Chapter 17 - Resolution

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Resolution: the adjudication or settlement of all issues in a case.

 

 

Ang ironic lang diba?

 

Na one time, parang pinagsuklaman ako ng kalangitan and the next, I’m already on cloud 9.

 

This moment just feels like the first… Our first glance, first smile, and first conversation.

 

I like this feeling.

 

Baka sign ‘to na everything is falling into place? Na ito na talaga ang tamang oras to start afresh.

 

‘Yun lang ang nararamdaman ko ha. Hindi ko lang alam sa katabi ko rito. I don’t want to assume things from her simple ‘penny for your thoughts?’.

 

Kaya heto, act cool lang tayo.

 

“Sige, bente pesos kada isang thought.”

 

Surprised with my response, her eyebrows furrowed. At natawa nanaman ako ng malakas.

 

Yes, dapat itawa lang ang pinagdaraanan!

 

“Eme lang… Sa totoo lang, my mind’s been occupied by unwanted thoughts lately and parang hindi siya bagay sa magandang tulad ko.” Pabiro kong sabi at idinirekta ang mga mata sa napakagandang tanawin sa harap namin.

 

(Photo credits to: The Smart Local - https://thesmartlocal.com/read/sagada-under-100/)

 

Kahit immersed na ako sa view, sensitive pa rin ako sa paligid ko. Kaya naramdaman ko ‘yung paglapit ni Aussie ng kamay niya sa akin, as if wanting to grab my hand and intertwine it with hers.

 

Dedma lang ako kasi hinahayaan ko na siya ang magdala ng pag-uusap na ‘to. I’ll just follow whatever pace she wants, as long as we clear the air between us, anything will be fine by me.

 

“A-are some of those thoughts… somehow occur because of… me..?” Dinig na dinig ko ang pag-dadalawang isip sa boses niya kaya tinapangan ko na ang sarili at tumingin na ulit sa direksiyon niya.

 

“Well, hind–“

 

“Ms. Karina!”

 

May tumawag ba?

 

Aussie moved her head and tried to find kung sino nga ba ang tumawag and I followed suit.

 

At hindi na nga ako nagulat pa… It’s Jeno. Tumatakbo na papalapit sa kung saan kami nakatayo.

 

“Ms. Karina, kanina ka pa hinahanap ni Ate na nagtitinda roon. Sabi kasi niya baka maging soggy na ‘yung noodles mo kaya ako na lang ang kumuha kasi pupunta rin naman ako rito.” Masiglang paglahad niya ng impormasyon na hindi ko naman kailangan malaman.

 

Hindi ko naman nakalimutan ang noodles na pinaluto ko. Actually, ‘yan nga rin ang isa sa mga bumabagabag sa isip ko; what if mag-usap kami ni Aussie ng super tagal rito tapos ‘yung pinaluto ko wala nang sabaw kasi nasipsip na ng noodles lahat?!

 

Nag-aalinlangan kong kinuha kay Jeno ang cup noodles at isang bote ng C2 at pinilit na pakitaan siya ng ngiti. “Uhm. Thank you, Jeno. Hindi naman sa hindi ako grateful but you really didn’t need to do this, babalik din naman kasi ako roon.”

 

Nagkamot siya ng ulo. “Ahh, gaya nga ng sabi ko, dadaan din naman ako rito kaya sinabay ko na. Mauna na ‘ko Ms. Karina ha. Hinihintay na kasi ako nina Renjun. Sana masarap pa ‘yang noodles mo.” Huling sabi niya bago tumakbo pababa sa kung saan nakatayo sina Jay at Renjun.

 

Binalik ko rin naman agad ang tingin ko kay Aussie at parang hindi na maipinta ang itsura niya.

 

My gut tells me na hindi nanaman siya magsasalita kaya inunahan ko na. “So, whe–“

 

“Does he… appeal to you..?”

 

Nagulat naman ako sa pasingit niyang tanong… Mukhang wala rin siya sa sarili.

 

You okay, my baby? Keme, echosera!

 

Sinusubukan ko ring i-comprehend ang narinig ko mula sa kaniya.

