Chapter 16 - Discovery

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Discovery: Procedures used to obtain disclosure of evidence before trial.

 

 

Daddybombzzz:

[5:54am] Good morning anak ko ❤️❤️❤️

[5:54am] I just woke up and tried to learn these emojis

[5:56am] Venom misses you 🤒🤕😞

 

Second day na!

 

Kakagising ko lang and was about to check the time sa phone ko when I saw these messages I got from Dad. Gusto ko ngang matawa kasi minsan lang siya ganito.

 

But it's his thought that counts!

 

And venom? Well, ‘yan yung snake plant na inaalagaan niya sa bahay. It’s just his palusot para hindi siya magtunog clingy… Ang totoo kasi niyan, he’s the one who misses me.

 

Me:

Good morning. Tell venom I miss him too :( [6:37am]

Why are you suddenly trying to learn how to use emojis? [6:38am]

 

Daddybombzzz:

[6:40am] Oh you’re awake!

[6:41am] Are you having fun naman ba riyan?

[6:42am] Please don’t forget to drink your vitamins

 

Humalakhak na ‘ko. P’wede ko nang bigyan si Dad ng ‘Best Mom’ na award.

 

Oo, mom talaga kasi sobra pa siya kay Mommy when it comes to these matters. Free time niya siguro ngayong umaga…

 

Sabagay, wala kasi ako roon para hintayin at ihatid niya sa university.

 

Me:

 I miss you too, Dad! We’re gonna do spelunking and trekking today. [6:44am]

Go fix yourself na. I’ll be fine here don’t worry. Love you! [6:45am]

 

Sana naman naibsan ang pag-aala niya… ‘Yun na ang last reply ko and turned my phone off.

 

Mag-isa na lang ako rito sa side ng bed namin. Nauna nang bumangon si Ate Dahyun dahil parang instinct niya na dapat siya ang maunang magising to keep track sa members and our activities.

 

We slept nga pala sa kama na nasa right side at sa left naman sina Ate Chaeng. Early rin ata nagising ang boys kasi wala nang tao at naligpit na rin ang lapag sa ilalim.

 

It’s a first ata na isa ako sa mga nahuling magising. Kahit pa kasi rinig na rinig dito ang mga tilaok ng manok at tahol ng aso, tulog mantika pa rin ako.

 

I think that was the best sleep I had after a long while.

 

Kung hindi kasi books and notes ang inaatupag ko, ang pag-iisip naman kay Aussie ang ginagawa ko. Keme!

 

Tumayo na ako from our bed and nag stretch muna ng konti.

 

Rise and shine!

 

Oh?

 

Ngayon ko lang na notice na isang tao na lang ang natutulog sa kabilang kama. Si Ate Chaeng ba ‘to? Early bird kasi yung forenjer so imposible naman na she would sleep in.

 

I tiptoed towards the other bed para silipin kung sino nga ba ang natutulog. Sorry chismosa lang!

 

Laking gulat ko na si Aussie pala talaga ang natutulog dito. Hindi ko naman kasi sila ma differentiate ni Ate Chaeyoung kasi parehas silang maliit. Half trot! Isa pa, naka-talukbong kasi siya.

 

So, paano ko nalaman na siya ‘to? Her hair color. May lumalabas kasi na konting part ng ulo niya from the blanket.

 

I stared at her longer than I intended to.

 

Naalala ko ang mga ganap at pinag-iisip ko kagabi.

 

Nakakainis ka Winter Kim! Pumasok-pasok ka sa buhay ko tapos hahayaan mo lang na sumama ang loob ko dahil marami ang umaaligid sa’yo? Emz!

 

Ang lakas na ng pagkuyom ko sa mga kamay ko. Feeling ko nga dudugo na rin ang labi ko sa pagkagat ko rito.

 

Magiging okay pa ba tayo?

 

Meron bang tayo in the first place?

 

I groaned and frustratedly disheveled my own hair.

 

“Titigil na ba ‘ko, Win?”

 

Kajirits. Tunog desperada na ‘ko. Hindi dapat ganito ang ginagawa ng mga magagandang tulad ko!

 

Natawa ako sa sarili…

 

…then sighed. “Tama, I should stop na ‘no?”

 

Mukhang mema na ‘ko rito habang kinakausap ang babaeng tulog sa kama. Sana hindi masiyadong audible ang sinasabi ko. Naka-talukbong naman siya at mahina naman ang pagkakasabi ko.

 

“Naiinis na ‘ko sa sarili ko, Aussie… Alam kong humingi ka ng space pero hindi ko kasi magawa.”

 

Teka! Ba’t ako naiiyak? Mabilis akong tumingala para pigilan ang aagos na waterfalls.

