Twenty-seven: Ryujin

Walang Title

"Hoy, insan." pagtawag ko kay Yuna na nakita kong nagmamadali papuntang library.

 

Tinapunan niya naman ako ng tingin at nagtuloy ulit siya sa paglalakad.

 

Snobber amputa! Parang di kadugo e.

 

"Yuna!" paghabol ko sa kanya at hinila ko ang backpack niya, "Putangina, parang di pinsan e."

 

Nakipaghilaan siya sa akin ng backpack, "Inamo, Rojen. Bitawan mo bag ko. May kailangan ka lang sa akin e." 

 

Hindi naman ako nagpatalo at hinigpitan ko ang hawak sa bag niya. Bahala siya pag nasira 'to tigas ng ulo niya e!

 

Nagulat naman ako ng binitawan niya ang pagkakahawak niya sa bag.

 

I hit the floor with a loud thud.

 Nabagsakan pa ako sa tiyan ng bag ni Yuna. 

 

"Para ka namang tanga e." Singhal ko sa kanya. Tinulungan niya naman ako na makatayo habang di mapigilang tumawa.

 

Demonyo talaga 'to kay Minjeong lang mabait. Kulang na lang isipin ko gusto niya din yun kung wala lang silang love-hate relationship ni Lia e.

 

"Ano ba kasing kailangan mo? Pag about yan sa notes or mangongopya ka. Doon ka kay Minjeong lumapit gago." Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang siko niya. 

 

"Tangina mo, hindi naman about to sa acads e! Love life 'to, love life." Nakita ko namang nagliwanag ang mukha ng pinsan ko at biglang naging interesado sa kung anong paguusapan namin.

 

"True stone ba 'yan, Rojen? Popormahan mo na ba si Yeji?!" Malakas na sigaw niya.

 

Putangina nasa hallway kami e! Ang ingay ingay.

 

Binatukan ko naman siya at tinakpan yung bibig niya, "Tanga hindi! Iaask ko lang kung saan kayo gagawa ng report niyo kasi makikitambay sana ako." 

 

"Bakit makikigulo ka pa sa amin? Wag ka na, Rojen. Epal ka lang dun e." Naiinis niyang sambit, "Anong love life doon? About tambay naman tinanong mo. Sinungaling ka talaga e. Bahala ka na nga. Wala akong pinsan na torpe. Shoo." Tinalikuran niya na ako at magsisimula na sana siyang maglakad papalayo.

 

"Love life 'yon tanga! Kasama niyo si Yeji e." Mahinang sambit ko. Yuna turned her head around and sobrang nakakabaliw ng expression niya ngayon.

 

"Putangina, Rojen. Hindi ka na torpe! Congrats!" Sigaw niya habang niyuyugyog ang balikat ko. 

 

 

 

-

 

 

Busy ako na pagmasdan si Yeji habang gumagawa ng report nila. 

 

Ang ganda niya talaga.

 

Binabantayan ko bawat pagkunot at pagkagat-labi niya habang nagsusulat or nagbabasa sa laptop niya.

 

Sobrang attractive niya talaga pag nagaaral. Manghang-mangha talaga ako sa kanya on how she delivers herself in our recitations at kung paano niya din naace lahat ng quizzes at exams namin.

 

It is safe to say na at first I was attracted on how perfect she is not just as a student but as a person too. 

 

Sobrang bait niya din kasi and thoughtful sa mga friends niya. Sobrang masunurin sa magulang. Maka-Diyos, Makakalikasan at makabansa. 

 

Charot.

 

Magkaklase kami nung elementary but she never looked in my way. Syempre, sino ba naman ako para tingnan ng isa sa mga topnotcher sa room? Isa lang naman akong class clown na puro bagsak yung grades. Buti nga naging magtropa kami ni Minjeong at nakaangat-angat ako sa laylayan.

 

Crush ko lang si Yeji. Syempre, ikinacategorize ko siya na hanggang doon lang. But as the years go by, I know na this admiration will not stop. 

 

Naputol ang pagd-daydream ko nang bigla siyang tumayo,"Giselle, I finished my part na. Winter has already passed hers as well. Yuna is in charge of editing some other parts pero kaunti na lang naman yon." She starts to arrange her things at pinasok na din ito sa bag niya, "Hindi na ako mago-overnight, uuwi na lang ako. Pasabi pala kay Ate Krystal salamat sa food and thanks to you too, Giselle."

