Chapter 10 - Adjourned

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Adjourn: to suspend court proceedings to another time or place, or to end them; the postponing or deferring of the proceedings of a meeting generally to another day or to another hours of the same day.

 

 

 

“Hi munchkin.”

 

Kakahatid lang sa’kin ni Aussie sa bahay at nakalimutan kong pumayag pala ako na bisitahin ako ng nanay kong hobby ang mag-MIA emz! Bungad niya agad sa akin ang endearment na ginagamit niya tuwing naglalambingan kami noon.

 

Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman nung narinig ko 'yon.

 

I feel bitter. Parang may pumapait sa lalamunan ko habang nakahawak pa rin ako sa doorknob namin. She’s just continuously making it hard for the both of us. Hindi ko kayang sumabay sa pace na gusto niya. It took her many years to show her face again so, why in the world would she think I’ll come around in a span of several months?

 

But then again, inaalala ko na Dad didn’t raise me to be an unreasonable person. Hinanap siya ng mga mata ko at napangiti ako nung nahahagilap ko siyang sumasayaw-sayaw habang nagluluto.

 

Nginitian ko rin ang nakaupo sa couch namin to show respect at naglakad na papasok. “Excuse me.” Sabi ko nung diniretso ko ang mga yapak ko papunta sa taas.

 

“Dad, I’ll help you. Bihis lang ako!” Pahabol ko ring sigaw nung binilisan ko ang pagpunta sa kwarto ko.

 

I chose to take a half-bath na lang kasi medyo malagkit ako mula sa biyahe. Open air kasi kami buong ride kaya lahat ng dumi at usok nakuha na namin.

 

Sinuot ko ang paborito kong pambahay na may cartoon print ng Tyrannosaurus sa gitna. Dad laughs at this all the time dahil napaka-isip bata ko pa rin daw. What can I do? This shirt has a great sentimental value dahil ito ang unang binili ko para sa sarili ko when I was in highschool.

 

“What are we serving today, chef?” I cheerfully entered our kitchen at kinuha ang extrang apron na isinabit ni Dad in case na gusto kong tumulong.

 

“We’re making champorado, Ms. Yu!” Pagsakay niya sa trip ko. He's stirring the ingredients at a careful speed. I like how he's very meticulous when it comes to cooking. Kahit pa simpleng champorado lang ay ginagawa niya ng may pagmamahal. “Can you pass the sugar, anak?” Itinuro niya ang pantry ng condiments. I rapidly obliged dahil malapit nang maluto ang champorado.

 

Honestly, my kitchen skills are below average. I can cook pero dapat ako lang ang kakain kasi di ako confident if papasa siya sa taste ng iba. It’s really dad’s part of the chores so all I would do is to help him pass the ingredients, hiwain ang mga kakailanganing sangkap, at maging taste-tester niya.

 

Habang inaayos ko na ang table, nililingon ko from time-to-time ang bisita namin to check kung okay lang ba siya ron. She seems to be tense at parang nag-iingat sa mga galaw niya.

 

As if naman maaapektuhan pa ako sa mga gagawin niya ‘no. Na-survive ko ang pang-iiwan niya, her minor mistakes won’t even hurt a bit.

 

 ”Why did you agree on letting your mom visit?” Biglang sambit ni Dad nung tumahimik na kaming dalawa sa kitchen pagkatapos kong maayos ang lamesa.

 

I expected na tatanungin talaga ni Dad ‘to. It usually takes me a lot of time para i-settle ang mga tampuhan at away na na-encounter ko. He witnessed my fight with Lia that took me almost a month para makipagbati kaya laking gulat na lang siguro niya nung bigla akong pumayag.

 

Bakit nga ba kasi ako pumayag?

 

I remember that my reason is because, kahit anong iwas ko, I’ll still end up this way; letting her in again sa buhay ko at pakikinggan ang excuse ng pag-iiwan niya.. kaya bakit ko pa patatagalin?

 

To take my time and prepare myself?

 

Lol, kahit anong ikot pa ng orasan, it will not change the fact that I am never ready to whatever explanation her dishonest mouth would utter. So, taking my time or speeding it up will not make any difference. The result will still be the same, masasaktan pa rin ako.

