Chapter 14 - Felony

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Felony: A serious crime, usually punishable by at least one year in prison.

 

 

Kaloka!

 

Kagabi pa ‘ko message nang message kay Ate Dahyun pero hindi pa siya nag-rereply! Gaano ba ka busy ang college life niya at hindi man lang siya makapaglaan ng konting time sa pagrereply? Huhu ayoko na talaga.

 

Wala na ‘kong ibang ginawa kundi ang mag-panic!

 

Paano ba naman kasi ‘tong si Ate Dahyun, sinasadya talaga na pagdikitin kami ni Aussie… Gusto niya ba talagang sabihin ko sa kaniya ang status namin ngayon?

 

Uhm… Ate, stop the car. She needs space.

 

Ganorne?!

 

2nd class na ngayon namin this Wednesday morning at atat na atat na ako sa dismissal.

 

Ganoon pa rin naman ang ganap. Sa likod pa rin umupo si Aussie katabi ni Yujin. Malalang self-control nga ang ginagawa ko para hindi siya silipin at icheck kung okay lang ba siya roon.

 

Kahit naman humingi siya ng space sa’kin, hindi pa rin non makukuha ang pag-aalala ko sa kaniya.

 

I think, naging beneficial naman sa aming dalawa ang ginawa niya dahil una, nakapag-focus ulit ako ng konti sa acads, second, parang nararamdaman ko na mas comfortable na siyang gumalaw ngayon.

 

She’s happy and back to her placid self.

 

Unti-unti ko rin namang isinasaisip ang lahat ng nangyari these past months. I know na malayo pa ako sa acceptance stage and medyo may pagka-in denial pa but I’m getting there naman.

 

Hindi ko kasi mapigilang isipin na baka may chance pa. I’m still hoping kahit malabo na…

 

I am really facing the consequences of my actions, huh?

 

Nag-vibrate naman ang phone ko sa bulsa at pasimple ko itong nilabas sa ilalim ng desk.

 

Ate Dubs:

[10:25am] Hi rina! HAHAHA slr may meeting ulit tayo mamaya. Doon na lang natin i-discuss ang concern mo.

 

Finally! Akala ko wala na talagang pag-asa na baguhin ang arrangement namin.

 

Nag-text kasi ako para pakiusapan siya na ‘wag muna kaming isama ni Aussie sa iisang lugar. Hindi ko sinabi ang dahilan at wala talaga akong plano na sabihin.

 

I respect Aussie and her decisions regarding anything that’s happening between us.

 

Kaka-hingi pa nga lang niya ng space tapos pagsamahin ba naman kami sa isang transpo at kuwarto?

 

Hindi ko nga alam kung ano ang reaksiyon niya tungkol dito.

 

Sa tingin ko nga, stressed na rin siya dahil palagi na lang siyang nalilink sa akin. Imbes na tahimik at payapa na ang buhay niya, may mga pagkakataon pa rin talaga na she’d get associated with me.

 

Ayaw ko namang ma-suffocate siya kaya I took initiative to maintain our distance.

 

I considered not joining the trip pa sana pero minsan lang naman kasi ‘to, kaya gagawin ko na lang ang makakaya ko para mailayo ang sarili kay Aussie.

 

“Nagkakaintindihan ba tayo rito, 1-A?”

 

Naudlot ang pag-iisip ko nang marinig si Prof.

 

Huy, nawala ako sa discussion!

 

-

 

“Hello ulit sa inyo, council!”

 

Andito nanaman kami sa aming mahiwagang meeting room. Wala ulit akong idea kung ano ang pag-uusapan namin pero I think related siya sa trip namin?

 

Dito ulit ako nakaupo sa harapan, ganoon rin sina Aussie at ang dalawang Psych students.

 

Wala naman akong karapatan maramdaman ‘to pero parang naiinggit ako na ewan..? Gusto ko na ako ang katabi niya… Gusto kong ako ang kausap niya… Gusto kong akin lang siya…

 

Arghhhh! Ayoko neto!

 

“Baka nagtataka nanaman kayo kung tungkol saan ‘tong second urgent meeting na’tin.” Natatawang turan ni Ate Dahyun.

 

Binuksan niya naman ang cover ng projector at inilabas ang presentation na hinanda niya.

 

Di niyo kaya! May pa presentation si Pres kahit na tungkol lang ‘to sa trip namin.