 

Ang gara lang kasi, ‘yung ganap namin dito parang binisita ko lang ang puntod ng yumao kong mahal sa buhay. Knock on the wood!

 

Daming alam kasi eh! Kung naligo na lang ako nang diretso, may napala pa ‘ko.

 

Pero nasimulan ko naman kasi… Kahit heto na lang ang gawin ko para naman gumaan nang konti ang pakiramdam ko. 

 

“’Di bale na. Hindi na kita lalapitan o kakausapin 'pag umuwi na tayo… Just… j-just this time lang… Dito lang sa Sagada.. Hayaan mo ‘kong iparamdam sa’yo 'tong sinisigaw ng shunga kong hypothalamus.”

 

Yes. Dapat hypothalamus para matalino pakinggan.

 

Nilakasan ko pa ang loob ko na lapitan ang tulog na forenjer. Nagsimula na ring umagos ang mga luha na pinipigilan ko kanina. Hindi na nga ako makahinga dahil I’m trying to refrain myself from making any unwanted noises.

 

I kneeled down para mapatong ko ang ulo sa kama and moved my hand para ilagay ito sa braso niya. Hindi ko alam kung braso niya ba talaga ‘to pero feeling ko nakatagilid ang posisyon niya eh.

 

Ang tapang ko ngayon… Anong meron sa hangin ng Sagada?

 

Pinahiran ko ang mga luha na pumapatak mula sa aking mga mata at huminga ng malalim. “P-promise last na ‘to, Aussie. Ibubuhos ko na lahat dito… para hindi na tayo mahihirapan sa mga susunod na araw…”

 

“Wala nang masasaktan, wala nang maglalaro…”

 

I started to caress her arms to console my feelings. Nakakalma niya kasi ako. “Ba’t ka naman kasi knock out sa pagtulog diyan! Ayan tuloy, nagdrama ako nang wala sa oras.” Mahina kong reklamo.

 

“Thank you, Aussie ha. For making me feel that I could adore another person. Na may mga bagay pala na mas kailangan kong pagtuonan ng pansin… Galingan mo sa Psych ha. I’ll be rooting for you.”

 

I huffed. Ayoko na… Umagang-umaga namamaga na ang mga mata ko.

 

Bago pa siya magising, tumayo na ako at hindi na pinagpatuloy ang gustong sabihin. Nanginginig akong kumuha ng mga damit pampalit at panligo.

 

Sa shower na rin ako humagulgol. Sinabay ko ang mga hikbi ko sa agos ng tubig para hindi marinig ang pagiging iyakin ko rito.

 

Wala na kasi talagang patutunguhan ang lahat. She has other people at ako naman, magbabalik alindog sa studies ko.

 

Mabuti na lang siguro na sulitin na lang ang time namin dito para wala akong pagsisisihan sa huli.

 

Sa sobrang lala ng pinagdaraanan ko ngayon, sisiw na lang sa’kin ang mala Poland nilang tubig. Grabe parang galing sa ref ang tubig sa sobrang lamig nito.

 

“Rep, quarter to seven daw tayo aalis kasi maglalakad pa tayo.” Base sa bilog na boses niya, it’s Yuqi who’s outside.

 

I gulped dahil natuyo ata ang lalamunan ko sa pag-iyak. “S-sige, malapit naman ako matapos.”

 

I didn’t hear any response so I’d assume na narinig niya naman ‘yung sinabi ko.

 

Ano ba ‘yan!

 

Ang saya-saya ko kahapon tapos ngayon malungkot naman… bukas feeling ko ano ako… hmm… himlay ganern.

 

Nagsuot na ako ng damit at nilagay muna sa ulo ang towel para matuyo nang konti ang buhok. Kinukusot ko pa ang mga mata ko pagkalabas ko ng CR.

 

Laking gulat ko naman nung naghihintay pala rito sa labas si Aussie.

 

Namamaga pa ang mga mata ko beh!

 

Nagpanic ako at tinago ko na lang ang mukha gamit ang mga kamay…

 

Shems!

 

“Uh-uhm..” Parang robot ako when I moved out of the way – nakatakip pa rin ang mukha sa mga kamay. “S-sige, pasok ka na ro’n.”

 

I’m internally slapping myself dahil sa kahihiyan na ‘to. Padabog na akong lumayo at nagsimulang maglakad papunta sa k’warto namin.

 

“H-hey…”

 

Natigilan ako.

 

T-tinawag niya ba ‘ko?

 

Ako ba yung tinatawag niya?

 

Aussie, p’wedeng mag-name drop ka? Yung ‘hey ganda’ ganern. Para hindi ako maging feeligera. Emz!

 

Lumingon ako na parang timang sa kaniya dahil tinatakpan ko pa rin ang mukha ko. Sabihin ko na lang kaya na morning allergies ‘to?