 

Mabuti na lang I got the time to reflect when I stomped my way pabalik sa room namin nung outreach. I should thank Aussie for that…

 

Hala ka!? Did I just blurt out that the reason for my rage was because of that Australian girl?

 

Napasimangot ako dahil bigla-bigla ko na lang siyang naaalala.

 

“S-sorry honey.. was it too much?” Dad panicked when he noticed my struggling demeanor while transferring the champorado. Akala niya siguro na-offend ako sa tanong niya.

 

I chuckled and helped him. “No, it was not.. And to answer your question, I agreed dahil you did not raise me to be a selfish and prideful person.”

 

That was just the half of my reason. Dad doesn’t need to know the other one  – that I agreed dahil wala naman akong takas kahit ano pang takbo ang gawin ko.

 

He smiled in fulfillment. “I’m proud of you anak… but you have to make a decision para sa sarili mo, hindi dahil sa akin or kahit nino man. Parang nakuha mo kasi ang trait ko na inuuna ang kapakanan ng iba kesa sa sarili and that’s not good  – too much of that will not be good, anak. Look at where it lead us.”

 

Tinuro niya ang kabuohan ng bahay; pertaining to our ruined family.

 

If you only know dad…

 

I’ve been so selfish lately na nandamay ako ng taong walang kamuwang-muwang. Na nabulag ako ng tinatapakan kong pride and lead me to thinking na sinasadya ng taong iyon na inisin ako.

 

I wanted to oppose Dad’s statement so bad… I want to tell him na I’m far from him dahil kayang-kaya kong magsinungaling at manloko para lang sa sariling kapakanan.

 

but I can't.. It's too early to feel Dad's disappointment sa akin.

 

Umigham na lang ako at inaya na siyang mag meriyenda. “Baka nagugutom na ang visitor natin.”

 

We giggled at kumuha na ng mga kakailanganin sa mesa.

 

“El, join us.” Pagtawag ni Dad sakaniya. Mahinhin siyang tumayo at lumapit sa hapagkainan.

 

Sumasama nanaman ang sikmura ko dahil sa nararamdaman ko towards the person na papunta na sa mesa.

 

It’ll be the first time in six years that we’ll be complete in the dining table.

 

My mind is flashing memories nung first time na hindi kami na kumpleto. It was the time when I said that Dad did his best to make me feel better dahil alam niyang malulungkot ako kapag nalaman ko ang katotohanan.

 

When I learned the truth kung bakit sobrang effort lang ni Dad nung araw na iyon, I couldn’t help but feel sappy. Despite the blue feeling that ruptured my being, Dad’s warm smile and goofy personality shone yellow and brightened the bitterness tuwing kakain kami nang hindi kumpleto.

 

Then I grew with it.

 

I thought na, okay rin naman pala kahit dalawa lang kami ni Dad.. with him being the cook and ako na mag-aayos ng pagkakainan. We don’t need someone to fulfill that role kasi magagawa naman pala namin.

 

My train of thoughts were stopped when Dad tapped my back. “Don’t beat yourself up, sweetheart.” He whispered. Nababasa niya siguro ang mga iniisip ko.

 

My mother took the seat in front of me. Ang gara, round table na nga yung mesa sa tapat ko pa rin talaga pumwesto.

 

Pumagitna naman si Dad sa amin dahil wala… wala siyang choice, ‘yan na lang ang natitirang upuan. Tinignan ko siya at parang kinakabahan at natatae yung pagmumukha niya. I unconsciously let out a giggle.

 

Ako pa talaga ang sinabihan niyang 'wag mag-alala ha?

 

“She still finds you funny.” Mabilis kong inangat ang ulo ko at hinanap kung saan galing ang boses… nandito nga pala siya, muntik ko na makalimutan.

 

Napatigil naman ako sa pag-ngiti kasi parang feeling ko tuwing naririnig ko ang boses niya, nasisira ang mood ko. Her voice just opens the treasure of memories na matagal ko nang binaon sa limot.

 

“Kaya nga eh. Ginagawa akong clown palagi.” Dad answered habang nilalagyan ng champorado ang mga bowl.

 

Malawak naman siyang ngumiti na parang nanlalambot sa aming dalawa ni Daddy.

