Chapter 7 - Litigation

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Litigation: A case, controversy, or lawsuit. Participants (plaintiffs and defendants) in lawsuits are called litigants.

 

 

“Hangout with me instead.”

 

4 words. Apat na salita. Kung iisipin ng karamihan, wala naman masyadong impact yang mga salita na ‘yan. Parang inaya ka lang nang tropa mo gumala nyan eh. Walang katumbas nga ‘yan kahit sa mga katagang ‘mwamwa’.

 

But why am I in this situation wherein; all I can hear are those words coming from Winter’s mouth?

 

After the shinenigans that happened sa library, pinatawag agad kami ni Ate Dubu sa council to confer about the vital changes. Tinanong niya kami kung ano bang p’wede namin ma offer na tulong and suggestions sa faculty para mas mabilis ang pag reorganize ng events.

 

Thankfully, everyone was cooperative and alert sa pag share ng ideas. I suggested nga na dapat yung finals ang pinakaunang matapos; para naka set na yung minds ng students na mag-aral muna bago itodo ang effort sa intrams.

 

Naninibago nga ako na hindi na si Aussie kumokontra sa mga pinagsasabi ko. Tumatango na lang siya at naglalahad din ng kaniyang mga kabatiran.

 

I guess it’s working, huh?

 

Baby steps, Rina. Baby steps.

 

While the meeting is going on, minsan nawawala ko sa wisyo. Parang meron kasing bumubulong sakin tapos sinasabi yung ‘hangout with me instead’. Ewan! Ewan! Feeling ko talaga anak ng hypnotist si Aussie tapos namana niya and siguro, kaya niya ginagawa ‘to sa’kin ngayon para ma testing kung gumagana ba yung pawers niya.

 

I kept on thinking kasi kung bakit nauna pa siyang mag-aya kesa sa akin, eh ako naman yung may masama? Masama ba ‘yung balak ko? Hindi naman! Selfish ba?

 

M-medyo?

 

Basta, ako naman yung may balak sa’min, ganon!

 

Could it be? Should it be? I wanna be? A tutubi? 

 

Pero could it be? Na pareho kami ng pakay ni Aussie? Baka gusto niya rin akong i-distract?

 

Hays, matalino naman ako eh pero pagdating sa ganito nashushunga ako. Naaalala ko nga nung time na natapos na yung meeting, ang daming hirit ni mhiema mo Aussie!

 

 

 

“Great job today, guys! Malaking tulong na ‘to para sa upcoming events natin. P’wede na kayong pumasok sa mga classes niyo. Thankyou very much.” After our president said those words, agad silang nagsilabasan. Nagmamadali, kasi maghahabol sa klase.

 

This is one of my proud moments as a student representative. When we make use of our innovativeness and share it for the sake of the whole campus. Nakaka-fulfill lang nang sobra.

 

Nagpaiwan nga muna ako rito because I volunteered to do the cleaning.

 

Ang unang kong ginawa ay ibalik yung mga inilabas kong pen and notebook. I just listed everything that we talked about para may copy ang council, if ever ibigay ni Ate Dahyun sa faculty yung isinulat ng secretary namin.

 

I arranged the chairs din na hindi pa naibalik sa dati niyang posisyon. I pushed it under the table; aligning it very well para neatly pleasing siya sa mata. If Ate Dahyun was the one na nag-aayos dito, she’d do it like this.

 

Nagpalaam na kasi si Ate Dubu na aalis agad kasi nga may classes pa kami. Kaya laking gulat ko nung may tumunog sa gilid ko. Akala ko kasi ako na lang yung natira rito.

 

Lumingon ako kung saan nanggaling ang ingay and to my surprise, it’s aussie fixing the chairs rin habang kinakagat yung bibig niya. Natatawa ako, nagfofocus ata siya.

 

Huminga muna ako ng malalim para hindi ako matawa sa pagmumukha niya ngayon. “Why didn’t you go to our class? Prof might be there already.” Tinanong ko siya ng mahinahon dahil it’s quiet sa meeting room. Yung aircon hindi pa nga pinatay kasi sabi ko I’ll be the one to turn it off.

 

I’m still calm pa nga knowing na late na ako. Well, may exceptions naman kasi sa mga ideals natin diba? And yung akin is kapag academic related din yung rason ng pagiging late ko. I let it slide if that happens.

