Chapter 15 - Venue

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Venue: The geographic area in which a court has jurisdiction. A change of venue is a change or transfer of a case from one judicial district to another.

 

 

 

I didn’t monitor the time nung nagsimula na kaming mag-biyahe. Kakagising ko nga lang dahil nakatulog ako. Good choice talaga na yung upuan sa window side ang napili ko.

 

Prof Enrique’s Ford Transit consists three seats per row; isang solo and may dalawang magkatabi. Luckily, isa ako sa mga naunang pumasok kaya naka-jackpot ako rito.

 

Madali nga ring gumalaw dito sa loob kasi spacious talaga siya.

 

May slight problem lang ako…

 

Si Minju sisteret ang kumuha ng upuan sa kabilang window side ng row ko and guess what?! Hinila niya si Aussie na umupo sa tabi niya kaya ayun… napapagitnaan siya namin ngayon.

 

Hindi naman ako nagrereklamo at may space naman sa side ko but dinig na dinig ko kasi ang pinag-uusapan nila. Alagang-alaga siya ni sisteret at hinahayaan lang naman siya ni Aussie.

 

I kinda knew na ganiyan talaga ang personality ni Aussie. She’s someone na hahayaan ka lang sa gusto mong gawin sa kaniya. Kahit pahidan mo pa ng malagkit na kanin ang mukha niya, wapakels lang siya!

 

“Wake me up if may kailangan ka, Win ha.” Ayan nanaman siya. Stage mother ka sis?

 

Kidding aside, mabuti na lang at nandiyan siya to take care of this innocent Aussie girl na walang kamuwang-muwang sa kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Afterall, ang kapakanan niya pa rin ang mas importante sa akin.

 

Wow! Ang galing ko lang nung sinabihan kong stage mother si Minju sisteret pero ako 'tong tunog hilaw na nanay.

 

“Rina, may extra neck pillow ka raw ba riyan?” My thoughts we’re disrupted nang marinig ko ang tanong ni Jay na nakaupo sa harap ko.

 

Mukha ba akong factory ng unan?

 

“Wala eh but I have my plushie sa bag. I’ll let you borrow it if you want.” Siyempre as a kind and civilized woman ng Pilipinas, nag-alok ako nang kung anong meron ako as of now.

 

Jay chuckled na ikinataas ng mga kilay ko. “Ay, hindi siya para sa akin. Si Jeno sana ang hihiram, nauuntog na kasi siya sa window tuwing iidlip.”

 

Mare naman! Hindi ko na problema kapag nakalimutan niyong magdala ng unan. Hindi naman nag-kulang si Ate Dahyun sa pag-remind sa'tin tungkol sa mga importanteng dadalhin.

 

“Oh?” Tumingin ako kay Jeno na nasa window side ng van at namumula na nga ang noo niya. Napakamot na lang ako ng noo.

 

Sana naman hindi siya tulo laway… Kaka-laba lang nitong plushie ko.

 

I looked down at chineck muna kung saang banda ko nilagay ang bag ko. I leaned forward at mabilisang kinuha ang kuromi plushie that almost occupied all of the space of my bag.

 

“Ah.. ‘wag na Ms. Yu. I have something na masasandalan naman.” Pagpigil ni Jeno sa akin nang iaabot ko na sana ang stuffed toy ko.

 

Beh, pinatayo mo pa muna ako bago mo tanggihan ano?

 

Awkward akong bumalik sa maayos na pagkakaupo at parang biglang nanayo ang mga balahibo ko. Feeling ko may matang tumitingin sa bawat galaw ko.

 

Alam niyo ba ‘yon? ‘Yung wala ka namang ginagawang karumal-dumal pero parang may masamang hangin ka na nararamdaman?

 

Kaya pasimple kong inikot ang mga mata ko para icheck kung may kaluluwa ba kaming naisama sa trip.

 

Anak ka ng mama mong dilaw!

 

Ibang kaluluwa pala…

 

Na… Nasapian ba si Aussie?

 

Cause her eyes… her eyes are shooting daggers…

 

Hindi naman ganoon kasama ang tingin niya pero for someone na chill lang palagi, this is something that she doesn’t do on a regular basis.

 

Parang nakita ko na ang mga matang iyan…

 

Ah!

 

Nung meeting ng Sagada trip. When I smiled dahil sa thoughtfulness ng boys.

 

Nilakasan ko ang loob ko to fully face her. I don’t want her to think na I’m flirting with someone else when she is the only person that inhabited my mind lately.

