Three: Name Finding

Walang Title

WINTER'S POV

Utang na loob! Paano ko ba malalaman pangalan non? Alam ko lang Grade 8 siya tapos transferee. 

 

What if daragin ko mga bata ko sa section nila? What if lang naman hehe

 

Two weeks ko na iniisip paano ko makukuha pangalan nya ni hindi ko nga alam kung straight siya o hindi jusko po. Magkatabi lang naman room namin pero hindi ako makasagap ng information about sa kanya. Napakamysterious mo naman po. 

Minsan kasi pag nakikita ko siya it’s either wala siyang kasama or may kausap siyang kaklase pero aalis din agad. Introvert siguro yun. Kaya di ko din alam paano ako makakakuha ng information kung sa mismong kaklase niya mailap siya huhu 

What if hindi pala siya straight? 

Pero bakit ko muna inaalam kung straight siya e hindi ko naman siya type! Slight lang ganun

Andito na naman ako sa bagong era ng oplan “ang pasta na straight ay napapalambot din”

Last year kasi ganun ginawa ko hehe 

 

Pero what if alamin ko muna name niya no o di kaya makipagfriends muna ako

Pero pag nakipagfriends ako, parang ang fc ko naman pag ganun

Pero what if tanungin ko nalang adviser nila close naman ka-

 

“Hoy Kim Minjeong, kakainin mo ba tong egg sandwich o ano?” pagtatanong ni Ryujin kahit hawak nya na talaga pagkain ko.

 

Nagtanong ka pa e kulang nalang isubo mo na yan e!

 

“Minjeong, di ka pa kumakain. Kainin mo to. Kanina pa malalim iniisip mo. Wala naman tayong quiz later.” inagaw ni gigi ang egg sandwich kay ryujin at inabot sa akin.

 

Parang batang nakuhaan naman ng candy ang itsura ni Ryujin ngayon. Nagpapout pa siya kay Gigi akala mo naman pagbibigyan siya.

 

Ako lang to ang baby ni Gigi hehe sw8 sw8 ng boss gigi na ean

 

“Ano bang problema mo, Min? Sayo na tong juice ko oh” Inabot naman sakin ni Yuna yung binili nyang zesto juice.

 

Ang sweet sweet talaga ng baby na ean.

 

“Grabe kayo sakin! Babae lang naman problema ni Winter. Jusko” pagmamaktol ni Ryujin dahil kanina pa siya nanghihingi ng juice kay Yuna pero sakin binigay.

 

“Babae? You mean yung girl sa flag cerem na nabanggit mo last week?” pagtatanong ni Yuna.

 

“Yung masungit at mysterious? Akala ko tapos kana dun?” paguusisa ni gigi dahil last week sinabi ko kasi na eme crush lang. Nachallenge lang ako kasi first time may tumingin sakin ng napakasama kahit napakacute kong ngumiti

 

Sa cute kong to ayaw nya suklian smile ko ╭∩╮(︶︿︶)╭∩╮

Paano niya nagawang i-hurt ang aking feelings?

Nagsmile siya sa mga kaklase niya tapos sa akin HINDI????? 

Asan ang justice??? 

 

“Mababaw lang naman problema nyan. Hindi niya lang naman malaman ano name nung ate girl. May utang daw sa kanya.” 

 

Tama, Ryu. 

Tumpak. Correct. 

 

“Bat naman magkakautang sayo e hindi mo nga kilala? Nasisira na ba ulo mo win?” 

 

“MAY UTANG SIYA SAKIN NO!! May utang siyang ano…”

 

“Ano???” sabay na tanong ni gigi at yuna

 

Wala ng pakialam si Ryu samin dahil alam niya naman kung ano tinutukoy ko habang si gigi at yuna ay nagaantay pa din sa isasagot ko.

 

Paano ko ba sasabihin to? Hirap naman hmmm

 

“Kabadingan lang yan ni Win.” pagsingit ni ryujin.

 

“Ah eh a-ano kasi yung utang niya….” nahihiya kong panimula kasi kabadingan naman talaga.

 

Tama na naman si ryu. 

Tumpak. Correct. 

 

Well sino naman kasing hindi mababading sa kanya tapos tiningnan pa ako ng ganun. Weakness ko yun e. Tapos ang ganda pa ng mata. Ang ganda nung mole sa labi. Ang ganda din nung mga ngiti niya. Yung ngiti niya na hindi man lang ako nabigyan. Napakadamot mo kung sino ka man.

 

Akala mo kung sinong maganda pero totoo naman maganda naman talaga T-T

 

“Hoy, ano na win? Ano inaantay mo pasko?” pagistorbo ni ryu sa kabadingan tots ko.

