang. Okay nga kahit iinform niya ako that she doesn’t want anything from me anymore. A simple notice wouldn’t hurt.

 

I hate it kapag hindi nagpapaalam.

 

Napatingin ulit siya sakin at agad naman akong umirap. Tumalikod na ako at padabog na umalis. Ako na nga ang nag-effort para sunduin siya pero eto pa makukuha ko. Ni hindi ko nga alam kung anong ginawa ko to deserve such treatment. Naging mabuti naman ako and I didn’t cross any boundaries unless alam kong comfy naman siya.

 

Parang may usok na lumalabas na sa ilong ko habang nakakuyom na ang mga kamay. Nararamdaman kong may humahabol sa akin sa likod kaya mas binilasan ko ang paglakad.

 

I don’t want to deal with anyone right now. Ang aga-aga pero I’m at my limit.

 

“Ganda!” Sigaw niya mula sa likuran. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng ganiyan na may malagkit na accent kaya kahit hindi ako tumalikod, alam ko na kung sino ‘yan.

 

“Hey, I’m sorry.” Hinihingal na niyang sambit.

 

“What are you sorry for? Bumalik ka na doon.” Sagot ko habang dinodoble ang bilis ng mga yapak. Pasimple na nga akong tumatakbo.

 

“Hey…” Naabot niya na ang kamay ko at mahigpit akong pinatigil sa paglalakad.

 

Huminga muna ako nang malalim dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Nilingon ko na siya habang nakataas na ang mga kilay.

 

Yes, taray lang!

 

“I know I’ve been unfair these past few days. I-I just had to do something very important.” She said while looking apologetic.

 

Hindi ko naman hinihingi ang apology or something kasi sino naman ako para mag-demand? Pero gusto ko lang malaman kung ano bang kahahantungan ng lahat ng ‘to? Baka kasi nasa ibang pahina pala kami tapos parang uto-uto lang ako rito.

 

Nasimulan ko na eh. Sa kaniya lang naman ‘yon kung hahayaan niya ako.

 

“I don’t need an apology. Hindi rin naman big deal sa akin kung hindi ka makakapaglaan ng oras kasi we just had one date. Wala pa naman tayo sa stage na ‘yon kaya, all I want to know lang naman is if you want me to distance myself na­–“

 

“No!” Mabilis niyang angal. Parang nabingi ako don ah. Nalito naman ako at nakalimutan na kung ano ang sasabihin.

 

Nagdadrama pa nga yung tao eh.

 

“C-can we… talk?” She politely asked.

 

Gusto ko rin naman pero nakikita ko na yung van na susundo sa amin. Familiar na sa akin dahil may logo ito ng pangalan ng company na pinagrentahan namin.

 

“After our outreach. For now, kunin mo na yung kotse mo at pumasok na. Hinihintay na tayo doon.” Tumango naman siya at tumakbo na pabalik sa kotse niya.

 

Kinawayan ko ang malaking sasakyan na papalapit na sa gate namin at nakuha naman ni Kuya Driver ang gusto kong ipahiwatig at pumara siya sa harap ko.

 

“Hello, good morning ma’am! Kayo ho ba yung nag-rent sa amin today?” He cheerfully asked. Nahawa naman ako sa good vibes ni Kuya at napangiti rin.

 

“Yes po. P’wede po bang pumasok kayo para ho ma organize ang lahat?”

 

After I informed Kuya Guard na papasok na ang van namin ay pumunta agad ako kay Ate Dahyun to let her know na nandito na ang service namin. Tinanong ko na rin if settled na lahat at kung kakasya ba kami sa iisang van.

 

Magagawan naman daw ng paraan ang mga uupo sa van pero ang mga luggage raw talaga ang problema. Sabi naman ng iba na sa kandungan na lang nila yung mga bagahe nila pero ayaw ni Ate Dahyun na maging uncomfy naman sila sa biyahe.

 

Hindi naman na kami aabot ng tatlong oras sa pagbiyahe pero I undertand Ate Dahyun. She just wants her members to have a safe and comfortable space sa pagtravel. Dahil nga pagdating namin doon ay tutulong agad kami sa pag-prepare, ayaw niyang I risk na mayroon kaming strained na mga paa dulot ng pag-aadjust tuwing sisikip ang upuan.