 

Hindi ko alam ang gagawin ko… So, I settled with a gentle and tranquil smile. I hope you know what this means.

 

Her aggressive orbs turned into soft ones at parang nakalma naman siya.

 

Oops, hanggang diyan lang, Rina! Boundaries, boundaries.

 

Nung nakampante na ako. Umusod na ulit ako papalapit sa bintana. I leaned my head again but not without releasing a heavy sigh.

 

Ang hirap…

 

Nahihirapan na ‘ko sa sitwasyon namin. I think I’ve led us to an uncertain path, the one na sobrang gulo at ang hirap nang lagpasan.

 

But I’m Karina Yu. Kung ano ang sinimulan ko, tatapusin ko. If I started wrong, I’ll end it right.

 

“Karina, gusto mo ba ng pugo? Dinala ko na kasi lahat ng pinakuluan ni mommy kanina.” Ate Dahyun held out the plastic container na naglalaman ng napakaraming pugo.

 

I took three pieces dahil alam kong makalat ako magbalat ng itlog kaya as much as possible, kung ano lang ang kasiya sa kamay ko, iyon lang ang kukuhanin ko.

 

“Ikaw, Win? Marunong ka ba magbalat ng pugo?” I wheezed unintentionally sa tanong ni Ate kay Aussie.

 

Anong akala niya sa isa? Wala na talagang alam sa mundo?

 

“Is that the same as peeling an egg?”

 

Mas lumakas pa ang tawa ko.

 

Peste. Mas better siguro na ‘wag na lang kayong mag-usap dalawa.

 

Ano bang tignin neto sa pugo na nasa harapan niya? Isda?

 

Ang sakit na ng tiyan ko kakahagikgik. Jusme, baka kabagin ako neto.

 

“Etong si Rina, masiyadong masaya sa amin ni Winter… Ay, baka kay Winter lang pala masaya?” Naudlot ang pagpapakasaya ko dahil sa sinambit ni Ate.

 

Bumusangot ako. “Ate, please…” Medyo seryoso ko pang pakiusap.

 

Okay lang naman kasi na asarin kaming dalawa pero sana tuparin niya naman yung sinabi niya na she’ll do her best para respetuhin ang nangyayari sa amin ni Aussie.

 

Alam kong she’s just playing around and teasing me… but didn’t we talk about this? Sa akin, wala talagang problema but for Aussie… maybe it’s uncomfortable for her.

 

“Okay sige, hindi na. Sorry…” I pursed my lips nung tumigil na siya sa agenda niya.

 

I checked on Aussie pero parang wala naman pala siyang pakealam sa nangyayari dahil kinakagat niya nanaman ang bibig niya sa sobrang pag-focus sa binabalatan niyang pugo.

 

Cute.

 

Muntik nanaman akong matulala sa kaniya nung nahagilap ng pang-amoy ko ang napakabangong adobo. Kilalang-kilala ko ang amoy dahil distinct na ito sa ilong ko.

 

“Chaeng, ilabas mo na ‘yang adobo mo! Kahit anong tago mo pa diyan, amoy na amoy pa rin namin dito!” Sinamaan ng tingin ni Ate Chaeng sina Kuya Chan.

 

Itatago mo pa ah. Perfect partner kaya 'yan sa hawak kong pugo!

 

“Kakabukas pa nga lang eh! I’ll share naman!”

 

Smooth lang naman ang takbo ng van kaya marami kaming tumayo papalapit sa dulo kung saan nakaupo ang mga seniors namin. Four-seater na kasi ang last row kaya dun sila nagkumpulan. 

 

“Hayst mabuti na lang talaga marami yung niluto ko!” Kumuha muna kami ng paper plate na dala ni Yuqi at naglagay ng konting serving ng adobo rito. We’re making sure na hindi kami kakain ng masiyadong marami dahil malayo pa ang next stop and we’re not a hundred percent sure if may comfort room doon.

 

Pantawid gutom lang gano’n.

 

I got myself a good two spoon serving pero parang there’s something within me na gustong dagdagan ang kuha dahil ang forenjer hindi talaga umaalis sa p’westo niya.

 

I know her well enough to understand that she’s still reticent sa members. Hindi kagaya ko na isang extrovert, Aussie needs to take her time to open up to the council. Considering rin na it’s not that long naman simula nung sumali siya sa amin.

 

Sige, I’ll trust whatever my gut tells me to do.

 

Naglagay ako ng konting serving sa bagong paper plate at nagpasalamat na sa sponsor ng adobo na si Ate Chaeng.

