Chapter 13 - Damages

Objection, Your Honor! Bakit Ako?
Please Subscribe to read the full chapter

Damages: are money compensation for loss or injury caused by the wrongful act of another.

 

 

Sobrang trying hard ko ba?

 

Kasi mag-tatatlong linggo na since I started making amends sa ginawa ko kay Aussie.

 

Sa loob ng three weeks na iyon, ramdam kong mas lalo pa siyang naiilang sa akin. Whenever I try to make a move, hindi nawawala sa pansin ko ang feeling na parang uncomfortable siya.

 

Tama ba ‘tong ginagawa ko? Kasi from what I see parang lahat, mali.

 

Naisip ko rin kasi yung pag-uusap namin. I just asked kung papayag ba siya sa kung ano ang gusto kong gawin.

 

I did not ask kung ano ang gusto niyang gawin ko.

 

Baka mamaya gusto niya palang lumayo muna ako tapos heto ako, nagpapapansin sa kaniya.

 

Should I talk to her again?

 

Tsk. How can I have the opportunity to talk to her kung palagi siyang may kasamang iba.

 

Thankful naman ako na tinatanggap niya pa rin ang mga gestures ko but I just feel so ill kapag ibang tao pa rin ang kasama niya.

 

Hm, kasalanan ko naman kasi.

 

Why do I have to be so slow, dumb, and petty.

 

Bakit hindi na lang kasi nagsimula sa tama?

 

Habang tumatagal, unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa. Siya kasi mismo ang nagpapakita ng dahilan na ‘wag ko nang ipagpatuloy. Like how she would look awkward every time na kukunin niya ang mga binibigay ko. Tapos, kapag nag-initiate ako ng conversation, parang nagkakaroon ng tinik sa lalamunan niya.

 

I know…

 

I know it’s that bad and I have no idea on what to do anymore.

 

Nakakapagod din pala… pero I swore to myself na hindi ko susukuan si Aussie. Kahit walang kasiguraduhan ang lahat ng nangyayari, at least naipahiwatig ko naman na I’m being sincere this time.

 

Yung feeling kasi na bigay ka nang bigay tapos wala kang nakukuha in return, ‘yun yung nakaka-drain para sa akin.

 

Not that I’m complaining kasi sinabi niya nga naman na hindi niya maipapangako na may ibibigay siya in return. Parang ang ano lang kasi… ang ano… yung ano…

 

Basta!

 

It’s just that… I can’t help but oversee the future. Do we have one? Uusad ba kami sa stage kung saan galit siya at nanunuyo ako?

 

Cause at this point, I feel like no matter what I do and how many miles I would go to reach her, we have nowhere to go kasi ako lang naman pala ang nasa storyang ito.

 

We are not in this together because from the moment she knew everything that I did, umalis na siya…

 

I can’t do this. Hindi ko kaya.

 

Kasi sa totoo lang, na-realize ko na yung mga actions ko dati nung mga panahong magkasama kami, I know for a fact na it’s not driven by my agenda anymore. Alam kong ganun na ako mag-react at gumalaw dahil gusto ko na siya.

 

I’m done denying it… I’m not gonna deny it anymore.

 

I need to talk to someone… At alam ko kung sino ang dapat kong lapitan.

 

-

 

“Anak… Is everything okay?”

 

It’s not my dad whom I chose to talk to. Timing lang talaga na weekend ngayon and we got to spend a little more time with each other.

 

Wala munang papers and homeworks na aatupagin kasi this should be our family time.

 

Parang naka-set rin naman ‘to sa household namin na kapag we have our time off sa school and work, ilalaan na namin to sa family namin para makapag-catch up or talk about our week; kung kamusta naman ba or may ganap ba sa linggo namin.

 

Sandali…

 

Kanina pa ‘ko sabi nang sabi ng family eh all I have here is dad? I mean, all I had while growing up was him.

 

Siguro I’m starting to open up sa mom ko? She has been visiting and helping me sa kung ano man ang kailangang tapusin. Pinagpipilitan niya pa nga na wala naman daw siyang gagawin kaya hayaan na lang daw kapag pumupunta siya sa bahay.