 

Ano… Uhm allergic ako sa betlog gano’n?

 

I’m now fully facing her at hinihintay lang sa kung ano ang sasabihin niya. Hindi ko ma-identify kung ano ang pinapahiwatig ng mga tingin niya.

 

Yung parang intense na tingin pero at the same time may konting lambing. Basta!

 

She’s just looking at me at na-alarm naman ako dahil malapit na mag alas siyete. Baka mahuli kami sa naplanong oras. “May.. gusto ka bang sabihin?”

 

Kumurap-kurap siya. Ang cute!!

 

She cleared at nagkamot pa ng batok.

 

“Do you… Can you…” I can sense na nag-aalanganin siya sa gusto niyang bigkasin na mga salita.

 

Tinaasan ko lang siya ng kilay para ipaalam na nakikinig ako sa kaniya.

 

But at the end, suminghap lang siya at inutusan pa ‘ko. “Can you tell the members to wait for me outside? I won’t take long here…”

 

Ah…

 

Okay.

 

“Sure…” Sagot ko bago humarurot papunta sa itaas.

 

Ang weird?

 

Parang iba yung na form out ko from her actions and words…

 

Eh! Nadadala lang ako ng bugso ng damdamin!

 

Binalik ko sa bag ang mga ginamit ko and thoroughly checked if may dala akong sunglasses. Yes, tama! Mag-shades na lang ako para maganda pa rin kahit maga ang mata.

 

Hay salamat naman!

 

Mabuti na lang talaga remind nang remind si Dad nung nag-iimpake ako. Andito nga yung shades na palagi kong ginagamit when we go to the beach. Favorite ko kasi ‘to dahil perfect siya sa face shape ko.

 

Isinuot ko na ‘to and checked myself sa mirror.

 

Pak! Awra lang! Oh, parang hindi lang umiyak.

 

Sinuot ko na rin ang trekking sandals ko dahil nga diretso ang activities namin. Workout outfits din ang suot kong attire dahil mababasa naman kami sa cave and falls.

 

I also wore my apple watch to keep tracks sa steps and health ko. Maliit na backpack lang din ang dala ko para hindi sumakit ang likod ko habang naglalakad kami.

 

Mahirap na… Ang lala pa naman ng backpain ko.

 

Okay!

 

Excited na ‘ko sa mga gagawin namin na for sure, parang hahampasin kami ng kahoy sa sobrang pagod.

 

Ready to go na ‘ko! Sagada Brew, pasayahin mo naman muna ako please…

 

“Good morning! Where are you headed this morning?” Sinalubong kami ni Tita Helen sa labas ng bahay niya nang may malawak na ngiti. She’s watering her plants.

 

“Mag-breakfast po kami sa Sagada Brew, Tita and then diretso na po kami sa Sumaguing after that. Actually hanggang 6:30pm po kami outside. We’ll probably rest early.” Ate Dahyun answered while smiling widely also.

 

Bakit parang lahat ng tao rito nagkaroon ng magandang gising except sa akin?

 

Oh, technically maganda naman ang gising because of the messages I got from Dad pero ‘di na lang me mag-talk tungkol sa mga sumunod na kaganapan.

 

Tita helen faced us at tinignan kaming maigi. I think she’s memorizing every details of our features. Sobrang mother figure niya talaga. “Mag-ingat kayo and don’t be reckless sa activities ha. Make sure to look after one another.”

 

“Yes po, Tita!”

 

“Opo, Tita. Thank you po!”

 

“We’ll come back nang walang galos po!”

 

Satisfied naman siya sa mga nakuhang sagot at pinaalis na kami. Gagawa pa pala sana siya ng coffee pero sinabihan siya ni Ate Dahyun na sa Sagada Brew ang first stop namin.

 

Na-guilty naman ako… I’ll make sure to ask for her coffee mamayang gabi. Okay lang kahit hindi na ‘ko antukin basta malasahan ko lang ulit ang kape ni Tita Helen.

 

Alright, all set na kami!

 

Sama ulit kayo sa aming walking adventure part… part ano na ba ‘to? Part 5 na ba?

 

Wait let me break it down… Una, naglakad kami papunta sa homestay. Second, papunta naman sa pottery. Third, down the Diner. Pang-apat, sa Yoghurt house.

 

Tama ako!

 

Okay, ulit!

 

Join us sa fifth part ng aming walking adventures!

 

Gawin ko kayang segment ‘to?

 

Walking Adventures with Karina Yu – isang achiever na sawi sa pag-ibig. Emz!

 

Napatawa ako habang sumusunod sa mga kasama ko. Malapit lang din ang Sagada Brew kaya hindi kami nagmamadali.