 

Wait, wait! Paano kapag hindi niya tatanggapin?

 

Edi, ouch.

 

Am I being pushy? Sobra-sobra na ba?

 

‘I need time… and space to think… to process everything..’

 

I sighed at binalik na lang ang kinuha kong pagkain para sa kaniya. I’ll ask the others na lang na bigyan siya so that I don’t have to give it myself.

 

“Mga ma’am at sir. Malapit na po tayo sa Banaue.” Nanlulumo pa ako nung sinabi na ni Kuya Nelson na malapit na kami sa first stop namin.

 

Bakit parang ang bilis naman? Parang hindi naman ako pinagpawisan. Keme, naka aircon pala kami.

 

Naubos ko na rin ang kinuha kong pagkain and I took my water bottle sa bag. Laking pasasalamat ko rin kay Ate Dahyun dahil siya na ang nagbigay ng pagkain kay Aussie. Pambawi niya raw sa pang-aasar.

 

Buti naman. Chos!

 

“Win, do you want banana milk?” Muntik pang mabali ang leeg ko sa sobrang bilis ng paglingon ko.

 

She loves banana milk…

 

Alam ko ‘yan dahil may keychain siya ng banana milk sa bag niya. Her notebooks also have banana milk stickers pasted on the covers. Ang weird nga dahil hindi siya kagaya ng iba na specific talaga sa nilalagay sa mga notebooks nila and I admire her for that – my type of weird.

 

Sinilip ko ang reaksyon niya sa tanong ni Minju at nakita ko naman ang kumikinang niyang mga mata. “Do you have one?”

 

Minju chuckled and took something from her bag. “Of course! I brought strawberry and banana pero alam kong gusto mo ang banana kaya that’s the flavor I offered.”

 

I listened intently.

 

“For someone who claims to have poor memory, you sure remember a lot about me.” Turan niya pagkatapos tanggapin ang carton ng banana milk nang may malawak na ngiti.

 

Napakagat ako ng labi. Trying to control the emotions that’s overwhelming me. Now is not the time to be unreasonable.

 

Masiyadong aggressive ata ang pagtalikod ko sa kanila – stopping my pagsilip and pakikinig agenda.

 

I remembered it also, Aussie…

 

Ang gara lang kasi the way she interacts with Minju sisteret is the way how she communicates with people na she feels secure with. It’s funny kasi ganiyan din siya makipag-usap sa akin… dati.

 

Yung parang mapang-asar pero katotohanan naman ang lumalabas sa bibig niya.

 

“Andito na po tayo sa Banaue!” Masiglang sabi ni Kuya Nelson.

 

Ang bilis talaga?!

 

“Gising na mga anak! Nasa Banaue na tayo! You don’t wanna miss our first stop.” May pa-palakpak effect pa si Ate Dahyun para magising talaga ang mga nakatulog naming mga kaasama.

 

Mabuti na lang talaga nakaidlip na ako kanina kaya gising na gising na ang diwa ko. Hinanap ko pa muna ang camera na dinala ko bago bumaba.

 

And from the moment that I stepped foot on the ground of Banaue, I felt all kinds of seasons drowning into every part of me. The summer’s sun touching my bare skin – emitting a good kind of heat. The autumn’s breeze passing through the strands of my hair. The spring season’s variety of colors displaying in front of my sight… And the winter-like atmosphere created by the cold wind and blue sky.

 

Winter…

 

Bakit kapag malalim ang iniisip ko, everything would lead to this certain girl?

 

I shook my head at tuluyan nang naglakad papalapit sa Arch. Kumpleto na rin pala rito. May bilihan na ng souvenirs and malapit lang ang watching area ng rice terraces.

 

I started capturing random frames of the view. Sinusubukan ko ring gandahan ang angle; zooming in sa mga souvenirs and zooming out if it’s the mountains.

 

“Rina, take a picture of me dali!” Hinarap ko si Ate Dahyun na tumawag sa akin and happily obliged sa utos niya.

 

“Okay, ate. 1.. 2.. 3.. cheese!” Tatlong shots ang kinuha ko para may pagpipilian si Ate.

 

“Tara na, limited lang ang time natin dito…” Hinila niya na rin ako papunta sa watching area.

 

Mayroon kasing space for viewing and photo-taking. Kitang-kita ang buong landscape sa area na iyon and good idea siya para iwas sa mga reckless na turista. Hindi kasi talaga natin maiiwasan ang mga taong medyo inconsiderate sa culture ng iba.

