Fifteen: This is it! Pancit!

Walang Title

It's been five days simula nung nagoffer si yuji sa akin na sabay kami every morning and uwian. True stone nga sabay kami every morning kaya good mood na ako lagi.

 

Hindi ako magsisinungaling pero sobrang hyper ko these past few days. Hindi ko alam if mauubusan pa ba ako ng energy o ano. Tuwang tuwa tuloy si coach sa akin parang inspired na inspired daw ako.

 

Plakda nga lang ako pagdating sa bahay ganon.

 

"Minjeong, hindi pa din ba kayo binibigyan ng mga take home activities and lessons? Puro kayo pagfofocus sa preparation ng Foundation Day. Wala na kayong natututunan." 

 

Ayan na naman yung mama ko! Simula na naman siya sa pagiging strict and epal niya for life.

 

Hindi naman ako yung tagaschedule ng school namin. Bakit parang kasalanan ko pang nagp-prepare kami for Foundation Day?

 

"Yung ibang teachers nagbibigay naman po pero hindi lahat dahil busy din naman sila. Ang balita lang samin ay ieexempt daw po kami sa First Quarter exam. Yung release ng grades baka by first week po of September." Magalang kong sabi hindi pwedeng sumagot sagot ako dito kahit naiinis ako no. Baka mapalayas ako nang wala sa oras.

 

Friday ngayon pero wala pa si papa. Mamaya maya pa dating niya galing work. Nagtatrabaho kasi siya sa Quezon City sa may office ng National Labor Relation Commission na may connection with DOLE. Kumbaga sila naghahandle ng mga cases between employer and employee. Bumibisita ako dun every December para mamasko. Andoon din kasi nagtatrabaho yung ibang mga ninang ko. Yung pagbisita ko nga din more like parang training e.

 

Expected din kasi nila na magiging lawyer ako or judge in the near future dahil nga anak ako ng isang Administrative Aide sa NLRC. Naiinis lang ako minsan kasi nap-pressure ako.Don't get me wrong, I love my father. Understanding, thoughtful and funny. Ang tanging problema lang naman is masyado siyang under sa nanay ko.

 

Kaya imbes na mapagtanggol niya ako, minsan hinahayaan niya lang si mama na kutya kutyain ako or worst saktan ako. Ni minsan hindi ko narinig na sabihin sakin ng magaling kong mama na proud siya sa akin. She was always there to critic and point out my failures. Contrasting sila ni papa dahil mas vocal at supportive siya. He never fails to say "I'm proud of you, Minjeong" everytime na may naa-achieve ako.

 

 

Oo nga pala, my family does not know that I am gay. I am a closeted gay. Maybe naamoy nila but they never point it out dahil bata pa lang ako masyado na talaga akong magaspang gumalaw at mas close ako sa mga lalaki. They think that it was normal na for me kaya never ako pinaghinalaan. There are basless rumors na narinig nila sa former school ko pero hindi naman nila pinansin pa.

 

Dati mas prefer kong magtropa ng mga lalaki not until Giselle, Ryujin, and Yuna came into my life. Sila ang humila sa akin papunta sa rainbow country. Habang si Yeonjun at Beomgyu ang humila sa akin sa journey ko para maging masc.

 

"Sana naman hindi ka ligwak sa honors ngayon diba? Do better, Minjeong. Wag ka ngang makuntento sa top 3. Puro ka kasi barkada at laro kaya ayan ang napapala mo!" Start na naman siyang magsermon. Nakakawalang gana talaga kumain pag ganito e. 

 

"Nagaaral po akong mabuti, ma. Salamat sa concern and hindi po nagiging sagabal sa pagaaral ko ang mga kaibigan ko." I stood up and brought my plate sa kitchen. Mas okay nang ganito tapusin ko agad yung usapan kaysa humaba pa. Naririndi na kasi ako sa totoo lang.

 

Lagi ko yan naririnig.

 

"Do better, Minjeong."

"Puro ka barkada at paglalaro."

"Ano sa elementary ka lang ba talaga magaling? Wala ka na talagang mabubuga ngayong high school? Hindi mo na kaya magtop1."

