Chapter 11 - Conviction

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Conviction: A judgment of guilt against a criminal defendant.

 

 

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung huling pag-uusap namin ni Aussie.

 

Tatlong araw na rin siyang hindi pumapasok sa klase.

 

Alam ko masiyadong maraming absences na iyon for a college student and I can’t help but to blame myself kapag makakatanggap siya ng incomplete sa grades niya.

 

Dalawa lang ang subs namin ngayong araw at kakatapos lang nang pang-umaga na class namin. Yung isa mamayang hapon pa kaya nandito ako ngayon sa pool ng univ, tumatambay para ready na kaagad ako pagdating ni Coach.

 

Nag-start na akong mag-train nung Monday, pagkatapos ng usapan namin ni Aussie. I chose the 100m freestyle at laking pasasalamat naman ko dahil pumayag ang team na ito yung category ko at hindi na ito naging malaking problema.

 

Actually, kanina pa nga ako nandito at ready na ang athlete swimming suit ko. Sinuotan ko na lang muna ito ng varsity jacket ng univ dahil pumunta muna si Coach sa directress’ office para kunin ang mga papers na kakailanganin.

 

Wala pa naman akong gagawin kaya umupo muna ako dito sa poolside while dipping my feet sa water.

 

“Hello, nandito ba si Coach Baekhyun?”

 

Nagulat ako sa hindi pamilyar na boses na nagmula sa likuran ko. Tumingin ako sa kaniya and smiled politely.

 

Grabe ang tangkad niya.

 

“Hello po, pumunta lang po sa office. Babalik rin naman po siya agad.” Pag-iinform ko sa kaniya.

 

“Ah, pwede bang hintayin ko muna siya rito?” He gently asked habang tinuturo ang mga upuan na bakante sa gilid ng pool.

 

Sinabihan ko naman siya na walang problema dahil wala namang rule na nagsasabing hindi p’wedeng umupo ang hindi swimmer sa mga upuan na iyon. Natuod naman ako rito sa kinauupuan ko dahil ang awkward kapag nagkakatinginan kami.

 

“Loey!”

 

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman na boses iyon ng hinihintay namin na si Coach Baek. Nakita ko siyang tumatakbo pa para mabilisan niya ang pagpunta sa puwesto namin.

 

“Bakit ka naparito?” He asked by the time he arrived at our spot.

 

Sinalubong siya ng yakap ng lalakeng matangkad. “Narinig ko kasing nagsisimula nang mag-train ang swimming team. Hindi ko naman hahayaan na hindi ka mabisita rito.”

 

Part-time lang kasi ni Coach ang pagturo sa amin. He has his own job and kung may training lang talaga pumupunta rito or kapag pinapatawag lang siya sa faculty. I’m guessing na kaibigan niya si Kuyang matangkad at ngayon lang sila nakapag-reunite ulit.

 

“Oh, you’ve met my athlete? Loey this is Karina, Karina this is Chanyeol. Law student din siya pero masiyadong irrelevant kaya hindi sikat.”

 

I chuckled sa pagpapakilala niya kay Kuya Chanyeol sa akin. Him being a law student didn’t go unnoticed dahil nagpagting agad ang tenga ko.

 

So, under din pala siya sa College of Law?

 

Bakit hindi siya familiar sa akin? Kahit sa socmed account ng school hindi ko siya nakikita.

 

 Sabagay, 1st year pa lang naman ako. Hindi ko pa talaga kilala ang lahat.

 

“Nice to meet you, Karina. 4th year Soc Stud ako rito.” He handed out his hand para makipagkamayan at mabilis ko naman itong tinanggap.

 

“Nice to meet you po. 1st year student po ako under Pol Sci.”

 

While I’m shaking his hand. Nakuha ng babaeng papalapit sa direksyon namin ang atensyon ko. Mukha siyang cotton candy sa skyblue na sweater at denim skirt niya.

 

I squinted my eyes dahil parang pamilyar ang kaniyang way ng paglalakad.

 

Is that… Aussie?

 

Walang prenong tumibok ang puso ko.

 

I feel relieved to see her on campus..

 

Wait.

 

Parang sisinukin ata ako.

 

Patuloy ko lang siyang tinitignan at hindi na inalis ang tingin sa kaniya.

 

She looks different.. ang cute niya..

 

“Right timing! Baek may papakilala ako.” Kung hindi pa nagsalita si Kuya Chanyeol, hindi ko mamamalayang hindi na pala ako humihinga.

 

Nakalapit na rin pala si Aussie sa amin at nakapako pa rin ang tingin ko sa kaniya. She glanced at me and parang nagulat pa nung makita niyang naririto ako.