 

“Ngiti…” pagbulong ko ng napakahina kasi ayokong marinig nila 

 

Nakakahiya

 

“ANO?!”

 

“MAY UTANG SIYA SA AKIN NA SMILE OKAY!” pagsigaw ko ng malakas kaya halos lahat ng tao sa canteen nakatingin na sa table namin at kung minamalas ka nga naman.

 

Nandito na din siya.

 

Putangina when matatapos kahihiyan ko, Lord.


 

KARINA’s POV

Ayan na naman siya. Pati ba naman sa canteen napakaingay. Tuwing nakikita ko pag uwian napakaingay. Sa umaga sa hallway, napakaingay. Kahit saan na lang.

Wala  ba talagang manners to? 

Pati ba naman smile kinoconsider na utang? Gaano ka kababaw na tao psh

Sa sobrang irita ko sa kanya nung first day of school inoobserve ko siya pag may time ako.

 

Pag may time ako okay and I don’t have time for her. Nagkaroon lang pero mga five minutes lang ganun.

 

Sa two weeks na pagoobserve at pagchichika ng mga kaklase kong di ko naman pinapansin nakilala ko na siya. Sikat pala siya dito kaya pala siya nakakairita ayaw ko sa mga students na nagsastandout minsan kasi sila yung mga almost perfect students.

Nakakainggit lang yung achievements nila.

 

Kim Minjeong also known as Winter.

Consistent top honors. Captain ng vball team every sport fest. Sporty din siya and she can play a lot of instruments.Uma-attend ng art class every saturday. Magaling kumanta at sumayaw. Panlaban ng school sa mga quizbee competitions. She excels in Math pero super flexible niya kaya pati ibang subjects pwede siya ilaban. Naissue siya last year dahil napagalaman na di siya straight. Nagkaroon daw sila ng something nung sikat din na girl sa school and idk her name.

 

Like hello what do you expect in a catholic school? Hindi naman sila all support sa lgbt.

 

Last year lang siya lumipat dito dahil nagkaissue din siya sa dati niyang school. 

 

Ayan ayaw ko sa mga sikat e daming issue daming problema daming chismis

 

Hindi ko din alam bat marami akong alam sa kanya pero kasi sikat siya so most of the time pag may chika nakadikit pangalan niya dun. They said that she is a lowkey person naman ang kaso , her skills and talents speak for herself. 

 

“Hello Karina” 

 

Andito na naman siya. 

 

Jeno. 

 

hindi ko alam anong problema neto pero lagi ako kinukulit gusto niya daw ako maging kaibigan.

 

Paano naman ako? E ayaw kita maging kaibigan. 

I set boundaries with my classmates dahil naniniwala ako sa kasabihan na bakit kita kakaibiganin dahil classmate kita, hindi ko obligasyon makipagclose sayo.

Wala palang ganun na kasabihan pero you get my point. If you don’t get it, come on get it gurl.

 

Tinanguan ko lang siya at kinuha na yung binili ko. 

Paglingon ko sa side nila Winter. Nakita ko siyang nakatingin sakin at agad naman siyang umiwas ng tingin.

 

Now, you are afraid of me. Well that’s better para di mo lagi masira araw ko. 





 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
dakterchiyong
Hi xenxia na kau now lang nagupdate hell week namin e🤸 tapos prelims pa btw read well bawi ako next time (ende to bluff) lob u ol

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
536 streak #1
Chapter 31: Hii
BamBamOnce #2
Chapter 31: IIYAK AKO TANGINA IIYAK AKO, KASIII NAMAN EH
yukimin
#3
Chapter 31: sakit mo jimin hayst kulang na kulang pa sila sa communication tsaka limited pa rin alam nila sa isat isa kaya ganyan sana matutong mag open up si jimin green flag naman jowa mo beh kayang kaya ka intindihin niyan tamo si minju nakikisali naneto ni ante akala ko pa naman may character development na
howdoyouknowmee
536 streak #4
Hayy
TakuyaKen
#5
Chapter 31: Anu b tlga si Minju dto hanep bafterp n tropa eh
Maatt_booii #6
Chapter 31: Naku jimin ayusin mo yan ha!!
At ekaw naman minju napaka sus mo jusko, aminin mo na lang kasi na gusto mo si minjeong! Ekaw nga isa sa rason bakit naghiwalay din si jimin at yujin 🙄
iamriou_
1157 streak #7
Chapter 31: Luuuuh. pighati :(
osumnevercease
#8
Chapter 31: ayun lang awts
ryujinie__
690 streak #9
Chapter 31: 💔💔💔😩
ryujinie__
690 streak #10
Chapter 31: Hoooy 😩😩 Hays, sakit naman. Tysm sa UD author 💛