Nine: Jeno

Walang Title

WINTER's POV 

 

Good Morning Philippines! 

Happy Monday mga ineng!

 

Hindi ko ichichika ang happenings nung Saturday.

 

Madamot ako!

Ginegate keep ko ang mga balita sa aking lovelife baka maudlot e.

Oo nga pala malapit na mag-August. Malapit na magstart yung practice namin for Foundation Day.

Hindi ndi pa nagsisimula pero napapagod na ako. Excited lang naman ako every uwian kasi pumayag na siya na sasabay ako sa kanya pauwi.

 

Isasakripisyo ko ang likod ko para sa kalandian ko. Anong pitong libro? Ang gaan gaan non feeling ko nagbubuhat lang ako ng isang libro.

Strong Girl Kim Minjeongᕦ(ò_óˇ)ᕤ

Lovelife>>Likod

 

Oo, hiningi ko permission niya nung Saturday pero hindi ko pa din ichichika ang happenings

Secret yon!

 

"Hoy ikaw daw magPanatang Makabayan sabi ni Sir. Sana naman hindi mo sisimulan ng iniibig ko ang tagakabilang section no" 

Si Yuna to epal to sa lovelife ko e. 

 

Tinawagan niya kasi ako nung Saturday habang nasa not-so-date kami ni Yuji.

 

"Win, isantabi mo muna kaharutan mo please. Ayaw ko mapagalitan ni Yeji." 

 

Kilala nyo na yan. Sino pa ba simp kay Yeji sa tropahan namin?

Shin Ryujin lang naman.

 

"Ikaw daw maglead ng dance exercise, Ryu." 

Kakadating lang ni Giselle. Siya kasi yung secretary ng section namin. 

Ako wala akong pwesto sa officers dahil ayaw ko maistorbo sa aking precious time. Lalo na at marami din akong toka.

 

"Oh? Bakit ako?!"

 

Oh ang OA oh

 

"Sabi ni Yeji." 

 

"Ay ganon." Ang amo amo talaga pagdating kay Yeji. Nakakainis.

 

"Tutusukin ko yang mata mo, Minjeong. May utang ka pa saming kwento mamaya." pinagbantaan nya pa ako.

 

Sabing secret yun e!

 

Magsa-start na ang flag ceremony. Si Lia ang naglead sa national anthem.

Nakakatawa kasi isang buwan na nakakalipas nung nakita ko si yuji sa gantong set-up.

After kasi ng first flag ceremony na yun, never ko na siya nakita uli umattend ng flag ceremony.

Sabi ni Ningning sakin pala-absent daw yun at mahilig din magcutting. Lagi daw siya umaalis pag lunch at hindi na bumabalik o di kaya papasok lang siya after lunch.

 

Ginawang half day class amp

 

Para akong ewan ngayon gusto kong ngumiti pero section pala namin ang naglelead at sa stage pa kami nakapwesto. Kaunting kalokohan lang at tanaw na tanaw na ng buong school.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid at doon ko siya nakita. Nasa pinakadulo. 

 

Nasa linya ng mga late.

 

Yuji talaga. What if sabayan din kita pumasok? 


 

KARINA's POV

 

Sumakit buong katawan ko dahil sa volleyball lessons ko with Winter. Buong araw nung Sunday ako humimlay.

 

Himlay so much talaga.

 

Kaya ayaw ko nagpaparticipate sa mga sports event e. Nakakapagod. Bakit ba kasi ako pumayag sa offer ni Winter. 

Napakascammer talaga non!

 

Ginagamit nya yung cute niyang mukha para mapapayag ako.

Kaya ito ako Monday morning nakapila sa late students habang flag ceremony. Dapat talaga di na ako pumasok e. Hindi naman ako usually naattend ng flag ceremony.

Oh. Tingnan mo ang ganda ng ngiti nya nasa stage siya ngayon. Akala mo walang ginawang kademonyohan nung Saturday kung makangiti e.

Masyado akong pinahirapan sa personal training nya with me.

 

"Panatang Makabayan.

Iniibig ko ang Pilipinas, aking Lupang Sinilangan.."

 

Aww hindi na ba ako ang iniibig mo? lol

 

"Good Morning, Karina. Late ka din pala" nakangiting pagbati sa akin ni Jeno. 

