Lane 2 - Ryu Got Me

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Lane chapters will be in third person pov that'll consist the characters' backstory; trip down memory lanes, explanations, and other character reveals.

 

 

Naniniwala ba kayo na mananatili kang bata in mind and in heart kapag kasama mo pa rin ang childhood bestfriend mo hanggang pagtanda?

 

Ganiyan kasi ang pakiramdam ni Yeji kapag kasama niya ang kaniyang ‘bff since uhugin days’ na si Ryujin.

 

Feeling niya nga, yung pisikal na katangian lang nung nakababata ang tumanda, pero ang isip at galaw, parang maliit na bulilit pa rin na kailangang bantayan palagi.

 

Ayon sa iba, malayong-malayo ang katangian nila sa isa’t-isa.

 

Yeji is one of those girls na may tendency na maging campus sweetheart; she is graceful, grade-conscious, and meron siyang good demeanor at positive social interactions with other people. Dagdagan mo na lang siguro ng a little bit of kasungitan on the side.

 

Kung si Ryujin ang tatanungin, hindi lang daw ‘a little bit’ ang angking kasungitan ng singkit dahil kung naging tao raw ang kasungitan, walang ibang magandang halimbawa kundi si Yeji iyon.

 

But all in all,

 

She’s like a full-package ika nga nila.

 

Nagpapaligsahan nga sila ni Rina sa parami-rami ng mga manliligaw. Ang pinagkaiba lang nila, Rina has a strong personality na kayang mang-reject at balewalain ang kundiman ng mga tagahanga. While si Yeji… Well, she’s Yeji. Kilala sa pagiging isang sweetheart sa campus. Hindi kakayanin ng konsensya niya ang ipagsawalang-kibo ang mga natatanggap na pagsinta mula sa ibang estudyante.

 

Minsan nga, si Ryujin na lang ang tumataboy sa mga nagungulit sa kaniya.

 

Si Ryujin…

 

Ang childhood bestie naman ni Yeji ay kabaliktaran ng kung ano siya. If you were to ask Yeji kung anong klaseng tao si Ryujin, ang isasagot niya ay ‘balahura’.

 

Maingay, makalat, ligalig, at tapatan magsalita ang nakababata. If you were to put it all together, parang sakit ng ulo lang ang idudulot niya sayo; pero para kay Yeji, walang ibang ginawa si Ryu kundi ang pasayahin siya at protektahan ang kaniyang malambot na puso.

 

Going back, bakit nga ba nasabi ni Ryu na ubod ng kasungitan ‘tong law student kung isa naman pala siyang campus sweetheart?

 

Isa lang naman ang sagot diyan; kay Ryujin lang siya masungit.

 

 

 

[FLASHBACK] - “HI NEIGHBOR!”

 

“Wow, mama! Ang ganda naman ng bagong bahay natin! May second floor!”

 

Today is the day!

 

Moving day ng pamilya ni Ryujin sa kakabili nilang bahay sa isang sikat na village.

 

Nakuha nila ito sa murang halaga dahil lilipat na ang may-ari sa ibang bansa. Ayon sa kanila, sayang naman kung papabayaan lang nila ang bahay kaya minabuti na lang nilang ibenta ito sa murang halaga para makuha agad.

 

Mabuti na lang at mabilis na nakita ng papa ni Ryujin ang post sa facebook na may binebentang affordable na bahay dito.

 

“Ryuryu, may sariling kwarto ka sa itaas. Tignan mo doon dali!” Sabi ng papa niya habang dala-dala ang malaking kahon na naglalaman ng mga laruan at gamit ni Ryujin.

 

Sobra pa kay The Flash kung makatakbo ang bata. Wala na siyang pakealam kung lumalabas na ang mga bungi at sira niyang ngipin, ang importante ay mailabas niya kung gaano siya kasaya sa bagong tahanan nila.

 

Sa hindi kalayuan, mula sa hagdan, may kwarto agad na nakakuha ng atensyon niya; ito ay ang kwartong may disenyo ng mga Marvel superheroes.

 

She squeeled at tinakbuhan na ang kwartong puno ng paborito niyang characters.

 

Nung una, nagtataka pa ang mga magulang nito kung bakit mga superheroes at mga astig na cartoons ang hilig ng kanilang anak at hindi mga masiyadong ‘girly’ na mga karakter. Pero dahil nakita nila na masaya ang bata sa sariling taste niya, tinanggap na lang nila na siguro… siguro espesyal ang kanilang maliit na Shin.

 

Inikot na ni Ryujin ang kaniyang tingin sa buong kwarto. Nakapwesto na ang maliit na kama malapit sa bintana at meron pang lalagyan ng mga action figures sa gilid.

 

Tumalon siya sa kama at dinama ang malambot at malamig na materyales. She then curiously looked over the window and her eyes widened out of excitement.

 

A playmate!