 

“Hmm. I know. And I also know that it’ll take you a lot of time to finish this by yourself.” She roamed her sight and nakitang naka-on pa yung aircon kaya dumiretso siya rito at siya na mismo yung nag-off. Napahagikgik nga ako ng mahina nung nakita kong medyo nahirapan pa siyang abutin. Ang liit naman kasi.

 

Although, for someone who’s famous around the school for being nonchalant and aloof, she’s thoughtful ha.

 

Hindi na ako sumagot sa kaniya at nagpatuloy na lang sa pag-aayos. Ayaw ko pa rin naman na masiyadong mahuli sa discussions.

 

“Ning told me you detest being late. Care to share why are you still chill despite being behind the time?” I really find it pleasing sa ears and mind kapag nagsasalita ‘to. She’s not redundant with words tapos napaka lawak ng vocabulary niya. May built-in Webster’s dictionary ba sa utak niya?

 

Kinuha ko yung walis sa corner ng room and swept some of the dust and basura na nasa sahig.

 

“I think you could put it as: In every rule there’s always an exception... Just like my principles, there are times that I really don’t take it seriously especially when the reason is academically related rin naman.”

 

Sinagot ko siya habang nakayuko sa winawalis kaya hindi ko naramdaman na lumapit na pala siya sa akin. Nakasandal na siya sa wall ng room and naka cross na yung mga kamay in front of her chest. Tumatango pa siya habang nakatingin sa ceiling.

 

“You know, I’m also not fond of being late but look at me; I’m here cleaning, while everyone just left and went to their respective classes... I balk the possibility of disobeying my ideals, also.” Okay? Nasa getting-to-know each other stage na ba kami? Kasi what the fork is diz?

 

I stopped sweeping the floor and inayos muna yung posture ko. Wala naman na akong nakikitang dumi pa kaya ibinalik ko na yung broom and dustpan kung saan ko ito nakuha.

 

I walked back to where I came from – at the side where Aussie is still leaning on the wall. Haggard na nga ako kasi nararamdaman ko na lumalagkit na yung balat ko. Owemji ilang oras pa bago ang dismissal pero pawis na pawis na ako!

 

Hindi ko nga pala nasagot si Aussie kaya sumandal rin ako sa pader at tumingin sa sahig. Opposite ang direksyon ng tinitignan naming dalawa. “Then why are you here? I literally told you to attend the class already.” I said in a low voice, narinig niya naman ata.

 

Hindi ako nanunumbat o ano man. Feeling ko lang kasi na parang napilitan lang siyang tulungan ako.

 

Ayan tuloy, medyo naiinis na ako. Ayaw ko kasi talagang may gumagawa ng kabutihan tapos hindi naman pala bukal sa loob nila. Ang lagkit ko na nga, kumukulo pa yung dugo ko. P’wede na ‘kong maging menudo.

 

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, may puting panyo na lumitaw sa paningin ko habang nakayuko pa rin. I looked at the person beside me kasi alangan naman sa iba pa galing yung panyo? Edi namatay na ako sa takot. She’s still not looking at me pero parang may gusto pa siyang sabihin.

 

“What I’m trying to say is; I’m not gonna consider any anomalies when it comes to my ideals…” Kinuha niya yung kamay ko at inilagay ang panyo. She then looked at me “But I think when it comes to you…” and smiled. “I can make an exception.” She closed my fist para ma grip ko yung panyo and tapped it two times.

 

She pushed herself forward and umayos ng tayo. Kinuha na niya yung mga gamit niya at dahan-dahang naglakad papunta sa exit ng room. She was about to twist the door knob when she turned back to where I was standing. 

 

Then smiled goofily…

 

“See you at class, Karina.” She said and went outside. – iniwan akong nakatunganga sa room while processing everything that she said.

 

Just what are you doing Winter Kim?

 

 

 

Why do I think that I’m still losing the game that we’re both playing? Laro ba ang tingin ni Aussie rito? Kasi, it looks like she’s having fun palagi kapag may ganap sa amin eh. Parang nag-eenjoy, ganon.

 

Hindi pwede! I won’t allow it. If I managed to keep the crown nung Buzz Your Wits, kaya ko ring gawin ‘yan in this aspect! I just have to level up whatever actions I’m doing. Nakampante kasi ako na madadala siya sa ganda ko eh. Eme! But I think nakampante talaga ako na madadala siya ng charisma and flirty gestures ko.