 

“Wala namang araw. Ba’t ka naka-sunglass?” I acted cool sa tanong ni Ate Dahyun.

 

“This is a part of my get up.”

 

Nakikita ko sa peripheral vision ko ang suspicious niyang mukha. “Jimin Karina Yu, you’re a bad liar.”

 

Wow, full name.

 

Kinabahan naman ako at medyo binagalan ang paglalakad para nasa hulihan kami.

 

“Nag-senti senti ako.” Walang emosyon kong sabi.

 

Tumango-tango naman si Ate and inserted her hands sa jogger pants niya. “I suppose it’s about…” Ngumuso siya.

 

Sinundan ko kung saan nakaturo ang nguso niya at naka-direkta ito kay Aussie. Kanino pa ba kasi?

 

Malungkot ako na ngumiti at hindi na nagsalita.

 

Ayaw kong pag-usapan muna.

 

Thankfully, Ate Dahyun didn’t pry anymore at hinayaan lang akong magmukmok habang naglalakad. Na-sense niya siguro na masiyadong mabigat ang topic para sa akin.

 

Mag-eemote nanaman sana ako nung may naramdaman akong mabigat na kamay na umakbay sa akin. “Come on, our fave baby! Ease out those thoughts muna because we’re here to have fun, hm?”

 

Ginantihan ko ng tipid na ngiti si Ate Dahyun…

 

Ate, these kinds of thoughts are the ones that are very hard to fight.

 

Talong talo ako palagi…

 

“Rina, ‘wag mong ubusin ang sarili mo. Look, you’re getting drained dahil na-guilty ka sa isang pagkakamali.”

 

“Ate, it’s not just a simple mistake.”

 

She tapped my shoulder na parang pinupukaw ang kaluluwa ko. “And you’re trying your very best to make up to that mistake!”

 

Ate took her arm from my shoulder and walked backwards. Magkaharap na kami ngayon habang papalapit na sa Sagada Brew.

 

“Give yourself a break, Rina. You’ve done enough. ‘Wag kang masiyadong harsh sa sarili mo.”

 

I avoided her eyes kahit naka-shades ako. Kilala niya kasi ako kaya alam kong kahit nakatago ang mga mata ko, mababasa ni Ate kung ano ang nararamdaman ko.

 

Umayos na siya ulit ng lakad at tumabi na sa akin. I can already see the restaurant from where we’re walking. Nasa roadside lang siya, ang convenient!

 

“Love shouldn’t be that painful and hard, Rina… Mind you, wala pa nga kayo sa stage na ‘yan pero hirap na hirap na kayo.”

 

Kumunot ang noo ko.

 

I’m a strong believer na after all those pain and difficulties (not the pain na super extreme though), you’ll come out wiser and stronger… and that’ll lead you to become a better person who knows how to make it easy para sa kapakanan ng significant other mo.

 

Kaya kung nahihirapan ako ngayon, matututo ako…

 

And if I learn… Itatatak ko ito sa isip ko.

 

Hindi tayo pinanganak na meron na kaagad special skills. We all start from below. And by learning it, dito na nagsisimula maging madali ang lahat kasi alam na natin kung anong gagawin. 

 

“We’re here!”

 

Woah, I think that was the longest walk we’ve had. Siguro dahil I’m mentally prolonging the pace that we’re taking?

 

I sighed. I’ll follow Ate Dahyun’s advice muna – to have fun and loosen up.

 

Happy thoughts… Happy thoughts…

 

Where did my playful personality from yesterday go?

 

Hay!

 

Stop the drama!

 

Kakain na!

 

Feeling ko talaga gutom lang lahat nang ‘yon.

 

Anyways!

 

I think the reason why Sagada is a healing place kasi every destination would definitely feel like home.

 

If hindi kilala ang Sagada Brew, mapagkakamalan talaga siyang bahay lang kasi it’s located talaga sa mismong bahay – connected to a big red house.

 

(Photo credits to: Tripadvisor - https://www.tripadvisor.com.ph/Restaurant_Review-g304053-d6210044-Reviews-Sagada_Brew-Sagada_Mountain_Province_Cordillera_Region_Luzon.html)

 

Pagpasok mo pa lang sa Sagada Brew, yung pastries agad ang bubungad sa’yo. Tapos may winery rin on its side na for display lang, I think.

 

Then, sa kabila naman nakalagay yung p’wede mong bilhin na beans or coffee powders. Maraming varieties of choices and meron ding iba’t-ibang sizes ng containers. Depende na lang siguro sa’yo if gaano karami ang gusto mong bilhin.

 

At heto pa! You won’t believe na meron pa silang binebenta na accessories and souvenirs sa dulo! Akala ko nga kape kape lang ‘to pero nagulat ako nung nakita ko ang area na iniilawan talaga.