 

“Iiihhh. Bakit mag-isa lang siya?” The kid pouted dahil nalulungkot siya para sa nakikitang batang babae mula sa kabilang bahay.

 

Napangiti siya at agad na tumalon mula sa kama. Humarurot na rin siya ng takbo palabas ng bagong bahay.

 

Say no more, neighbor! Ako na magiging playmate mo!

 

Nahirapan pa siyang abutin ang doorknob dahil parang kinakapos siya sa katangkaran pero nakayanan niya namang diskartehan. Nakita niya kasi ang bukas na sliding window and grabbed the opportunity para dito lumabas.

 

Bagong bili nga ang bahay nila, pero naging akyat bintana pa rin siya.

 

Hindi kasi siya pinalaki ng roblox na maging isang mahinang nilalang! Dapat pati in real-life, parkour expert pa rin siya!

 

May naisipan pa siyang pakulo at nagtago sa malaking palumpong na nakalagay sa gitna ng mga bahay nila para maging palatandaan ng mga lote.

 

“Psst.”

 

The other girl na busy maglaro ng bahay-bahayan sa kaniyang playhouse, flinched. Mukhang natakot siya at walang idea na may tao na ang kabilang bahay.

 

Is that a ghost?

 

Lumala pa yung panginginig niya nung narinig niya ulit ang napaka-weird na sitsit dahil parang may kasamang laway na lumalabas ang tunog neto.

 

She bravely stood up at dinala ang sandok na laruan para gawing sandata sa ghost that’s hiding behind the bush.

 

“Bulaga!”

 

“Aaahh!”

 

Mabilis ang reflex niya kaya nahampas niya agad ang sandok sa ulo neto kahit nakapikit na ang mga mata.

 

“A-aray…” She slowly opened her eyes at nagtaka kung sino ang nakikita niyang bagong mukha. Kinakamot pa nito ang noo na namumula na dahil sa napakalakas na paghampas ng isa.

 

Kumalma naman si neighbor at binaba na ang sandok.

 

Kahit pa masakit ang noo ni Ryujin at parang may nararamdaman na siyang bukol, pinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang gustong gawin.

 

“Hi, neighbor! Ako nga pala si Ryujin! Anong pangalan mo?” Malakas niyang kinaway ang kamay at parang masasampal na niya ang sarili.

 

Makabuluhan lang siyang tinitignan ng kaniyang neighbor.

 

Nailang naman siya at binaba na lang ang kamay. Hindi talaga umiimik ang matangkad kaya napatitig na lang rin siya rito.

 

Parang siopao yung pisnge niya.

 

Yung mga mata niya parang parehas kay batman.

 

“Anong nilalaro mo?” She peeked over the shoulder of the older at namangha sa nakita. “Wow! Ang laki ng playhouse mo! Yung akin sa dati naming bahay, ginawa ko lang mula sa mga nakaw na bato eh.” Humagikgik siya sa sarili niyang kagagawan.

 

Wala pa rin nakukuha si Ryu na sagot mula sa isa.

 

“Uhm. Hindi ka ba marunong magtagalog..? Paano ba ‘to?” Parang nauutot na si Ryujin sa sobrang awkward ng sitwasyon niya ngayon.

 

Kung naglaro na lang sana ako sa kwarto!

 

“Do.. you know… your name?” Nag-aalinlangan niyang tanong.

 

Hindi kasi talaga magaling si Ryujin sa lenggwaheng ingles. Parang umiikot daw kasi ang dila nito kapag sinusubukan niyang magsalita.

 

Kumunot naman ang noo ng matangkad at parang naguluhan sa tanong ni Ryu. Sino ba kasing nilalang ang hindi alam ang pangalan nila? Kahit aso nga, alam kung ano ang tawag sa kanila eh.

 

“Ah.. eh.. Sige, nice to meet you neighbor. Pasok na ‘ko ha, hindi kasi ako p’wedeng magtagal sa labas.” Pagdadahilan niya sa kaharap niya.

 

Nakita niya naman ang mga nagtatanong na mga mata ng isa at nagkusa na siyang magbigay ng sagot.

 

“Hindi ako p’wedeng magtagal sa labas kasi ano… kasi, superhero ako sa gabi… Oo, kasangga ko ang PJ Mask at nag-reready na kami ng ganitong oras para ‘into the night we save the day!’

 

Inakto niya pa talaga kung paano sabihin ng PJ Masks ang kanilang kasabihan. Gumawa pa siya ng parang ‘ok’ sign sa mga daliri niya at nilagay sa tapat ng mga mata to create a superhero mask.

 

Finally!

 

Finally, the taller let out a cute giggle. Natawa siya dahil mukhang kulelat ang kaharap niya.

 

This goofy girl in front of her just made her laugh for the first time this day.