 

“Are you asking if I… find him attractive..?” Paninigurado ko.

 

Kinagat niya ang labi niya and slowly nodded. Hindi niya na ring magawang tumingin ng diretso sa mga mata ko.

 

Am I seeing this right?

 

Bakit parang ang vulnerable niyang tignan ngayon?

 

I immediately opened my mouth to answer her question. “Hin–“

 

“Rina!” Kung pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana!

 

Masama ang tingin kong nilingon si Ate Dahyun. Oo, alam ko na siya ‘yon kasi distinct na ang boses niya sa pandinig ko.

 

I silently mouthed ‘ano’ without hiding my annoyed expression.

 

And because this is Ate Dahyun we’re talking about, hindi niya pinansin ang kaitsurahan ko ngayon at nag-signal pa talaga na lumapit ako sa kaniya.

 

Kaya wala na talaga akong choice but to give Aussie my apologetic look – in which she responded with a nod of understanding naman, and stomp my feet towards where Ate was standing. Ang sama na nga siguro ng tingin ko pero kainis naman kasi ng timing ni Ate!

 

“Woah there, grumpy na dwarf ni Snow White!” Sigaw niya nung makalapit na ako sa kaniya.

 

“Siguraduhin mo talaga Ate na this is more important than what’s going on sa buhay ko ha.” Pagbabanta ko na parang hindi lang nakatatanda ‘tong kausap ko.

 

Eh kasi naman eh!

 

Tumaas ang mga kilay ni Ate Dahyun at ngumiti nang mapanloko. “So, I interrupted something pala?”

 

Flabbergasted, I looked at her as if she lost a head. “Uhm.. yeah?! Ang tagal na naming hindi nagkikibuan and then suddenly, makikita mo kami na nagmo-moment sa dulo ng burol… what would you conclude if that happens?”

 

Inaasar niya pa talaga ako at nagkunwaring nag-iisip. “Hmm… Oo nga ‘no?”

 

Umirap na lang ako at naghalukipkip. “Bakit mo ho ako pinatawag, pres?”

 

“I just wanted to ask something…”

 

Sa kalagitnaan pa talaga ng moment namin ni Aussie babes?!

 

Anong tanong ba ‘ya–

 

“What happened kagabi?”

 

I blinked… once, twice… thrice.

 

Bigla akong natahimik…

 

To which Ate Dahyun took as a signal to continue. “Kasi you’re already used to cramps dahil sa swimming kaya medyo nagulat ako when I saw both pain and panic on your face kagabi. Tapos, when I helped you to bed parang bothered ka pa... pero dahil nga siguro sa pagod, tinulugan mo na lang… So, if it’s okay… can you tell me?”

 

I think I worried her…

 

I gently linked my arms with her at dahan-dahang hinila siya papunta sa spot na walang tao.

 

And when I was sure na wala nang makakarinig sa kung saan kami nakatayo, I spoke. “I decided to sing kagabi sa Jam in the Woods without having a thought… parang impulsive decision lang siya, Ate.”

 

Tumango naman siya in acknowledgement kaya nagpatuloy lang ako sa sasabihin. I started telling her the parts na worthy namang i-k’wento at para hindi naman namin masabi na nagsayang lang kami ng oras dito.

 

Kinuwento ko ‘yung ako ang naunang kumanta, siyempre hindi ko sinabi na nagpaka-sadgirl ako – na feeling ko alam naman na ni Ate ‘yon…

 

And I finished it sa part kung saan kumanta rin si Aussie.

 

“Actually, kakausapin ko nga sana siya after ng kanta niya pero ayun nga, I had cramps…”

 

Mukhang invested naman si Ate sa kuwento ko. “So, nung nanonood kayo nung sunrise, you were actually…”

 

“Trying to talk about it..? Yeah.”

 

Nanlaki naman ang mga mata niya. “Oh shoot!?”

 

I shrugged my shoulders. Wala naman kasi tayong magagawa.

 

Laking gulat ko na lang nung malakas niya akong tinulak pabalik sa kung saan ako galing kanina. I can see that Aussie is still there at parang malalim ang iniisip.

