Twenty-one: Letter?

Walang Title

September na mga lodicakes! 

Excited lang naman ako. Hindi para sa laro at dance contest ng Foundation Day.

Excited ako na matapos na tong mga putanginang to!

 

Friday na din ngayon kaya excited na ako umuwi at mamahinga. Sa Monday na yung start ng games, five days yun tapos next Saturday naman yung dance contest. 

 

"Bukas na card viewing di ba?" binaba ni Ryujin ang phone niya para tumingin sa amin.

 

"Oo, pupunta ba si Tita?" Sagot naman sa kanya ni Yuna. 

 

"Siguro, pwede bang mama mo na lang din kumuha nung card ko? Papayag naman siguro siya tutal ako fave niyang pamangkin."

 

"Ang kapal mo, RJ!"

 

"Will you be okay, MJ?" concerned na tumingin sa akin si Aeri. 

 

Syempre, hindi ako okay bukas pero pwede naman ako maging okay next week. Foundation day naman e!

 

"It's fine, Aeri. Walang mangyayaring masama bukas. Andyan naman si papa at tsaka siya kukuha ng card ko hindi naman si mama." Nagthumbs up pa ako and showed her my bright smile pero deep inside nanginginig na talaga ako sa kaba for tomorrow.

 

Hindi ko na muna inisip yung love life ko because my allowance and lifestyle is on the line. Maaring mabawasan ang allowance ko pati yung oras ng uwi ko imomonitor na.

 

Paampon naman ako oh!

 

Isa pang nakakagood mood today ay ang pagcancel ni Coach ng practice namin! Sabi niya kasi mas okay daw na gamitin namin yung day ngayon at yung weekend para magpahinga at ihanda ang katawan para sa gyera sa Monday.

 

Akala mo naman isasalang kami sa regionals e no? Balita ko kasi may pustahan daw bawat coach kaya grabe sila magpahirap.

 

"Pero ano balita kay yuji mo?" 

 

Pakyu ka, RJ.

 

"Correction. Ano balita kay karina? Dapat ganyan." 

 

"Ay binabakuran mo ba pati nickname? Wala namang kayo nye nye."

 

Tangina mo, Yuna.

 

"Ang sakit sa tenga e kaya tigilan niyo na."

 

Wala naman talagang balita kay yuji este kay Karina. Tinigilan na din ni Ningning yung pangungulit sa akin para makipagbati ako kay Karina. Bakit kasi ako pa magf-first move diba? Ako ba may kasalanan? She can just show up and say sorry naman bakit need pa idaan sa ibang tao?

 

 -

 

Kung dati ang kasabay ko umuwi ay si redacted, ngayon iba na kasabay ko.

 

*redacted - Karina.

 

Redacted na kasi nakita ko ulit sila ni Jaemin na magkasama. Wala lang bahala siya.

 

Sinamahan ako ni Lucas ngayon pauwi ang reason niya kasi pupunta daw siya sa kaibigan niya. Same subdivision daw kami non kaya sasabay na siya sa akin.

 

"Bakit hindi ka na nagrereply sa messages ko?" 

 

Napatingin naman ako sa kanya at si baliw nakapout pa nga. Lucas, hindi ka cute! Itigil mo yan!

 

"Busy ako kagabi." Matipid kong sagot. 

 

"Ganun ba? Pero mamaya pwede ba tayo magusap? Kahit anong topic lang namiss na kita kausap e." 

 

"Hindi pwede e. May gagawin ako mamaya."

 

Magdadasal ako sa lahat ng entities mamaya. Card giving bukas no!

 

"Kahit saglit lang? Five minutes ganun? Gusto ko lang malaman if kumain ka na ba or pwede mo naman ikwento sa akin yung araw mo." 

 

Kumakain naman ako sa tamang oras dahil magagalit nanay ko. Bakit kailangan pa kita sabihan?

 

"Para saan? Bakit kita kailangan iinform?" painosente kong tanong kahit alam ko na kung ano yung point niya.