 

Isa-isa nang pumasok ang mga kasama namin and so far so good. Malaki pa ang natitirang space pero tama ata si Ate Dahyun, we’ll be too occupied if nandito ang mga gamit namin.

 

Pito pa kaming natira dito sa labas at kakapasok lang ni Aussie ng sasakyan niya. Saan nanaman ‘to nagpupunta at ang tagal tagal makapasok.

 

“Winter!” Bungad ni Kuya Chan sa kaniya. Kanina niya nga pa pala hinahanap si Aussie.

 

“Goodmorning! Why do ya’ll look worried?” Tanong niya nung makita ang kaitsurahan namin.

 

“Tama!” Nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Ate Dahyun. “Win, will you be bringing your car?”

 

“Uhm… if we can’t fit there anymore, yeah…” Sagot niya sabay turo sa van. Litong-lito na siya sa kung ano ang gustong sabihin ni Ate Dahyun.

 

“Kasiya ba ang mga gamit natin sa trunk mo?” I knew it. Ate Dahyun will place our things sa kotse ni Aussie.

 

“I think so? Let’s see.” She said and hopped off her car. I can’t help but think kung bakit siya ang nag-drive sa sarili niya ngayon. Alagang-alaga siya ni Kuya Bok eh.

 

They then started to try fitting our things sa trunk ng Benz at pumasok naman sa van yung iba. Thankfully hindi masiyadong marami ang dala ng mga members namin dahil two days and one night lang naman kami roon. No need to bring such unnecessary excess.

 

“Perfect!” Ate Dahyun squealed in victory dahil napagkasiya nila ang mga bags namin sa trunk ng kotse ni Aussie.

 

“Let’s go na para makatulong na tayo doon.” Kuya Chan ordered at pumasok na rin sa van.  

 

Ako na lang at si Ate Dahyun ang hindi pa nakakapasok sa van. Tinignan niya ako ng makahulugan. Mukhang may masamang balak ata.

 

“Rina, Samahan mo si Win sa passenger’s seat. Hindi na tayo kasiya sa loob.”

 

Anong hindi kasiya eh sakto nga lang yung mga upuan sa loob para sa amin?! Nalingat lang ako at nakita kong pumasok na si Ate Dahyun sa van habang tumatawa. Sinara niya na rin ito and just like that, umalis na ang van.

 

Tulala lang ako dahil hindi ko pa rin ma process ang nangyari when someone cleared .

 

“You might wanna hop on if you don’t wanna be left here.” Nakaupo na at ready na si Aussie sa driver’s seat, wearing her Gentle Monster sunglasses.

 

Bakit ang ganda niya lang tignan today?

 

Hindi pa rin ako gumagalaw kaya bumaba muna siya para umikot sa passenger’s side at pinagbuksan ako ng car door. “I almost forgot. Take a seat?”

 

Grabe pupunta kaming outreach pero feeling ko naka VIP ako today. Hmp! Ganda ko lang talaga!

 

Tahimik lang kaming dalawa habang nakasunod sa van. Meron namang built-in GPS si Aussie but she’s just making sure na sumunod para hindi na kami maligaw pa.

 

Ang awkward na nga kasi parang hindi ako makagalaw dito sa gilid niya. Pinipilit ko na nga lang mag-isip ng happy thoughts kagaya ng mga lumalangoy na crocodiles at mga malalaking sharks sa ocean park.

 

“I’m really sorry if this is making you uncomfortable.” Malungkot na sambit ni Aussie habang diretso pa rin ang tingin sa daan.

 

“Huh? I’m not uncomfy naman. Awkward lang siguro…” I honestly replied. Dalawa lang naman kami kaya there’s no harm in saying the truth.

 

“Do you want to play some tunes?” Sabi niya habang pinapaandar ang kaniyang Bluetooth.

 

Inilabas ko rin agad ang phone ko at nagpunta na sa music app. Wala nga pala akong mga playlist dahil random ang music taste ko. Wala ring pumapasok sa isip ko na kanta kaya tatanungin ko na lang ‘tong katabi ko.

 

“Ano bang fave song mo?” I asked nung matapos ko nang i-connect ang phone sa car niya.