 

“Directress reached out to me kahapon and I’m pleased to announce that she’ll excuse us sa Friday para 3 days ang trip natin! She mentioned na most classes sa Friday ay naka asynchronous naman kaya ibibigay niya na raw ‘to sa’tin.”

 

Our eyes beamed across the room.

 

College is very exhausting kaya sa mga simpleng bagay katulad ng extra days sa trip, ay makakapag bigay na sa amin ng sobra-sobrang galak.

 

“And we’re all here para sabihin that we canceled our trip to the beach.”

 

Ano?! Bakit naman!?

 

“Also, para maitanong rin namin sa inyo if… what are your thoughts about Sagada?”

 

SANDALI!

 

Did I hear that right?!

 

The very beautiful and captivating Sagada?!

 

No… way…

 

Sandali, ang daming pasavouge!

 

Meaning ba ay, they canceled our recent booking sa beach kasi mag-change kami ng location? And it's in Sagada?

 

As in the one and only Sagada?!

 

Nagpo-process pa rin sa utak ko ang sinabi ni Ate Dahyun nung nagsalita si Yuqi. “Pres, rinig ko medyo pricey ang pagpunta roon.”

 

Tumango ang aming Presidente, inexpect na niya siguro na maibabanggit ang expenses. “Ayan din pala ang concern ko nung nag-usap kami ni directress. Masaya naman akong sabihin na covered na ang ating gastusin by the univ and the directress herself… Sabi niya kasi this is her way to show her gratitude sa council.”

 

Once again, namangha nanaman ang lahat ng members sa loob ng room. As far as I’m knowledged, medyo may kamahalan nga ang tour package doon. It can cost up to fifty-thousand pesos kapag dalawa kayo.

 

Well, mayaman naman ang univ and the directress owns a lot of business and buildings in our area kaya keri naman siguro kahit 12 kaming aalis.

 

“Initially, our finance is already settled. Ang problema na lang natin is the itinerary for the whole trip… I might need some opinion galing sa mga nakapunta na roon para malaman natin kung ano ang dapat puntahan, bearing in mind na 3 days and 2 nights lang tayo doon.”

 

“Si Minju nakapunta na po ron, pres!” Napabaling ang tingin ko kay Heejin na akala mo nasa gitna ng stage kung maka-sigaw.

 

“That’s great! Minju, p’wedeng mag-stay ka muna after ng meeting?” Mahinhin namang pumayag si Minju sa pakiusap ni Ate Dahyun.

 

“Nag-book na rin pala kami ng accommodation natin. It was supposed to be an inn pero naisip namin na we should atleast feel the sagada vibe kahit sa tutulugan natin.” May pinindot nanaman si Ate Dahyun sa presentation niya.

 

Ibang level talaga!

 

The screen flashed a big red house that looks so homey and cozy. Very old-fashioned ang design and structure niya.

 

“We contacted the owner kanina and saktong kaka-cancel lang daw nung recent na nag-book ng buong place, which means, swerte talaga tayo dahil naging available siya nung nag-book kami.”  Ate presented the photos of the rooms and pag-tingin ko pa lang ay parang naramdaman ko na ang sariwang simoy ng hangin.

 

Grabe, it feels tranquil kahit pa tinitignan ko lang ‘to sa screen.

 

Pero may naisip ako…

 

“Ate, does this mean na we would need to ride a plane papunta roon?” Medyo time-consuming kasi kapag gagamit pa kami ng land-transportation like Coda Lines. It could take up to 10 hours.

 

Ramdam ko na ang pagod sa ten hours na ‘yon…

 

“Ah! I almost forgot… As Chan suggested, mas better if mag rent ulit tayo ng van. Mas maganda rin ang experience kasi we could have stopovers like sa Banaue. Sponsored na rin pala ni Prof Enrique ang transportation natin. Ipapahiram niya raw yung Ford Transit niya para comfy tayo sa travel. Actually, wala na talaga tayong poproblemahin. I’ll leave the waver for your parents to you guys. Mayroong one day and a half pa rin namang natitira para magpaalam.”

 

Ang shala!

 

Isa ‘to sa mga gusto ko sa university namin. The professors are undeniably generous and thoughtful. Hindi sila nagdadalawang isip na tulungan kami whenever we have this kind of event.