 

It was never "How's school, Minjeong?" "Did you sleep well?" "Magpahinga ka muna, anak." "I'm proud of you, nak.".

 

Ayoko nga munang isipin nanay ko. Let's focus on the brighter side na lang! Hindi ko pa din nasasabi na gusto kong manligaw kay yuji! Hawak hawak ko yung phone ni mama ngayon buti na lang di niya pa naalala na nasa akin to kaya nagonline na lang ako saglit.

 

Makajuice tayong lahat.

MJ: Paging @everyone !!

Gi: what's up?

Ryu: the sky, gi

Gi: haha funny 

Yuna: wag mong echosin yan si aeri masuntok ka niyan nangigigil pa yan kay haechan 

MJ: numeron

Yuna: kinukulit ni haechan si ning kaninang uwian e sabay sila ni frenny aeri ewan ko ano pinuputok ng buchi niyan ni aeri sa kanya naman sumabay si ningning!

Gi: He's so epal kasi!

Ryu: chill mga puso niyo pero anong kailangan mo mj bading?

MJ: may itatanong lang naman ako.

 

-

 

Kinaumagahan ng Monday, I'm still finding the right time to ask her. 

 

Man up, Minjeong! Kahit hindi talaga ako man huehue

 

She was probably confused dahil kanina pa ako pasulyap sulyap sa kanya habang naglalakad kami.

 

"May gusto ka bang sabihin, winjeong?" Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. 

 

Ano ba yang winjeong na yan? Nakakadistract yan e! Hindi ako makabwelo!

 

Ngumiti na lang ako at umiling.

 

Next time na lang siguro.

 

"You're awfully quiet today which is unbearably nakakairita for someone like you na parang pwet ng chicken kung dumaldal." Ang conyo conyo ng yuji namin na yan. Naninibago siya everytime na tahimik ako kaya siya yung dumadaldal para sa akin. Once in a blue moon lang din naman to. Rare talaga.

 

I smiled at her, "Wala lang ang ganda mo today, yuji. Blooming ka ba?" 

 

"Binobola mo ba ako, minjeong?" Tinaasan niya ako ng kilay muntik pa akong matawa dahil sa kaitsurahan niya ngayon.

 

"Hindi ka naman mukhang bola, yuji. Mukha ka lang quail egg ganon" 

 

Sinuntok niya ako sa braso at nahila ko yung kamay niya nung aamba pa siya uli kaya medyo nastretch ko paangat yung sweater na suot niya. Matagal ko na talaga napapansin yan lagi siyang nakahoodie, jacket or sweater pag pumapasok sa school. Acceptable reason naman na malamig kasi yung rooms sa school namin pero pwede niya naman siguro tanggalin pag nasa labas siya hindi ba? Ako kasi yung naiinitan para sa kanya.

 

"Yuji, bakit lagi ka nakasweater? Hindi ka ba naiinitan?" Nagulat naman siya sa tanong ko eh ano naman nakakagulat dun kahit si Ryujin nga napatanong ng ganun dati. Hindi lang naman ako yung nakakapansin.

 

"Hindi naman mainit e." Tipid niyang sagot.

 

May natamaan na naman ata akong sensitive thing. Lagi siyang ganto everytime na may nasasabi akong personal na patungkol sa kanya. Kaya I always chose to talk about myself na lang para walang warla.

 

"Yuji, anong oras na?" Hindi ko kasi suot yung relo ko nakalimutan ko after ko maligo. Madaling madali ako na antayin si yuji sa clubhouse kanina. 

 

Ang motto ko ay, "pwede malate sa school, pero kay yuji hindi."

 

Hinawakan ko yung wrist niya at medyo inangat yung sweater niya. I wasn't looking at the time, I was looking from the parallel lines that is evident in her skin. Mabilis niyang binawi yung kamay niya sa akin. She was looking at me like I was some sort of a plague na parang may nalaman akong di dapat malaman ng lahat kaya pinandidirihan niya ako.