 

It’s not your typical accessories dahil gawa talaga ito ng mga locals and its design is very classic. Hindi siya yung kagaya ng mga nakasanayan natin na manipis lang kasi this one is super eye-catching.

 

Ang cute rin nung na-isipan nila na gawing decorations ang mga mugs and cups. It’s placed on the upper part of the walls at nakapatong sa mga wall shelf.

 

[Sagada Brew’s interior.]

(these are captures from the travelers in Tripadvisor: https://www.tripadvisor.com.ph/Restaurant_Review-g304053-d6210044-Reviews-Sagada_Brew-Sagada_Mountain_Province_Cordillera_Region_Luzon.html#photos;aggregationId=101&albumid=101&filter=7&ff=168173937)

 

And as usual, ang pinakamalaking table nila ang kinuha namin. Nagsi-tinginan naman kami sa menu habang si Ate Dahyun, nagtanong na kung ano ang orders ng iba.

 

May sign kasi na nakalagay ang ‘Please… place and pay your orders at the cashier counters only.’

 

Ang dami ng food na nasa menu nila! They serve hot and cold drinks na napakaraming pagpipilian. If precise ka talaga sa choice of drink mo, you can choose from up to thirty kinds.

 

Meron din silang pasta, sandwiches, and snacks. If hindi mo siguro trip mag-rice, dito ka maghanap ng kakainin mo.

 

And ofcourse, breakfast, lunch, and dinner! Actually, separate talaga ang menu ng breakfast kasi sa mga ganitong oras talaga marami ang dumadayo.

 

Okay lang naman ba na sa lunch ako pumili ng order ko? Narinig ko kasi na masarap yung Sagada orange chicken nila rito.

 

Mas better nga ‘yon kasi strenuous yung activities namin today. Atleast, may source of protein na ‘ko.

 

Kay Giselle ko nakuha 'yan. Mahilig kasi sa protein 'yon.

 

“Ate, yung Sagada Orange Chicken lang po yung akin.”

 

“How about your drink?”

 

Hmm, wait…

 

I’m not in the mood for coffee. How about tea? Or shake? Ay ayoko mag-shake, masiyadong malamig na nga rito sa Sagada, nakuha ko pang mag-shake.

 

Mag-tea na lang ako para healthy na talaga ang combo ng breakfast ko.

 

“Pink Lemon Tea na lang po, Ate.”

 

Isa ako sa mga naunang magbigay ng order kay Ate kaya kitang-kita ko ang mga kunot na noo netong mga kasama ko. Mahirap mamili ‘no?

 

Pagka-dami dami ba naman kasing pagpipilian!

 

Pinatong ko na lang ang chin ko sa palad at tumingin sa labas. Gustong-gusto ko lang ang mga restaurants dito kasi they make sure na kita pa rin ang view ng Sagada sa tuwing kakain ka.

 

Napapaisip nanaman tuloy ako…

 

Nagmumukhang martyr pala ako nung sinabi kong ibubuhos ko lahat ng nararamdaman ko kay Aussie habang nandito pa kami sa Sagada…

 

Kasi eto ha, parang matetegi na ‘ko rito sa s-selos pero nakuha ko pa ring harapin siya at sabihan na last na ‘to.

 

Well, hangga’t kaya ko, I’ll keep on going.

 

I mean, it’s Aussie… She’s worth every pain and risk.

 

Grabe. Second day pa lang naman pero parang ang dami nang nangyari. I can also say na unti-unti na ring naliliwanangan ang isip ko.

 

It seems nga na nag-solo travel ako kasi sarili ko lang ang inatupag ko mula kahapon. Hindi kagaya ng mga seniors, todo asikaso sila sa mga members namin.

 

“Enjoy your breakfast po!”

 

Iba-iba pala kami ng inorder lahat. Sina Minju sisteret, waffles and bacon ata ang inorder. Sina Ate Dahyun naman, nag-pancakes. Tapos kami nina Yuqi, nag-rice talaga.

 

Naamoy ko pa rin ang amoy ng freshly brewed coffee kahit madami na ang nakalagay sa table namin. Gusto ko yung combination ng mga aroma sa ilong ko, from the waffles papunta sa orange chicken na inorder ko… Heaven!

 

“Thank you po sa pagkain!”

 

We happily munched on our food at heto nanaman kami sa walang imikan part ng kainan.

 

Understandable naman. Kagaya ko na sobrang nasasarapan sa orange chicken na ‘to. Plus, hita at paa pa yung part!

 

Parang alternative siya ng honey butter na flavor, ‘yung kinaiba niya lang is medyo may asim siya coming from the orange. It’s even served with seasoned vegetables on the side, para hindi ka yata maumay.