 

Ano? Ikaw lang pa p’wede rito? Hmp!

 

Nakabawi naman siya sa pagkakagulat at nginitian ako ng konti.

 

Ang damot niya na sa ngiti…

 

“Winter, si Baekhyun nga pala. Baek, si Winter… My partner.”

 

A-ano?

 

Ano raw?!

 

P-partner..?

 

As in partner na partner sa gawain o partner sa buhay?

 

“What? That’s great news!” Coach Baek almost squeeled sa sobrang excited niya para sa kaibigan niya.

 

Tinignan ni Kuya Tangkad si Aussie na parang pinaka-iingatan niya itong ginto. “Yeah. I’m really glad I found her.”

 

Napasimangot ako.

 

Hindi ko na naririnig kung ano pang pinag-uusapan nila dahil busy na akong magmukmok sa pag-ikot ng tiyan ko. I don’t know kung anong klaseng pakiramdam ‘to pero one thing’s for sure, I don’t like it.

 

“Oh, Pol Sci ka rin pala?  Edi classmates kayo ni Rina?” I woke up from my trance nung marinig ko ang pangalan ko.

 

Tumingin ako kay Aussie at naghihintay rin sa kung ano ang sasabihin niya.

 

“Ah, yeah.. we know each other.” Walang emosyon niyang sabi.

 

We know each other?

 

Ang daming pwede itawag sa kung anong meron kami pero yung ‘we know each other’? Ano ‘yun? Casual lang ganon?

 

Hays. Why am I getting frustrated about this?

 

Wala nga akong narinig na masama mula sa kaniya nung ni-reject ko siya nang may mababaw na dahilan.

 

Pero tatlong araw pa lang kasi…

 

Tatlong araw pa lang, mayroon na siyang ibang partner.

 

“Alright, we’ll go na Baek.. Rina, see you around.” umakbay siya kay Aussie at hindi niya ito tinanggal kahit naglalakad na sila palabas.

 

Ang gulo. Naguguluhan ako.

 

Akala ko ba…

 

Hindi, ‘wag na pala. Ako rin naman pala may gusto nito.

 

“Rina, position na tayo.”

 

Wala sa wisyo akong sumunod kay Coach at pumunta na sa starting block. Parang nawala sa isip ko lahat ng alam ko tungkol sa swimming at hindi ako makagalaw ng maayos. My eyes are getting clouded, covered with these dark toned goggles.

 

Hingang malalim…

 

Focus…

 

‘Si Winter… My partner.’

 

“Ready…”

 

I shook my head dahil may naririnig akong masasamang words. I’m trying to focus sa boses ni Coah pero may ibang nagsasalita sa isip ko.

 

‘I’m really glad I found her.’

 

“Start!”

 

Shunga!

 

Mali!

 

Mali ang timing at ang motion ng pagtalon ko! Parang hinampas ng pader ang katawan ko pero nagpatuloy ako sa paglangoy at doon binuhos ang lahat ng mabigat na nararamdaman ko.

 

Wala nang rhythm ang paglangoy ko at sobrang lakas na ng mga palo at sipa ko. Hindi ko na marinig si Coach at parang nabibingi ako sa ilalim ng tubig.

 

All the pent up frustrations and confusions ay nilalabas ko sa bawat ahon at lusong.

 

“Rina, slow down and don’t get too hard!” I can now hear Coach Baek. He sounds worried and annoyed at the same time.

 

I was about to slow down my pace nung naramdaman kong may kumikirot na sa paa ko.

 

.

 

Cramps!

 

“Coach!” Alanganin akong napasigaw at inayos ang paglutang sa tubig. Itinaas ko na rin ang kamay ko to indicate na kailangan ko ng tulong. 

 

Hindi na 'ko makalangoy sa lakas nang pagkirot.

 

Hirap na akong huminga at wala talaga akong makapitan sa kung saang parte man ako ng pool ngayon.

 

Matindi na ang sakit na nararamdaman ko sa paa ko. Parang pinipiga na ito at hindi ko na maramdaman ang ibang parte ng katawan ko.

 

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at pinipilit pa ring itaas ang kamay. Tina-try ko ring isipa ang isa kong paa para hindi ako lumubog nang tuluyan.

 

Asan na ba si Coach?!

 

Magpapanic pa sana ako nang malala nung may humila na sa akin papuntang poolside. Wala na akong pakealam kung si Coach man ‘to o ibang tao, yumakap na  kaagad ako sakaniya kasi hindi ko na talaga kaya.

 

Nagulat ako nung niyakap niya ako pabalik at hinaplos pa ang likod ko.

 

“It’s alright. You’re alright.” Kilala ko ang boses na ‘yan…

 

Akala ko umalis na siya?