 

“Uhhh… I’m not really a music person as of now…”

 

No way… Kaya pala parang walang cupcakes and rainbows ang buhay niya! And anong as of now?

 

“Kahit fave song noon, wala talaga?” Pag-uusisa ko kasi hindi naman pwedeng wala talaga.

 

“Uhm. In your eyes?” She answered hesitantly.

 

“By The Weeknd?” Tanong ko habang tinatype na ang mga letra sa phone ko.

 

“By George Benson…” Mahina niya sagot.

 

Silence…

 

Napatigil naman ako sa pagtype sa phone at tumingin kung pinagloloko niya ba ako. Her cheeks are red and her eyes are just focused on the road; mukhang nahihiya. So, seryoso nga siya?

 

Fave song niya ‘to?!

 

Hindi ko na mapigilan at humalakhak na nang todo-todo sa upuan ko. Hindi ko naman tinatawan ang choice of music niya pero kasi ang old school so much ni Aussie?

 

“Why are you laughing?” She’s already pouting while shifting the gear.

 

Her benz is convertible kaya open air kami ngayon. Ang simoy ng hangin ay sumasabay sa mga halakhak ko na umiigting sa aming mga tenga. Habang ang nagmamaneho ay nakakunot na ang noo at humahaba na ang nguso dahil sa pang-aasar ko.

 

“I-it’s just…” Hinihingal na ako sa tawa at hindi na makapagsalita ng maayos. “It’s very not like you.”

 

“Well, that’s me.” Inis na niyang sagot. Okay sige tama na.

 

“Okay, okay. I’ll play that one na.” Kalmado ko nang sambit at nagpatuloy sa paghahanap ng lumang taste ni Aussie sa mga kanta.

 

“No, don’t play that anymore.” Malumanay niyang pagpigil sa akin habang lumiliko ng daanan. “Can you play Ligaw Tingin by Zildjian?” Seryoso niyang pagtatapos.

 

Tumango naman ako at mabilis na hinanap ang kanta. Familiar siya sa akin dahil parang nakita ko na ang title na ‘yan sa tiktok or fb.

 

 

[Kwn’s bnz] Playing from Rina’s iPhone:

Ligaw Tingin by Zildjian Parma

 

I was surprised when as soon as I heard the beat dahil I expected her to be a Frank Ocean type of girl. Base sa appearance and personality niya she is far from the song itself. From the rhythm to the melody, I could never imagine that this is something that would garner the attention of Winter Kim.

 

“Paro-paro sa aking tiyan.”

 

Nung sumabay siya sa kanta ay napalingon ako sa direksyon niya. Iyon na ata ang pinakamalinaw na mga salitang tagalog na narinig ko mula sa kaniya. Kahit pa kanta lamang ito ay naramdaman ko ang koneksyon niya sa kanta.

 

Patuloy ko lang siyang tinitignan habang nakatuon naman ang atensyon niya sa pagsunod sa van. She’s lip-syncing the following lyrics na hindi niya masiyadong ma verbalize.

 

TShe stepped on the brake nung naabutan kami ng red light.

 

Binaling niya na ang tingin sa akin.

 

She then smiled and continued to sing while I’m also looking at her.

 

Nakaw tingin lamang ako
Pinagmamasadan ang bawat ikot mo
Ligaw tingin lang ba ako
Bumabagal ang ikot ng aking mundo

 

Ayan nanaman ang mga bulate.

 

Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin sa kaniya na parang kinukulong ako ng mga mata niya at binibighani ng boses niya.

 

She sings very well.

 

Kabisadond-kabisado na niya ang kanta na parang pinapaulit-ulit niya itong pinapatugtog. Nung nag-green light na ay nilakasan niya pa ang pagkanta na parang dalawa lang kami ang naririto sa kalsada.

 

She is in her element.

 

Tinignan niya ulit ako ng mabilis na parang inaaya akong sabayan siya.

 

“I don’t know the lyrics!” Sigaw ko nung humarurot na kami ng takbo dahil wala nang mga kotse sa dinadaanan namin.

 

I was confused pa nung wala nang tumutugtog, ‘yun pala tapos na ang kanta. Nag-auto play lang naman ito ng ibang kanta. Na excite naman ako nung marinig ko ang lyrics.

