Twenty-two [TW]: Fall for me

Walang Title

"Now! Explain this to me, Kim Minjeong!" 

Galit na sigaw ni Mama habang tinuturo yung card ko.

 

"I tried my best naman, Ma."

 

"Best mo na to, Min? Top 3 again? Hindi ka na ba talaga makakaangat? Are you that dumb?" Sigaw ni Mama habang dinuduro duro ako.

 

Lalapit pa sana siya para hampasin yung ulo ko.

 

"Tama na, mahal." Hawak hawak siya ni Papa para pigilan ito na sumugod sa akin.

 

Nagising lang naman ako dahil sa hambalos ni Mama. Balak ko sana bumangon ng 9:30am pero 8:30am pa lang ay nabigyan na ako ng good morning slap.

 

Nakalimutan ko na 8am pala start ng card giving at dahil bida bida yung papa ko ayun kinuha niya agad. 

 

"Tapos sasabihin mo sa akin na hindi sagabal sa pagaaral mo yang pagbabarkada mo! Kung hindi yang barkada mo, edi yang tablet mo yung sagabal." Hinablot niya yung tablet sa kamay ko at tsaka tinapon sa di kalayuan.

 

Nagulat naman si Papa dahil bagong bili niya iyon pero wala din naman siyang magawa. Lagi naman siya walang magawa pag ganitong situation.

 

"Bakit hindi ka na lang maging masaya sa nakukuha kong grades? Bakit ba gusto mo lagi mataas, Ma? Napapagod din naman ako…" naiiyak kong sambit. I bit my lip para mapigilan yung nagbabadyang luha ko pero-

 

Pak!

 

Sinampal niya ako ng malakas.

 

"Minjeong! Pagod? Anong pagod pinagsasabi mo? Hindi ka working student! Nakaaircon ka, nakawifi, nabibigay lahat ng gusto mo! Ito lang naman hinihingi namin sayo tapos sasagot ka pa!" Sinampal niya ulit ako ng malakas sa kabilang pisngi.

 

"Ma ang sinasabi ko lang naman po-"

 

Hindi na ako nakasagot dahil bigla niyang tinanggal yung nakasabit na sinturon sa damitan. Bigla niya itong hinampas sa akin kaya napapikit na lang ako sa sakit.

 

"Hindi kami ang nagpapaaral sayo, Minjeong. Yung tita mo! Mahiya ka naman!" Sigaw niya at tsaka hinampas uli ako ng malakas. Sinabunutan niya pa ako habang patuloy akong hinahampas.

 

Inuuntog niya sa pader yung ulo kaya mas lalo akong nahilo. Nang matapos niyang gawin yun ay lumuhod ako sa harap niya habang humihingi ng tawad but she slapped me hard. Harder than the first ones.

 

I sat down on the corner of my room. Tinataas ko na lang yung kamay ko para masangga yung ibang palo niya. 

 

Hampas dito.

Hampas doon.

 

Pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Ika-ika akong tumayo at tiningnan ang itsura ko sa salamin.

 

Magulong buhok.

Namumugtong mata.

Namamagang pisngi.

May sugat sa labi.

Guray guray yung damit.

May pasa pasa.

 

"Min…" My father called out my name.

 

I looked at my father's face. Wala na naman siyang nagawa.

 

Lagi naman.

 

"Okay lang po ako, Pa. Sanay na ako. Babawi na lang po ako next grading period." I smiled bitterly and I went to my study table para magadvance reading.

 

-

 

Kinabukasan, napagpasiyahan ko na lumabas para tumambay dahil nas-suffocate ako sa loob ng bahay namin.

 

Ikaw ba naman lalabas ka lang ng kwarto pag kakain, maliligo, or kailangan mo lang magcr e. 

 

Feeling ko anytime pwede na akong mabaliw.

 

Bahala na siguro if mabungangaan ulit ako ni mama paguwi ko dahil puro na naman ako gala.

 

Tumigil ako sa tapat ng bahay nila Gyu.

 

"Gyu! Tao po! Beomgyu! Choi Beomgyu! Labas!"