 

“Bumalik ka na pala ro’n! Mamaya na tayo mag-usap!”

 

Umirap ulit ako at naglakad rin naman pabalik kay Aussie.

 

Hay, nawala na tuloy ‘yung feels ng moment namin.

 

But it still better than not talking, diba?

 

Malapit na ako at tawagin ko na lang kaya siya?

 

“Auss–“

 

“Karina!”

 

Anak ng tokwa!?

 

Bakit sa tuwing magsasalita na 'ko, may mga kabute talaga na naulhot?!

 

Inis kong nilingon ang tumawag nanaman sa akin.

 

Si Ate Chaeng.

 

“Po, Ate?” Hindi ko na naitago ang gigil ko.

 

“Pakisabi sa iba na bababa na tayo papuntang Blue Soil. Hindi ko kasi makita kung nasaan na ‘yung mga kasama natin.”

 

Eh kung hindi niya makita, paano na lang ako?

 

Grrrr..

 

Gusto ko lang naman makausap si Aussie.

 

Nilingon ko si Aussie babes and I was flustered when our eyes met. Nakatingin na ba siya sa’kin?

 

For the second time, I looked at her apologetically. Ngumiti lang din naman siya, though parang may konting lungkot lang sa mga mata niya.

 

“Do you need help in finding them?” Tanong niya nung hindi ko talaga inalis ang tingin ko sa kaniya.

 

“Sure…” Yes, grabbing whatever chance the stars would give me.

 

Luckily, sina Minju sisteret na lang pala ang kulang kasi nagkumpulan na ang members sa baba. “Last stop na ba tayo?” Tanong ni Minju nung nakita niya kami.

 

Hindi na talaga siguro kami makakapag-usap ni Aussie…

 

Tumango ako at nauna nang maglakad kasi ako ang may alam kung nasa'n ang mga kasama namin.

 

“There they are! Tara na!”

 

After ng ilang steps parang umabot kami rito sa part na kung saan maraming bato. 

 

According naman sa guide namin, nandito na kami ngayon sa parang isang area ng hills kung saan malakas ang echo kapag sumigaw ka.

 

Yes, make sure raw na malakas talaga ang sigaw mo kasi may 3-second delay ang echo rito.

 

(Photo Credits to: Happy and Busy Travels - https://happyandbusytravels.com/marlboro-hills-and-blue-soil-traverse-trek/)

 

Lahat ay nagsigawan na at hindi na kami magkaintindihan. I didn’t bother shouting kasi parang naubos ko na rin naman isigaw kagabi ang mga gusto kong ilabas.

 

Hindi man siya literal na sigaw pero I poured my heart out, which is practically the same thing.

 

Pasimple ko ring sinulyapan si Aussie – trying to see if she’s gonna shout or not.

 

And as expected, hindi nga siya sumigaw.

 

Dahil ba sobrang tahimik niyang tao, kaya hindi siya sumigaw? Or does she have the same reason as mine?

 

I hope wala siyang mabigat na dinadala ngayon…

 

Sana, kapag naaalala niya ang mom niya, all she feels is the pure ecstasy their memories bring… And if I ever cross her mind, sana naiisip niya na hindi pa huli ang lahat sa amin.

 

“Rina, tara na.” I went out of my trance nung narinig ko si Minju sisteret. Nginitian ko naman siya at sumunod na sa kanila.

 

Grabe, last stop na namin ‘to bago umuwi.

 

Though bababa pa kami sa Echo Valley at kakain pa kami sa Misty Lodge, heto na talaga ang tinuturing namin na last location for our tour. Same way lang naman kasi ang Blue Soil at ang Echo Valley so there's not much of a difference.

 

Share ko rin, out of stock na ‘yung dala kong salonpas and need na namin maghanap ng malapit na drug store to buy more kasi hindi talaga keri ang kirot ng katawan.

 

Pero sabi nga nila, ‘yung sakit temporary lang ‘yan!