 

"Matagal na to, kaya wag mo na isipin." matipid niyang sabi sa akin. Mauuna na dapat siya pero hindi pwedeng ganto hindi pwedeng magiiwasan na naman kami dahil sa ganto. 

 

"Yuji, wag mo akong iiwasan. I know you, hindi lahat pero may alam na ako. I'm not that bobo you know. Umiiwas ka everytime na nagtatanong ako about personal things. I am not pressuring you to open up with me. I just want you to know na I'm always here. Nandito lang ako pag kailangan mo ng kausap, kailangan mo ng shoulder to cry on. Nandito lang ako, yuji." I smiled at her.

 

Assuring her is the top one in my list habang hindi ko pa maamin ang aking true feelings.

 

"Hindi kita tatanungin about dyan sa wrist mo, kaya wag mo akong iiwasan." 

 

She walked in front of me and she started patting my head.

 

Ano ba ako aso?

 

"Hindi naman ako iiwas, minjeong." 

 

On the other hand, the latter was thinking "this is my pup, a cute maltese." 

 

-

 

"Ang bagal bagal, mj." Giselle snorted as if she was mocking me.

 

Nasa canteen kami ngayon gumagawa ng mga activities habang kumakain. Oh diba scammer talaga tong St. Francis Academy! Ang sabi nila no activities for the month of August for preparation of Foundation Day e ano tong tinatambak sa amin ng mga teachers? Ano to? Explain it to me!

 

"Hindi mo pa din masabi?" Yuna was looking at me disgustingly.

 

Ano ba hindi ako nagmamadali e!

 

"Mahpren! Alam ko na! What if i-chat ko si Karina?" Nagb-blink blink muna ako bago ko marealize ang sinabi niya.

 

Binatukan ko siya ng malakas, "Bakit mo naman ichachat ang future bebe ko?", napahimas himas siya tuloy sa ulo niya.

 

"What I mean kasi ako na magtatanong tutal ang bagal mo naman gumalaw. Nakakaawa kang nilalang!" 

 

"Hayaan mo si mj, ryu. Siya ang magsabi tutal siya ang manliligaw." masungit na sabi ni aeri.

 

Ito naman si aeri parang di kaibigan e!

 

"Pero what if i-try natin tapos icheck natin anong sasabihin niya?" Suggestion naman ni Yuna.

 

Habang ako hindi ako sure syempre hindi pa po ako ready, Lord God sunbaenim!

 

Hindi pa man ako sumasang-ayon sa suhestyon nilang magpinsan ay nakita ko na nagtitipa na sa cellphone niya si ryu.

 

Maya maya pa ay umalingawngaw ang malakas na halakhak ni Ryujin. Nagtataka namin siyang tiningnan habang siya ay napapahawak pa sa tiyan sa sobrang tuwa.

 

"Congrats, Minjeong!" sigaw niya sabay hampas sa balikat ko at tsaka naman inabot nila Aeri ang cellphone niya para basahin kung ano mang meron doon.

 

Nang mabasa na nung dalawa ay nagapir pa sila at tumawa tsaka binigay sa akin ang phone.

 

RJ: Karina!

JM: Bakit?

RJ: Yes or No. May pagasa ba sayo tropa ko? (minjeong to syempre)

JM: Oo.

RJ: WEH? SIRYUSU BA?

JM: *like*

 

Luh putangina nyo! True stone to meron talaga! Pwede na ba akong magjump sa cliff?

 

RJ: Last question. Pwede ba siyang manligaw sayo?

JM: Bakit ikaw nagsasabi? Ikaw ba manliligaw?

RJ: Sabi ko nga. Pero papayag ka?

JM: Well she didn't ask.

 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Well she didn't ask" so ano to? All this time ba inaantay niya din na sabihin ko? At ang tanga tanga ko lang kasi puro kaduwagan pinapairal ko?

 

Niyuyugyog ako ng mga tropa ko sa sobrang tuwa habang ako inaaway ko lang naman ang self ko dahil napakabobo ko.

 

Akala ko ba prodigy ka, self. Bakit ang manhid manhid mo? ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

 

Kanina pa ako tinatawag ng mga tropa ko naririnig ko sila pero shookt pa din ako okay. Bigyan nyo ako ng oras para iprocess ang mga bagay bagay.