 

“Okay, continuing. Our accommodation is the Baey Bogan Homestay. It’s located sa residential area in Dagdag, Sagada. Ayon sa nabasa naming blog, it’s a 5-minute walk from the drop-off area and malayo siya sa noise and crowd pero malapit naman sa mga dining area, souvenir shops, parking space, at marami pang iba.”

 

“Pres, malapit lang ba ‘yan sa sikat na hanging coffins ng Sagada?” Pagputol ni Jay sa explanation ni Pres.

 

“If sasakay tayo, I think 6-minute ride lang siya. If maglalakad naman, it can take 32 minutes?”

 

So hindi naman pala siya malayo sa mga tourist spots. Ang galing!

 

Nagpatuloy na si Ate Dahyun. “This homestay is an up and down house with three guest rooms upstairs and two toilet bathrooms. The guests could access the backyard, kitchen, toilet, and shower areas. Yung living room naman is commonly shared among guests and the house owners. I hope it’s okay for everyone..? Don’t worry sabi ng reviews, the owners are very nice and friendly.”

 

Most of us replied na wala namang problema. It’s even better kasi meron kaming kasama na taga Sagada na talaga. It would be nice to hear some information from them.

 

“Now. Ang pinaka-importante sa lahat… Ang arrangement ulit natin!” Inannounce ito ni Ate Dahyun na parang siya ang nag-pahayag ng nanalo sa Miss Universe.

 

Hindi po ako excited Ate Dubs!

 

Alam ko kasing pagdidikitin nanaman kami niyan ni Aussie.

 

Speaking of Aussie, nawala ata ang atensyon ko sa kaniya simula nung nabanggit na ng president namin ang Sagada.

 

It’s a good sign naman diba? Hindi na masiyadong nababaling ang focus ko sa kaniya…

 

“So, 3 bedrooms lang siya. Lahat ng beds ay double sized – could accommodate two people sa isang kama… Let’s start from bedroom one; isang double bed…” Natigilan naman si Ate Dahyun nung may na-realize siya.

 

“Wait… so eight people lang ang kaya ng beds natin?!”

 

Oh no… twelve kami...

 

“Uhm… Pres, p’wede namang maglapag lang sa sahig ang boys.” Pag-suggest ni Kuya Chan.

 

Ate Dahyun sighed. Not pleased with the fact that not everyone could have the coziest rest place. “Sige, we’ll try to ask the owners kung p’wede…”

 

Naramdaman naman ng boys ang pagka-dismaya ni Ate Dahyun so they tried to cheer her up.

 

“Mas masarap kaya matulog sa sahig! Damang dama mo na parang nasa probinsiya ka lang!” Pagkuwento ni Jay.

 

Tumango-tango naman ang Soc Stud student na si Renjun sa kaniya. “Tapos, mas makakapaglikot ka pa nang mabuti. Kahit saan mo pa igugulong ang katawan mo!”

 

Tahimik lang sa gilid ang kaklase ni Renjun na si Jeno sa gilid pero malawak siyang ngumingiti.

 

“Sus! ‘Wag nga kayo diyan!” Mukhang gumaan naman ang loob ng president namin.

 

Ang sweet lang nila!

 

Nagsalita na rin si Jeno. First time ko ata siyang maririnig na magsalita. Tahimik lang kasi siya palagi sa meeting. “We’ll be fine, pres. Hindi naman masisira ng simpleng kama ang excitement namin sa trip.”

 

Napangiti naman ako doon. Hindi ako ngumiti dahil kay Jeno ha, but I smiled because naramdaman ko na they’re really willing to do that para wala nang babaguhin sa naplano na namin.

 

Habang ngumingiti, inikot ko naman ang tingin ko unconsciously at nahagilap ko ang masama..? Nahagilap ko ang masamang tingin ni Aussie…

 

Huy!

 

Hindi sa pagiging assumera…

 

Pero… akala niya ba, napangiti ako dahil kay Jeno?

 

Sis, hawak mo na ‘ko sa leeg! Huwag mo ‘kong tignan ng ganiyan kasi baka makalimutan kong nanghihingi ka ng space. Hng!

 

“Thank you, guys. Sagot ko na pambili niyo ng souvenirs doon.” Napahiyaw naman ang boys sa sinabi ni Ate…

 

Ang saya lang because the council feels like family to me. Sobrang gaan ng loob ko sa kanila at palagi akong nakangiti kapag sila ang kasama ko.