 

Hindi ko na siya tinignan at siniksik na lang ang ulo sa balikat niya.

 

“Ang bilis mo tumalon, Winter. Here, grab my hand.”

 

Ang ineexpect kong magliligtas sa akin, hihila lang pala mula sa itaas. Wow, thanks coach.

 

“Grab her first, Coach.” Sabi niya at iniangat ako pa-itaas. Mabilis naman akong hinila ni Coach at inayos ang pagkakaupo ko sa gilid.

 

Sumunod naman si Aussie at umakyat na mula sa tubig at pumwesto sa left side ko; kung saan nagka-cramps ang paa ko.

 

“Ayan kasi, hindi nakikinig. Ang laki ng galit sa tubig eh.” Nakuha pa talaga ni Coach mang-asar kahit na nasa kabingit-bingitan na ‘yung buhay ko kanina.

 

Sinimangutan ko na lang siya at tumingin na kay Aussie.

 

Nabasa ang sweater at denim skirt niya.

 

Hala! Tumalon ba siya nang naka skirt?!

 

“Does this hurt?” Tanong niya habang minamasahe ang paa ko.

 

Wala akong maramdaman na ibang hurt kundi ang pagkirot ng dibdib at kalamnan ko habang naririnig ko pa rin ang salitang ‘partner’

 

“Mm.” I hummed. “Masakit..”

 

Nakatingin lang ako sakaniya habang seryoso niyang hinihilot ang paa ko. Nasasagabal ng buhok niya ang kaniyang mga mata habang nakayuko kaya I unconsciously tucked it behind her ear that made her freeze in her position.

 

Ilang segundo ang nakalipas binalewala niya lang ang ginawa ko at nagpatuloy na lang ulit siya sa paghilot ng paa ko. Tinanong niya pa ako kung gusto ko bang magpa-clinic. Sabi ko naman na okay lang ako, malayo kaya ito sa atay!

 

Hindi ko maiwasang mapatitig sa basa niyang mukha. Dagdag mo pa na seryoso siya at kunot ang noo.

 

I kinda… feel… a sense of longing towards her.

 

“Magkakasakit ka niyan.” Concerned kong sabi. Hindi ko na talaga kasi mapigilan! Feeling ko, sasabog ako kapag wala akong sasabihin sa kaniya.

 

“It’s nothing.. Can you move your foot?”  Nasesense kong iniiba niya ang topic kaya hinayaan ko na lang.

 

Nanlumo naman ako kasi ang lamig na niyang makipag-usap. Hindi na siya ngumingiti, Hindi niya rin hinahabaan ang mga sagot niya.

 

I sighed before lifting my legs and tried to stand up.

 

I supported my body using my hands and right foot. Muntikan pa kong matumba pero na balanse ko naman. Mabilis nga mag-react si Aussie dahil ready na siyang saluhin ako kapag matumba ako.

 

Ay.

 

Literally and figuratively?

 

“We’re done for today, Rina. Ipahinga mo muna yang isip at katawan mo.” Coach tapped my shoulder at sinalubong na ang ibang trainees na kakarating lang from their classes.

 

Feeling ko nga need ko talagang magpahinga.

 

Dahan-dahan kong nilakad ang mga paa ko. Gusto kong ngang tumawa kasi parang bodyguard lang ‘tong babae sa likod ko.

 

“I’m okay na, Winter.” Papaalisin ko na sana siya nung maalala kong basa pala ang damit niya. “Do you have some spare clothes? Meron ako dun, pahiramin muna kita.” Diretso kong offer.

 

“As much as I want to decline, I think I really need to accept your offer.” She chuckled awkwardly.

 

Sa sobrang ilang niya sakin, nagiging uncomfy na rin ako. At saka, kumirot rin yung dibdib ko nung sinabi niyang tatanggihan niya yung offer ko.

 

“Bakit? May gagawin ka pa ba rito?” Nakasimangot kong tanong at nilingon siya.

 

“Yeah. I have a commitment with my partner.” Sabi niya nang may maliit na ngiti sa labi.

 

NYENYE

 

Sana di na lang ako nag-tanong.

 

“Ge.”

 

Binilisan ko na ang paglakad papunta sa locker at sumunod lang siya. Naghalungkat agad ako sa duffel bag ko ng extrang mga damit at shorts. Yung natitirang extra ko na lang ay ang white t-shirt at isang jersey na may apelyido ko.

 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at yung jersey ko yung binigay ko sa kaniya.

 

“Sorry, eto na lang yung shirt na natitira eh.” Wow, best actress.

 

“How about you?” Nanghina naman ang tuhod ko dahil ako pa rin ang inaalala niya.