 

Parang nasobrahan na ata sa pagiging komportable ang bisita namin at nakakalimutan na may anak siyang masama pa ang loob sa kaniya. I feel uneasy kasi titig siya nang titig sa akin. Malakas na ang kuyom ko sa mga kamay ko at mabigat na ang paghinga.

 

“And she even looks like you na.. Good thing she got your height rin.” She chuckled. Scanning my outer appearance.

 

Nawawalan na ako ng gana kumain sa sobrang inis.

 

Does she think na this is the right time to act like that?

 

May humawak sa kamay ko at pinapakalma ang namumuong init sa ulo ko. I don’t need to look para malaman na kamay ni Dad ‘yon. His hand has wounds and burns from cooking kaya kabisado ko na ‘to.

 

Huminga ako ng malalim and tapped Daddy’s hand. Naintindihan niya naman ang gusto kong sabihin kaya inalis niya na ito. Kinuha ko na ang kutsara at nagsimula nang kumain. Ayaw kong madamay ang iba sa pag-iba ng nararamdaman ko.

 

Hindi ko malasahan ng mabuti ang champorado.

 

Parang nabibingi na rin ako at wala nang marinig at pinaglalaruan lang ako ng isip at galit. Napatingin ako sa phone ko na nilagay ko muna sa vacant seat at my side. It lit up nung may natanggap akong mga message. I sneakily opened and read it habang nag-uusap na ang dalawang kasama ko.

 

Pakgirl:

[3:46pm] i arrived safely

[3:46pm] did you?

[3:47pm] i’d like to assume you did

[3:49pm] i heard the person that took you home is an excellent driver

 

 Napangiti ako dahil ang lakas lang ng amats ng isang 'to. Dumagdag pa yung pangalan niya sa contacts ko. Hmp! Papalitan ko na nga ‘yan mamaya.

 

Hindi muna ako nag-reply at sinusubukan kong i-enjoy ang inihain ng Daddy ko para sa amin.

 

Sumubo na ulit ako mula sa bowl at may lasa na ngayon ang champorado. Ang sarap at ang nostalgic! Binabalik ako sa pagiging bata.

 

Hindi ko namalayan na kumalma na ako ng konti at ineenjoy na ang champorado. Ngiting aso na nga siguro ako at hindi ko alam ang rason kung bakit.

 

O alam ko naman pero ayaw ko lang sabihin?

 

“Sweetheart.” Binaling ko agad ang tingin ko kay Dad. “Your mom’s asking.”

 

Asking? Wala akong narinig…

 

“Pardon?” I asked at itinaas ang mga kilay ko. Wala talaga akong idea kung ano na ang pinag-uusapan nila. Medyo rude and ignorant na nga in terms of table manners but mas gugustuhin ko na lang ‘to kesa sa tiisin ang umiipon na inis ko.

 

“I wanted to ask.. if it’s.. alright to take you out?” Dahan-dahan na pagpapaalam ni mommy. Her eyes are igniting with hope na baka pumayag ako.

 

I’ve thought of this, na may araw talaga na gusto niya akong ma-solo but I didn’t expect it was this soon. Nawawalan nanaman ulit ako ng rhythm sa paghinga.

 

My heart is screaming and crying because my inner child is finally having the one that she’s longing for  – a mother.

 

But my mind is contradicting because it’s connected with the memories and pain that I went through nung umalis siya.

 

“I-it’s okay if you’re not ready...” She added at halata sa boses niya na her expectations were failed.

 

“I’ll see if I have free time. School activities and final examinations are just right around the corner.” Yup, I gave her an answer. Probably also the longest set of words I offered her.

 

Pinipigilan ko ang sarili kong maglabas ng kahit anong emosyon para hindi siya umasa. I’m just giving the hint that there’s a possibility that I may or may not come around.

 

She had teary eyes when I glanced at her. Tumango rin siya in understanding.

 

I hate that I offered a glance at her. I hate it. Nakita ko ang ngiti niya na parang naasar ako. It’s like she won me over just like that pero ano bang magagawa ko? Pagdating sa kaniya palagi naman akong talo.

 

-

 

Pakgirl:

[4:00pm] hi

 

I’d say the meriyenda wasn’t that bad. Kahit naging roller coaster of emotions siya para sa akin, it turned out pretty well naman. Hindi rin naman nagtagal pa si mom at umalis na pagkatapos kumain. Maybe ayaw niya akong ma-overwhelm.