 

Kampante namang nagpatuloy si Ate Dahyun sa pag isa-isa ng details sa amin.

 

“Okay, summarize ko nga muna… Our expenses are already covered from the tickets up to the trip mismo. Then, our accommodation is already booked – ako na ang bahala sa access code at mag-fill out sa Umali-kayo na website… Tapos, ang estimated time ng travel is approximately 7-8 hours. Nga pala, bring your vaccination cards guys ha, in case lang.”

 

Hala, hindi ko na alam kung asan yung akin. Need pa ba talaga ‘yon?

 

“Ang check-in time ng homestay is from 2:00pm until 6:00pm. So, 5:00am pa lang aalis na tayo para timing lang na ala una ang dating natin – one hour ahead sa check-in time… Also, secure your luggage, trekking shoes or sandals, and get enough rest before the trip kasi matinding akyatan ng bundok ang gagawin natin doon.”

 

Ay, handang-handa na ang mga maskels ko pres! Sanay na ‘to sa cramps dahil sa swimming.

 

“I think that’s all lang muna sa ngayon. Yung arrangement natin sa rooms, on the day na lang ng trip. I’ll also send the itinerary later pagkatapos ng finalization… Minju, Rina, Chan and Chaeng stay muna kayo, yung iba p’wede nang mauna.”

 

Habang lumalabas, nagbubulong-bulungan pa ang mga members at dinig ko pa ang mahihinang tili nila. I guess hindi lang ako ang excited sa trip na ‘to.

 

Akala ko nga ay nakalabas na rin si Aussie kasama nila pero laking gulat ko na lang nung namataan ko siya sa dulo, katabi si Heejin.

 

Hihintayin ba nila si Minju..?

 

“Guys, sorry pero we’ll take some of your time pa ha.”

 

“No worries ate.” Malambing na wika ni Minju.

 

Kumunot naman ang noo ko kasi tunog sipsip siya!

 

“Actually, nag-research na kami nina Chan tungkol sa magandang puntahan doon.” Kinuha ni Ate Dahyun ang laptop niyang nakasaksak pa rin sa projector. Inilapit niya ito sa amin at ipinakita ang mga possible places na worth it lakbayin.

 

Teka, why am I still here kung ang itinerary na ang pinag-uusapan..?

 

“Rina, diyan ka lang muna ha. After this we’ll talk about your concern.” Parang nabasa naman ni Ate ang isip ko.

 

Okay na rin naman.

 

Atleast mas mauuna akong maka-alam ng details ng trip kesa sa iba. Hmp!

 

“As what Jay mentioned kanina, the hanging coffins’ already written sa listahan.” Naka-game face na si Ate Dahyun.

 

Grabe, she’s really taking this seriously.

 

Hanga rin ako sa dedication niya bilang president namin eh. Thankful nga ako na naabutan ko pa ang pamamalakad niya ng council.

 

We’re really lucky to have her.

 

“Pres, malapit lang ang Yoghurt house sa homestay and I think it’s a good place to start pagkatapos nating mag-settle sa accommodation.”

 

Tumango naman si Ate sa sinabi ni Minju at nag-simula nang mag-type sa template ng itinerary.

 

“Grabe, pagkain agad. Gusto ko ‘yan!” Ate Chaeng exclaimed lively.

 

Grabe damang-dama ko ang pagiging walang-silbi ko sa usapang ‘to. Kulang na lang kasi sa isang upuan na silang lahat umupo – dikit na dikit ba naman kay Ate Dahyun na busy sa pag-type and search.

 

“What about spelunking sa Sumaguing Cave? Gawin ba natin ‘to pagdating natin?”

 

Nagulat naman ako nung may pamilyar na boses na sumingit sa usapan. “Pres, it could cause us sore muscles on our first day – we don’t want that because it could lead to the possibility of not exploring the other activities.”

 

Akala ko hinihintay lang nila si Minju? Part rin pala sila sa paggawa ng itinerary?

 

“May point si Win… So, sa first day, how about yung pagkain na lang muna nila ang libutin natin?” Inangat naman ng president namin ang tingin niya para i-check kung agree ba kami.

 

Wait, I heard may pottery dun eh.

 

Inayos ko naman ang upo ko at nakipagsiksikan na rin sa position nila. “Ate, if we’re avoiding strenuous activities sa day of arrival

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
0 points #1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
527 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
130 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
335 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