 

I can see her trying. I can feel her trying.

 

And I’m not someone who’s trying to be that unfeeling person when in reality, all I feel is yearning for a mother’s touch.

 

Anyway, I was enjoying my morning coffee dito sa couch nung bigla na lang nagtanong ng ganito si dad. Mukhang nakasagap nanaman ata ng chismis.

 

“Everything is alright naman, why?” I’m trying my best para itago ang mukha ko ngayon. Baka kasi pag makikita niya yung itsura ko malalaman niyang nagsisinungaling ako.

 

He sighed and took a seat beside me. “Anak, I heard about your predicament sa school.”

 

Bingo!

 

Lumakas naman ang paghawak ko sa tasa at sinasakal na sa utak ang kung sino man ang kumausap sa daddy ko.

 

“What did you hear? At kanino mo narinig?” Medyo may pagbabanta kong tanong.

 

“That you have been falling behind sa academics niyo. Minsan nga raw hindi ka na nakakasagot sa recitations niyo cause you’re all over the place… Is this about… the Kim that you’re crushing on?”

 

Dad, I think hindi na siya basta crush lang.

 

I gulped and slowly nodded.

 

“Hays, hirap talaga basta red flag ka ‘no? Sa huli palagi ang pagsisisi…” Seryoso niya pang sabi.

 

Mabilis ko namang inangat ang kamay ko para hampasin siya. Nakakaloka! Dinudutdot talaga sa pagmumukha ko na red flag ako eh!

 

Red is a primary color naman at kasama niya rito ang blue! Anong konek? Wala… I feel blue lang kasi… miss ko na siya.

 

And to explain my side, yes I’ve been failing to meet my prof’s expectations lately kasi yung laman lang nung isip ko ay kung ano pa ba ang p’wedeng gawin para naman lumambot ang puso ni Aussie sa’kin.

 

Proud ba ako dun? Siyempre… hindi!

 

But there’s this new set of feelings na nakukuha ko lang whenever I try to make efforts para kay Aussie. Those feelings are the kinds that I don’t get by simply acing the exams or doing well in recitations. It’s not a satisfaction nor a guilty pleasure na ginagawa ko para sa sarili ko…

 

I think I can name that feeling…

 

Papangalanan ko siyang Sabel! Chz!

 

I think it’s what they call kabag…

 

The kind of kabag na kung saan kahit hindi ka niya pansinin basta makita mo lang siya ay masaya ka na. Yung tipong humalimuyak lang sa ilong mo ang amoy niyang johnson’s baby powder, eh mangingisay ka na sa kilig.  

 

Kaya even though I’m losing my tracks sa acads, parang hindi siya umaapekto sa akin ng malala the way it used to be.

 

Before, I would beat myself up with books at mga gawain na hindi pa naman kailangang tapusin. I’d literally blame myself at sabihin na ang tamad ko and hindi man lang ako nag try harder.

 

I think totoo nga na change is the only constant thing in the world.

 

Ibinaba ko na muna sa table ang tasa na kanina pa nakapatong sa tuhod ko. Ubos naman kasi ang kape na laman nito kaya hindi na mainit.

 

Silence engulfed the atmosphere between Dad and I at kalmado lang kaming nakatingin sa harap.

 

May hinihintay kasi kami…

 

I kinda asked her if she could spare me some of her time. I’m really desperate at this point.

 

*Ding dong

 

Napag-usapan na rin namin na sa labas kami mag-uusap at hindi kasama si Dad. He’s not a big of a help naman sa mga ganitong bagay kaya nag-kusa na siyang mag-stay sa bahay.

 

Feeling ko lang ha… Sinadya niya talagang mag-paiwan para bigyan kami ng alone time ni Mom.

 

Also, I’ll be driving the both of us!

 

She messaged me last time, telling me na wala raw siyang vehicle for our transportation in which I told her not to worry about kasi may license naman ako at kotse.

 

Ready naman ang get up ko kaya I bid my dad goodbye at humarurot na palabas.

 

“You look pretty, anak.” Bungad ng Nanay ko na kumikinang sa harap ng gate dahil naka yellow dress at sunglasses siya

 

Ansaveh ng pretty?!