 

"Well, as you can see, I'm interested in you, Win. I'm planning to pursue you kapag pinayagan mo na ako. Kung pwede lang nga-" 

 

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil tama nga yung hinala ko.

 

"I don't entertain guys, Lucas. I just don't."

 

"But you can still try? We can try, Win. Right?" 

 

Ang kulit naman. Bading nga ako! Hindi ako straight! 

 

"I clearly told you that I don't entertain guys. There's a big difference between don't and can't. Hindi ko naman sinabing hindi ko kaya. Ang sinabi ko hindi ako nageentertain. I hope you understand that." 

 

He nods slowly. I pat his shoulders, " Much better if we should stay as friends. I'm sorry."

 

"Wala ka naman kasalanan dun. I just assumed you had a crush on me when we used to call each other by nicknames."

 

"The Knighty thing?" 

 

Nahihiya naman siyang tumawa at tsaka tumango.

 

"Mauuna na ako ha, dito na yung street nung kaibigan ko e. Ingat ka, Win" He waved his hands.

 

"Ingat ka din." 

 

Nakita kong nakalayo na si Lucas kaya nagsimula na akong maglakad pauwi.

 

Nga pala, naalala ko isang buong taon na pala ako maglalakad papasok at pauwi. Nalaman kasi ni mama na hindi naman ako sumasabay kay Manong Anthony kaya nagalit siya. Bahala daw ako pag kumuba likod ko kasalanan ko na daw yun. 

 

Well, ginawa ko yun para kay redacted pero look at me now kumukuba ang likod para sa wala. (〒﹏〒)

 

I was busy thinking about the things that I should do tomorrow. Kinakabahan na kasi talaga ako super pati internal parts of the body ko nanginginig na. I'm about to plot my backup plans when someone bumped into me.

 

I turned around to see the culprit.

 

Oh?

 

Mama Mary?

 

Eh?

 

Kinusot kusot ko pa yung mata ko para macheck if tama ba yung nakikita ko.

 

Mama Mary is with a demon na maganda. 

 

"It's nice to see you again. I forgot your name. Ano nga uli name mo? Hmm.."

 

I was about to tell her my name, "Ki-"

 

"Aha! Minjeong? or Winjeong? Tama ba ako, Jimin?" She nudged the quiet one.

 

"It's Minjeong. Stop calling her Winjeong…" 

 

Hindi ko na narinig yung kasunod dahil ang hina ng pagkakasabi niya.

 

"Oh? I should stop calling her that because gusto mo ikaw lang tatawag non sa kanya?" Napatawa naman ng malakas si Mama Mary. 

 

Siya lang naman talaga nakaisip na pagsamahin yung nickname at real name ko e. 

 

"She's just a friend." Pangaasar niya sa katabi niya.

 

"By the way, I am Irene. I forgot to introduce myself last time." 

 

"Tita niya ako. Yes, tita ako ni Minmin." 

 

Tuwang tuwa pa siyang sinabi yun na parang minsan niya lang maflex na tita siya ni Karina.

 

Karina scoffs and rolls her eyes.

 

Sungit!

 

"Pleasure to meet you po, I am Kim Minjeong. You can call me Winter po." I smiled and Ate Irene squealed.

 

"Hindi mo naman binanggit na ganito pala kacute tong friend mo" Ate Irene emphasizes the word 'friend'. Inaasar ba nito si Karina?

 

"Mauna na kaya ako? Para makapagusap na kayo ng friend mo." She wiggles her eyebrows and winks at me. Sinusundot sundot niya pa yung tagiliran ni Karina habang yung isa sinamaan lang siya ng tingin.

 

She is teasing us. 

 

Alam niya bang crush ko pamangkin niya? o may iba pa siyang alam? Hindi naman pwede na crush ako nitong isa diba? Manliligaw lang naman ako. Manliligaw dati.

 

"Can you stop doing that? Ang childish mo." 