 

"Pero gabi na, may magsusundo pa ba sayo?" Tanong ni Giselle.

 

"Yes, I messaged our driver na and on the way na siya dito. Aantayin ko na lang siya sa labas." Ngumiti siya sa amin at nagpaalam na.

 

Nagtitigan kami ni Yuna at tsaka ko lang narealize na failed pala yung magiging plan ko ngayong gabi.

 

Tumakbo ako palabas para habulin si Yeji, "Yeji, samahan na kita." Lumingon siya sa akin at nagulat.

 

"Shin, okay lang. I can manage naman e, you can go inside." She politely declined my offer but I insisted.

 

Wala na din siyang nagawa kaya hinayaan niya na lang akong ihatid siya sa labas ng gate at samahan siyang magantay ng sundo niya.

 

It was awkward and silent. Halos marinig ko na lahat ng tunog sa paligid sa sobrang tahimik namin.

 

I tried to break the silence when I cleared my throat, "Ah- Yeji, pwede ka ba bukas?" Kuno't noo niya naman akong tiningnan.

 

"I don't have any schedules naman for tomorrow except for the mass that I will be attending in the morning. Why?" 

 

Kinabahan ako bigla, nakalimutan ko na yung mga dapat kong sabihin.

 

"A-ano kasi, natry mo na ba magperya? Yuna and Lia… I mean sinasama kasi nila ako tomorrow. E alam mo naman yun baka maging thirdwheel pa ako.. kaya gusto ko sana-" 

 

"You mean gusto mo ako maging plus one?" Pagtuloy niya sa dapat kong sasabihin at tumango na lang ako, "Why is Minjeong and Aeri not available?" 

 

"Aeri probably has a date with Ningning. As for Minjeong, she usually accompanies Karina in her free time e." 

 

"I'll message you na lang pag pinayagan ako ng parents ko." She smiled at tuluyan na ulit kaming nanahimik.

 

Tinatry ko magisip ng topic pero walang pumapasok sa utak ko. Ito yung mga times na hinihiling ko na sana gumana yung utak ko.

 

"It's funny." Napatingin ako kay Yeji nang marinig ko siyang magsalita, "it's funny na I just knew that we are schoolmates for almost a decade but we never had a good interaction." 

 

Natawa naman ako kasi totoo 'yon. Ang tanging interaction niya lang with me ay yung papagalitan niya ako bilang class president namin. And that's it. 

 

"Interaction lang natin ang pagalitan mo ako, Madam Pres." Mapangasar kong sagot and she just chuckled.

 

"You were so mischievous and hardheaded kasi kaya I always scold you." I watched her as she admire the stars in the sky, "I'm thankful na we talked today. Matagal na kita gusto iapproach but you always shy away. Akala ko takot ka sa akin dahil lagi kita pinapagalitan." 

 

Pwede ko na ata suntukin si Minjeong mamaya.

 

Kinikilig ako e!

 

Suntukan kami tutal parehas kaming namamatay sa kilig pag kinakausap kami ng mga crush namin.

 

Magsasalita pa sana ako pero dumating na yung service niya, "Shin, salamat sa pagsama. I'll inform you na lang bukas kung tuloy ako. Good night!" She waved her hand at pumasok na sa loob ng kotse.

 

"Good night din, Yeji…" 

 

Napatalon ako sa tuwa after ko makitang nakalayo na ang service ni Yeji.

 

Asan ka Minjeong? Tara suntukan!

 

Nagmamadali akong pumasok sa bahay nila Aeri nang bigla kong makasalubong si Minjeong na nagmamadali ding lumabas.

 

"Gago, saan ka pupunta?" Nagtataka kong tanong. Naudlot tuloy yung saya ko nawala ba naman yung susuntukin ko e.

 

"Ah, ano? Bibili lang. Oo tama, may bibilhin lang ako. Bye!" Nagmamadali siyang nagpaalam at kumaripas na ng takbo.

 

Gago? Sino susuntukin ko ngayon? Si Yuna o si Aeri?