 

"Oh minmin ikaw pala yan. Napano ka bakit ka may sugat sa labi?" Napatakip ako sa labi ko dahil sa tinanong ng mama ni Gyu.

 

Nakalimutan ko na may sugat pa pala ako sa labi. Nagsuot kasi ako ng jacket at pajama para matakpan yung mga pasa ko pero nakalimutan ko pala yung nasa labi ko.

 

"Ay tita hello po! Nakagat ko lang po ito…tapos a-ano nasiko po kasi ako sa isang game namin." 

 

"Ay ganun ba? Magi-ingat ka sa susunod ha. Ang ganda ganda pa naman ng mukha mo baka mabangasan lang yan.." Nagulat naman ako nang biglang lumapit si tita para hawakan yung pisngi ko.

 

"Opo, magi-ingat na po ako sa susunod. Andyan po ba si Gyu?" 

 

Binitawan niya naman agad yung pisngi ko at nagalit, "Ay yung batang 'yon? Ayun tulog pa! Anong oras na hindi pa din bumabangon jusko!" 

 

Nagulat naman ako nang hinawakan niya ulit yung pisngi ko, "Halika sa loob ikaw gumising sa kanya at may ilalagay ako sa labi mo."

 

Mood swing tong mama ni gyu pucha.

 

Sinundan ko naman siya papasok ng bahay nila. Pinaupo niya ako sa sofa habang kinukuha niya yung ointment sa cabinet.

 

"Ayan, okay na." Nakangiti niyang sambit habang tinatap pa yung labi ko.

 

"Salamat po, Tita. Puntahan ko lang po si Gyu hehe" 

 

Tumango lang siya kaya umakyat na ako sa taas. Local na ako dito. Pag sinabing local ibig sabihin para na akong tagadito dahil tambayan ko din bahay nila Beomgyu.

 

Gyu's family is a perfect description of an almost perfect family. Almost perfect dahil mabait at maunawain ang mga magulang nila. Sobrang funny din kasama dahil ang chaotic kasi ni Tito lalo na pag nagbabarahan sila ni Gyu. Gyu has a little sister, Jinni. Hindi kami ganun ka-close pero naging kalaro namin yun dati.

 

Pagpasok ko sa kwarto ni Gyu ay tumambad sa akin ang mga kalat niya. 

 

Ay jusko!

 

Sobrang dilim ng kwarto ni tanga. Agad ko namang hinanap yung switch para buksan yung ilaw.

 

"Maaaaaaa! Patayin mooooo" Beomgyu starts whining habang nakapikit pa yung mga mata niya.

 

Pinatay ko naman yung ilaw at lumapit sa table niya. Nakaisip lang naman ako ng kalokohan. 

 

I took his marker and the bedside lamp.

 

Tinusok-tusok ko muna yung pisngi ni tanga bago ko simulan ang obra maestra kong likha.

 

Tulog mantika talaga.

 

Nagdrawing lang naman ako ng kababuyan sa noo ni Gyu. Nilagyan ko din siya ng bigote.

 

I snickered and flopped down. 

 

Binuksan ko ulit yung switch ng ilaw. Kinuha ko yung phone niya at kumuha na ng mga pictures.

 

Medyo nakaawang pa ang mga labi niya tapos may kaunting tulo pa ng laway.

 

I sent the picture to Yeonjun.

 

"MAAAAA! PATAYIN MO NGA E!!"

 

"E kung ikaw patayin ko."

 

Bigla naman siyang bumangon at sa sobrang malas namin ay nagkauntugan pa kami.

 

"Tangina mo, Gyu." Hinimas-himas ko yung noo ko.

 

"Ikaw kase e! Bakit ka nandito? Gago ka." Kinuha niya yung unan niya at hinampas yun sa akin.

 

Ang sakit ng katawan ko, Gyu. Masusuntok na kita.

 

"Sabi ni Tita gisingin na daw kita e…" 

 

He rose up quickly and held my cheeks, "Ano nangyari, Minjeong?" 

 

Nakita niya agad.

 

"Binugbog ka ba ulit? Sinaktan ka ni Tita? Putangina…" Hinila niya ako palabas ng pinto pero pinigilan ko siya.