 

And It’s fascinating how the locals would think of a better way to provide good tourist services but at the same time preserve their environment.

 

By the time I felt that I was already near Banaue Rice Terraces, I couldn’t help but rub my eyes.

 

I’m making sure na totoo ang lahat ng ‘to.

 

It’s so…

 

Beautiful.

 

P’wede bang pag-mategi ako, ito yung hagdan ko paakyat?

 

Wow, sure na sure na aakyat ah!

 

Jokes aside, ang sarap sa pakiramdam kapag yung mga nakikita mo sa aklat nung elementary, ay nakikita na ngayon ng eyes mo. It would feel a thousand times better.

 

Natutulala na talaga ako rito. I want to give credit sa mga taga-Ifugao who’s taking good care of the rice terraces. Halatang well-preserved and maintained talaga ang lugar.

 

Everything is interacting beautifully. The massive size of the rice terraces and the tiny houses. The hues of the scenery; green being the dominant shade, blending perfectly with the perfect tint of the white clouded sky.

 

“Penny for your thoughts?”

 

My breath hitched from the familiar question. It’s what she’s always asking me if ever my thoughts bring me into another dimensions.

 

‘Yun nga lang, it’s not from the person that I wanted it to come from. Sa boses pa lang alam ko nang hindi siya ‘to.

 

Boses ng lalaki naman kasi.

 

It’s Jeno.

 

P’wede ko bang sabihin na medyo disappointed ako dahil hindi siya si Aussie..?

 

Pinilit kong ngumiti and atleast answer his query. “Hm, I just find the place captivating. Nothing much.”

 

He chuckled. What’s funny beh?

 

“I get it. Sobrang ganda naman kasi ng lugar…” No beh, you don’t get it! Ako, naiiyak na ‘ko sa beauty ng Banaue tapos ikaw nakuha mo pang tumawa.

 

Tumango na lang ako at nagpatuloy na sa pag-capture ng photos and panonood ng scenery.

 

“Guys if gusto niyong bumili ng souvenir, sabay na lang tayo ha!” Sigaw ni Kuya Chan sa other side ng area.

 

Tinignan ako ni Jeno… Hep, hep! Alam ko ang mga tingin na ‘yan! “Gusto mo sabay tayo mamili ng souvenirs?”

 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko mga beh!

 

Ididiretso ko na ba siya? Jeno, hindi tayo talo.

 

I’ll settle with a safer answer na lang. “Sorry, sasabay kasi ako kina Ate Dahyun.”

 

“Oh gano’n ba? Sayang…” Nanlaki ang mata ko sa disappointed niyang mukha.

 

Hala siya?

 

Nagpapanic na hinanap ng mga mata ko sina Ate Dahyun para humingi ng tulong. Ate help!

 

Hindi pa talaga siya umaalis sa tabi ko and I can’t think of a good reason para makalusot at maka-takas. Tapos na rin naman akong i-enjoy ang rice terraces, mas mabuti na lang na bumalik na ako sa van.

 

“Uhm. Punta na ‘ko kila Ate Dahyun…” Huli kong sabi bago umalis at hindi na naghintay sa sagot niya.

 

Ramdam ko ang namuong butil ng pawis sa noo ko. Ang creepy talaga ng mga damoves ng mga betlog! Or baka nasobrahan lang 'yung pagiging bading ko?

 

“Oh Rina? Akala ko naman nag-eenjoy ka na sa chikahan niyo ni Jeno.” Bungad ni Ate Chaeng nung nakalapit na ako sa kinatatayuan nila.

 

“Please, ate. I didn’t even enjoy any single bit of it.” May irap kong bulalas.

 

“Gano’n ba? Kami kasi, enjoy na enjoy namin ang mga reaksiyon ni Winter.” Nagsitawanan silang tatlo nina Ate Dahyun at Kuya Chan.

 

Reaksiyon saan?

 

Hinawakan ni Ate Dahyun ang ulo ko and gently drifted my head towards where Aussie is standing at inis na inis ang mukha.

 

Oh? Hindi niya ba na-gustuhan ang lugar? Akala ko first time niya ‘to?

 

“Wala ka nanamang idea kung bakit nagbubusangot ‘yan no? Tsk. Typical Rina.” Amused na sambit ni Ate Dahyun habang nakahalukipkip.

 

Malamang wala akong idea kasi hindi ko naman alam kung anong rason kung bakit nagkakaganiyan ‘yan?!

