Four: Yu Jimin

Walang Title

WINTER’s POV

 

Napakadaming ginagawa first month pa lang naman ng school year.

Kung tatanungin nyo ako if anong balita dun  kay ate girl. Hindi ko na alam. Nakuntento na lang siguro ako na nakikita siya sa bintana ng pintuan namin. 

Hindi ko din alam if basag ba gaydar ko o ano? E kasi hindi ko naman madistinguish kung kalahi ko ba siya o hindi T_T 

 

Puro kasi lalaki umaaligid sa kanya hellooooo

Anong laban ko sa mga hotdog?

Napupuno lang naman ako ng kakyutan hehe

 

Nung isang beses nakita ko siya kinukulit ni Jeno. Kahapon kinukulit siya ni Jaemin. Grabe halos magiisang buwan na pero hindi ko pa din pala alam pangalan niya. 

 

Keep up naman tayo dyan self.

 

Nakausap ko din si Somi nung isang araw. Oh! Huwag nyo akong akusahan hindi ako marupok!

At tsaka mind you! Yes, you people. Ako ang nakipagbreak!

 

Proud amp

 

Pero civil break up naman parang payag kami both sides. Walang away na naganap. We chose to let go of each other na lang kaysa mahirapan kami. At some point kasi sa buhay natin, marerealize natin na hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mo ilaban. You should always take one step back and view the whole page at doon mo malalaman if worth it pa ba pag nilaban mo o magpapaubos ka nalang at ikaw din masasaktan sa huli?

 

Odiba mga kapatid bayad kayo limampiso para sa aking wisdom.

So ayun na nga ano ba dapat ko gawin kay ate girl? Hindi ko naman siya balak ipursue like syempre

 

Pero bakit ko na iniisip na ipupursue ko siya e crush lang naman

Crush nga lang maniwala kayo pls…

 

Naputol ang pagmumuni muni ko sa kwarto nang marinig ko ang boses ng bestfriend ko.

 

“Winnnn!”

“Winwin!”

“MinMin!!!”

“Yah! Kim Minjeong”

“Lumabas ka dyan napapaligiran ka namin!”

 

Napakaingay talaga neto. Sarap busalan ng papel yung bibig e. Pag ako napagalitan ni mama susuntukin ko atay neto.

 

“Ano na naman ba problema mo gyu?” pagsusungit ko sa bestfriend ko habang siya ay nakakalokong ngumiti sakin.

 

“Aba need ko ng updates sa life mo no! Hindi na kaya tayo magkaklase! Tapos hindi pa tayo same ng school!” 

 

“Oo na, oo na lalabas na ako wait lang mahal na senyorito magpapaalam muna ako kay mama.”

 

“Ma! Dito lang po ako sa labas uuwi din po ako agad!” pagsigaw ko upang marinig ng nanay ko na nasa second floor.

 

“So ano balita? Kamusta school year nyo?” pagsisimula niya.

 

“Oks pa naman. Pa one month pa lang naman e. Sainyo ba?” 

 

“Ganun pa din magulo. Hindi ka ba babalik dun?” 

 

“Alam mo namang ayaw ni mama e. Silang dalawa ni papa nagdedecide about dyan.” 

 

“Bakit ka pa kasi lumayas that time e” malungkot na sambit niya habang nakatingin sa malayo.


Oo, Grade 7 palang naglayas na ako. Actually, parang bata pa lang naman naglalayas na ako.

Inside the Kim Minjeong prodigy image ay isang batang natatakot. Natatakot sa mga pwedeng mangyari if I don’t do well in school or in any other fields.

 

Nagsisisi talaga akong ginalingan ko nung grade 1 e. Edi sana pwede ako maging normal na teenager.

 

Yung issue about sa paglilipat ko ng school ay about sa paglalayas ko. Buong school kasi namin nakaalam na naglayas ako. 

 

Disadvantage talaga ng mga sikat puta. Spotlight kung spotlight e.

Sila mama nahihiya para sa akin dahil sa ginawa ko. Pero hindi man lang nila naisip yung reason bat ko ginawa yun.

 

I was afraid. For the first time in my life, naging top 9 ako kaya hindi ko maaccept na Top 9 lang ako nun kasi alam ko if ever makaabot kila mama yun. Mabubugbog ako. Grounded pa. 

 

Imagine the pressure I experienced kakapasok mo lang ng high school ang bungad sayo puro issues. People discredited my achievements. Hindi ko daw deserve ang pagiging valedictorian nung Grade 6 dahil hindi ko kaya mamaintain yung rankings ko ngayong high school. Sa sobrang takot ko, pinili ko maglayas. At ayun kumalat sa buong school.

edi awit

 

“Wag na natin pagusapan yun, Beomgyu. Past is past ano kaba?” pagiiba ko ng usapan dahil sensitive talaga ako sa ganun.

 

Even before alam ni gyu na sensitive ako sa mga past issues ko. Kaya nga dati imbes na magadvice siya or maginsist na iopen yung topic pinapatawa niya nalang ako kaya lumulobo yung sipon ko dati kakatawa.

 

“Pero may nababalitaan ako sayo. Chinika sakin ni Ryu.”