 

“Good morning po.” I politely said bago binuksan ang gate at tumungo sa garage.

 

Kinakabahan nanaman ako…

 

Baka nagpa-palpitate lang ako?

 

Or is it because I’ll be spending time with my mom..? Like, we’re gonna have a serious conversation tapos kaming dalawa lang ang magkasama…

 

Another reason would be… Aussie. Ramdam na ramdam ko kasi minsan kung paano kumabog ang dibdib ko kapag siya ang pinag-uusapan. Parang pinaghalong tuwa, takot, at kaba.

 

I sighed and started the car’s engine, moving it towards from where my mother is standing.

 

Alam niyo ba, hindi na mapait sa lalamunan kapag iniisip o sinasabi ko ang mga salitang “my mother” at “si mommy”.

 

Ang saya lang kapag may progress ka na sa pag-heal mo. Nakaka-proud kapag may mga pagkakataong magugulat na lang ako na wala na akong nararamdamang galit o bitterness.

 

Mom opened the door of the passenger's seat and settled herself sa pagkakaupo. “So, where are we going?” Nahahawa ako sa happy vibes ng mommy ko. She looks so happy kahit nakatago sa shades ang mga mata niya.

 

“I’m thinking of a café na mayroong open space. Yung parang sa labas tayo uupo, if possible yung located sa beach.”

 

May nakita kasi ako last time sa facebook na kaka-open lang na café sa hindi kalayuan. It’s a 40-minute drive mula sa bahay namin papunta doon. Matagal ko na siya gustong puntahan pero hindi ko siya maisingit-singit sa sched ko. Perfect lang talaga ang timing ngayon kasi need ko ng fresh air habang kinakausap ang Mom ko.

 

“Alright. Let’s go!” Mom said after buckling her seatbelt.

 

Let’s go! 

 

-

 

ssob K masama ang ugali:

 

Ning:

[9:56am] Ano nanaman ‘to Shin Ryujin!?

 

Ryujin:

[9:57am] siyempre gc duling ka ba

 

Me:

Hey guys [9:57am]

 

Chaeryeong:

[9:59am] Ano meron?

 

Yuna:

[10:01am] madam ang kapal naman ng fezlak mo! pagkatapos mong saktang nang ganun si winter! 

 

Hindi masiyadong traffic kaya nakarating naman kami ni Mom in no time. Naka-order na nga kami at naghihintay na lang i-serve yung pagkain.

 

Siyempre humingi na ako ng tulong kay Ryujin na gumawa ng gc para makausap ko ang mga kaibigan ni Aussie.

 

Kaya habang naghihintay, nag-open muna ako ng phone para kausapin ‘tong mga nursing students. Dedma na lang muna ako sa gc name na nilagay ni Ryujin. Napaka-engot talaga.

 

Mamaya ko na kakausapin si mommy, ‘pag may laman na yung tiyan ko. At saka, busy naman siya ron makipag-chikahan sa batchmate niya from highschool. We bumped into them nung nag-order kami at nakita ko na parang need nila ng time to catch up kaya nagpaalam ako na mauuna na ‘ko rito.

 

Kaya ko rin pala naisipan na kausapin sina Ning kasi I feel like I’ve been neglecting the fact na parte sila ng buhay ni Aussie. If ever man na magalit sila sa ginawa ko, I’d fully understand. Alangan namang sasaya sila sa ginawa ko?!

 

I swear hindi ko sila kakausapin para i-defend ang side ko sa kanila or pagtakpan pa ang kasalanan ko. Gusto ko lang iparamdam na I’m done doing anything that could hurt their friend at… magpapatulong sana ako sa kanila.

 

Nung nasa univ ko pa sana balak gawin ‘to pero hindi kasi sumasakto ang mga sched namin.

 

Sana naman kayanin ko ang pag-uusap namin kahit sa gc lang.

 

Me:

Busy ba kayo? P’wede ko ba kayo makausap? [10:04am]

 

Ryujin:

[10:04am] busy aq

 

Ning:

[10:05am] Medyo.

 

Yuna:

[10:06am] pag tungkol kay winter, g ako! satin na kaya lumalapit ang chismis oh!