 

“Tara na nga. Bumili na tayo ng souvenirs. May ilang oras pa kasi tayo bago makarating sa Sagada.”

 

Ayun, walang kamuwang-muwang nanaman akong hinila ng mga kasama ko.

 

 

 

-

 

 

 

Malapit nang mag ala una. That’s our estimated time of arrival. Sana naman makarating kami on time para masunod talaga namin ang itinerary.

 

Dahil nga ilang minuto na lang naman bago kami makarating, hindi na ako bumalik sa pagtulog. Wala nga lang akong ginawa dahil I don’t wanna ruin my eyesight by using gadgets or reading books inside a vehicle.

 

From time to time, I’m taking vids and pics naman ng mga nadadaanan naming mga magagandang tanawin. Maybe I’ll print it out pag-uwi and compile it in a photo album.

 

I’m the type of person na mahilig kasing kumuha ng mga random pictures. Naniniwala kasi akong every photo holds a good story. Mapa-walang kuwenta man ‘yan o ‘yung pinakamahalagang araw ng buhay mo, it’s still a simple reminder of a certain memory.

 

“Win, sabihan mo ‘ko if you’re feeling dizzy sa ride ha.” Ilang beses ko ring binabalewala ang mga ganitong usapan ng mga katabi ko.

 

Actually, kanina pa sila ganiyan. Hindi na nga ako sigurado kung sino ba talaga ang partner ni Aussie sa sobrang caring nila sa isa’t-isa.

 

Haha Karina could never…

 

Huy ‘wag! We don’t do self-deprecating…

 

Malapit na kami sa Sagada. I can already see the houses of the locals from my side. Good thing na nae-excite ako dahil madidistract ko ang sarili ko from whatever unpleasant situation is happening sa tabi-tabi.

 

Umaakyat na ang van namin papunta sa drop off area ng Sagada and mas lalo lang tumataas ang adrenaline rush ko! Nag-umpisa na nga akong mag-ayos ng mga gamit para mauna ulit akong bumaba.

 

“Ju, gising na. Winter, malapit na tayo.” Sa sobrang lakas ng paggising ni Heejin – the forgotten Psych student, parang nagising na ang buong council.

 

Mabuti naman para hindi na magsisigaw si Ate Dahyun.

 

“Welcome to Sagada, mga estudyante ni bossing!” Maligalig na pag-anunsiyo ni Kuya Nelson. I love his vibe… He’s been driving for how many hours pero hindi pa rin pumapawi ang pagiging masigla niya.

 

Hindi na kami nag-imikan at nagkaniya-kaniya na sa pagsilip ng Sagada from the window.

 

“Guys, mauna na kayo sa information center. I’ll talk to Kuya Nel muna.”

 

Sumunod naman kami sa sinabi ni Ate Dahyun. Hiningi na rin namin sa kaniya ang mga kakailanganing ibigay sa info center para hindi na kami maghintay pa sa kaniya and siyempre, para wala na rin kaming masayang na oras.

 

I think kakausapin niya pa kasi si Kuya Nelson kung ano ang balak nito. If he wants to stay with us sa homestay, umuwi muna at sunduin na lang kami after three days, or mag-solo trip siya.

 

At dahil nga girlscout laging handa kami nina Ate Dahyun, nag-book na kami ng room sa isang inn dito na malapit lang sa village nang sa gayon, we could keep in touch and we’ll know if he needs something. 'Yun nga lang, kung pinili niyang mag-solo trip. If not, edi goodbye money.

 

Mabilis lang ang naging transaction namin sa info center. Pinakita lang namin ang booking namin sa homestay and we showed the QR code na nanggaling sa website na ginamit ni Ate Dahyun. We also inquired for their tour guides.

 

By group pala ang packages nila. Mostly by five or if mag-isa ka lang, shoulder mo talaga lahat ng payment. 

 

Kaya... Tipid tip number one! Kung solo-traveler ka and you’re planning to book for a package, maghanap ka na lang ng flock of tourists na hindi pa kumpleto ang group and ask them if p’wede kang makihati sa kanila.

 

Kung anak ka naman ng mayor at parang presyo lang ng kwek-kwek ang rate ng packages para sa'yo, then go! Live free, be who you are! Mag-solo ka! Chz!

 

“Is everything settled?” Timing lang nung tapos na kami sa info center nung nakarating si Ate. Sabi niya, Kuya Nelson will solo-travel daw dahil matagal-tagal na rin nung last na naglaan siya ng oras para sa sarili niya.