 

Nasa kabilang pila siya ng boys na late. 

 

"Ito nga pala yung mga notes na kulang mo last week tapos ito yung lists ng activities na due this week. Lagi ka kasi absent kaya kinompile ko na para sayo" inabot niya sa akin ang isang brown envelope.

 

"Pasensya na, Jeno. Nabigyan na kasi ako ni Ning ng mga notes about sa mga namiss kong activities. Salamat nalang sa effort at sa susunod wag mo na gawin."  Pagtu-turn down ko sa alok niyang notes kasi totoo naman sinesend ni Ningning sa akin lahat lahat. 

Gustong gusto nya na chinichika ako kahit ang reply ko lang ay "okay" "salamat" "hmm" "nice".

Pinagtitripan niya pa nga ako nung Sunday. Sabi nya hindi daw ba natutuyo laway ko. Kinginamo Ning.

 

Hindi naman kasi hydrated naman ako e

 

"Karina, pwede bang sabay tayo maglunch mamaya?" 

Ilang beses nya pa ba ako yayayain? Lagi na lang ganto scenario namin nauumay na ako. Hindi nya magets yung "Ayaw ko". Hindi ba to nakakaintindi ng tagalog.

 

"Kasabay ko si Ning kumain mamaya, Jeno." bakas na sa boses ko ang pagkairita.

Napakamapilit kasi

 

"Edi isasabay ko din si Haechan. Sakto crush niya si Ningning. Anong gusto mong lunch? Pwede naman ako umorder sa labas if may iba ka pang gusto?" Nilabas nya ang phone nya na parang nagreready na if magsasabi ako ng mga gusto kong kainin.

 

"Jeno. Wag mong ipilit si Haechan kay Ning. Wag mong itulad sayo si Haechan." I left him dumbfounded. Napipikon na kasi ako hindi niya magets yung ayaw ko at hindi pwede.

 

Tapos na din naman ang flag ceremony magsa-start na ang class mamaya maya. Magc-cr muna ako.

 

"Yujiii!" Tinanguan ko lang siya bilang pagbati pero nagpout siya sa akin. Tinitigan tuloy siya ng mga kasama niya.

 

Nakakahiya ka, Winter.

Itigil mo yan.

 

Alam ko na anong problema nito kaya nakipagapir na lang ako.

 

"Have a nice day, yuji! Study well" kinindatan pa ako at tuluyan na silang lumabas ng cr.

 

Baliw talaga yun. Hindi mo malaman if may kulang kulang na turnilyo sa ulo e.

Patapos na sana ako maghugas ng kamay kung hindi lang nanggulat tong si Winter.

 

"Yuji!"

 

Kingina.

 

"Pwede bang sabay tayo mag lunch? Or isabay mo sa atin si Ning ganun para isabay ko din friends ko" 

Nagmemeditate pa ako dito dahil onti na lang patience ko. Naubos kasi ni Jeno kanina. Tumango nalang ako bilang tanda ng pagpayag para matapos na.

Ang kulit kulit kasi niyan ni Winter.

 

Third Person's POV

 

"Pumayag na siya $+)#+$$" masayang anunsyo ni Winter pagpasok ng room.

 

Hindi niya namalayan andiyan na pala ang guro nila. Tumili tili pa man din siya pagpasok.

 

"Sinong pumayag, Kim Minjeong. Para kang balyena sa hallway hanggang makapasok dito."

 

"Ah- eh sorry po ma'am."

 

Napasapo sa noo ang mga tropa ni Winter na nakapwesto sa likuran ng room. 

Pagkaupo na pagkaupo ay dumaldal agad ito.

 

"Pumayag siya eeeee" mahinang tili ni winter sa tabi ni ryujin.

 

"Kim Minjeong, stand up and answer the equation."

 

"Eee ka pa ah" pagbulong ni Yuna.

Wala na atang makakasira sa magandang mood ni Winter. Nakangiti pa siya habang nagsasagot ng equation.

 

Detailed.

Perfectly explained.

Correct answer pa.

 

Tama nga siya. Masaya talaga pag may motivational crush ka nakakatalino at nakakataas ng grades ୧(^ 〰 ^)୨

 

GISELLE's POV

Hindi ko talaga malaman if matatawa ako or maawa kay mj kanina. Ilang beses kasi siya tinawag para magsagot pero itong si baliw tuwang tuwa pa habang nagsasagot.