 

BIG BRAIN MOMENT!ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

 

"Alam niyo ba kung asan si yuji ngayon?" Biglaang tanong ko sa kanilang tatlo. Natigilan naman si Ryujin sa pagyugyog sa balikat ko.

 

"Theater Room" napalingon ako sa likuran ko at nakita kong nakangiti si Ningning sa akin. Nasa kabilang table lang pala siya. 

 

Tumakbo ako papunta kay Ning para yakapin siya ng mahigpit, "Salamat, Ning!" dali dali akong tumakbo palabas ng canteen namin iniwan ko ang mga tropa kong akala mo nagtatawag ng kalapati kung makapalakpak.

 

Muntik pa akong matalisod sa isang bato pero bahala na nagmamadali talaga ako.

 

Ang sakit ng dibdib ko kakatakbo. Hindi ako makahinga kingina. Ha

 

Pagpasok ko ng theater room ay pinagtitinginan agad ako ng mga kateam niya. Mga Yellow Bobcats. 

 

"Yu Jimin." I called her nakatalikod siya at may kinakausap na kateam. Napangiti naman ako nang makaharap na ito at tuluyang lumapit sa akin. 

 

Hinihingal pa ako dahil ginawa kong marathon to! Hindi na ako pwede magpaligoy-ligoy pa. This is long overdue kahit two months pa lang talaga.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Yu Jimin, I like you since the first day of school na sinungitan mo ako. I like you kahit puro sama ng loob ambag ng existence ko sayo. I like you because you are Karina Jimin Yu, my yuji. You said I have a chance that is why I'm here standing right in front of you. I'm shooting my shot na, yuji. Kaya pwede ba akong manligaw?" 

 

There it is. I already said it. Ang line na gabi gabing kong pinapractice sa harap ng salamin. 

 

"Tinakbo mo pa talaga papunta dito para sabihin sakin yan?" Natatawa siya sa mukha ko.

 

Ang haggard ko siguro tumakbo kasi ako ng mabilis kaya pawis na pawis ako. Ay gagi! Baka hindi siya pumayag dahil pangit ako today ha! Ende pwede! Cute naman ako everyday e.

 

 

"Took you long enough, Minjeong." She pats my head and moves closer to me, "Yes, siguro." binulong niya sa akin.

 

May yes na nga may siguro pa!

Napakaredflag mo talaga! 

Ayaw nalang sabihing yes e!

 

 

 

 

AAAAA. 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
dakterchiyong
Hi xenxia na kau now lang nagupdate hell week namin e🤸 tapos prelims pa btw read well bawi ako next time (ende to bluff) lob u ol

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
536 streak #1
Chapter 31: Hii
BamBamOnce #2
Chapter 31: IIYAK AKO TANGINA IIYAK AKO, KASIII NAMAN EH
yukimin
#3
Chapter 31: sakit mo jimin hayst kulang na kulang pa sila sa communication tsaka limited pa rin alam nila sa isat isa kaya ganyan sana matutong mag open up si jimin green flag naman jowa mo beh kayang kaya ka intindihin niyan tamo si minju nakikisali naneto ni ante akala ko pa naman may character development na
howdoyouknowmee
536 streak #4
Hayy
TakuyaKen
#5
Chapter 31: Anu b tlga si Minju dto hanep bafterp n tropa eh
Maatt_booii #6
Chapter 31: Naku jimin ayusin mo yan ha!!
At ekaw naman minju napaka sus mo jusko, aminin mo na lang kasi na gusto mo si minjeong! Ekaw nga isa sa rason bakit naghiwalay din si jimin at yujin 🙄
iamriou_
1157 streak #7
Chapter 31: Luuuuh. pighati :(
osumnevercease
#8
Chapter 31: ayun lang awts
ryujinie__
689 streak #9
Chapter 31: 💔💔💔😩
ryujinie__
689 streak #10
Chapter 31: Hoooy 😩😩 Hays, sakit naman. Tysm sa UD author 💛