 

I get him on that part. Minsan, nakikita ko kasi kay Daddy na he’s getting too focused sa akin or sa ibang bagay na nakakalimutan niya na ang sarili niya. He’s being unfair with himself and I believe hindi siya healthy because it’ll cause a massive negative effect sa physical and mental being niya.

 

Totoo ngang malapit lang sa drop off area ang homestay. Isang malaking perk na ‘yan dahil hindi na kami mahihirapan sa paglakad-lakad. Although walking distance lang naman lahat ng tourist spots dito sa Sagada, still it’s a relief na we don’t need to perspire para lang makabalik sa tinutuluyan namin.

 

Wow, I sound so lazy at that part. Pero gets niyo naman ‘yon diba?! After ba naman ng sobrang nakakapagod na activities, maglalakad pa kami ng malayo? No, no!

 

After six hundred and seventy-five steps.

 

Finally, we have arrived!

 

Galing ko 'no? Siyempre gawa-gawa ko lang 'yon. Feeling ko lang kasi more than five hundred steps ang nilakad namin from drop off papunta sa homestay.

 

“Magandang hapon at welcome to Baey Bogan Homestay mga iho at ineng! Naku, napagod ba kayo sa biyahe? Pasok na kayo dali.” Oh, I’m loving Tita’s welcoming vibe.

 

Ang sarap umuwi if may sasalubong sa’yo and would greet you with a wide smile.

 

“Kayo ho ba ang mga estudyanteng tumawag sa amin?”

 

“Opo kami po ‘yun. Ako nga po pala si Dahyun.” Ate Dahyun waved her hand awkwardly. Ate p’wedeng p’wede ka pong makipag-kamayan kay tita.

 

Tumawa na lang si Tita and tapped Ate’s shoulder like how a mother would give assurance. “Napaka-gandang bata mo iha. Ako si Helen.”

 

We all politely smiled at her at nagpakilala na rin. Nagtanong rin kami if okay lang na mag-early check-in dahil thirty minutes na lang naman bago mag alas dos at hindi naman siya nagdalawang isip na pumayag.

 

Siyempre sinagad na rin namin ang kapal ng mga fezlak namin at tinanong kung p’wede na sa lapag na lang boys. We assured them na we’ll pay naman per head and again… pumayag naman sila.

 

Ang bait at sobrang accommodating nila. Lalo na si Tita Helen!

 

So heto na, mamimili na kung sino ang magkakatabi.

 

“Rina, sa amin ka na lang ba tatabi?” Mabilis naman akong pumayag sa tanong ni Ate Dahyun.

 

Sa kanila kasi ang big room na makaka-accommodate ng four people. Automatic na rin ‘yan na magkatabi talaga si Ate Dubu at Ate Chaeng and as their favorite junior, tatabi ako sa kanila.

 

“Pres, sa amin na lang ni Minju ang isang room.” Halata namang hindi na aangal si Ate sa pakiusap ni Heejin dahil she’s trying to double time para makapag-settle na kami.

 

Tinuro naman ni Ate Dahyun sina Yuqi at Sakura. “Kayong dalawa, I suppose magtatabi rin kayo?”

 

“Diyan ka hindi nagkakamali, pres!” Ate then told them to proceed na sa rooms nila at gawin na ang kailangang gawin so that we could go on with what we have planned for this day.

 

Sa malaking room na rin maglalapag ang boys para sama-sama na rin sila sa iisang k'warto.

 

Wait, wait... I think I'm missing something.

 

Holy cow!

 

Nakalimutan ko pa pala na may isang tatabi sa amin!

 

So, kapag magkatabi na ang dalawang Psych students then sina Yuqi and Kkura naman sa kabila… ibig sabihin..?

 

Ate Chaeyoung shouted. “Winter, dito mo na lang lagay bag mo, bebe!”

 

Grabe namang buhay ‘to!

 

Aligaga akong lumapit kay Ate Dahyun na kaka-tapos lang gamitin ang CR. “Ate naman. I thought na you won’t pull any stunts na?”

 

She's now retouching her makeup. “Rina, I literally made them choose… at saka, hindi nga umaangal si Winter, anong pinuputok ng butsi mo riyan?” May ngiti niyang sumbat.

 

Kita mo talaga ‘tong si tadhana. Malamang hindi aangal 'yan, kasi hindi siya marunong umangal literally!

 

Padabog kong pinulot ang mga pang-retouch na nilagay ko muna sa ibabaw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
0 points #1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
529 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
132 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
337 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