 

She was outside playing her dollhouse kasi ayaw niyang marinig ang mga magulang niya na nagbabangayan nanaman. Ganito na lang kasi lagi ang ganap tuwing magkasama ang mag-asawa; kahit pa nariyan ang anak nila, hindi sila pumipili ng lugar para mag-away.

 

“Ayan, ngumiti ka na!” Ryujin giggled along with her at parang musika sa tenga ang kanilang mga tawa na naglikha ng mga lirikong hindi maisulat ng kanilang mga isip pero alam na alam ng kanilang puso.

 

They already found a friend in each other.

 

Hinihingal na ang singkit sa kakatawa pero naisipan niya na magpakilala na. “I’m Yeji.” Sambit niya ng may matamis na ngiti.

 

“Yeji.. Ang ganda ng name mo!” Masaya si Ryujin dahil nagiging komportable na si Yeji sa kaniya.

 

May feeling kasi siya na magiging magkaibigan sila ng matagal na panahon.

 

“Mmh!” The older hummed at nilabas ang kamay niya para makipagkamayan. “Nice to meet you my neighbor, Ryujin!”

 

Ryu’s eyes sparkled nung binigkas ng singkit ang pangalan niya. Hindi na niya pinatagal at tinanggap na ang kamay ni Yeji. “Nice to meet you too neighbor ko, Yeji!”

 

[END OF FLASHBACK]

 

 

 

“Grabe ang hirap naman maging kaibigan mo tot! Hindi mo na ba talaga kami masingit sa schedule mo?” Sumbat ni Ryujin nung makita niya si Winter na kakalabas lang ng classroom ng mga 4th Year students.

 

Tinawanan lang siya neto at parang naging silent agreement na maglakad sila ng sabay papunta sa exit ng Univ.

 

Kaka-dismiss pa lang sa mga nursing students habang ang mga nasa law naman ay kanina pa pinauwi.

 

Winter’s still here dahil nga sa sinabi niya kanina kay ganda niya – she has a commitment with her partner.

 

“Tot, tumalon ka ba talaga sa pool?” Winter’s breath hitched dahil naalala nanaman niya ang scenario kung saan hirap na hirap si Rina umahon at parang nasa kabingit-bingitan na ito ng buhay niya.

 

She looked at Ryujin because she can’t distinguish the tone of her question.

 

“Mmh.” Sinabayan niya ng mahinhin na tango ang kaniyang sagot. Trying to be subtle sa mga sagot niya dahil hindi niya alam kung saan patungo ang usapang ito.

 

Nakayuko na si Ryu and she’s fidgeting her fingers. “H-hindi ka ba… natakot?”

 

Napaisip naman si Winter dun.

 

Did she feel scared?

 

If it was being scared because of the water then, no.

 

If she means being terrified that Karina was about to drown then, yes – absolutely.

 

“If you’re asking about my aquaphobia… Surprisingly, I was not scared, RJ.” Bumababa na sila ngayon sa hagdan pababa ng 4th floor. Andoon kasi ang room ng 4th year students at doon din located ang laboratory na ginagamit ng mga nursing students. That’s why nagkasalubong sila dahil galing si Ryu sa lab.

 

Also, Winter calls her 'RJ' kasi hirap itong bigkasin ang pangalan ni Ryu. Nabubulol siya at hindi madiretso ang pagbanggit kaya Ryu gave her an idea na gumawa na lang ng nickname na kaya niyang sabihin and Winter thought that RJ suits her the most.

 

“Tot, I’m asking about… ssob K.” Buti na lang at Winter expected this already.

 

“I was frightened, to be exact.” Winter thought na mag-settle lang sa ganitong sagot pero she noticed RJ’s full attention on her kaya pinagpatuloy na lang niya.

 

“Thinking of the possibility that she could’ve drowned if I wasn’t there – if I didn’t jump on time… it makes my insides churn in a terrible way.”

 

Naramdaman ni Ryujin ang takot sa boses ni Winter. Parang hinalili nito kung paano niya pinapahalagahan ang dalaga.

 

“Alam mo tot, share ko lang ha, ‘yan din ang nararamdaman ko kapag nasasaktan si Yeji. Yung mga what ifs na pumapasok sa isip mo kung hindi ka dumating, yung kirot ng damdamin mo kapag nakikita mo siyang nasasaktan.”

 

Dumaan muna sila sa classroom nina Ryu para kunin ang mga naiwang gamit nito. Doon na rin sila dumaan; sa paboritong shortcut ni Rina.

 

“Siguro tot, nabuhay talaga tayo para magpakatanga sa kanila, ano?” Mapagbiro niyang tanong.

 

Pero kahit biro, alam ni Winter na may katotohanan ang mga lumabas sa bibig ni Ryujin.

 

“It’s just you. I’m done already.” Winter nonchalantly said. Pinapaalam niya kay Ryu na from the moment na alam niyang wala na – hindi na pwede, ay titigil na siya.