 

Ngayon, I’ll try the pink lemon tea naman.

 

Taste test… Hmmm, lasang…

 

Lemonade…

 

So, ano ‘yung purpose ng pink? Wala, pang-agaw atensyon lang…

 

Ngayon ko lang na-realize, orange and lemon pala yung inorder ko… Let’s just hope na hindi ma-trigger ang acid reflux ko.

 

“Ms. Yu, do you want waffles?” Umangat ang ulo ko papunta sa direksiyon ni Jeno. Mars, mas gusto ko na lang ata yung time na hindi ka nagsasalita.

 

Pero nung napadako ang mata ko sa isang buong piraso ng waffle sa plato niya, parang natakam ako. Aside kasi sa chicken ko, ang amoy ng waffles ang tumatak sa’kin.

 

Hindi niya naman nilagyan ng lason o gayuma ‘yan diba?

 

Malamang! Saan siya kukuha no’n?!

 

“Baka gusto mo pang kainin ‘yan.” Pagpapabebe ko. Tama naman kasi, baka gusto niya palang kainin pero mas pinili niya i-alok sa akin.

 

He chuckled. “I wouldn’t have offered it to you if gusto ko pang kainin… Here, may bacon pa ‘yan. And don’t worry, wala akong nilagay diyan.” Kumindat pa siya.

 

Hindi ko na naitago ang asim ng reaksiyon ko. Bakit may pa kindat pa kasi?

 

Uy pero free food oh! Masamang tanggihan ang biyaya.

 

“Uy, tinatanggap na mga bigay ni Jeno.”  Asar ni Jay.
 

Ano naman kung tanggapin ko? Binigay eh.

 

“Payag ka no’n, Win? Fight back naman my chimken!” Napatingin ako kay Aussie pagkatapos sabihin ni Ate Chaeng ‘yon.

 

Phew. Wala namang violent reaction from her. Umiiling lang siya while smirking. May sinabi rin siya pero masiyado siyang malayo from where I’m seated kaya hindi ko narinig.

 

Si Ate Dahyun na katabi niya, nanlaki ang mga mata.

 

Ano kaya ang sinabi niya? Naiintriga tuloy ako!

 

“Are we good to go, everybody?”

 

Malapit na mag 8:30am nung matapos kaming kumain. I’m fascinated by how everything just goes smoothly sa kung ano ang naplano namin. Makikita talaga kung gaano ka disciplined and keen ang council when it comes to time management.

 

Dumaan muna kami sa tourism office to notify them about our booking. They introduced us agad sa kuya na would lead our cave spelunking. Actually, marami sila para raw sa safety ng mga tourists. Madulas at madilim na kasi sa cave, tapos isa lang ang local na kasama namin. Edi, we ended up looking like fools doon.

 

Also, one thing about their tour packages, ‘yung mga tour guides ay ang mga locals mismo. It’s important na sila talaga ang iikot sa amin dahil sila ang nakakabisado ng kanilang lugar. I’m not badmouthing those tour guides na hindi locals at nag-training lang ha… I’m just stating the difference this certain matter can make sa katulad naming mga dayuhan.

 

“Heads up lang po, marami pa ho tayong madaraanan na mga lugar bago tayo makarating sa cave pero rest assured po na sulit ang lalakarin natin.” Sabi ni Kuya tour guide habang nagsisimula na kaming bumababa ng hagdan.

 

Alam niyo ba, kahit magbilad pa ako sa araw dito, feeling ko hindi ako masusunog. Maybe it’s the humid na parang ang sarap lang ng simoy ng hangin. Kahit nga naglalakad na kami at namamawis, hindi talaga kami mangangamoy. At in fairness, hindi rin kami malagkit ha.

 

Halina’t subaybayan niyo ulit ang aming walking adventures!

 

Almost 10 minutes in na kami sa paglalakad. Humihinto rin kami kapag maganda ang mountain view na nakikita namin. Andito na kami sa isang cave na ang tawag ay Lumiang Cave. Madadaanan daw kasi talalaga 'to bago makarating sa Sumaguing Cave.

 

Sikat ito dahil sa mga hanging coffins and scenic views.

 

(Photo credits to: Miked's Travel PH - http://www.mikedtravelph.com/2015/01/sagada-cave-connection-lumiang-and.html)

 

Sabi ni Kuya Omar – our tour guide, before the americans introduced the cemetery, kadalasang inilalagay talaga sa mouth of the caves or cliffs ang mga kabaong ng mga yumaong ninuno nila noon.

 

According naman sa knowledge ko, ang Lumiang is the deepest in the Philippines.

 

Mukhang napasabak nga ata ang pagiging adventurous at athletic naming lahat. Although, safe naman ang way, medyo nataranta lang ‘yung iba nung masikip na ang daanan between the bolders and rocks.