 

Jusko balak pa ata sugurin yung mama ko.

 

"I'm okay, Gyu. Bruises lang 'to gagaling din 'to. Hmm?" Nangingilid ang mga luha ko nakikita ko kasi yung nanlilisik na mata ni Gyu. 

 

 

Kitang-kita mo sa mukha niya na handa niya sugurin mama ko kahit may etits drawing pa siya sa noo huhu

 

 

"Min… Can you stop? Stop acting tough. Just for once. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo…" Beomgyu caresses my cheeks and pulled me in for a hug, "Nandito ako oh. Nandito kami. If pwede nga dito ka na lang sa amin ni Mama…" 

 

We cried in the arms of each other. 

 

Nagbreak down na din talaga ako. Pinipigilan ko pa 'to kahapon e. I can't cry like a baby sa harap nila. Sasabihin nila lahat na lang dinadaan ko sa iyak at sorry.

 

"Min…wag mo pahiran ng sipon yung t-shirt ko. Penshoppe to e…" 

 

"Bakit mo naman ginawang pambahay ang 300 pesos na t-shirt?" 

 

"Para cool" 

 

Para kaming baliw dito. After namin umiyak, ito kami ngayon tawang-tawa sa kalokohan niya.

 

"Tangina mo, Beomgyu. Ang panget mo talaga maging kaibigan." 

 

"Kaya nga bestfriend mo ako e."

 

 

-

 

 

Monday na.

Sobrang sakit ng katawan ko.

Putangina Foundation Day pa naman.

 

Bumangon ako sa higaan at kinuha na ang mga susuotin ko ngayong araw.

 

Dumiretso ako sa banyo para maligo.

 

As I removed my clothes, tumambad sa akin ang namamagang pasa sa braso at hita ko.

 

Napaisip tuloy ako paano ko itatago to kila Aeri.

 

Paano ako makakapaglaro ng maayos?

 

Dahan-dahan kong sinasabunan ang bawat parte ng katawan ko dahil kaunting dampi lang ay sobrang sakit na sa pakiramdam.

 

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay nagsimula na akong magsepilyo sa harap ng salamin.

 

Buti naman hindi na halata yung sugat sa labi ko…

Hindi na din masyadong maga yung mga pisngi ko…

 

Nang makapasok ulit ako sa kwarto ay sinimulan ko ng ayusin yung higaan at gamit ko para makapaghanda na papasok.

 

I was about to insert the tablet sa loob ng bag ko pero may nakita akong message.

 

A new message from Yu Jimin.

 

Jimin: Gising ka na ba?

Jimin: Sabay tayo pumasok. Aantayin kita sa clubhouse. Ingat ka.

 

Eh? 

 

Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto para umalis na sana papuntang clubhouse.

 

 

"Minjeong, kumain kana." Sabi ni mama habang hinahain yung breakfast sa table.

 

Sumubo lang ako ng kaunti at tsaka nagmamadaling umalis ng bahay.

 

Buti na lang pinaayos ni Papa tong tablet nung weekend. Hindi naman lahat nabasag. Yung screen protector lang daw kaya magagamit pa.

 

Nagmamadali kong sinuot yung jacket ko para matakpan yung pasa sa mga braso ko. Minabuti ko ding magsuot ng jogging pants muna dahil baka pag nagshorts ako magulantang ang mga tao sa paligid.

 

Nakalimutan ko ang iniinda kong mga pasa dahil sobrang bilis ng pagtakbo ko papuntang clubhouse.

 

 

 

-

 

 

"Bakit may sugat ka sa labi?" She touched my lips kaya nagflinch ako.

 

Hindi naman sa ayaw kong hawakan niya pero hello hindi kami bati diba?

 

Nagulat naman siya sa inakto ko kaya nagsorry na lang siya.

 

Nagulat naman ako nung bigla niyang binaba yung bag niya at may nilabas na teddy bear at flowers.

 

Teddy bear?

Flowers?

Huh?

 

"I know it's not the right time to give you this and I'm not in the position para tanungin ka kung bakit ka may sugat sa labi pero… I hope you will accept my gifts and my apology. I'm sorry, Win." Iniabot niya sa akin yung teddy bear at flowers.