 

I think masiyado ko siyang minaliit.

 

Maliit na nga siya, minaliit ko pa. Emz!

 

“Ms. Yu! Can you give examples of Lifestyle Physical Activities?” I snapped my head at our professor. Jusko mahabagin nasa class pa nga pala kami! Busy na yung utak kong gumala sa apat na sulok ng classroom namin.

 

It’s our PE class ngayon and I’m thinking pa nga to inform our prof that I’m signing up for the swimming team on the upcoming intrams.

 

Tumayo ako and acted like hindi nalutang kani-kanina lang. “Activities like; walking up and down the stairs, bicycling, and dancing prof.”

 

“Correct. Thankyou Ms. Yu.” I nodded my head at naupo ulit. Binaling ko yung tingin ko sa katabi ko na nagpipigil na ng tawa. Pumipikit na yung mga mata niya at pinipigilang huminga.

 

Mahina ko siyang siniko at binulungan. “What’s so funny?”

 

“Your face.” She laughed in a silent tone; covering to avoid getting caught by our professor.

 

My face? Sa ganda kong ‘to? Tatawanan lang ng isang maputlang english spokening dollar? Naur way! Pasimple kong sinundot ang tagiliran niya para makiliti siya at lumakas pa lalo ang tawa niya.

 

Hmp! Kilalanin mo kung sino binabangga mo, babae!

 

Patuloy ko siyang kinikiliti at humahagikgik na siya nang malakas. “S-stop it.” Maluha-luha na niyang pakiusap. Hindi pa kami napapansin ni prof kasi nandoon na siya sa likod, nagdidiscuss.

 

Ganiyan kasi yung way of relaying knowledge ni prof. He tends to roam around while discussing para ma make sure na nakikinig ang lahat and everybody would absorb everything he says.

 

“I’ll stop if you’ll take back what you said.” I challenged her.

 

Hinihingal na siya and she’s trying to hold my hand sa ilalim ng armchair to refrain me from tickling her even more, pero nauna akong mahuli yung kamay niya and I held it tightly habang kinikiliti siya. Multitasker kasi ako ano ba. “Okay! Okay! You did not look funny! Okay!” She whisper-yelled at binawi nga yung sinabi niya.

 

“Good.” Satisfied kong sabi at tinigil na ang pagsundot sa kaniyang tagiliran. I then focused in front kasi pabalik na si prof sa harap. I took a mental note of whatever was written on the board para I could study further about it later pag-uwi.

 

“Uhm…” Said Aussie – getting my attention. Agad naman akong tumingin sakaniya at tinaasan siya ng kilay. Ano nanaman ba?

 

“My h-hand.” I diverted my sight pababa kung saan ko nakita yung mga kamay namin – hindi ko namalayan…

 

Magkahawak pa rin pala.

 

Mabilis ko namang binawi ang kamay and rubbed my palms together. “S-sorry. I forgot.” Nagpapanic na ako pero nakikita ko yung namumuong pula sa mga pisnge ni Aussie. Hala nag-bblush ba siya?

 

“That’s it for today. You’re all dismissed.” Kung saang may mabubuo nanaman sana na thoughts sa isip ko, prof announced our dismissal. He left din after he said that – sakto lang sa pag-ring ng bell namin.

 

Pinuntahan na ako nina Lia sa harap kasi tapos na silang magligpit. Gawain kasi nila na mag-ayos na ng gamit kahit hindi pa tapos magsalita yung mga prof namin. Keenness daw yung tawag don… napakawalang-kwentang defense nga eh.

 

“Rina, we’ll go to Samgyup Haus for dinner. You’re going, whether you like it or not.” Yeji said. Wala naman akong choice kundi sumama. I’ve been neglecting them naman kasi since before the BYW competition. Hindi nga kami nakagala after non kasi sinundo ako ni dad. It’s also good to take a break rin from all the readings and papers I’ve been facing.

 

Lumapit naman si Lia sa seatmate kong inaayos na yung mga gamit niya. She did not hesitate na akbayan si Aussie. Nagulat nga 'to and froze from her position. “Win, you’ll go with us right? Your friends will be there.”