 

“Ganon na lang ‘yon, tot?! Ang hina mo naman, try mo kayang ipaglaban.” Niyugyog pa ni Ryujin ang balikat ng isa, hoping to knock some sense sa foreigner.

 

“She literally told me to stop, RJ. What’s the point of fighting for someone who will never be yours?” Winter uttered out of her own feelings. Wala sa isip niya na matatamaan rin pala si Ryujin sa mga sinabi niya.

 

Nanlumo naman ang mukha ni Ryu and this made Winter feel guilty.

 

“I-I’m sorry, RJ. I didn’t mean to… I was.”

 

Winter is good with words. She’s aware na her skills sa mother tongue niya ay to the next level na, pero ngayon, she doesn’t seem to think of the right phrases to construct para mapagaan ang loob ni RJ.

 

“Huy wag kang maguilty.” Umupo muna si Ryujin sa nakitang bench para magkaroon sila ng maayos na usapan ng isa. “Totoo naman ‘yan tot eh. Wala tayong mapapala kung ipagpapatuloy natin ang ginagawa natin. Pero alam mo yung completeness and fulfillment na mararamdaman mo kapag sinusunod mo kung anong sinisigaw ng puso mo?”

 

Tumango si Winter dahil alam niya ang feeling na ‘to. She experienced this with Karina and her.

 

“Magmukhang tanga man ako… ay erase, mukhang tanga na pala ako.” Mapait siyang humalakhak sa sinambit niya. “Pero atleast, masaya ako na napaparamdam kong may nagmamahal pa rin sa kaniya.”

 

This woke Winter’s buried sentiments para sa kaniyang ganda. She felt the need to find Karina and pull her into a conversation at sabihin na hindi siya basta-bastang susuko kahit pa ilang beses niya itong tanggihan.

 

She looked at Ryujin with a proud smile…

 

Sa lahat silang magkakaibigan, she felt closer to Ryu dahil isa si Ryujin sa mga nakakausap niya tungkol sa dilemma niya kay Karina.

 

Also, they share the same experience with their lovelife.

 

Yun nga lang, si Winter magsisimula pa lang.

 

Si Ryujin, patapos na...

 

Patapos na nga ba?

 

“Just love her, RJ.” Pagbagsak ni Winter sa katahimikan. “Despite the unknowns and uncertainties of the future, love her... Adore her from afar, or near, or even by her side. Love her until you’re done – until it’s gone.”

 

Ryujin smiled with watery eyes. She never knew she needed Win’s words until she heard it. Kahit pa nag-juggle ang braincells niya sa vocabulary ni Winter, alam niya kung anong gustong sabihin ni Winter. Afterall, parehas sila ng nararamdaman sa dalawang magkaibigan na binansagan nang mga mapanakit.

 

Dapat siguro hindi na sila Campus Sweetheart at Campus It Girl.

 

Pwede pa siguro yung Spice Girls Mapanakit.

 

Natawa siya naisip.

 

Her mind also went back sa mga sinabi ng kaibigan niya.

 

Winter is telling her to pour out all her love until she can’t anymore – hanggang sa wala na siyang maramdaman towards her Pao. And it’s up to her kung papaano niya ipaparamdam ang damdamin niya, kung harap-harapan ba o patago lang.

 

“Proud ako sa’yo, tot. Ang lakas mo! Pati tama mo kay ssob, malakas rin!” Ryu tapped her shoulder and stood up. Medyo dumidilim na kasi baka masaraduhan pa sila ng gate.

 

“You have malakas tama rin towards Yeji!” Ryujin cackled dahil nag-try gumanti ang foreigner sa pang-aasar niya.

 

“Tara na nga! May pupuntahan ka pa ba?”

 

“Mmh. I’ll be meeting the guys at the café.”

 

Nanlaki naman ang mga mata ni Ryujin. “Huy yung nasa tapat lang ng sakayan? Uy baka magkita kayo nina ssob doon, yieeee!”

 

Namula naman si Winter at nahiya dahil sa kilig.

 

“Uy alam mo ba tot, nakausap ko kanina sa canteen si ssob. Sumama kasi ako sakaniya nung nadaan siya sa room namin.”

 

Nakita ni Ryujin ang pagbusangot ni Winter. Tinawanan niya lang ito.

 

“Oh ano? Selos ka? Dapat lang magselos ka kasi may iwas iwas ka pang nalalaman!” Sinasadya pa talaga ni Ryujin na asarin ang kasama niya.

 

“What do you take me for? A rock that wouldn’t feel pain if I get rejected?” Inis nang bulalas ni Winter.

 

Nagulat naman si Ryujin dahil ito ata ang first time na narinig niyang naubos ang pasensiya ng isa. Pinipigilan niya ang halakhak sa lalamunan kasi mukhang tuta si Winter ngayon.

 

“Oh siya, umiwas ka na lang pala muna. Di mo kasi namana ang pagiging masokista ko. Gusto mo bang magpa immune sa sakit, tot? Sabihan ko kaya si ssob na i-reject ka ulit?”