 

Ngayon ko na lang ulit narinig yung boses niya tapos ang cold cold pa. Kanina pa kami dito pero never niya ako tiningnan. 

 

Gusto magapologize pero pag nasa harap ko na parang ayaw naman gawin.

 

"Ate Irene, una na po akong umuwi. It's nice to meet you po and sana magkatime po tayo to bond soon."

 

"Anong Ate? Call me Tita na din. Gusto mo ihatid ka na namin sa bahay nyo?" 

 

"Ay wag na po, hassle lang po yun. Out of the way na po pag sa bahay pa po namin tsaka parehas lang naman po tayong maglalakad kaya okay lang po ako hehe" 

 

Awkward

Nakakahiya

Nakakaihi

Nakakajebs

 

"Yun naman pala e, parehas naman tayong maglalakad edi sumabay ka na sa amin. Maghiwalay na lang tayo ng way pag malapit na sa likuan ng street niyo." Pinalo-palo niya pa yung likod ko.

 

Ang sakit sakit mo na, Mama Mary!

 

"Kung okay lang po sa katabi niyo po, okay na din po sa akin." 

 

Napatingin naman sa akin si Karina. Nagulat siguro yun di ko ba naman binanggit pangalan niya e.

 

Syempre! Hindi mo deserve mabanggit ng precious mouth ko no!

 

Hindi ako marupok e!

 

We are staring at each other for a few seconds. 

 

Ang intense. 

 

The staring contest was interrupted when Ate Irene said, "You may kiss the bride."

 

"Ang tagal niyo magtitigan e feeling ko matutunaw niyo na ang isa't isa. Uwi na tayo aba! Baka magkadevelopan pa kayo ng feelings dito." 

 

Pinalo ni Karina yung braso ng Tita niya para magtigil na ito sa pangaasar sa amin.

 

Ate Irene carried the whole conversation. Feeling ko nga iniinterrogate niya ako. Sobrang dami niyang questions for me.

 

Pinakaintriguing question niya ay kung straight daw ba ako. Hindi ko inexpect na open siya sa ganung bagay. Ang cool niya!

 

Napunta din sa usapan si Lucas dahil akala niya boyfriend ko daw yung nakita niyang kasama ko kanina. Nakwento niya pa na ang sama sama ng aura ni Karina kanina nung tinanong niya ito if boyfriend ko daw ba si Lucas.

 

At last, nandito na kami sa part kung saan kami naghihiwalay ng landas ni Karina pag sabay kami umuuwi dati.

 

"Ate Irene, dito na po ako. Doon po kasi yung street namin. Salamat po sa chika! Ingat po kayo." I bowed slightly. Hindi ko din alam bakit ko ginawa yun, out of respect siguro.

 

I was about to cross the road, "Minjeong, hindi ka ba magpapaalam kay Karina?"

 

"Should I rephrase it? Hindi ka ba magpapaalam sa yuji mo?" She smirks at me. 

 

What the actual ?

 

Karina was scowling at her.

 

I looked at Karina's direction and I gave her my pinakaplastik na smile.

 

"Ah- Bye Karina! Bye Ate Irene hehe" I chuckled nervously while waving my hands.

 

I started to run away from them dahil feeling ko namumula na ako sa sobrang hiya.

 

Tumigil na ako sa pagtakbo nung palapit na ako sa street namin. Naaaninag ko na yung bahay naming tatlong palapag ang taas. 

 

Nasa rooftop yung mama ko siguro nagtanim na naman yun ng bagong pechay niya.

 

"Minjeong." I was startled when someone called me. Napapikit ako at napahawak sa dibdib. As soon as I opened my eyes, I saw Karina right in front of me.

 

Putangina naman! Ang hilig hilig manggulat ha!

 

Buti na lang hindi ako nagkakape!

 

Lumapit si Karina at kinuha yung kamay ko. May nilagay siyang tupi-tuping yellow paper dun.