 

(Photo credits to: Miked's Travel PH - http://www.mikedtravelph.com/2015/01/sagada-cave-connection-lumiang-and.html)

 

P’wede rin kayong mag face-to-face meetup ng mga kabaong at bungo na nakalibing sa loob. May nadaanan nga kami at nanindig ang balahibo ko kasi feeling ko their spirits are still in the cave. Kumbaga sila ‘yung nagbabantay, gano’n?

 

And after tons and tons of testing our flexibility, nakarating na kami sa Sumaguing Cave!

 

So far, kahit nakakapagod at masikip ang Lumiang, worth it naman siya. Siyempre, hindi talaga maitatanggi na iniingatan namin ang bawat isa kaya may konting kaba at takot talaga along the way.

 

“Rina, okay lang kayo riyan?” Sigaw ni Ate Dahyun na nasa harap. Gusto niya pa sanang pumalikod pero sabi namin mas maigi if she’s in front dahil siya ang pinaka-adventurous sa aming lahat.

 

Kapag titignan mo nga ‘yang Instagram feed niya, halos lahat ng pics ay related sa travel or most specifically, hiking.

 

Ako naman na medyo nasa duluhan, napapanginig na lang sa takot. Kailangan kasi na gamitin talaga ang buong katawan at lakas mo para makababa or makaakyat ka sa mga bato nang maayos.

 

Eto namang kaharap ko… Hindi ko nga alam kung bakit nandito siya eh hinila na ‘to kanina ni Ate Chaeyoung.

 

Okay, mabalik. Itong kaharap ko… na itago na lang natin sa pangalang Aussie, kanina pa nagapasimpleng sumilip kung ano na ang kalagayan ko rito.

 

Hindi naman sa nagiging echosera ako ha. Ano pa ba kasi ang ibang rason para sa walang tigil niyang paglingon? Na-attach ba siya sa mga bungo na nakita namin sa unang kuweba? Charot! Rest in peace po…

 

My point is, kanina pa ‘ko naiipit sa kanila ni Jeno na nasa likod ko naman. Taray, ako ata ang ham to their sandwich. Eme!

 

Napakamot na lang ako ng noo bago sumagot sa tanong ni Ate Dahyun. “Yes, ate humihinga pa naman.”

 

Not true!

 

Feeling ko malulugutan na ‘ko ng hininga dahil sa kaba. Konting mali ng galaw mo lang kasi rito, p’wedeng-p’wede na siyang maging cause of death mo.

 

“Ms. Yu, humawak ka lang sa’kin if nahihirapan ka.” Ayan nanaman siya.

 

Ni-reject ko na nga ‘yang offer nila na pahawakin ako sa may betlog sa tuwing nahihirapan ako!

 

“She can handle herself…” Nanlaki ang mata ko.

 

Hindi na ata nakatiis ang Aussie babes ko.

 

Pati siguro siya naiirita na sa paulit-ulit na alok ni Jeno ng tulong.

 

Pero Aussie, mas gusto kong ikaw ang mag-handle sa akin… Keme!

 

“May sinasabi ka?” Halos mag-slide na ‘ko sa posisyon ko ngayon sa bato nung naramdaman ko ang tension sa dalawang kasama ko.

 

Mga sismars, mamaya na kayo mag-away please. Ayokong mag-ala banana split dito.

 

Mabuti na lang talaga at attentive ang guide namin at inaalalayan kami sa bawat daanan. Nauna na si Aussie na bumbaba kaya marami na siyang time makipag-bakbakan kay betlog – ay este, kay Jeno.

 

“Kuya, p’wede pong pahawak?” Tanong ko sa guide namin na medyo worried na sa tinginan ng dalawa na parang sinasakal na ang bawa’t-isa. “Don’t worry po, Kuya. Uso ‘yan ngayon… Alam mo ba ‘yung staring contest?”

 

“Ho?” Mukhang nalito naman si Kuya. Kebs na! Wala na ‘kong maisip na dahilan.

 

“Naglalaro lang po ang mga ‘yan.” Humawak na ako sa kaniya at tuluyan nang bumaba.

 

At dahil nga nirerespeto ko ang space na hinihingi netong babae na ubod ng tapang, pinigilan ko ang sarili na hawakan siya. “’Wag ka sa kuweba mag-hanap ng gulo. Hintayin mo muna na makalabas tayo at p’wede ka nang manapak doon.”

 

Para naman kapag hanapan na ng katawan mabilis lang mahagilap.

 

Halur! Gusto niya bang maging isa sa mga hanging coffins?

 

Nauna na lang ako at hindi na sila pinansin. I did not consent to be the reason ng away nila.