 

Tinawanan niya lang si Winter nung tinignan siya nito ng may matatalim na mga mata.

 

As if! Sinabihan ko pa nga si ssob na aagawin kita kung sasayangin ka niya eh!

 

“Mind your own pain, Shin!”

 

Huling sabi ni Winter bago siya iwan sa kinatatayuan niya. Natuod naman siya dahil tumagos yung sinabi ni Wintot.

 

Simula kasi nung nakaramdam na siya ng sakit, binalewala niya lang ito.

 

She doesn’t mind.

 

She never minds.

 

As long as it’s Pao, she can always endure it.

 

 

 

[FLASHBACK] – “SUPERBUCK”

 

Si Yeji ang napag-utusan ng guro nila na magdala ng napakaraming mga papel. Maingat siyang naglalakad but the stack of papers is blocking her line of view. Natatakot nga siya na baka may mabangga siya along the way.

 

“Ano ba ‘yan!”

 

At may nabangga nga siya.

 

Parang isang scene sa pelikula na nagsilaparan ang mga papel na hawak ni Yeji. Sa paningin niya, nagslow-mo ang pagkakahulog ng mga ito sa sahig ng paaralan.

 

Yumuko siya nung naramdaman niyang ibinaling na ng nabangga niyang babae ang tingin towards Yeji's direction.

 

“Ikaw? Ang tapang mo na pala ngayon nerd girl.” Pagtataray neto.

 

Hindi umaangal si Yeji sa pagtawag sa kaniya bilang ganito. Bakit niya naman itatanggi? She’s quiet, smart, wears glasses, and obviously the teachers’ favorite.

 

Nasa star section si Yeji kaya hindi talaga maiiwasan ang inggitan at paligsahan dito. Tuwing bigayan nga ng grades, iwas na iwas siya sa ibang mga magulang kasi ayaw niyang maliitin ng mga iyon ang kanilang anak kapag nakikita nila si Yeji.

 

“Porket ikaw palagi ang nakikita ni ma’am ay may karapatan ka nang mamangga ng basta-basta.” Dahan-dahan siyang nilalapitan ng kaklase niya at maingat din siyang umuurong.

 

“Ano?! Magsalita ka!” Tinulak siya nang marahas na nagdulot sa pagbagsak niya sa lupa. Tumama ang siko niya rito at nakaramdam siya ng hapdi.

 

Ouch…

 

Nangingilid na ang mga luha niya at sinusubukan niya pa ring umurong papalayo sa babae.

 

“Hoy bansot!”

 

Itinaas agad ni Yeji ang ulo niya nang marinig niya ang pamilyar na boses. Gusto niyang umiyak ng todo-todo dahil naghahalo-halo na ang kaniyang mga emosyon.

 

May namumuong galit.

 

May sakit.

 

May saya.

 

Parang na-offend naman ang kaklase ni Yeji sa pangalang binigay sa kaniya at hinanap kung sino ang makapal ang mukha ang tumawag sa kaniya.

 

“Ikaw nanaman Shin? Bakit ba aligid ka nang aligid dito kay Hwang?” Iritang sumbat sa kaniya nung estudyanteng mula rin sa star section.

 

“Syempre…” Hindi mapakali ang mga mata ni Ryujin na ikinakaba ni Yeji.

 

Please lang mag-isip ka ng magandang rason!

 

“Syempre, kambal-tuko kami! Siya ang Kara sa aking Mia!”

 

Napasapo na lang si Yeji sa noo niya nang marinig ang mga salitang nagmula sa bibig ng bestfriend. Kailan ba siya matututong sumagot ng matino?

 

Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakapalibot na sa kanila. They’re quite making a show pero walang pake si Ryujin dahil ang iniisip niya lang ay ang kaibigan niyang nasa sahig at hindi makatayo.

 

Parang nagliyab naman ito ng matinding galit sa kalooban niya at tinignan ng masama ang kaklase ni Yeji.

 

“Oh ano? Itutulak mo rin ba ako?” Hamon pa sa kaniya.

 

Tinawanan siya ni Ryujin nang napakalakas na parang isang buong circus ang babae.

 

Excuse you bansot. Isang world class diva lang naman si Shin Ryujin. Kaya niya ngang gayahin si Cherie Gil.

 

Gusto niya ata ng sampol!

 

“Sorry, bansot… but I’m not a lowclass, second rate, trying hard, copy cat!” Sigaw niya pabalang habang dinuduro ang kamay sa kaharap.

 

Napangiti si Yeji dahil straight-english ang mga pinagsasabi ni Ryujin. Good idea talaga na mag-movie night sila kapag walang pasok dahil natututo ang nakababata.

 

Wala nang maisip na rebut ang kaklase ni Yeji kaya she brought up a new topic to fight on. “Talaga ba? Eh mama mo nga hindi naliligo!”