 

[Kwn’s bnz] Playing from Rina’s iPhone:

Come Inside Of My Heart by IV OF SPADES

 

Nagkatinginan kaming dalawa na parang tinatanong ang isa’t-isa kung pareho ba naming alam ang kanta. Sabay naman kaming tumango at tumawa.

 

“Oh, don’t you let it stop.”

 

Sabay naming kinanta while banging our head. I’m currently feeling the moment kaya itinaas ko ang dalawang kamay ko at sinabayan na si Aussie sa pagsigaw ng kanta.

 

“Come inside of my heart
If you're looking for answers
Look at the stars, go a little bit faster
Ooh, ooh, hooh-ahh-ooh”

 

We both giggled while she was still carefully driving. Minsan nagsasalitan kami sa pagkanta ng verse at sabay naman sa chorus. Hindi ko na namamalayan ang mga nadadaanan naming tanawin kasi napapapikit ako sa pagkanta.

 

And she’s just letting me be. Kahit na natatamaan siya ng kamay ko ay hinahayaan niya lang ako.

 

Nahuli kong may lumalabas na mga cellphones at ulo mula sa bintana ng van. They’re taking videos and pictures sa pinanggagawa namin sa likod. Tumatawa rin sila at minsan sumasabay sa pagkanta namin.

 

Sa sobrang pagliligalig after ng ilan pang mga kanta ay nakatulog na ako ng tuluyan. Hinayaan ko na lang ang music na mag-shuffle ng songs na itutugtog.

 

“Sarap ng tulog rep ah!” Nagising ako sa boses ni Sakura. Iminulat ko ang mga mata at inilibot ang tingin. Naka park na pala kami sa location namin and I’m still here sa passenger’s seat. It also seems na nagsisimula na silang tumulong sa mga gawain.

 

Nakakahiya.

 

We’re surrounded by a lot of people and classrooms. Mukhang public school ang napiliang location ng aming program. I think best choice rin ‘to if meron kaming isasagawa na outreach. It’s secluded and exclusive sa mga bata na gustong matuto at nangangailangan ng tulong.

 

May narinig akong kalabog mula sa likod kaya lumingon ako. It’s Aussie taking out our things. Inayos ko na ang pagkakaupo ko at naramdaman kong may nahulog sa kandungan ko. I looked at it and it’s Aussie’s jacket. Ginawa niyang kumot nung nakatulog ako. Kinuha ko ito at tinupi para ilagay sa driver’s seat.

 

“Bakit ‘di mo ‘ko ginising?” Tanong ko habang dahan dahan nang lumabas ng kotse at nag-stretching. Lumapit ako sa kinatatayuan niya at tumulong sa paglalabas ng mga bagahe ng council members.

 

“Don’t wanna ruin your beauty rest.” Sabi niya habang kinukuha ang pinakamalaking luggage sa loob; ang maleta ni Ate Chae. Lagot talaga ‘yon pag nalaman ni Ate Dahyun na sakaniya pala ang maleta. Sinabihan na kasing konting gamit lang tapos sa kaniya parang pang-isang linggong trip na.

 

“Beauty rest ka diyan. Tulo laway nga siguro ako.” Inabot ko na rin ang pinaka-last na bag na nasa loob. It’s a black Herschel strand duffle bag. Ito na ata ang pinaka maliit na bag sa lahat nang nandito. Hindi ba magbibihis may-ari nito?

 

“You sleep prettily.” She complimented after closing the trunk. Then, she dusted her hands off na parang gesture to an accomplished job.

 

Inilagay niya ang mga bag mula sa balikat hanggang sa kamay niya to fit as many as she can. Ginawa ko rin ang technique niya para hindi na kami magpabalik-balik at diretso na kami sa pag-arrange ng upuan sa venue.

 

“Wala ka bang dalang gamit?” Tanong ko. Mula kanina kasi hindi ko siya nakitang may dala or may hinahawakan na bag or maleta.

 

“The one on your shoulder.” Tinignan ko naman kung ano ang nasa balikat ko at lumaki ang mga mata ko nung makita ko ang black na Herschel. Sa kaniya pala ‘to? Kung ano ano pa pinagsasabi ko kanina. Hindi k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
0 points #1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
528 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
132 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
336 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