 

Ay alam ko na to. Si ate girl to for sure.

 

“Alam mo na ba name ni ate girl masungit/mysterious/katitigan mo nung flag ceremony nyo?” 

Wow. full description. 

 

Umiling na lang ako at tinawanan niya ako.

 

“Ang bagal mo naman, Kim Minjeong. Ikaw ba yan? Matinik ka sa chix diba? Mabenta ka pa sa mga straight. AHHAHAHA”  

 

Tangina neto inaasar pa ako oh.

 

“Oh bakit kilala mo ba yun?” 

 

“Oo”

 

Ha?Sana all.

 

“Pinakita ni ryu yung picture sa akin tas sinabi niya anong grade at section. Minsan talaga ang bobo mo. Bakit di mo tinanong si Yeonjun e kaklase niya lang naman yun?”

Oo nga no. Di ko naisip yun.

 

“Minmin! Umuwi kana! Magsasaing ka pang bata ka! Puro ka gala!” Narinig kong pagsigaw ng nanay ko mula sa terrace namin.

 

“Sige na, Win. Pasok ka na. Next time na lang ule” pagpapaalam niya sakin.

 

Maglalakad na sana ako papasok ng bahay namin nang biglang sumigaw si Beomgyu.

 

“Minjeong!” 

 

“Yu Jimin! Karina!” confused ko siyang tiningnan dahil hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. 

 

“Thank me later” kumindat pa siya at tumakbo na pauwi ng bahay nila.


Yu Jimin? Karina?Huh? 

Ano daw?

Ah. Yung name ata ni ate girl.

Okay.

 

HA?!

YUNG NAME NI ATE GIRL??????

LUH GAGI PUTANGINA
SALAMAT MASTER BEOMGYU HAHAHHAHA

 

Yu Jimin pala. Also known as Karina.

 

. Alam ko na pangalan niya.

 

Hiniram ko phone ni mama para sana isearch yung name ni Karina sa fb pero naintriga ako sa mga unread messages ko.

 

From: Beomgyu

Hoy bobo!

Minjeong!

May narinig akong chika about sayo!

Sino si ate girl ha?

At si Ryujin pa talaga chumika sakin. Wala kang kusang ichika yun sa bestfriend mo.

Sa bestfriend mo na ilang taon mo na kasama. Grabe ka itatakwil na kita.

Btw, kilala ko na sino si ate girl.

Gusto mo ba malaman?

E paano pag ayaw ko sabihin sayo. Iyak ka muna ganun.

Sinabi sakin ni Yeonjun kung sino pero secret muna bleh.

Hoy! Magonline ka naman Winter. Para kang tanga biyaya chika na to oh.

Bahala ka hindi ko sasabihin.

Ano ayaw ka na naman ba pahiraman ni tita ng cp.

Kawawa ka naman. Boom Dsurb!

Puntahan na nga lang kita. Akala mo hindi magkastreet e no.

Otw na ako pakyu min.

Sent 5 hours ago

 

Tangina talaga ni Beomgyu napangiti na lang ako sa mga natanggap kong chats mula sa kanya.

 

Ting!

 

From: Beomgyu

Yu Jimin. Karina nickname. 

Yu Jimin yung facebook. Yung libre ko salamat bye.

 

HAHAHAHA tangina hulog ka talaga ng langit gyu. Isa ka pa Yeonjun salamat mga tropa ko putangina nyo padin wala akong pera.

 

Yu Jimin.

Nagbigay na ng sign si Papa G. Ipupursue na kita. 

 

Wait ka lang bb girl. ( ͡❛ ͜ʖ ͡❛)











 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
dakterchiyong
Hi xenxia na kau now lang nagupdate hell week namin e🤸 tapos prelims pa btw read well bawi ako next time (ende to bluff) lob u ol

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
536 streak #1
Chapter 31: Hii
BamBamOnce #2
Chapter 31: IIYAK AKO TANGINA IIYAK AKO, KASIII NAMAN EH
yukimin
#3
Chapter 31: sakit mo jimin hayst kulang na kulang pa sila sa communication tsaka limited pa rin alam nila sa isat isa kaya ganyan sana matutong mag open up si jimin green flag naman jowa mo beh kayang kaya ka intindihin niyan tamo si minju nakikisali naneto ni ante akala ko pa naman may character development na
howdoyouknowmee
536 streak #4
Hayy
TakuyaKen
#5
Chapter 31: Anu b tlga si Minju dto hanep bafterp n tropa eh
Maatt_booii #6
Chapter 31: Naku jimin ayusin mo yan ha!!
At ekaw naman minju napaka sus mo jusko, aminin mo na lang kasi na gusto mo si minjeong! Ekaw nga isa sa rason bakit naghiwalay din si jimin at yujin 🙄
iamriou_
1157 streak #7
Chapter 31: Luuuuh. pighati :(
osumnevercease
#8
Chapter 31: ayun lang awts
ryujinie__
689 streak #9
Chapter 31: 💔💔💔😩
ryujinie__
689 streak #10
Chapter 31: Hoooy 😩😩 Hays, sakit naman. Tysm sa UD author 💛