 

Ryujin faked gasped at tinakpan pa ang bibig niya; acting shocked. “Paano mo nalaman? May nilagay ka bang cctv sa CR namin? Oh my goodness, my mama's poor body!” Niyakap pa niya ang katawan na parang pinoproktektahan niya ito.

 

Nanlaki ang mata ng isa at hindi na makapag-isip ng isasagot. Ryujin took this as an opportunity to step forward and whispered sa tenga ng babae. “Pasalamat ka at hindi ko ibubunyag ‘to… ‘wag kang umakto na parang isa kang VIP rito, dahil ang mama mo… nagbebenta lang ng nakaw na  sa mama ko.”

 

Iiwan na niya sana ang kaklase ni Yeji na natulala pero naalala niya na hindi pa pala tapos ang reenactment niya sa sikat na scene ni Cherie Gil.

 

Inilibot niya ang mga mata at wala siyang nakita na magandang props.

 

Ah! Dating gawi!

 

“Ay, sayang wala akong tubig na ibubuhos sa’yo.” Akmang tatayo na sana si Yeji para pigilan ang alam niyang binabalak ng kaibigan niya pero…

 

“Heto na lang.”

 

*spit sounds

 

Huli na…

 

May dinuraan nanaman si Ryujin.

 

Ginagawa niya ‘to sa lahat ng mga nang-aaway kay Yeji. Kulang na nga lang siya na ang bansagan na kasunod ni Queen dura eh.

 

“Yuck! Shin Ryujin!!!!” Dumadabog dabog na ang babae pero belat lang ang binigay ni Ryujin.

 

Lumapit na siya sa kaibigan na hindi pa rin nakatayo dahil sumakit ang buong katawan neto mula sa pagkakabagsak niya.

 

“Pao..”

 

Simula nung inilarawan ni Ryujin ang pisnge ni Yeji bilang siopao, hindi na niya ito tinigilan sa pang-aasar hanggang sa ginawa niya na lang itong palayaw sa isa.

 

Yeji is her Pao.

 

Nicknames are supposed to be meaningful dahil ikaw lang ang tumatawag sa kaniya non. Supposedly, it should hold a deep thought behind pero paano kung sa simpleng siopao lang nakuha ni Ryu yung nickname niya para sa bestfriend?

 

Iyon ang akala nila…

 

Na sa simpleng siopao lang nanggaling but no…

 

It signifies the first description Ryujin thought when she had a good look at Yeji’s face. Iyon na ang naging palatandaan niya sa nakatatanda.

 

Na meron itong mukha na hugis siopao.

 

Nalulungkot nga siya dahil unti-unti nang nawawala ang chuby cheeks ni Yeji pero mukhang masaya naman si Yeji kaya susuportahan niya na lang ito.

 

Pinagalitan muna siya ni Yeji bago nito iabot ang kamay para magpahila patayo. “Nandura ka nanaman, Ry.”

 

Hindi siya pinansin ni Ryujin at tinignan lang nito kung saan siya nagkagalos. May bumubuo nang busangot sa mukha niya nung tinapik niya ang uniform ng nakatatanda para alisin ang dumi.

 

“Pao, lumaban ka naman minsan.” Malamig niyang sabi habang nakatingin na sa dumudugong sugat sa siko ni Yeji.

 

“You know I can’t.” Inayos ni Yeji ang tayo nung binitawan siya ni Ryujin. Nagtaka pa siya kung saan ito pupunta pero nanlambot ang puso niya nung isa-isang pinulot ng nakababata ang mga papel na nagsiliparan kanina.

 

“Ganiyan ka naman palagi eh.” Halata na sa tono ni Ryu ang inis. Kahit busy ito sa pagyuko at pagpulot, kabisado pa rin ni Yeji ang pinapahiwatig ng kaniyang mga salita.

 

Wala siyang magawa kundi indahin ang kirot ng sugat niya at tignan ang galit niyang kababata na nililigpit ang nakakalat na mga papers.

 

Nang matapos ng kunin ni Ryu lahat, lumapit na ulit siya kay Yeji at tinignan ito ng walang emosyon. Na-intimidate ang nakatatanda dahil minsan lang ganito si Ryu.

 

Naiintindihan naman kasi ni Ryujin that she’s not a patola. Oo, sinabi niya ‘yon kay Ryu. Pero there should be times that you’d need to stand up for yourself. Paano na lang kung hindi sila nadatnan ni Ryu doon? Hahayaan na lang niyang tapakan nung isa ang pagkatao niya?

 

“Ry naman.” Mangiyak-ngiyak na si Yeji.

 

“Bigay ko lang ‘to sa faculty.”

 

Wala nang ibang sinabi si Ryujin pagkatapos non. Hindi nga niya ibinilin na huwag umalis si Yeji sa pwesto.

 

But Yeji stood still sa kaniyang kinatatayuan.