Kaya tuwang tuwa din sa kanya si Ma'am Jane e. 

 

I'm happy for her.

Sincere yan duh

 

Nagusap na din kami noong weekend. Para nga kaming basang sisiw noon kasi parehas kaming naiiyak sa mga katangahan namin tas mamaya maya matatawa na lang bigla kasi mukha kaming tanga.

I'm glad she understands my side and masaya akong di niya binigdeal yun kahit pa medyo sinisi nya yung sarili nya.

On the way na kami sa canteen para maglunch. Nauna pa nga si Minjeong e akala mo kung sino cheetah na kumaripas yung takbo pababa ng hagdan para lang mauna sa pila.

Nagbibilang pa yan kanina.

 

"3,2,1! Takbo!" nagring na yung bell.

At eto na nga siya nakaupo sa usual table namin at nakapatong na lahat ng order namin.

 

Wow libre niya lahat?

 

"Dapat pala lagi kang inlove at pinagbibigyan ni Karina e." Pangaasar ni Ryu.

Tumunog na ang pangalawang bell hudyat na breaktime na ng mga Grade 8 students.

 

Ayan na siya. Yu Jimin.

 

Naglalakad na siya papunta sa table namin at kasama niya si Ningning.

 

"Hi Yuji! Dito kayo! Dito ka Ning." Pinaupo ni mj sa tabi ko si ningning.

 

"Libre ko lahat yan! Ikaw Yuji kumain ka ng kanin ampayat payat mo kaya tas eto itry mo tong ulam na inorder ko favorite ko to." 

Lahat kami nakatingin kay mj para naman kasing ginagawa niyang bata si Karina.

Napapangiti na lang kaming lahat pag sinisiringan siya ni Karina pero tuwang tuwa pa siya dahil nakakakuha siya ng atensyon.

 

"Hi, paabot po sana nung ketchup sa tabi nyo" si Ningning pala.

 

Oh. Ang cute nahihiya pa sa akin.

 

"Sure" hindi ko lang inabot tinulungan ko na din siyang buksan ito.

 

Mahirap kasi itwist tong ketchup ng canteen parang ayaw magpabukas. Nahihiya naman siyang tanggapin yung ketchup kaya ako na mismo naglagay sa plate niya.

 

"Ay grabe by partner pala to sana dinala ko si Yeji" pagpaparinig naman ni ryujin.

 

"As if naman pumayag siya" 

 

Tinawanan naming lahat si ryu kasi tama naman mailap sa kanya si yeji. Maliban kasi sa torpe si ryu, naiingayan din sa kanya si yeji. 

 

"Karina, pwede ba kami makitable?"

 

Jeno at Haechan.



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
dakterchiyong
Hi xenxia na kau now lang nagupdate hell week namin e🤸 tapos prelims pa btw read well bawi ako next time (ende to bluff) lob u ol

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
536 streak #1
Chapter 31: Hii
BamBamOnce #2
Chapter 31: IIYAK AKO TANGINA IIYAK AKO, KASIII NAMAN EH
yukimin
#3
Chapter 31: sakit mo jimin hayst kulang na kulang pa sila sa communication tsaka limited pa rin alam nila sa isat isa kaya ganyan sana matutong mag open up si jimin green flag naman jowa mo beh kayang kaya ka intindihin niyan tamo si minju nakikisali naneto ni ante akala ko pa naman may character development na
howdoyouknowmee
536 streak #4
Hayy
TakuyaKen
#5
Chapter 31: Anu b tlga si Minju dto hanep bafterp n tropa eh
Maatt_booii #6
Chapter 31: Naku jimin ayusin mo yan ha!!
At ekaw naman minju napaka sus mo jusko, aminin mo na lang kasi na gusto mo si minjeong! Ekaw nga isa sa rason bakit naghiwalay din si jimin at yujin 🙄
iamriou_
1157 streak #7
Chapter 31: Luuuuh. pighati :(
osumnevercease
#8
Chapter 31: ayun lang awts
ryujinie__
690 streak #9
Chapter 31: 💔💔💔😩
ryujinie__
690 streak #10
Chapter 31: Hoooy 😩😩 Hays, sakit naman. Tysm sa UD author 💛