 

After ng sigawan sessions nila, marami pa kaming dinaanan and masiyadong bumpy at ma-bato ang way. 

 

All in all, mas nakakapagod pa ring umakyat kesa bumababa… Kapag bumababa ka kasi, you’re just dragging your body downwards pero kapag umakyat, you need to exert extreme effort lalo na when you’re hiking.

 

“And here we are! The Blue Soil Hills.”

 

Okay, honest opinion…

 

It’s not as blue as the internet shows. Parang napatunayan ko lang na inedit ng iba sa lightroom ‘yung mga captures nila. Why would they do that? For the aesthetic? Or just to show that they captured the Blue Soil better kasi mas blue 'yung sa kanila?

 

I hope they'd give justice to the Soil's beauty. It has its own color and perfect na siya just the way it is!

 

I think parang powdery blue ‘yung color niya. Alam niyo ‘yung powder detergent? Gano’n siya in appearance, in form and in texture!

 

(Exact color of Blue Soil. Photo Credits to: Happy and Busy Travels - https://happyandbusytravels.com/marlboro-hills-and-blue-soil-traverse-trek/)

 

“Rina, come here! Let’s take a picture!” Mabilis naman akong tumugon sa hiling ni Minju sisteret. Nag-pose pa nga ako na parang snow lang ‘tong Blue Soil.

 

Hindi pa rin talaga ako pinapabayaan ni sisteret hanggang sa last stop namin.

 

And of course, tahimik pa rin si Aussie. Nandito lang siya sa likuran namin and she just seems so out of it. Gusto ko na nga siyang kausapin but we are still with our members so I’m just keeping in mind na meron talagang right time for our talk.

 

Naaawa lang talaga ako kasi parang lugmok na lugmok na ‘tong Aussie babes ko.

 

I slowly walked towards her para sana hawakan ang kamay niya pero,

 

“Rep Rina! P’wedeng magpa-picture sa’yo?”

 

Palagi naman kaming nagkikita neto ni Yuqi sa campus, bakit kailangan dito pa talaga sa Blue Soil magpa-picture sa’kin?!

 

Ugh!

 

I clenched my jaw at pinilit na ngumiti. “S-sure…”

 

At ayun, naubos nga ang oras ko rito sa Blue Soil nang dahil sa picture taking. Hiniram kasi ni Ate Dahyun ‘yung film camera ko. Tapos sabi niya she’s practicing her photography skills and guess what..? Ako raw ang mapalad na napili niyang maging model.

 

Hindi ko na talaga minsan alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

 

Ngayon heto na kami, pababa na sa Echo Valley.

 

The very famous Echo Valley and the Hanging Coffins.

 

Feeling ko hindi pa masiyadong naka-recover ang paa ko from the cramps kagabi kaya nakakaramdam ako ng konting kirot ngayon. Pinipisil-pisil ko siya from time-to-time para maibsan ng konti at hindi lumala ‘yung pagkirot.

 

Visible na ata ‘yung paika-ika kong lakad pero malapit na rin kasi kaming umuwi, titiisin ko na lang ‘to.

 

“Aray!” Napalakas ‘yung sigaw ko nung nakaapak ako ng medyo matalim na bato.

 

Grabe, parang nag-vibrate ang buong katawa ko ro’n ah.

 

“Are you okay?” Nahawakan na pala ni Aussie ang braso ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

 

Ininda ko na lang ang kirot ng paa ko ang nginitian siya. Hindi p’wedeng huminto pa kami rito. “I’m okay.” I then tapped her hand na mahigpit na kumakapit sa braso ko.

 

Pasalamat ka, hindi ako mahilig gumanti! Kasi p’wede kong gamitin ‘to pang-resbak sa ginawa mo sa’kin sa falls!

 

“Ms. Karina, do you need some pain relief patches?” At bigla nanaman nasulpot ‘tong si Jeno.

 

Mabilis akong umiling. “No need na. Thank you.” I forced myself to walk para hindi na kami mag-cause ng scene rito pero dahil nga isa akong bida-bida na hindi naman pala kayang bumida, muntik na ‘kong matumba.

 

Wow, poetic!