 

 

-

 

 

 

 

On the way na ako sa peryahan, grabe ayos na ayos ako. Hiniram ko pa yung bagong t-shirt ni Aeri na OXGN ang tatak para mukha akong cool kid. Kinuha ko din yung cardigan ni Yuna na nakatago sa cabinet ko at sinuot ko ang shorts na bigay ni Minjeong.

 

Napapakanta talaga ako ng "I'm carrying your love with me" dahil buong outfit ko galing sa mga tropa ko. Panis full support sila!

 

Nang makarating na ako sa peryahan ay kakaunti pa lamang ang mga tao, minabuti ko munang magisip ng mga bagay na pwede naming gawin ni Yeji mamaya habang hindi pa siya dumadating.

 

"Ryujin." Pagtawag sa akin ni Yeji na nakatayo sa di kalayuan.

 

She is wearing a floral mini dress habang bitbit ang kanyang purse. She is sporting her beautiful eyesmile kaya mas lalo akong kinabahan nang papalapit na siya sa akin.

 

"Hi…" mahina kong bati and she giggled.

 

"Wala pa ba sila Lia at Yuna?" Tanong niya habang lumilingon lingon sa paligid.

 

"Wala pa e, kanina pa nga nila sinabi na on the way na sila e. Pasensya ka na ha mga baliw talaga 'yon e baka nagaway pa sila sa daan." Nahihiya kong sabi at napadasal na lang sa langit na sana dumating na yung dalawang angry birds.

 

Sakto naman ay narinig ko na ang mga palengkerang boses ng mga tropa ko, "ROJEN!!! Rojen bading!" Sigaw nilang dalawa.

 

Nagduet pa e.

 

-

 

"Yeji sakay tayo dito oh! Promise hindi nakakatakot dito!" pagyaya ko kay yeji sa mala-anchors away na ride.

 

"Uy piraaaaat!" sigaw naman ni Yuna at parang batang tumakbo papunta sa bilihan ng ticket. 

 

I glanced at Yeji and she looks bothered parang ayaw niya sumakay.

 

Wag na lang kaya dito?

 

"RJ, Tara sa piraaaat! Favorite mo 'to e!" Sigaw ni Yuna sa di kalayuan. Nakakuha na siya ng apat na tickets. Iwinawagayway niya pa 'yon sa amin muli ko namang tiningnan si Yeji kung okay lang ba sa kanya.

 

"Tara, Ryujin?" she called me, "Oh, are you afraid?"

 

Aba parang ikaw yung namumutla kanina e!

 

"Baka ikaw yung takot, Madam Pres." I winked and guided her to the ticket booth ng Pirat.

 

Nang makakuha na kami ng ticket ay agad kaming pinapasok ni kuyang nagbabantay. Umupo si Yuna at Lia sa pinakalikod para daw may thrill. Inaantay ko naman si Yeji na makapili ng pwesto para doon na din ako uupo.

 

Hindi naman pwedeng iwan ko siya magisa 'no.

 

She decided to sit in the second to the last row. Nasa harap lang din naman kami nila Yuna at Lia. I checked her para malaman if kinakabahan ba siya at gusto niya na magbackout but she looked okay naman. 

 

I was so excited when the ride was about to start but I froze on my seat when Yeji held my hands.

 

Nalunok ko yung laway ko sa sobrang hiya at kilig. Sisigaw na sana ako sa sobrang saya dahil mags-start na yung ride pero parang sisigaw ako for a different reason this time.

 

"Ryujin, I will hold your hands for the meantime. Is that okay with you?" She asked for my permission e nahawakan niya na nga.

 

Tumango-tango na lang ako at nagsisisigaw na when the ride started to sail higher.

 

Duet pa kami ni Yeji sa pagsigaw. Halos mabingi naman ako sa boses ni Lia na nakapwesto sa likuran namin. Para silang ambulansya ni Yuna.

Nang matapos ang ride ay medyo nahilo ako. Agad ko namang inalalayan si Yeji na medyo naout-of-balance after makababa sa ride. 

We just smiled at each other.

Ang saya lang may new memory unlocked na ako with crush. Add to core memory agad 'to. 

 

-

 

Nagpunta kami sa color game para sana sumali sa laro pero sobrang daming tao. 