 

Napahinto ako nung na-realize ko na naka-apak na pala ako sa spring nila rito. Unlike Lumiang, medyo mataas ang level ng spring ng Sumaguing. Mas defined din ang formation ng mga bato rito plus, less sharp pa.

 

(Photo credits to: Miked's Travel PH - http://www.mikedtravelph.com/2015/01/sagada-cave-connection-lumiang-and.html)

 

Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko nung nararamdaman ko na ang lamig ng spring sa paa ko.

 

“You can try the spring ma’ams and sirs. P’wede ring magpahinga muna kayo and enjoy the rock formations that ensemble common forms.”

 

After hearing Kuya, tumalon na agad si Kuya Chan sa spring ng kuweba. Sumunod na rin yung dalawa pa naming mga ate.

 

“Wohoooo. A-ang lamig!” Natawa ako nung audible ang nginig sa boses ni Ate Chaeyoung.

 

Inikot ko muna ang mga mata ko para mas ma-appreciate ang cave. Mamaya na lang ako tatalon sa spring.

 

“Hi, Karina! Do you want me to take a picture of you here?” Nagulat ako sa hindi pamilyar na boses mula sa likuran ko.

 

Sino nanaman ba ‘to?

 

Ay… si sisteret.

 

Owemji bakit siya nag-approach all of a sudden?

 

Act friendly, Rina!

 

“Hi sis­­– ay.. hello, Minju! P’wede ba?”

 

“Sure!” Lumapit na siya sa akin at hiningi ang phone ko to use it sa pagkuha ng pic. “I saw you walking alone kasi. Kaya I thought you needed some companion.”

 

Oh? Why would she pay attention sa akin?

 

Pum’westo na muna ako sa isang rock formation na parang castle ang hugis and posed na parang prinsesa.

 

(Photo credits to: Miked's Travel PH - http://www.mikedtravelph.com/2015/01/sagada-cave-connection-lumiang-and.html)

 

Minju giggled at kinuhaanan na ako ng litrato.

 

Lumapit na ako pabalik sa kaniya kasi kami lang talaga ang tao sa side na ‘to. Mas mabuti na magkasama kami palagi.

 

I checked the photos at napatawa na rin. “You look so silly there.”

 

Kailan ba kami naging close neto?

 

Tanungin ko na nga lang.

 

“Bakit ka nga pala nag-first move sa’kin?” Ay, wrong choice of words.

 

Pero tumawa lang siya. She just took it as a playful banter. “Actually I’ve been wanting to talk to you.”

 

Ayan, lumabas din ang katotohanan. Eto talaga ang mga rason kung bakit hindi ka dapat mabilis maniwala sa mga pa-tweetums ng mga magaganda eh. Keme lang.

 

Tinaas ko ang kilay ko. “Uhm. Marami akong time ngayon.”

 

“Do you wanna walk around while talking?”

 

Tumango ako at sumunod nung nagsimula na siyang maglakad. Bumubwelo pa siguro siya at hinihintay ko lang ang unang salita na lalabas sa bibig niya.

 

“Don’t give up on her.”

 

Parang napunta naman lahat ng senses at atensyon ko nang sinabi ni Minju ‘yon.

 

Kanino ako hindi susuko?

 

Nilingon niya ako from her left side and gave me a small smile. “Medyo matigas lang ang puso niya ngayon but she’ll come around. Nasaktan kasi talaga siya.”

 

Ah.

 

Si Aussie ba pinag-uusapan namin?

 

Bago ako sumagot hinawakan ko muna ang braso ni sisteret at pinigilan siya na mag-patuloy dahil medyo delikado na ang daanan na nasa harap namin. Matatalim na ang mga bato at wala kaming kasama na guide kaya umikot na lang kami para bumalik sa mga kasama namin na naglalaro na siguro sa spring.

 

Bumuntong hininga ako at sumagot. “Aaminin ko, napapagod na ‘ko. Alam kong nasaktan ko siya pero tao lang rin naman ako… If ayaw niya na talaga, then wala akong magagawa. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa kaniya.”

 

Naramdaman ko ang pagtango ni Minju sa gilid ko. “Can’t you atleast hold on?”

 

Ano pa bang pag-eexplain ang need nitong sishie ko?

 

“Ju…” Taray may nickname na agad oh.

 

Tinaas niya ang kilay niya, acknowledging my call.

 

“I don’t have any reasons to hold on…”

 

Malapit na kami sa spring but I stopped my tracks para patapusin ang pag-uusap namin. Kitang-kita rin banda rito ang hugis pudding na bato.

 

(Photo credits to: Miked's Travel PH - http://www.mikedtravelph.com/2015/01/sagada-cave-connection-lumiang-and.html)

 

“I have nothing to h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
537 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
137 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
344 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