 

“Akbay ka kaya sa’kin Ms. Karina..? Kaya mo ba talaga?” Hindi ko talaga alam kung paano ako nakita neto ni Jeno pero halata rin kasing nag-aalala siya.

 

At dahil nga, I wouldn’t want to cause a scene, hinayaan ko na lang siya at inilagay na ang kamay sa balikat niya.

 

“Hindi naman siya masiyadong masakit pero parang my whole body is just vibrating kapag umaapak.” Pag-explain ko habang sinusubukan niyang ayusin ang p’westo ko.

 

Nang nakatayo na ako nang maayos, nabaling ang tingin ko sa katabi niya na nakakunot na ang noo at matindi na ang pagkuyom niya sa kamay.

 

Naku po, si Aussie.

 

I tapped Jeno’s shoulder para kunin ang atensyon niya. Tumingin din naman siya sa’kin.

 

Owemji, buti na lang malayo ang mukha ko. Ayaw kong maging first kiss ‘to!

 

“Uhm. Okay na pala, Jeno. I can walk on my own.” Actually, totoo naman. I can manage myself, sadyang na-out balance lang kanina.

 

“Are you sure?” Tumango naman ako at nag-try pang maglakad para hindi niya isipin na nagsisinungaling ako.

 

Echosera, tingin niya sa’kin? Tulad ng mga nangangkong mahilig namang ipako ang mga salita?

 

Hindi na siya nagpumilit at nauna nang bumaba. Tinawag na rin kasi siya nina Renjun.

 

Kaya nung kami na lang ulit ni Aussie ‘yung nasa hulihan, tinignan ko kaagad ang reaksiyon niya.

 

And to my surprise, mabusisi niyang sinusundan ng tingin ang paa ko. Anong tinitignan neto?

 

Hala, hindi kaya kagaya siya ng ibang tao sa internet..? ‘Yung sinasabi nilang may thing sa mga paa?

 

Ang sama ng pinag-iisip ko!

 

“Anong tinitignan mo riyan..?” Pa-casual kong tanong.

 

“Nothing… I’m just making sure that you won’t step on any rock again.” Pa-casual niya ring sagot.

 

Hindi ko ata kakayanin ang hamunan sa pakaswalan. Mauuna akong mangisay!

 

I flinched when she suddenly halted my steps at biglang yumuko. At ayun na nga, pinulot niya ‘yung bato na may possibility na maapakan ko.

 

I hid my smile kasi hindi pa naman kami fully nagkakaayos, baka isipin niya riyan nagiging marupok na ‘ko rito. Hmp!

 

I cleared my throat and started speaking, “Thank you. P’wede mo rin namang i-offer ‘yung balikat mo if you want.”

 

Gusto kong matawa nung nangasim ang ekspresyon niya. Sumagot na rin siya, “I have my own ways. I don’t wanna be just a dupe.”

 

Hindi ko na talaga napigilan at napalakas na ang halakhak ko. Napaka-selosa talaga! May karapatan ka ba beh? Siyempre, yes na yes for you! Eme!

 

I calmed myself down and told her something na hindi ko ma-imagine na masasabi ko sa kaniya, “How can you be someone’s dupe if you already have your identity carved within me? Kahit siguro ilan pa sila ang dumating, it would always be you and your ways I’ll be finding.”

 

Parang na electric shock naman siya at nahinto ang paglalakad niya. Ako naman siyempre, bilang tiklop na nga siya, nagpatuloy ako sa paglalakad with a smug smile.

 

Ilang segundo rin nung narinig ko na may mga mabibigat na yapak mula sa likuran. Tumatakbo na ata siya.

 

I can already feel her presence behind me pero dedma lang ako.

 

What could possibly go wrong?

 

Joke! Sabi ko nga pala na ‘yan ang linyahan ng mga main character bago sila mapunta sa disaster, ayoko no’n!

 

Tahimik pa rin talaga siya sa likod ko…

 

Then I felt a hand holding mine.

 

Juskopo…

 

Huminga ako nang malalim at pumikit – causing me to halt my steps. Mauna na lang muna ang mga members namin.