 

Chaeryeong:

[10:07am] Hoy umayos kayo! Free kami Rina, go lang :))

 

I hope this goes well…

 

Me:

I’m assuming na meron na kayong idea sa kung anong nangyari. [10:09am]

 

Ning:

[10:10am] Bakit? Ano bang nangyari?

 

Chaeryeong:

[10:10am] Ning, ‘wag ka munang magsungit please lang.

 

Sabi ko na nga ba si Ning ang pinaka-magagalit sa kanila. She’s really protective when it comes to her friends and to think na pinagkatiwalaan niya ako para kay Aussie… hay…

 

Ang tugon: ‘wag panghinaan ng loob!

 

Me:

Yeah… I think may idea na kayo sa ginawa ko and I’m not here to explain nor excuse myself from that. There is no valid reason from what I did but only pettiness and selfishness. I understand kung saan nanggagaling ang galit niyo and I just wanted to say sorry for everything. Alam kong nasaktan rin kayo along with Winter kaya sorry talaga… I’m really sorry, no excuses given. [10:13am]

 

Yuna:

[10:15am] hayyy madam paano naman kami magtatampo ng matagal neto

 

Chaeryeong:

[10:16am] Hindi ka naman others sa’min rina eh. Kilala ka naman namin at alam naming mabuting tao ka. Sana sa susunod, mag-isip ka muna ng mabuti bago gumawa ng desisyon.

 

Ryujin:

[10:17am] mag-kaibigan nga talaga kayo ni pao

 

And what does Ryujin mean by that? Na… wala na kaming ginawa kundi saktan sila?

 

Hays… True naman.

 

Namamawis na ang mga palad ko. Kanina pa typing si Ning at wala akong idea sa kung ano ang gusto niyang sabihin.

 

Feeling ko... manenermon siya ng todo todo.

 

Ning:

[10:21am] Yung pag-apologize ba talaga yung pakay mo sa’min? Feeling ko kasi may iba ka pang kailangan. Hindi naman sa pagiging judgemental ha, pero sure ka bang wala ka nang gagawing masama? Nakakainis lang kasi nandadamay ka ng ibang tao kapag gusto mong magsanib pwersa kay satanas eh.

 

Ryujin:

[10:23am] ning ang osup

 

Yuna:

[10:24am] hayaan mo muna siya ryu

 

I don’t like what I’m feeling right now. Parang sasabog ako any time.

 

Ning:

[10:25am] We don’t want to meddle sana sa business niyo ni Win pero I can’t just stand there and do nothing sa tuwing nakikita ko kung gaano siya nasasaktan.

[10:27am] Hindi lahat nababawi ng sorry, mars.

[10:28am] The damage has been done. Kaya ka naming patawarin pero hindi namin alam kung kaya ni Winter.

[10:30am] Next time, do better mars. You’re more than an unreasonable person.  

 

Gusto kong sumigaw…

 

Gusto kong sumigaw at hampasin ang dibdib kong sumisikip na dahil sa kirot.

 

Aussie has been careful with me up to the point na kaya niyang itago ang nararamdaman niya para lang I won’t feel bad… and I think talking to her friends made me see a glimpse sa kung ano ang gusto ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iyahwushu
this was the most draining and dreadful chapter i had to write.

aussie’s lane chap was plotted like this kasi akala ko, kaya ko. akala ko lang pala. */humagulgol

i hope this was worth the wait :))

https://curiouscat.me/iyahwushu

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
miss you po. i mean. miss ko na si aussie at bucky. uwi na kayo pls
Hatdog_alien #2
Chapter 1: tapos na birthday ni karina 😔
where na u po
hiver_pogi
#3
miss u, balik ka na 😔
harryperezeo #4
Chapter 1: Aussie na maputi hahahha
triggeredace
#5
miss ko na sila 😭😭😭
howdoyouknowmee
529 streak #6
Miss ko na po opo 😭
bigboy123
132 streak #7
*knock knock* tao po? 🥹
triggeredace
#8
miss ko na sila 😭😭
v_raven
#9
tor, balik ka na pls huhu.
Etoile__
338 streak #10
Chapter 23: otorrr plss comeback 😭