 

Hindi siya umalis doon simula nung nagpaalam si Ryu. She’s thinking na kung mananatili siya rito, babalikan siya ng kaibigan at kakausapin.

 

Ryujin sighed nung nasa likod na siya ni Yeji. She’s looking at the wound na medyo natuyo na dahil hindi talaga ginalaw ni Yeji. Mag-iisang oras din kasi siyang naghintay doon dahil nag-attend pa si Ryujin ng class meeting.

 

Kung si Yeji kasi nasa star section, si Ryu naman nasa section 3. Nandiyan ang mga maiingay at makukulit na mga estudyante. Parang sinadya talaga silang ipagsama at binigay sa pinaka striktong adviser kaya nung nabalitaan na involved nanaman sa gulo ang isang estudyante mula sa section nila, pinatawag agad ang buong section.

 

Inamin naman ni Ryu na siya ang nasangkot sa away at nag-explain kung ano ang totoong nangyari. Mukhang iniba kasi ng kaklase ni Yeji ang kuwento nung nagsumbong siya sa guidance.

 

Naniwala naman ang teacher nila dahil kilala na ang estudyanteng iyon bilang isang arogante at mapagmataas na bata.

 

Pagkatapos naman niyang klaruhin ang lahat at matanggap ang punishment niyang 1 week community service, dumiretso agad siya sa kung saan niya iniwan ang bestfriend.

 

She’s aware of how stubborn the older one can be at kahit mangatal ang paa niya sa kakatayo, hindi siya aalis dun kung hindi siya kakausapin ni Ryujin. So, she’s here sa likod ng Pao niya at malungkot ang mukha.

 

“Gutom ka na ba?” Bigla niyang sabi at nagpakita na kay Yeji.

 

Yeji pouted and immediately jumped to Ryujin para yakapin siya. “I’m sorry, Ry..” She’s also starting to weep on her bestfriend’s shoulder.

 

Ryujin responded by caressing the older’s back and hummed as a response.

 

“I won’t let them belittle me anymore.” Ryujin smiled proudly dahil sa wakas, she felt the determination of her Pao na manindigan para sa sarili.

 

“Tara ice cream?” Umilaw naman ang mukha ni Yeji at mabilis siyang tumango.

 

They decided to go to a convenience store kung saan sila makakabili ng ice cream at first aid kit in one.

 

“I’ll pay, Ry.” Kasalukuyang hinahanap ni Yeji ang wallet niya sa bag.

 

“Ako kaya ang nag-aya! Eto na, ako na magbabayad. Oh wala na.” Sabi ni Ryujin habang nilalagay na sa counter lahat ng pinamili nila pati na lahat ng pera mula sa bulsa niya.

 

Sumimangot naman si Yeji. “Ry, that’s literally your allowance for the whole week. Tuesday pa lang.”

 

Ryujin’s family is not that rich kagaya ng kay Yeji. Her family’s wealth is just at the average level, sakto lang para mabuhay sila sa pang-araw araw na pantustos. It just so happens na hindi rin demanding si Ryu sa allowance at kahit ang maliliit na halaga ay tinatanggap niya.

 

Medyo nadelay kasi ang sweldo ng papa niya ngayong buwan kaya kailangan niyang magtipid. Yeji is aware of that kaya she’s trying to help Ryu by not letting her spend too much kapag magkasama sila.

 

“Hahayaan kita ngayon pero dapat hayaan mo rin ako kapag I’ll make libre sa’yo anytime this week.” Sabi na lang niya nung hindi sumagot si Ryujin sa pagpapangaral niya.

 

Pagkatapos nilang mabayaran ang pinamili, umupo sila sa available na upuan sa loob at nilinis na ng nakababata ang sugat sa siko ni Yeji and finished it by putting a large bandage.

 

“Perfect! Ang galing ko, pwede na akong mag nurse!”

 

The older muttered her thanks at nagsimula nang buksan ang ice cream. Chocolate ang pinili niyang flavor at Vanilla naman kay Ryu.

 

Their flavor preferences pretty much sum up the difference between their personalities.

 

“You know I’ve been thinking about, you calling me Pao tapos ako, ang tawag lang sa’yo ay Ry.” Yeji stated while happily eating her ice cream on cone.

 

“Oo nga eh. Parang pinapaalam mo talaga kung gaano ka kaboring na tao.”

 

Tinignan siya ng masama ng bestfriend at mabilis naman niyang nginitian ng malawak ito; telling her that she’s just joking.

 

“Anyway, I wanted to come up with a nickname for you rin.” She finds it unfair para kay Ryu na ang palayaw na ginawa niya ay galing lang sa pangalan nito.

 

Alam niya kung ano ang reason behind 'Pao' kaya she tried her very best to create a meaningful one also.

 

She loves a challenge.

 

“Sige nga. Let’s hear what you got, Hwang Yeji from section 1!” Hamon ni Ryu habang nililinis na ang mga kalat nila.