 

“M-my ganda…”

 

I bit my lip at the endearment.

 

Unti-unti kong inikot ang buong katawan para harapin siya. I can now see how she’s having a debate with her heart and mind.

 

Kitang-kita ang kunot ng noo niya but at the same time, naka-display sa mga mata niya ang pangungulila.

 

I didn’t dare to speak. I waited for her.

 

“I-I’m really… really… sor–“

 

“Winter! Karina!”

 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko!

 

P’wede bang itago niyo muna kami ni Aussie sa kuweba para naman may time kami na tapusin ‘tong pag-uusap namin?

 

May usok sa ilong kong binaling ang tingin kay Ate Dahyun. Kahit kailan talaga, panira ng moment!

 

“I’m sorry if I’m interrupting something again pero napag-iwanan na kayo. We need you guys to stay close, mahirap na kapag magkahiwa-hiwalay dito.” Paalala ni Ate.

 

I sighed to exhale all the irritation that’s building up. Narinig ko ring bumuntong hininga ‘tong kasama ko.

 

I guess, pareho kaming naiipit sa sitwasyon na ‘to.

 

Nagulat lang ako nung hinawakan niya ang braso ko and said, “Let's go. This time, I’m making sure you won’t trip.”

 

Enebe!

 

Mabuti na lang talaga hindi siya nagtatanong kung bakit nagkakaganito ang paa ko. That’s a conversation that needs to be talked about in a place na kaming dalawa lang.

 

Gusto ko siya lang ang makakita ng vulnerable side ko because I’m not scared to show it to her…

 

“And for your last tourist spot, the Echo Valley!”

 

We finally arrived sa lugar ng sikat na Hanging Coffins. Nagsimula na ring magbigay ng infos and history ang guide namin tungkol dito. Kagaya nga sa kuweba, tradition talaga ito ng mga ninuno nila nung hindi pa nauso ang cemetery.

 

Matagal na rin nung huling may inilibing dito. According sa isang local, more than 10 years ago pa ang last na burial ceremony – na siyang na-saksihan niya mismo.

 

Bawal din talaga hawakan o lapitan ang mga kabaong. Sabi naman ng iba may mga hidden treasures daw sa loob pero ninakaw na ito ng ibang mananakop.

 

 

We took our time taking photos and memorizing every part of the scenery. Sobrang ganda niya and mind-blowing pa nung naka-hang na kabaong. If I didn't know that Sagada has this, siguro hindi talaga ako maniniwala kapag sinabihan akong may isinasabit na mga kabaong.

 

Naka-buntot pa rin si Aussie babes sa likod ko at siyempre nagnanakaw ako ng captures whenever she’s not looking. So, the photos are either nakatalikod or naka-side view siya.

 

Pagkatapos namin dito sa Echo Valley, parang dito ko na naramdaman na tapos na talaga ang trip namin. Kanina hindi ko pa siya naiisip pero ngayon parang ayaw ko pa palang umalis.

 

Nagkaka-sepanx ako thinking about it.

 

Ang lala pala ng attachment issues ko. Mukhang napamahal na kasi ako sa Sagada. I mean who wouldn’t love this majestic place?

 

For me, Sagada is a spiritual place where you can renew and start afresh. Parang ang gaan ibuhos ng lahat ng sama ng loob mo rito. You’ll feel like, you won’t burden the place with your problems kasi it’ll easily take it away from you.

 

“Penny for your thoughts?”

 

Napangiti ako.

 

Hindi na ata siya nagsasawa sa tanungan niyang ‘yan.

 

If I would give meaning sa mga salita niyang ‘yan, I think it’s her way of asking me if she could enter my mind… If I could allow her to know what’s going on inside my head.

 

In short, she’s asking if she could get to know me better.

 

“Hmm. I’ll miss Sagada.”

 

Mabilis lang ang paglakad namin pababa. Nadaanan na namin ang cemetery that the americans introduced – na up till now, ginagamit na ng mga locals.

 

I remember that our guid

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
538 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
138 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
345 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