 

Nakangiti akong pumasok sa kwarto habang binasa ang bagong message na galing kay ‘it’ll take forever for me to respond’. Sige kainin mo pinagsasabi mo.

 

Me:

I arrived safely. Thanks to my excellent driver. [4:03pm]

 

I slumped my exhausted body sa bed at hindi na binitawan ang phone. She’s already typing.. Wow, kanina niya pa ba hinihintay ang reply ko?

 

Pakgirl:

[4:03pm] she’s great, right?

[4:04pm] i’m glad she took you home safely

 

Me:

I’m glad she did too. [4:04pm]

 

Naisip ko naman na baka mahirapan siyang mag-isip kung ano ang irereply sa message ko. I just don’t want it to end yet kaya dinagdagan ko ang reply ko.

 

Me:

Are you gonna take a rest na ba? [4:05pm]

 

Pakgirl:

[4:06pm] rest is not known in the vocabulary of law students, ma’am

 

Oo nga ‘no? Considering na malapit na nga ang finals siguro pinupugpog niya na rin ang sarili niya sa pag-aaral. Kung ako nga nagpaplano nang mag self-isolate para lang makapag focus sa studies, paano pa kaya siya na ginagawang hobby ang pagsaulo ng mga salitang hindi ko na maintindihan minsan.

 

Me:

Don’t be too hard sa sarili mo. [4:07pm]

 

Pakgirl:

[4:08pm] look who’s talking

 

Me:

I’m serious. [4:08pm]

 

Pakgirl:

[4:09pm] okay.. let’s not be too hard on ourselves.

 

Madali naman palang kausap eh. Sandali nga papalitan ko na ang contact name niya. Ano bang bagay sa kaniya? Hmmm.

 

Me:

Take a rest. We had a long morning. [4:11pm]

 

Dulce de leche:

[4:12pm] dream sweet dreams, ganda.

 

Ayan. Bagay 'yan sa kaniya. Palagi kasi siyang sweet pero minsan isa siyang leche!

 

-

 

*knock knock*

 

Padabog akong bumangon dahil sa ingay ng pagkatok. I looked at the clock and it’s already 7:00pm. Medyo napasarap ata ang tulog ko ah.

 

Kunot noo kong binuksan ang pinto at bumungad ang pagmumukha ng mga kaibigan ko. Bakit sila nandito?

 

“Anong mukha ‘yan?” Tanong ni Lia at nawala ang malawak na ngiti sa mukha niya. Maybe she figured out na wala akong idea sa biglaan nilang pang-aakyat bahay.

 

“Don’t tell me hindi mo alam?” Yeji gasped and covered .

 

Ano bang meron?

 

“Karina Yu, we’ll sleepover tonight.” Pag-inform naman ni Giselle at itinaas sa ere ang mga bitbit nilang bags.

 

Ngayon na pala ‘yon? All I remember was yung panunumbat nila na marami na akong utang na kuwento. Hindi ko naman alam na pagkatapos talaga ng outreach sila maghahagilap ng chismis.

 

“Mag-check ka rin kasi ng gc sish. Buti na lang talaga gising pa si Daddy Tisoy.” Oh, I forgot to open our group chat. At bakit pati ang tatay ko hindi na nakaligtas sa kaharutan ni Julia?! 

 

Nagkusa na silang pumasok sa kuwarto ko at kaniya-kaniya nang naghanap ng lagayan ng mga gamit. May dala pa silang projector at snacks, para siguro sa movie night na magaganap. Sure naman akong hindi sila magfo-focus sa movie kasi magchichismisan lang sila.

 

Nandito pa rin ako sa pintuan ko, nakatayo. Hindi ko alam ang gagawin dahil busy na sila sa pag-set up ng projector, nilalagay na ang snacks sa mini table ko at inaayos na ang pagpupwestohan namin.

 

“We could use some help naman kung gusto mong tumulong beh.” Sarcastic na sambit ni Lia habang kinokonek na ang laptop sa projector.

 

Inayos ko na lang ang higaan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
0 points #1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
529 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
132 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
337 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