 

"Tara, doon tayo sa basketball." pagaaya ni Yuna sa amin at hinila niya na si Lia. Sumunod na lang kami ni Yeji. Medyo namumutla siya dahil siguro sa pirat kanina. 

 

"Are you okay?" I checked on Yeji and she just nodded. Hindi naman ako naniniwala doon kaya I offered na we should take a sit muna. 

 

"I'm fine, Ryujin. Medyo nakakahilo lang kanina but it's okay. I can still walk." She insisted. 

 

"But-" 

 

"Ryujin, ngayon lang ako nakapagperya kaya pagbigyan mo na ako. Hmm?" 

 

"Okay."

 

Bakit naman kailangan pa akong akitin ng ganyan? Mahina ako sa'yo, Madam Pres e.

 

 

 

-

 

Marami kaming nasakyan na ride kasama na doon ang carousel at caterpillar. I glanced at Yeji who was jumping happily after receiving a stuffed toy from the dart game.

 

"Super cuteeee! Thank you, Ryujin." She was smiling cheerfully while hugging the teddy bear.

 

"You're welcome, Madam Pres." 

 

Inaya ko siya pumuntang gun games para mapagyabang ko ang shooting skills ko and syempre to win more stuffed toys for her.

 

Punuin natin ng teddy bear ang room mo, Madam Pres.

 

"Manong, 5 shots." I said as I placed the bente pesos on the table. He assembled the pellet gun and gave it to me. 

 

I was about to shoot the target when I heard a loud squeal sa kabilang booth ng gun games.

 

"Ang galing mo, baby!" The girl was jumping up and down habang pinanggigilan ang melody stuffed toy na yakap yakap niya.

Baby??

Is that Karina???

 

Napatingin naman ako sa kasama niya at kung sinong hinayupak 'to. It looks like they are on a date.

 

The girl was wearing a black hoodie and shorts. Nakacap din ito at nakawhite shoes pa.

 

I didn't see her face because her back was facing me. I watched how the girl shoots skillfully. Napatumba niya ang two cans in the first shot. 

 

What the ?

 

Mas magaling pa din ang Minmin namin 'no!

 

Siraulo 'yon si Minjeong ah, bakit may ibang kasama girlfriend non?

 

"Si Karina 'yun diba? Yung nililigawan ni Winter?" Tanong ni Yeji, "May girlfriend na pala siya. I thought si Winter girlfriend niya." 

 

Sa pagkakaalam ko talaga si Winter naman talaga ang girlfriend.

 

Hmp! 

 

Cheater!

 

Balak ko na sana sugurin si Karina at yung girl pero pinigilan ako ni Manong na nagbabantay ng gun game, "Ma'am, hindi pa po ba kayo mags-start?" Tanong ni Kuya.

 

"Ay, ah nakalimutan ko kuya." I looked quickly at the location of Karina. Nakita ko naman na tuwang-tuwa ulit siya na nakakuha ng Kuromi stuffed toy. 

 

"Ma'am, pwede na po kayo magstart." Saglit kong tiningnan si Kuya," Wait lang po-" 

 

Wala na sila Karina when I looked back.

 

Putangina!

 

Asan na 'yon?

 

"Rojeeeen!" Narinig kong tawag nila Yuna at Lia, "Tara kain na tayo! Gutom na ako!"

 

Hindi ko naman sila pinansin at patuloy na hinanap ang anino ni Karina at nung kabit niya.

Mahuli lang talaga kita, Karina.

"Let's eat na, Ryujin. I'm hungry na." Narinig kong sambit ni Yeji. I don't have a choice kaya sumuko na lang ako sa paghahanap. Sasabihin ko na lang kay Minjeong mamaya yung nakita ko. 

 

Cheater ka pala, Karina!

 

'Di mo deserve Minjeong namin!

 

Hmp!

 

Lagot ka sa akin pag nakita tayo! Kakalbuhin kita!

 

 

 

-

 

 

"Ba't mukha kang constipated?" Tanong ni Yuna habang tinututukan ako ng kutsara niya.

 

"May nakita kasi akong di kaaya-aya" I grunted as I ate my food.

 

Napatingin naman sa akin si Yeji, "Is this about the girl na kasama ni Karina kanina?"