 

Alam niyo yung sa yellow pad na ginagamit sa paggawa ng reviewer ganun.

 

She just stares at me for a few seconds tapos bigla siyang tumalikod at naglakad palayo.

 

Gago ano to?

 

Nababaliw na ba yun?

 

Nakita ko namang may nakasulat na note sa nakatuping yellow pad.

 

 

-YJM

 

 

-

 

Nakahilata lang naman ako sa kwarto ko. Napapatulala na lang ako kakaisip kung ano yung mangyayari tomorrow. Sana hindi ako mapagalitan. Amen!

 

Sinusulit ko na din yung mga nalalabing oras na magagamit ko pa tong tablet. Malaki kasi ang possibility na magkaroon ng rules sa paggamit nito pag nakareceive ako ng mababang grade. Streyk payrents ko e!

 

Nagdownload ako ng Twitter app kasi sabi ni RJ kanina pwede daw magrant dun. 

 

Ayoko magrant sa mga tropa ko ang papanget nila kausap e!

 

Ting!

 

New message from MJ.

 

Minju: MJ, ano balita?

 

Si Minju baliw. Ano na naman kailangan nito?

 

Minjeong: Anong balita sa radyong sira?

 

Minju: Tange, anong score niyo na? Bati na ba kayo? 

 

Minjeong: Bakit sa akin ka nagtatanong? Dun ka sa bestfriend mo magtanong, MJ!

 

Minju: Paano ko naman ime-message yung taong namb-block?

 

Minjeong: Kawawa ka naman di mo siya mamessage nye nye

 

Minju: Kawawa ka naman di ka niya type Ó╭╮Ò

 

Minjeong: Bas2s kang bata ka!

 

Minju: Pero ano ngaaaa? Wala bang chika diyan? 

 

Minjeong: Bakit ba interesadong interesado ka sa buhay ko? Crush mo ba ako, MJ?

 

Minju: Yes pi, crush pi kta (≧▽≦)

 

Minjeong: Trippings ampota block din kita e

 

Minju: Edi wala ka na matatanungan kung anong favorites ng yuji mooOo

 

Minjeong: *karina 

Minjeong: Bakit naman ako magtatanong? hindi na kaya ako nanliligaw duhhh

 

Minju: Weh, pero pag kinausap ka taob ka naman! Marupok kang bakla ka

 

Minjeong: Inamo!

 

Minju: na mama mo din ;)

Minju: Pero ayaw mo talaga? Ayaw mo talaga magtanong about sa life ni Karina mo.

 

Minjeong: Karina lang kasi. 

Minjeong: Ayaw ko nga. Gusto ko galing sa kanya yung kwento para malaman ko if okay lang ba sa kanya na malaman ko. Ayoko nung galing sayo baka mali mali yan e.

 

Minju: Botong-boto pa naman ako sayo tapos ampanget panget ng ugali mo sa akin! You're hurting me, MJ :(

Minju: Ayos lang green flag ka naman kay Karina moooo

 

Minjeong: Pero ano

 

Minju: Ano? Naging marupok ka na ba?

 

Minjeong: Hindi gagi ka! Sabing hindi ako marupok e! May binigay siyang yellow paper kanina yung sa yellow pad ganon.

 

Minju: Ano yan may lamang equations? Pinapasagutan ba sayo? Baka commission yan, sagutan mo na lang para magkapera ka naman

 

Minjeong: Ang ayos ayos mo talaga kausap e no

 

Minju: Thanks, sabi nga din nila ang fun ako kausap. Kaya siguro ilang weeks mo na ako kachat no. MJ sinasabi ko sayo kabag lang yan.

 

Minjeong: Panget mo

 

Minju: Pero ano nga laman nung yellow paper? Equations? 

 

Minjeong: Hindi ko alam.

 

Minju: Tanga ka, bakit hindi mo pa buksan?

 

Minjeong: nakakatakot e baka death note yon! Malay mo warning letter yun 

 

Minju: Alam mo minsan napapaisip ako bakit kaya binansagan kang matalino? 