 

“I can use what I wore nung dumating ako.” Sabi ko naman habang pinagpipilitang ibigay ang jersey ko.

 

Hindi naman siya nanlaban pa at kinuha na ang damit ko nang walang pake kahit may pangalan ko ito.

 

Nag-offer na rin ako ng sabon at shampoo para kapag gusto niyang maligo ay may magagamit siya.

 

Pumasok na rin ako sa changing room at nag shower muna bago magpalit na ng grey sweatpants at white loose shirt. Ang fresh ko lang tignan. Hindi na ako magugulat kapag marami ang titingin sa akin mamaya.

 

Pagkalabas ko, dumiretso ako sa salamin para maglagay ng moisturizer at natural look na make-up.

 

Binubuksan ko na ang liptint ko nung nakita ko ang pagbukas ng door ni Aussie sa salamin. Saktong-sakto lang sa kaniya ang damit ko na may pangalan ng Univ sa harapan. Tumalikod siya at isinarado ang pinto ng maigi. Yumuko ako at ngumiti nung nakita ko ang apelyido ko sa likod.

 

YU

 11

 

Hindi na natanggal ang ngiti ko kahit pa nakalapit na rin siya sa salamin. Naguguluhan nga rin siya when she got a glimpse of my face.

 

Ewan ko ba pero masaya ako na kebs lang sakaniya ang pagsuot ng jersey na ‘to. To be honest, hindi ko na talaga sinusuot ‘yan kapag walang game or competition. Nilalagay ko lang sa bag ko for emergency and I think, now is the perfect example of my kind of emergency.

 

“Uhm. I’ll give this back tomorrow. I’m gonna wash it first.” Nawala ang ngiti ko nang maramdaman ko ulit ang pagiging ilang niya sa akin.

 

I sighed. 

 

Should I address the big elephant in the room?

 

“I’m sorry, Winter. Am I making this hard para sa’yo?” Wala namang rason para magpasikot-sikot pa.

 

Ang kapal rin naman kasi ng mukha kong umakto na parang hindi ko siya sinaktan. I internally slapped myself for that.

 

Alam ko na selfish pa rin ako.

 

Pero there’s just this part of me na hindi na kayang gumana kapag hindi ko nararamdaman ang presensya niya.

 

She pursed her lips at umiling na lang ng mahina. “Even if you’re not doing anything.. it’s still hard.” Tumingin na lang siya sa’kin with her eyes na nangangausap. Parang nagpapakiusap ito na ‘wag muna siyang lapitan o pahirapan.

 

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang siyang umalis.

 

Why is it that everytime she walks away without reassuring that we’ll see each other again, parang she’s bringing a portion of my whole being, making me feel empty and incomplete.

 

Ang tanga.

 

This would be the first na sasabihan ko ang sarili ko neto pero ang tanga ko. Pagkatapos ng lahat, sarili ko pa rin ang iniisip ko.

 

Lumabas ako ng pool area na may mabigat na damdamin.

 

Aussie just jumped into the pool from the moment she heard my call. Hindi ko pa man natanong kung bakit nandoon siya sa time na nagka-cramps ako pero alam kong simula sa pagkakataong iyon. I felt safe around her embrace.

 

Ngayon ko lang ulit na-alala that she cares a lot for me.

 

So kung selfish na nga ako, tapos kapakanan ko rin ang inaatupag ni Aussie, edi dalawa na kami ang nag-aalala para sa’kin?

 

Who’s gonna look out for her if ako na lang lahat?

 

Who’s gonna take care of her?

 

“Ssob K!” Dito ulit ako napadaan sa hallway ng mga nursing students. Pupunta akong canteen dahil parang nagutom ako sa pangyayari kanina.

 

Mukhang walang Prof ngayon sina Ryu kaya ako nanaman ang nakita.

 

“Ssob K, sa canteen ba ang punta mo? Sama ako.” Wallet lang ang dala ni Ryu. Siguro may bibilhin lang siya sa canten tapos babalik rin naman. 

 

Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil parang ayaw kong magsalita.

 

“Ssob K, narinig ko ang nangyari.”

 

“Siyempre, laking chismosa mo eh.” Medyo cold ata ang tono ko kaya napasimangot si Ryu.

 

We’re heading towards the canteen at isang tao agad ang nakakuha ng atensyon ko. Despite the large crowd of students, my eyes were directed to her.

 

Nandito rin siya..

 

Kasama ang partner niya.

 

“Alam mo Ssob K, takot ‘yang si Win sa tubig. I mean, hindi sa hindi siya naliligo ha.. takot talaga siya sa malawak at malalalim na tubig.” Sabi ni Ryu habang tinitignan sina Aussie.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
540 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
139 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
349 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