 

"May kasamang iba si Karina?!" Sabay na sigaw ni Yuna at Lia. Tumalsik pa ang kanin na galing sa bibig ni Yuna. Naiinis at the same time nandidiri ko namang pinahid ang baby wipes na hiningi ko kay Madam Pres.

 

"I heard pa nga na she called her baby kaya baka girlfriend niya 'yon." Dagdag ni Yeji kaya mas lalo akong nastress. 

 

"Baka kaibigan lang o manliligaw din. Ganda ni Karina e." Yuna said dreamily na para bang crush niya si Karina kaya nabatukan siya ng malakas ni Lia.

 

"Anong maganda, Shin Yuna?" Nagtataray na sambit ni Lia.

 

Uh-oh.

 

Piningot ni Lia ang tainga ni Yuna.

 

"Aray! Lia masakittt!" Yuna exclaimed habang pinipigilan ang panggigil ni Lia sa tainga niya.

 

"Anong magand-"

 

"Maganda naman talaga si Karina pero mas maganda ka syempre." Ginawa naman ng pinsan ko ang uwu pose at nagpacute kay Lia.

 

What the ?

 

My eyes.

 

Ano ba 'tong tropahan na 'to ang cringe.

 

 

"Are you dating each other?" Yeji interrupted their bickering. Namula naman ang mga cheeks nila at napaayos ng upo.

 

"H-ha? H-hindi ah!" Yuna denies and proceeds to eat her food. 

 

Lia was hiding her embarrassed face by covering her face with her hair.

 

Sumingit ako sa conversation bago pa man mahotseat ni Yeji ang dalawa, "Madam Pres, you should try this ulam. Masarap siya." 

 

"Thank you, Ryujin." She slightly bowed and accepted the food.

 

We shyly thanked each other kaya medyo naging awkward.

 

"Eh kayo? Anong score sa inyo?" Nakakabiglang tanong ni Lia. She was looking at us suspiciously.

 

Mabilis naman akong tumanggi dahil maissue 'tong dalawa, "Anong score sinasabi niyo gago? Study first ako e!"

 

"Neknek mo, Ryujin." Banat naman ni Yuna. 

 

Babawi pa sana ako pero-

 

"We just started to talk to each other kaya hindi pa mataas ang score. Maybe, 2 or 3. " Yeji answered. Napatawa naman ng malakas si Yuna at Lia dahil hindi ata nagets ni Madam Pres ang meaning nung tanong na 'yon.

 

"Pataasin niyo lang score niyo, Pres." Natatawang banggit ni Yuna at tumango-tango lamang si Yeji kaya lalong lumakas ang tawanan ng dalawa.

 

 

Kami pa nga napagtripan.

 

Pero hindi ko pa din nakakalimutan kasalanan mo, Karina!

 

Hahanapin ko yang babae mo at sasabunutan namin ni Minmin!

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
dakterchiyong
Hi xenxia na kau now lang nagupdate hell week namin e🤸 tapos prelims pa btw read well bawi ako next time (ende to bluff) lob u ol

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
536 streak #1
Chapter 31: Hii
BamBamOnce #2
Chapter 31: IIYAK AKO TANGINA IIYAK AKO, KASIII NAMAN EH
yukimin
#3
Chapter 31: sakit mo jimin hayst kulang na kulang pa sila sa communication tsaka limited pa rin alam nila sa isat isa kaya ganyan sana matutong mag open up si jimin green flag naman jowa mo beh kayang kaya ka intindihin niyan tamo si minju nakikisali naneto ni ante akala ko pa naman may character development na
howdoyouknowmee
536 streak #4
Hayy
TakuyaKen
#5
Chapter 31: Anu b tlga si Minju dto hanep bafterp n tropa eh
Maatt_booii #6
Chapter 31: Naku jimin ayusin mo yan ha!!
At ekaw naman minju napaka sus mo jusko, aminin mo na lang kasi na gusto mo si minjeong! Ekaw nga isa sa rason bakit naghiwalay din si jimin at yujin 🙄
iamriou_
1157 streak #7
Chapter 31: Luuuuh. pighati :(
osumnevercease
#8
Chapter 31: ayun lang awts
ryujinie__
690 streak #9
Chapter 31: 💔💔💔😩
ryujinie__
690 streak #10
Chapter 31: Hoooy 😩😩 Hays, sakit naman. Tysm sa UD author 💛