 

Minjeong: Kasi bobo ka daw, MJ.

 

Minju: Ay hala ikaw si MJ e.

Minju: Pero buksan mo na tange

 

 

Minjeong: Kinakabahan ako sa laman e.

 

Minju: Malay mo nakalagay "I love you and I'm sorry, my winjeong" 

 

Minjeong: Mana ka talaga sa kaibigan mo. Paasa amp

 

Minju: umaasa ka naman e bleh

Minju: tingnan mo na kasi dami ebas e

 

Minjeong: May nakalagay na note sa top part bago mo buksan yung mismong paper

 

Minju: oh ano nga nakalagay?

 

Minjeong: "Minjeong, I hope this letter won't be tossed in the trash. Please read it. Thank you." -YJM

Minjeong: Ayan.

 

Minju: Please read it nga diba? Basahin mo na

 

Minjeong: ayaw ko ngaaaa katakot

 

Minju: Bading ka ba?

 

Minjeong: opo

 

Minju: ay ewan ko sayo goodnight inform mo na lang ako soon kung ano laman niyan nyetacca

 

Minjeong: K gnight

 

Minju: Panget mo

 

Hindi na ako nagreply sa chat namin ni Minju. Panget niya kausap e pero lagi ko talaga to nakakausap. Hipokrito amp.

 

I glanced at my study table. Nakita ko yung yellow paper na pinatong ko sa pencil holder ko. 

 

I got out of bed para abutin yung yellow paper. Binasa ko ulit yung note na nilagay ni Karina doon.

 

100 times ko na atang nabasa to pero nakakatakot pa din talaga buksan.

 

Curious din naman ako sa laman pero hindi lang ako handa. Alam kong mahilig ako magbasa ng angst stories sa wattpad pero ibang usapan na tong letter no. 

 

What if nilagay ni Karina dito na tigilan ko na ang panliligaw ko diba?

What if sinabi niya dito na sila na pala ni Jaemin?

 

Ayoko na sanang dagdagan problema ko pero grabe talaga mangwarshock tong yuji problems ko e!

 

I decided na wag muna basahin yung laman. After na lang siguro nung isa ko pang problema which is yung card giving nga bukas.

 

Napabuntonghininga na lang ako at binalik na ang papel sa dati nitong lagayan. 

 

Soon.

 

I will read it soon.

 

 

-

Ano kaya laman nung letter???

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
dakterchiyong
Hi xenxia na kau now lang nagupdate hell week namin e🤸 tapos prelims pa btw read well bawi ako next time (ende to bluff) lob u ol

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
536 streak #1
Chapter 31: Hii
BamBamOnce #2
Chapter 31: IIYAK AKO TANGINA IIYAK AKO, KASIII NAMAN EH
yukimin
#3
Chapter 31: sakit mo jimin hayst kulang na kulang pa sila sa communication tsaka limited pa rin alam nila sa isat isa kaya ganyan sana matutong mag open up si jimin green flag naman jowa mo beh kayang kaya ka intindihin niyan tamo si minju nakikisali naneto ni ante akala ko pa naman may character development na
howdoyouknowmee
536 streak #4
Hayy
TakuyaKen
#5
Chapter 31: Anu b tlga si Minju dto hanep bafterp n tropa eh
Maatt_booii #6
Chapter 31: Naku jimin ayusin mo yan ha!!
At ekaw naman minju napaka sus mo jusko, aminin mo na lang kasi na gusto mo si minjeong! Ekaw nga isa sa rason bakit naghiwalay din si jimin at yujin 🙄
iamriou_
1157 streak #7
Chapter 31: Luuuuh. pighati :(
osumnevercease
#8
Chapter 31: ayun lang awts
ryujinie__
690 streak #9
Chapter 31: 💔💔💔😩
ryujinie__
690 streak #10
Chapter 31: Hoooy 😩😩 Hays, sakit naman. Tysm sa UD author 💛