 

What the ?

 

Nagtataka naman akong napatingin sa kanya, "Para saan to, Karina?"

 

Her bright smile turned into a disappointed one. 

 

"You didn't read the letter I gave you?" 

 

"Hindi baka masakit nilagay mo dun e." 

 

Shock was visible on her face and then she stifled a giggle. 

 

"Pero ano nga meron bakit may paganto? A sorry will do naman."

 

"Apology gift nga but you better read the letter I gave you, winjeong" She gave me a warm smile while ruffling my hair. 

 

 

-

 

Hindi kami umattend ng parade for Foundation Day. Sabi kasi ni yuji mukhang kailangan ko daw magpahinga muna. Sobrang putla ko daw.

 

She also messaged Ningning to ask my game schedule. Luckily, isang game lang 'yon at hapon pa. 

 

Sumama na lang ako sa kung saan mang impyerno kami patungo ni yuji.

 

I was astonished when I saw the beautiful scenery in front of me. Dinala niya ako sa bangin. Wait bangin???

 

 

Siguro tama nga ang kamikazee, tumalon na lang kaya ako sa bangin.

 

Charot.

 

Ang sarap naman ng hangin dito. Napakapeaceful at nakakarelax.

 

 

"Lagi ako tumatambay dito." I looked at her side dahil nagulat ako na nagopen siya ng conversation.

 

"I usually stay here pag magulo yung isip ko or may mga problema ako. Watching the sunrise and sunset here is therapeutic." She smiled while admiring the view.

 

Bat parang mas therapeutic tumingin sa mukha mo, yuji?

 

"Hindi ka ba naiinitan?" She chuckled and pointed at my jacket.

 

"Ah… eto? Malamig naman dito e." Umacting pa akong nanginginig para kapani-paniwala.

 

Hindi niya pwede makita tong mga pasa ko no.

 

"Hindi na naman ganun kalamig, winjeong. Tanggalin mo na yan." 

 

Napalunok ako nung hinihila niya na yung jacket ko. Naghilaan pa kami hanggang sa hinawakan niya yung braso ko.

 

"Aray!" I winced when I felt the stinging pain.

 

"Anong masakit?" She removed my jacket and she saw my bruises.

 

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin pati sa mga pasa ko.

 

"What happened, Minjeong?" Nagaalala niyang tanong.

 

She pulled out something on her bag.

A tumbler.

 

Pinatong niya yun sa pasa ko.

Sobrang lamig nun kaya medyo nabawasan yung swelling ng mga pasa ko.

 

"Win…" 

 

"Nabugbog lang ako dahil sa grades." Matipid kong explain habang nakatingin sa malayo.

 

Nahihiya ako magsabi ng mga ganitong bagay sa iba. Hindi naman iba si yuji pero ayokong kaawaan niya ako.

 

"Did they pressure you to study and maintain your rank?" 

 

"Well, matagal na namang ganito kaya nasanay na din ako. Kasalanan ko din naman kasi sinanay ko silang lagi ako nasa itaas." I chucked.

 

Hinampas niya naman yung hita ko.

 

"Ouch!" 

 

Hinimas-himas ni yuji yung hita ko dahil nagulat siya sa reaksyon ko.

 

"Hala gago, sorry pati pala diyan meron. Sorry talaga, Minjeong." 

 

"Paano ka maglalaro niyan puro ka pasa? Wag ka na muna kaya maglaro. Next year na lang-"

 

"Hindi pwede sayang hirap ko sa training tsaka sayaw no. Gusto mo lang ata manalo team niyo e." I stick my tongue out to .

 

"Hindi naman ako kasali dun. Pake ko dun!"

 

"Edi sa akin ka pala magch-cheer?" 

 

"Oo" 

 

EH?

 

SA AKIN?

 

Magsasabi pa lang ako ng joke e.

 

Ang straightforward mo naman, yuji.

 

"Eme ka." Inayos ko ang pagkakapatong ng tumbler sa braso ko, "Pero ano ba nakalagay sa letter?" 