 

“From now on, I’ll call you ‘bucky’.” Yeji blurted it out with honey and strawberries on her tongue na parang umikot ang kalamnan ni Ryujin nung marinig niya iyon.

 

It sounded so sweet.

 

She thinks na alam niya kung bakit bucky ang napili ng nakatatanda.

 

Napag-usapan nila ito on one of their marvel movie nights. It was when they watched ‘Captain America: The Winter Soldier’. Yeji once mentioned to Ryu na she liked Bucky’s character dahil he is loyal to his childhood friend. He also has traits na gustong-gusto ni Yeji like being generous, brave, and headstrong.

 

Habang nakititig siya kay Yeji na masayang inuubos ang chocolate ice cream neto, napangiti siya out of satisfaction.

 

Bucky…

 

Tama nga. Ryu and Bucky are the same… dahil kahit anong mangyari, Ryujin will always be ready to fight for her childhood besftriend.

 

She likes it.

 

She likes the nickname that Yeji gave her. Not only it came from her favorite entertainment but it also came from her favorite person.

 

And if Yeji tells her that she’s Bucky, then she’s bucky.

 

Yeji’s Bucky.

 

[END OF FLASHBACK]

 

 

 

Nakapila ngayon sina Giselle at Yeji dahil sila ang tinulak ni Rina nung nag-panic ito pagkatapos niyang sabihin ang nasa isip niya.

 

“Do you think Rina has feelings for Winter already?” Tanong ni Gi while they’re scanning the menu sa taas ng cashier. Naghahanap sila ng magandang partner sa kanilang kape.

 

Hinila ni Yeji si Gi dahil umuusad na ang pila. “Girl, if hindi pa obvious yung sinabi niya sa table natin, I don’t know what is. Also, hindi mo ba na notice sa class kanina that she’s always taking glances sa side ni Winter habang gumagawa ng essay?”

 

Mahina lang silang nagchichikahan dahil ang dalawang tao na pinag-uusapan nila ay nasa iisang lugar lang. Winter is also seated not far sa cashier.

 

Hindi nila idedeny na binabantayan nila ang galaw ng mag-partner.

 

“Ay, speaking of Winter, do you have an idea kung bakit siya ni-reject ni Rina? Kasi I can’t think of a reason simula nung na-witness natin kung paano nila tignan ang isa’t-isa.” Laking pasasalamat talaga ni Gi dahil medyo mahaba ang pila ngayon kaya makakapag-usap pa sila. Tuwing uwian kasi, medyo occupied talaga ang café kaya pahirapan talaga sa pagpila.

 

“Hay. You and me both, Gigi. They’re really good for each other pa naman. Sayang.” Tumaas ang mga kilay ni Gi sa sinabi ni Yeji.

 

Coming from you, teh?

 

“Makapagsabi ka ng sayang parang hindi mo sinasayang si Ryu ah.” Playful itong tinuran ni Gi. She’s trying to make Yeji comfortable dahil alam niyang when it comes to Ryujin, nagiging balisa ito.

 

Suminghap naman ang isa. “Gi, it’s a different story between us.”

 

Hindi talaga mapagtanto ni Giselle kung ano ang kinakatakutan ni Yeji. Diba if you have feelings for someone handa kang ipaglaban ito?

 

Gi witnessed kung gaano ka determinado si Ryujin sa nararamdaman niya towards her childhood bestfriend. Kitang-kita niya that the younger is taking the courageous tracks between their paths.

 

Mayroon kasi talagang tendency si Yeji na maging pessimistic about the future. Iyan siguro ang toxic trait ng kaibigan niya; she’s an overthinker. Pinapangunahan niya ang mga pangyayari because ayaw niyang matulad sa mga magulang niya na nagpadalos-dalos and ended up hurting each other.

 

Pero padalos-dalos pa rin ba iyon kung ilang taon na silang naglalaro ng urong-sulong?

 

 

 

[FLASHBACK] – “PAO IS OUT?”

 

Ji Pao:

[5:07pm] Buck, where are you?

 

Ryujin’s face is confused dahil as far as she remembers, nakapagpaalam siya sa kaibigan na aalis siya ngayong araw kasama ang mga kaklase niya. She was enjoying her favorite mocha bread sa isang local café nung natanggap niya ang message from Yeji.

 

Me:

café ako pao. bakit? [5:08pm]

 

 

Ji Pao:

[5:09pm] Oh. Okay na pala haha.

 

Dudang-duda si Ryujin sa mga ganitong message ni Yeji. Una, bakit siya magtatanong kung okay naman pala? Pangalawa, mukhang trying hard ang mga salita niya. Last, hindi iyon mag-tetext bigla kapag alam niyang may gala si Ryujin. She wants Ryu to have a good time without thinking about her.

 

Me:

asan ka now? [5:09pm]

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
0 points #1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
529 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
132 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
337 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