 

Dahan-dahan namang tumango si Winter. “Y-yeah. They informed me already.” Mukhang uncomfortable na siya kaya hinila ko na si Lia pabalik sa amin.

 

“Bhie, napaka FC mo.” Sabi ko sa kaniya na siyang nagdulot ng malisyosa niyang mga tingin.

 

“Binabakuran mo na ba ‘tong bebe namin?” Inaasar niya ba ako or genuine yung tanong niya?

 

Umirap na lang ako at nauna nang maglakad. “Bakit ko naman siya babakuran sa’yo eh may jowa ka na shunga.” Pahabol ko pang sagot bago sila iwan sa loob – hinihintay si Aussie na nag slowmo na yung paggalaw.

 

Narinig ko pa ngang sumigaw si Lia “So, babakuran mo nga kapag walang jowa yung aakbay kay Winter?!”

 

We’re here sa Samgyup Haus – our fave samgyupsal restaurant. They use the thick na pork belly kasi, not the bacon-like ones. They also serve different kinds of side dishes kagaya ng kimchi, potato marbles, chicken soup, cheese, etc. Yung cheese nga nila is sakto lang yung lapot at lasa.

 

Everyone; my friends and Aussie's, are already settled sa table and tapos nang mag-order. Hinihintay na lang namin dumating yung pork cause what is unli samgyup without the samgyupsal? Hmp!

 

I’m seated here sa medyo dulo – pinapagitnaan ni Gi on my left and Winter on the right. Malayo na nga sa amin ni Gi yung griller kaya maghihintay na lang kami siguro ng biyaya sa dulo. Kaharap namin si Ning at Ryujin na kanina pa nag-babangayan kung sino yung magluluto sa side namin. Napaka confident naman nila eh hindi nga sila maka prito ng itlog?

 

I can see the waiter na papalapit na sa table namin, dala-dala ang kanina pa naming hinihintay na main course. He dissiminated the pork evenly on each side of our table and placed the lettuce beside it. Hindi namang halata na natatakam na kami kasi kanina pa talaga kami nagugutom sa univ. Mabuti na lang mabilis yung serving nila rito.

 

Hinahanap ko na yung tong kasi uunahan kong magluto yung dalawa kesa naman kakain kami ng sunog na may konting baboy.

 

Tinignan ko yung lalagyanan ng mga utensils and I can’t find the tong anymore. I tried drifting my eyes from one place to another and to my extent, it’s already in Winter Kim’s hand. Siya na yung nagluluto at nagsimula nang ilagay isa-isa ang mga baboy.

 

“Win, ako na kasi!” Ayaw pa ni Ryujin magpatinag while Ning is just there – already accepted deafeat. Inaabot pa nga ni Ryujin yung tong pero pinapalo lang ni Aussie yung kamay niya. Mamumuti na ata yung mata ko, hindi pa kami makakakain dahil sa gulo nila.

 

Ako naman yung umabot sa tong and tried to take it from the person who’s cooking right now pero mabilis niyang iniwas ito. “I’ll do it.” Sabay baliktad sa baboy na luto na. Yes, finally!

 

After ng ilang minuto ng pagluluto at pagpigil kay Ryujin na parang butiki sa likot, she managed to cook two servings of the pork na inorder namin. Nag-volunteer nga ako na I’ll be the one to do the cutting pero sabi ni Aussie siya na rin daw. Ano ba trip neto?

 

“Win, gutom na ‘ko. If you’re done cutting it, ilagay mo na agad sa plate ko please.” Maktol ni Ning na kanina pa nag-hihintay sa kaharap niyang ayaw magpatulong sa pagluluto.

 

Napabaling yung tingin ni Ning sa side namin ni Selle kaya ngumiti ako ng mapanloko. Itinuro ko yung katabi ko na busy sa cellphone niya.  Sinasabi ko sayo, Yizhou! ‘Wag ka kay Giselle beh masasaktan ka lang, unless gusto mo ng thrill sa relasyon mo edi push mo ‘yan teh!

 

Tapos nang hiwain ni Aussie ang first serving na naunang maluto. I thought she was gonna put it sa plate ni Ning like what the younger told her pero…

 

Yung plato ko yung una niyang nilagyan.

 

Napatingin kaming lahat sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa ginawa. Ning eve

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
0 points #1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
529 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
132 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
337 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