 

"You should read it nga" 

 

I pulled out the letter in my pocket, "Edi babasahin ko na ngayon." 

 

Mabilis naman niyang inabot yung letter pero hindi niya nakuha.

 

"Wag ngayon syempre." Naiinis niyang sambit habang inaabot pa din yung letter.

 

"Edi sabihin mo sa akin ano laman nito para hindi ko basahin." 

 

She glared at me and she snatched the letter. Binuklat niya ang letter at tumingin sa akin, "I-I'm sorry.." bulong niya.

 

"Hindi ko marinig, Karina."

 

Tiniklop niya ulit yung papel at nilagay sa bag ko iyon. 

 

She sighed and faced me, "I'm sorry; that is the only thing that came off my mind when I decided to write this letter." She stared at me while uttering those words. "Telling you I'm sorry wasn't enough para mapatawad mo ako sa mga nasabi ko at isama mo na din yung mga actions ko."

 

"I'm sorry kasi naconfuse ka sa ibang actions ko but to be honest, all of it was not planned nor decided para paglaruan ka. Pinayagan kita manligaw dahil I'm interested with you." She gave me that soft smile.

 

She moves closer and proceeds to hold my hand, "I'm sorry dahil sinabihan kitang manliligaw ka lang but the truth is, you're not just my manliligaw. You're my comfort person. You're my safe place."

 

 

"O-okay, stop na. Ako na magbabasa later." 

 

Tangina, hindi ako marupok.

Hindi ka marupok self. Hindi ka maru-

Pokpok ka talaga, Minjeong.

 

"What about Jaemin?"

 

Her upper lip curled in disdain, "Ano na naman meron sa kanya, Minjeong?" 

 

I shrugged, "Wala lang. Baka safe place mo din siya e."

 

"Can you stop-"

 

I cutted her off. Gusto ko lang naman makasigurado if I'm the option here or not. Mamaya busy lang pala yung isa kaya ako sinama dito.

 

 

"Bakit hindi si Jaemin sinama mo dito?"

 

"Kim Minjeong, why would I even bring him here? Ikaw nga dinala ko diba?"

 

"Ayan! Red flag! Pa-fall!" Tinuturo-turo ko pa siya na parang akusado.

 

Hindi na ako magpapaloko sa mga linyahang yan.

 

She kept quiet for a moment.

 

"Then fall for me, Minjeong." 

 

"You can keep falling for me, I will catch you." 

 

 

Charot.

Magpapaloko na lang ako.

 

-

 

 

Napapakanta na lang ako ng kats meee aym powling por u (≧▽≦)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
dakterchiyong
Hi xenxia na kau now lang nagupdate hell week namin e🤸 tapos prelims pa btw read well bawi ako next time (ende to bluff) lob u ol

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
536 streak #1
Chapter 31: Hii
BamBamOnce #2
Chapter 31: IIYAK AKO TANGINA IIYAK AKO, KASIII NAMAN EH
yukimin
#3
Chapter 31: sakit mo jimin hayst kulang na kulang pa sila sa communication tsaka limited pa rin alam nila sa isat isa kaya ganyan sana matutong mag open up si jimin green flag naman jowa mo beh kayang kaya ka intindihin niyan tamo si minju nakikisali naneto ni ante akala ko pa naman may character development na
howdoyouknowmee
536 streak #4
Hayy
TakuyaKen
#5
Chapter 31: Anu b tlga si Minju dto hanep bafterp n tropa eh
Maatt_booii #6
Chapter 31: Naku jimin ayusin mo yan ha!!
At ekaw naman minju napaka sus mo jusko, aminin mo na lang kasi na gusto mo si minjeong! Ekaw nga isa sa rason bakit naghiwalay din si jimin at yujin 🙄
iamriou_
1157 streak #7
Chapter 31: Luuuuh. pighati :(
osumnevercease
#8
Chapter 31: ayun lang awts
ryujinie__
689 streak #9
Chapter 31: 💔💔💔😩
ryujinie__
689 streak #10
Chapter 31: Hoooy 😩😩 Hays, sakit naman. Tysm sa UD author 💛